Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Mga Kakayahang Komunikatibo
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO -Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi
sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika. -Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon, maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap.
Kakayahang Lingguwistiko
Ang kakayahang lingwistiko ay isang kakayahan o katalinuhan sa
larangan ng isang lingwahi. Ang lingwistikong kakayahan ay nag binubuo ng kakayahan nito sa isang wika sa tamang pag bigkas, pag sulat. May ma lalim na kaalam sa isang wika sa pag sulat at sa pag bigkas, na may taglay ng tamang gramatika. Ito ay karaniwang tinatawag na kakayahang istruktural at kakayahang grammatica. Ang kakayahang Gramatikal ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag- unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Sintaks-pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan. Estraktura ng pangungusap Tamang pagkakasunod- sunod ng mga salita .Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, etc.).Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan) .Pagpapalawak ng pangungusap.Karaniwan itong merong simuno at panag-uri. Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag- uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa. - Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Mga Uri ng Pangungusap
Karaniwan - Maganda si Khristiane. - Pumunta si Thom sa palengke. - Gustong maglaro ng basketball ni Nico. Di Karaniwan - Si Allen ay nakatulog sa classroom. - Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Carlo james. - Sina Nieva at Christine ay sumayaw sa kanto.
1. Pasalaysay o Paturol na - Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o
pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok (.). Mga Halimbawa: Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto. Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis. Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay. 2. Patanong -Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito. Mga Halimbawa - Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas? - Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester? - Kanino makukuha ang mga klas kards?