Research Rovie Final Edited

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

Republic of the Philippines

SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY


Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

MGA ESTRATEHIYANG INTERBASYON PARA SA EPEKTIBONG


PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO

Isang Sulating Pananaliksik


Na iniharap kay
Gng. Annie Y. Samarca

The Faculty of Graduate Studies


SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa Pangangailangan ng Kursong
Pananaliksik sa Degree Master of Arts
in Filipino Language Teaching

ROVIE G. SAZ
October 2017
1
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula
Estratehiya - Itoy isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong

paglalahad ng wika at batay sa isang dulog (Anthony, 1963). Kognitibo - Itoy isang

estratehiyang nagbibigay ng istruktura na humihikayat sa pag-unawa at

pagsasaulo ng mga kaalamang pangkaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng

mga estratehiyang nagtutulak upang mabatid ang hangganan ng isip. Sosyo-

apektibo - Itoy isang estratehiyang ang pokus ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang

tao at ang mga pagpapahalagang natutuhan. Teknik - Itoy mga tiyak na gawain

na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong

dulog . Metakognitibo - Itoy teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto, gamit

ang estratehiyang tutugon sa sa panga-ngailangan ng ibat ibang uri ng mag-aaral.

Pagdulog Interaktibo - Tumutukoy sa pagsa-sangkot sa mga mag-aaral sa

makabuluhang interaksyon. Pagdulog Integratibo - Sa pagdulog na ito, malawak

na sinisiyasat mga mag-aaral ang mga kaalaman sa ibat ibang asignatura.

Pagdulog Kolaboratibo - Itoy nakasentro sa mga mag-aaral na sama-samang

gumagawa ng mga gawain. Mga Katangian ng Isang Mabuting Estratehiya: Ang

mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak at madaling maisakatuparan. Itoy

dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga gawain. Itoy nagbibigay

2
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

ng mabuting bunga ng kahihinatnan. Itoy humuhubog sa mabuting pag-uugali at

kaasalan ng mga mag-aaral. Itoy humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Itoy dapat magtaglay ng maraming gawaing pangguro kaysa gawaing pang-mag-

aaral. Itoy umaayon sa makabuluhang kahulugan mga simulain ng pagkatuto at

sa pilosopiya ng pagtuturo.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino. Batay sa Pagdulog Integratibo

Pagtuturong Tematik Itoy pagsasanib ng ibat ibang asignatura upang lalong

mapaunlad at maging higit na makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pagtuturong Batay sa Nilalaman Itoy pagpili ng nilala-man na gagamitin sa

makabuluhang pagtuturo ng wika. Batay sa Pagdulog Kolaboratibo. Brain

Storming Itoy teknik na gumagamit ng imahinasyon at / kritikal na pag-iisip

upang malutas ng isang problema. Simposyum Inilalahad dito ang paksa at

nagsasagawa ng malayang talakayan pagkatapos makapaglahad ng

impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita. Paggamit ng Awtentikong

Materyales ginagamit sa pagtuturo ang mga babasahin mula sa mga polyeto,

magasin, dyaryo bilang lunsaran o inilalaman ng araling ituturo. Estratehiyang

Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip - Itoy pagbibigay ng pagka-kataon sa mga

bata na magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman

buhat sa teksto. Estratehiyang Biswal Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral

ay nakapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula

sa binasa.
3
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ayon kay Allen at Campbell nilinaw nito na ang pagkakaiba ng tatlo sa

How of Teaching ay: 1. Ang estratehiya ay hindi maisasakatuparan kung walang

pamamaraan at wala din mabubuong paglalapat kung hindi magagawa ang isang

method o pamamaraan. 2. Ang istratehiya ay isang hanay ng mga pagpapalagay

upang maiugnay sa proseso ng pagtuturo. Pagiging malinaw na kung saan ito ay

naglalarawan sa likas na katangian ng paksa na itinuro. Ito rin ay nagpapahayag

ng isang punto de bista at pilosopiya. 3. Ang paglalapat ay isang pangkalahatang

plano para sa maayos na presentasyon ng isang aralin, Ang paglalapat ay isang

pamamaraan na kung saan sa loob ng isang isyratehiya, maaaring magkaroon ng

maraming mga pamamaraan o method. 4. Ang istratehiya ay isinasagawa ng

aktwal sa silid aralan.

