Wika 2
Wika 2
Wika 2
2 Mga antas
3 Mga Kagamitan
3.1.1 Pormal
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit
kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging
ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon,
tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles])
ang wika.[1]
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang
partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
Kolokyal/pambansa.
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o
ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang
ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o
matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa,
tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa
pinagmumulang wika.
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan,
gayundin sa pamahalaan.
Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim,
makulay, at masining.
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap.
Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:
Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay
mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:
mayroon=meron
nasaan=nasa'n
Komunikasyong pasalita
Lingguwistika
Jump up "Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-
Ingles). 1990.
Kategorya: Wika