Pag uuri ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo. Ayon naman kay Kilgore,

ikinategorya ang estilo ng pagtuturo sa dalawang pangunahing paraan: 1. direkta

at 2. hindi direktang mga pagtuturo. Sa direktiya, tinutukoy ang kahusayan ng

pagtuturo kung saan ang guro ay nagbibigay ng mga bagong o mga karagdagang

impormasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng lektyuring, pagpapakita ng

isang pelikula o filmstrip, o pagkuha ng isang pild trip o field trip. Ang hindi

direktang mga pagtuturo ay nagbibigay lamang ng direksyon sa mga guro sa

pagpili ng angkop na pamamaraan na kung saan ang mag-aaral ay magiging

aktibo. Halimbawa: paglalaro ng mga laro na may kaugnayan sa paksa, mga

4
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

pangkatang gawain, pagtatanong, pagsasanay, at laboratoryo. Ayon pa rin kay

Kilgore, may isa pang paraan ng pag-uuri ng pamamaraan ng pagtuturo na lalong

binigyang-diin ang pagkuha ng kaalaman (katalusan) ay kung ang mga ito ay

nagtatagpo sa isang kaalaman tungo sa bagong ideya ng pagkatuto. Ito ay ang

konbergent at daybergent. 1. Ang konbergent ay ang pagkakaroon ng kaalaman

ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga nakukuhang impormasyon. 2. Sa

daybergent naman ay sinasabi na ito ay ang pagkakaroon ng sariling ideya mula

sa kaalamang natutunan. Pagkakaroon ng kahulugan at pagkakabuo ng mga

kaisipang makabuluhan.

Ang bawat isa sa atin ang minimithi ang pagkakaroon na maayos at

magandang daloy ng pagtuturo na paghahangad na maging kalidad na edukasyon

sa ating bansa. Ang bawat guro na nagnanais na matugunan ang ganitong

mabagal na pagkatuto ng ng mag-aaral. Isa sa mga tinitingnan at nabantayan ng

tagapagsaliksik ay ang mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong

pagtuturo at pagkatuto na dapat taglayin ng mga guro lalo na sa sabjek na Filipino.

Sa ganitong kaparaan tiyak na makatutulong upang lalong mapapaunlad ang mga

performans ng mga mag-aaral. Bilang isang guro ay kailangan nating gampanan

ang ating tungkulin at responsibilidad na iangat ang pagkatuto ng ating mga mag-

aaral. Gagawa tayo ng mga hakbangin tungo sa maayos na kinalabasan ng

leksyon ng ating tinuturuang sabjek lalo na sa Filipino. Kaya ating pag-isipan at

5
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

planuhin kung ano ang angkop at bagay na estratehiya o pamamaraang gamitin

para sa isang aktibidad daan tungo sa mas produktib na resulta at kompetatib sa

performans ang mga mag-aaral.

Isa sa mga napapansin ng mga nagtuturo sa asignaturang Filipino na ang

mga kabataan ay hindi interesado sa sabjek na ito. Kaya baguhin natin ang

kanilang mentalidad na masaya at kagalak-galak ang asignaturang Filipino. Kaya

nga mapapansin natin isa sa pinakamababa na nakukuha na grado sa resulta ng

NAT Examination ay ang asignaturang Filipino. Kahit saang paaralan ito ang

problema, ito ay nagpapatunay na kailangan na talagang bigyan ng pansin.

Marami na sumubok na ito ay mabago sa pananaw ng karamihan pero ganun parin

ang resulta kaya sa tulong ng mga estartehiyang interbasyon para sa epektibong

pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Katunayan, ang iba sa mga

estratehiya at interbayong ito ay hindi na bago sa ating pandinig atin lang ito na

lagtaan na gamitin. Katulad lang yan ng isang wika kapag di na natin ginagamit ito

ay nawawala. Bilang tugon at isang guro wag na tayong magbulag-bulagan at

gampanan natin ang ating mga tungkulin at ating na balikatin at gamitin ang mga

epektibong estratehiya wag tayong magtamad-tamaran sa ating pagtuturo. Atin

nga itong sinumpaan na ibigay natin ang ating buong makakaya na ituro sa ating

mga mag-aaral ang ating leksyon. Bilang tugon sa realidad na pangyayari at para

sa kompetatib na mag-aaral hindi lang sa ating bansa kung di pati rin sa ibang

bansa o globalisasyon. Ang mananaliksik ay naglalayon na makatulong man lang

6
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

sa mga guro na nahihirapan o nakalimot na marami palang kaparaan o

estratehiyang mga gawain para mas kaiga-igaya ang pagtuturo sa asignaturang

Filipino.

Ang mga guro ay napakahalaga na pumili at gumamit na may particular na

estilo ang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Filipino. Para

mapaangat, mabisa, at mabilis na pagkatuto ng mga kabataan atin subukan ang

ibang kaparaang estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo. Wag tayong

magpaalipin sa ating nakasanayan lang isipin natin kung ano pa ang ating kaya

maibigay sa kanilang mabilisang pagkatuto sa leksyon. Gayunpaman, nasa guro

pa rin ang pagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na alam niyang

magiging angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng kanyang

mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at

gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Maraming

pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga

pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na

kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham.

Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang

paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik

ang maaring maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos

pa ring mas nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang

7
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito. Dahil na din sa pag-

usbong ng mga makabagong gamit at kasabay na patuloy na pag-unlad ng

teknolohiya ay nagkaroon tayo ng dalawang paraan ng pagtuturo- ito ay ang

tradisyunal at ang makabagong paraan ng pagtuturo.

Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at

nakalakihan. Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng

pagtuturo ay nakapokus sa guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga

mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at

estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga eestudyante. Sa ganitong

sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na maipakita at mahasa ang mga

natatagong angking galling o talent ng mga estudyante sapagkat nasu-

subaybayan sila ng tama ng kanilang guro. May ilan na nagsasabi na ang paraan

ng pagtuturong ito ay isang spoon feeding of knowledge. Nakapaloob dito ang

paggamit ng mga ibat ibang makakapal o maninipis na libro bilang batayan para

sa pag-aaral at maging sa pagtuturo. Mga samut saring libro na pinagkukunan

ng mga impormasyon ng mga guro para maibahagi sa kanyang mga estudyante.

Kasama rito ang mano- manong pagsusulat sa pisara ng mga guro ng kanilang

tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at malilikhaing visual aids ang

kanilang sandata. Dito nagaganap ang normal na ayos sa isang silid aralan, kung

saan ang guro ang nagsasalita sa unahan at ang mga estudyante ang nakikinig

sa kani-kanyang mga upuan.

8
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang

kanyang mga estudyantehinid lamang sa larangan ng akademiko ay gayun na din

sa tamang pag-uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na dapat

makuha ng mga estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga

mag-aaral. Dahil dito mas napapalawak ang komunikataibong kakayahan ng mga

mag-aaral. Gayunpaman, maaring sa paraang ito ng pagtuturo ay

nasusubaybayan ng guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema ring

kakalakip ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na

hindi na napapalawak ng guro ang kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang

ito sa nakalimbag na libro. Kung minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng

maling impormasyon dahil hindi ganun ka-ayos at wasto ang teksbuk na basehan

sa pagtuturo ng isang guro.

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang

mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa

ating panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa ibat ibang pilosopiya na nagtataglay

ng pangunahing kaisipan na iabng iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasay

nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal, at akademikong kasanayan

ang mga mag-aaral.

Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng

mag-aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang

ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking

9
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din sa nasa

makabagong panahon na tayo,, naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-

aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na na mabagal o mahina sa

pagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004), naiisakatuparan ng Multiple Intelligence ni

Dr. Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga

at magtamo ng kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin,

kuro-kuro at damdamin ganun na din sa mga ideyang mayroon sila base sa

kanilang mga nalalaman na naitulong ng teknolohiya.

Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang.

Ngayon ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na angkop

sa makabagong panahong kanilang ginagalawan. Mula kay Vygotsky (1987), ang

mga mag-aaral na handang humarap sa hamon ng edukasyon ay lumalaking

nagagamit ang kayang mga natutunan at nakakadagdag ito sa atas ng

pagpapahalaga niya sa sarili kung sya mismo ang tutuklas ng paraang ito para sa

sarili niya.

Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento na

ang ibat ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan sa mas

magandang kalidad ng edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa

buong mundo. Mayroon na tayong mga personal computers, laptop, tablet ibat

ibang klase ng mga cellular phones, projector, at madami pang iba na tunay na

nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.Hindi na uso ang pagsusulat sa

10
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

pisara o paggamit ng makukulay at may samut saring pakulo sa mga visual aids,

dahil nandyan na ang projector at ang laptop na maaring gamitin upang magpakita

ng presentasyon o mga video para mas maunawaan at maintindihan ng mga

estudyante ang mga leksyon nila. Hindi na din kailangan magkaroon ng

napakadaming libro ng mga guro bilang basehan sa kanilang pagtuturo dahil sa

tulong lamang ng mga computer at ng internet connection madali na silang

makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon nila.

Kahit wala na sa tipikal na isang silid aralan ay maari pa rin na magkaroon ng

interaksyon sa pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa din naman

makakuha ng impormasyon ang mga estudyante sa tulong lamang ng internet

connection. Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga leksyon nilang hindi

nila lubos maintindihan. Maaari din sialng makapagbahagi sa iba ng mga

natutunan nila mula sa kanilang mga guro sa tulong ng mga social networking

sites. Sa parte naman ng mga guro, upang hindi maging boring ang isang

talakayan maaari siyang gumamit ng ibat ibang pakulo sa mga social networking

sites para magkaroon ng isang msayang pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan

niya at ng mga mag-aaral.

Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang di-

maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang

makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan

at mas kaugnay sa realidad na nangyayari sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-

11
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

aaral, ang paraan ng pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo

ang unang rebisyon atang makabagong paraan naman ay ang pinakabagong

rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.

Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang

mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa

kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-

aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya

na ginagamit ng guro. Badayos (2008)

12
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ang pananaliksik sa MGA ESTRATEHIYANG INTERBASYON PARA SA


EPEKTIBONG PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO
ay naglalayong mailahad ang mga metodolohiyang marapat gamitin sa pagtuturo

ng asignaturang Filipino sa mas higit nitong kapakinabangan sa edukasyon. Ang

mananaliksik ay nagkaroon ng ideya upang pag-aralan ang mga makabagong

metodolohiya ng pagtuturo sa Filipino dahil sa kanyang obserbasyon sa mga mag-

aaral kapag ito na ang pinag-aaralan, sila ay tinatamad makinig sa guro, hindi

natututo sa mga aralin at bumabagsak dito gayong ito ay itinuturo sa sariling wika.

Ang mga nasabing problema ay nagbigay sa mananaliksik ng kaisipan sa

pagsasaliksik ng mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo na

kung saan ang mga problemang ito ay masolusyunan at malaman ang interes ng

mga mag-aaral upang ilahad sa mga guro o tagapamahala sa departamento ng

edukasyon na mabigyan ng pansin ang epektibong pagtuturo sa Filipino.

Layunin ng pag-aaral na ito na mapag-aralan ang mga karaniwang

metodolohiyang ginagamit noon at kung ito ba ay dapat o hindi na dapat pang

gamitin sa pagtuturo upang mapaunlad ang mga pamamaraan na naaayon sa

panahon at panlasa ng mga mag-aaral.

13
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Minarapat alamin ng mananaliksik ang isang pag-aaral sa mga

estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa

asignaturang Filipino. Sisikapin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod

na katanungan.

1. Maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng mga estratehiyang

interbasyon para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.

2. Malinang ang wastong mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong

pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino sa paksang tatalakayin.

3. Mapalawak ang pagkatuto sa wikang Filipino na ayon sa interes ng mga

mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isang pag-aaral ang isinagawa ng mananaliksik upang tuklasin ang

makabagong mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo at

pagkatuto sa asignaturang Filipino. Ang mananaliksik ay pumili ng ilang

mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa ikalulutas ng pag-aaral.

14
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay at

makakatulong sa mga sumusunod.

Sa mga Tagapamahala

Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay higit na makatulong sa

tagapamahala ng paaralan upang mapaigting ang makabuluhang pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa pamamagitan ng mga mga estratehiyang interbasyon

para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Sa mga Guro

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga

guro. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga estratehiyang interbasyon para

sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Sa gayon,

magagawa ng mas makabuluhan ang kanilang diskurson sa paksang aralin.

Isang paraan ito na makapagdudulot ng produktibong pagkatuto ng kanilang mga

mag-aaral at matugunan ang nagpapabigat na suliranin na kanilang hinaharap sa

paguturo ng Filipino.

Sa mga Magulang

Sa mga magulang kinakailangan ang kanilang pagsubaybay sa kanilang

mga anak. Bigyan ng panahon at atensyon upang lubos na madagdagan ang

kanilang kaalaman hindi lamang sa pagpapalaki.

15
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Subalit, marapat na maging bahagi sila sa pag usbong ng kaalaman ng mga

anak sa mga asignaturang kailangan ng modernong panahon, bagkus

mapahalagahan ang sariling pinagmulan.

Sa mga Mag aaral

Para sa mga mag aaral, pagtuunan ng pansin ang Filipino sapagkat ito

ang kanilang panitikan at kumikilala sa kanila bilang isang Pilipino. Ang

pagpapahalaga sa sariling wika ang siyang magiging daan tungo sa

ikatatagumpay at nagpapatunay ng lahing pinagmulan. Bagaman, ang pagyakap

sa wikang dayuhan ay marapat din malaman ng bawat isa subalit hindi maaaring

gawing dahilan upang kalimutan ang kinagisnang literature.

Pala-palagay

Ang mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo at

pagkatuto sa asignaturang Filipino ay hindi mabibigyan ng katuturan kung

hindi maalam ang isang guro.

Nasa guro ang ikagaganda ng mga leksyon na pagkakaroon ng epektibong

pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Ang paggamit ng mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong

pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino ay hindi sapat kung walang

maayos na silid-aralan.

16
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Sa edukasyon, ang marapat bigyang-pansin ay ang kakulangan ng

kagamitang panturo lalo sa mga estratehiyang interbasyon para sa

epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Wala ni isa mang pamamaraan ang aangkop sa lahat ng mag-aaral.

Ang lalim ng pagkatuto ay nasa paraan ng pag-uugnay sa nakaraan

Makabubuo ng makabuluhang pagkatuto kung ang mga nakaraang

karanasan at ang makabagong karanasan ay maiugnay sa iba pang

disiplina sa mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo at

pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Sa pagtuturo ng mga metodolohiya, marapat na malawak ang sakop nito

upang ang mga impormasyon ay mabigyan ng kahulugan.

17
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Konsepto ng Pag-aaral

Independent Variable Dependent Variable

Metodolohiya ng Pagtuturo Makabagong Metodolohiya ng


Pagtuturo o mga estratehiyang
1. Paglalapat interbasyon para sa epektibong
2. Pamamaraan pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang
3. Estratehiya Filipino

1. Integrasyon na pamamaraan
2. Aktibidad
3. Demonstrasyon na
Pamamaraan
4. Talakayan
5. Indaktiv at dedaktiv
6. Lekyur

Saklaw ng Pag aaral

Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga mga estratehiyang

interbasyon para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino

Ang tumugon sa pag aaral na ito ay binubuo ng tigdalawang (2) respondanteng

gurong nagtuturo sa bawat level ng Lingig National High School.

18
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Pagbibigay Katuturan sa mga Katawagan

Aspeto. sangkap o bahagi


Daybergent. pagkakaroon ng sariling ideya mula sa kaalamang natutunan
Disiplina. tumutukoy sa asignatura
Estratehiya. mga kagamitan na gagamitin sa pagtuturo
Hinuha. kaisipan sa paksa o pagbibigay ng konklusyon
Integrasyon. pag-uugnay ng dalawa o higit pang asignatura sa iisang paksa

Konbergent. kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga nakukuhang


impormasyon

Lohikal. mahusay na pagsusuri, pag-aanalisa at pag-aaral ng mga ideya


Lupon. isang grupo ng mga tao
Metodolohiya. pamamaraan sa pagtuturo
Pagsasalita. kasanayan ng pagkatuto na kung saan ginagamit ang tunog sa
pagbigkas ng mga salita
Paradigma. ang banghay o balangkas ng isang pag-aaral
Pilosopiya. pagmamahal sa karunungan
Punto de bista. opinyon o palagay
Teknolohiya. elektronikong mga kagamitan; pinagagana ng makina
Teorya. pag-aaral na mayroong basehan at napatunayan

19
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Kabanata 2

KAUGNAY NA PAG AARAL AT PAGSUSURI NG MGA PANITIKAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ilang pagsusuri sa mga

kaugnay na pag aaral. Sa pag aaral ay napag alaman na ito ay may

maitutulong sa bawat pangangailangan ng pang unawa sa kahalagahan ng

pagsasaliksik na ito. Sa kabanatang ito tatalakayin ang independent variables na

kung saan tumutukoy sa metodolohiya ng pagtuturo at ang dependent variables

ay tumutukoy sa makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino lalo na sa

mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa

asignaturang Filipino. Nakapaloob din sa kabanatang ito ang presentasyon ng

balangkas ng pananaliksik o paradima at ang pagbibigay katuturan sa mga

katawagan.

Independent Variables (Malayang Baryabol): Metodolohiya ng Pagtuturo

Ang metodolohiya ay ang pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro

sa kanyang paksa na kung saan mas medaling mauunawaan sa pagtalakay.

20
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ayon kay Battle at Shannon (1968) ang metodolohiya ay tumutukoy

bilang isang hanay ng mga pamamaraan na natutupad ayon sa ilang mga

panuntunan.

Ayon pa rin kina Battle at Shannon, batay sa mga naunang

nabanggit na talakayan, ang mga sumusunod ay pangkalahatang pagpapalagay

tungkol sa pamamaraan ng pagtuturo ay ibinigay:

1. Ang pamamaraan ng pagtuturo ay isang organisado, may sistema at mahusay

na pamamaraan sa nakaplanong hakbang na naglalayong magpabuti ng

pagkatuto ng mga mag aaral.

2. Ito ay isasagawa ayon sa ilang mga panuntunan na kung saan ay karaniwang

sikolohikal, isinasaalang-alang nito lalo na ang kakayahan, mga pangangailangan,

at interes ng mga mag-aaral.

3. Ginagawa upang makamit ang ilang mga tukoy na layunin ng pagtuturo. Upang

gawin na isang epektibong instrumento at ito ay kailangang maging presentable

upang makamit ang mas mataas na pagtuturo at pag-aaral kaya ang paglalaan ng

oras at pagsusumikap.

4. Ito ay dumidirekta sa gabay ng guro at ng mag-aaral sa pamamahala sa

anumang klase ng aralin o gawain.

21
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Pamamaraan ng Pagtuturo mula sa iba pang mga kaugnay na termino

Isang karaniwang pagkakamali sa mga guro ay ang gamitin ang

mapaghahalinhinang termino tulad ng pamamaraan, approach at technique. Ang

tatlong (3) konsepto na ito ay may kaugnayan sa isat isa subalit may natatanging

silang kahulugang tinataglay. Ang Dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng kanilang

pagkakaiba:

Paglalapat

Pamamaraan

Estratehiya

Ang "paano" ng pagtuturo

(How of Teaching)

Batay sa dayagram na ito, malinaw na nagpapakita na ang isang Teknika o


estratehiya (technique) ay isang bahagi ng isang pamamaraan (method) at
paglalapat (approach).

22
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ayon kay Allen at Campbell nilinaw nito na ang pagkakaiba ng tatlo sa


How of Teaching ay:

1. Ang estratehiya ay hindi maisasakatuparan kung walang pamamaraan at wala


din mabubuong paglalapat kung hindi magagawa ang isang method o
pamamaraan.

2. Ang istratehiya ay isang hanay ng mga pagpapalagay upang maiugnay sa


proseso ng pagtuturo. Pagiging malinaw na kung saan ito ay naglalarawan sa likas
na katangian ng paksa na itinuro. Ito rin ay nagpapahayag ng isang punto de bista
at pilosopiya.

3. Ang paglalapat ay isang pangkalahatang plano para sa maayos na


presentasyon ng isang aralin, Ang paglalapat ay isang pamamaraan na kung saan
sa loob ng isang isyratehiya, maaaring magkaroon ng maraming mga
pamamaraan o method.

4. Ang istratehiya ay isinasagawa ng aktwal sa silid aralan.

Pag uuri ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo

Ayon naman kay Kilgore, ikinategorya ang estilo ng pagtuturo sa dalawang


pangunahing paraan: 1. direkta at 2. hindi direktang mga pagtuturo.

Sa direktiya, tinutukoy ang kahusayan ng pagtuturo kung saan ang guro ay


nagbibigay ng mga bagong o mga karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral
sa pamamagitan ng lektyuring, pagpapakita ng isang pelikula o filmstrip, o
pagkuha ng isang pild trip o field trip.

23
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ang hindi direktang mga pagtuturo ay nagbibigay lamang ng direksyon


sa mga guro sa pagpili ng angkop na pamamaraan na kung saan ang mag-aaral
ay magiging aktibo. Halimbawa: paglalaro ng mga laro na may kaugnayan sa
paksa, mga pangkatang gawain, pagtatanong, pagsasanay, at laboratoryo.

Ayon pa rin kay Kilgore, may isa pang paraan ng pag-uuri ng pamamaraan
ng pagtuturo na lalong binigyang-diin ang pagkuha ng kaalaman (katalusan) ay
kung ang mga ito ay nagtatagpo sa isang kaalaman tungo sa bagong ideya ng
pagkatuto. Ito ay ang konbergent at daybergent.

1. Ang konbergent ay ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga mag-aaral sa


pamamagitan ng mga nakukuhang impormasyon.

2. Sa daybergent naman ay sinasabi na ito ay ang pagkakaroon ng sariling ideya


mula sa kaalamang natutunan. Pagkakaroon ng kahulugan at pagkakabuo ng mga
kaisipang makabuluhan.

24
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Narito ang mga kategorya ng mga Metodolohiya ng Pagtuturo:

Mga Metodolohiya

1. Indaktiv and Dedaktiv


2. Lektyur
2.1 Pagbabalangkas
2.2 Pangkatan
2.3 Kapanunuran
2.4 Kahalagahan
2.5 Paglilipat
3. Talakayan
3.1 Pangkatang Gawain
3.2 Partisipasyon
3.3 Pagtuturo
3.4 Diskurson ng Lupon
3.5 Resitasyon
3.6 Interbiyu
4. Pag uulat
4.1 Maramihan/Pangkat pangkat
4.2 Isahan
4.3 Pagbabasa ng kwento
5. Pagsisiyasat
5.1 Laboratoryo
5.2 Paghahawi ng Sagabal/ problem-solving

25
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

5.3 Pananaliksik
5.4 Field Study
5.5 Experimento
6. Aktibidad
6.1 Proyekto
6.2 Field trip
6.3 Dramatisasyon
6.4 Pagsasadula/Role playing
6.5 Pagtatalas - Isip
6.6 Debate
7. Demonstrasyon/ Pagpapakita
7.1 Gawain ng Guro
7.2 Gawain ng Mag aaral
7.3 Gawain ng guro at mag aaral
7.4 Pag imbita ng Tagapagsalita
8. Indibidwal na Gawain
8.1 Epektibong Pagtuturo ng paksa
8.2 Kaalaman sa paggamit ng Pagkatuto
9. Integrasyon
9.1 Lektyur talakayan
9.2 Demonstrasyon lektyur
9.3 Pagpapanuod (Film-showing)
9.4 Pag uulat
10. Tradisyonal
10.1 Mga aklat panturo

26
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

10.2 Pangkalahatang Gawain ng guro


10.3 Pagsasaulo
3. Ang pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo ay maisasakatuparan sa mabisang

pagpaplano.

- Ang isang guro ay marapat na magkaroon ng wastong pagpapasya bago

gawin ang isang bagay sapagkat kinakailangan nitong bigyang pansin ang mga

bagay na maaaring maging sagabal sa pagsasakatuparan ng nilalayong kaayusan

ng pagtuturo.

4. Ang isang guro ay hindi marapat gumamit ng iisang metodolohiya hanggang sa huli.

- Ang paggamit ng isang metodolohiya ay hindi maaaring gamitin ng paulit-ulit

upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral at maiwasan ang kawalan ng

interes ng mga mag-aaral. Mainam na gumamit ng ibat ibang metodolohiya upang

ang mas higit na mapalawak ang pagkatuto.

5. Ang kahusayan ng guro sa pagtuturo.

- Ang isang kaalaman ay nabibigyan ng malalim na kahulugan kung ang guro

ay may mahusay na pamamaraan. Ang tatlong karanasan ng pagkatuto na

marapat gawin ay ang pagkakaroon ng aktwal na pagkatuto na kung saan ang mga

mag-aaral ay magkakaroon ng pagdiskubre sa isang bagay, pangkatang gawain at

indibidwal na gawain na naaayon sa kanilang kakayahan.

27
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

6. Pagkakaroon ng magkaparehong pagpapahalaga estratehiya ng pagtuturo sa

estratehiya ng pagkatuto.

- Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay kinakailangang nakadepende sa

pagkatuto upang ito ay maging ganap na epektibo sa mga mag-aaral.

7. Ang paggamit ng isa mang pamamaraan sa pagtuturo ay nakapagbibigay ng maraming

kapakinabangan.

8. Ang bawat isang pamamaraan ay hind dapat nakatuon sa iisang kaalaman.

- Ang mahusay na pamamaraan ay nakagagawa ng ibat ibang produkto ng

pagkatuto na kung saan ang mga bagay-bagay ay naiuugnay sa isa pang kaisipan

na nakapagbibigay ng iba pang ideya.

Dependent Variable (Di-malayang baryabol): Makabagong Metodolohiya sa

Pagtuturo

Ang mga makabagong metodolohiya ay inuugnay sa patuloy na paglinang ng

kakayahang modernismo na kung saan ang paggamit ng mga teknolohiya ay mabilis na

naipakalat sa buong mundo.

28
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ayon kay Madula (2009), ang makabagong metodo, estratehiya at teknika ay

naaayon sa takbo ng panahon. Ibig sabihin, nababago ang mga pamamaraan ng

pagtuturo sa paglipas ng mga henerasyon upang manatiling buhay at makabuluhan ang

pagtuturo ng isang guro.

Sa kagawaran ng edukasyon, si madula ay nabigyan ng pagkakataon na

magkaroon ng seminar worksyap sa paaralan ng De La Salle ng Maynila. Nilalayon nitong

maturuan ang mga guro ng wastong paggamit ng mga makabagong metodo upang

maging mahusay na tagapagturo ng mga kaalaman lalong higit sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino.

Ang mga makabagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

1. Integrasyon na Pamamaraan

Ayon sa edukasyonal ng sikolohiya, ang layunin ng edukasyon ay linangin ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa isang paksa tungo sa malawak na kaisipan. Ang

pagsasanib ng dalawang asignatura na may kaugnayan sa isat isa.

29
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Ayon pa rin dito, ang mga mag-aaral ay kinakailangang maiugnay ang paksa

sa ibang ideya na kung saan ang intektwal, pisikal, sosyal, emosyonal, at ispiritwal na

aspeto ng pagkatao ay patuloy na magamit tungo sa maayos nitong pag-unlad. Noong

1960, mayroong tinatawag na integration process na kung saan ang mga mag-aaral ay

binibigyan ng konkretong pagkatuto sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-organisado at nagkakaroon ng

makabuluhang katunungan tungo sa ideyang nabuo sa kanilang kaisipan.

2. Nakakapagplano ng mga aktibidad na makasasagot sa mga katungang

inilahad.

3. Naisasagawa ang mga aktibidad na naiplano

4. Ang mga nagawang aktibidad ay nakapagdudulot sa kanila ng karagdagang

karanasan sa pagkatuto.

Ang mga teknika ng integrasyon na pamamaraan ay ang mga sumusunod:

1. Lektyur talakayan

- Tumutukoy sa pagsulat ng mga mag-aaral at ang pagpapalitan ng

mga ideya nito sa guro. Sinasabi sa kagawaran ng edukasyon, ang layunin ng paaralan

30
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

ay malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral at magkaroon ng pagkakataon na

maibahagi ang kanyang kaisipan at mapakinggan ng kapwa mag-aaral at ng kanyang

guro.

Ang pagsusulat at pakikinig ay ang tradisyonal na pamamaraan ng

pagtuturo na ngayon ay hindi na pinapayagan sa edukasyon sapagkat ang pagtuturo ay

mabibigyang katuturan at kahulugan kung ito ay may pagtutulungan sa pagitan ng guro

at ng mag-aaral.

2. Demonstrasyon lektyur

- Sa aklat ng Principles of Teaching ang demonstrasyon ay

kailangan upang maipakita ng makatotohanan ang paksang tinatalakay. Narito ang

hands on sa asignaturang kompyuter na kung saan ang mga mag-aaral ay malayang

naisasagawa ang natutunan sa aralin. Ang kombinasyon rin ng lekyur ay nakatutulong sa

pagbibigay diin sa mga mahahalagang impormasyon.

3. Pagpapanuod (Film-showing)

- Sa patuloy na paghahanap ng kasagutan sa pagtugon ng

makabagong metodolohiya sa pagtuturo, ang mga teknolohiya ay nalikha bilang midyum

ng mga kaalaman at ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng pagtuturo. Ang

pagpapanood ng mga drama, videos at iba pang maaaring maiugnay sa paksang

31
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

tinatalakay ay naghahatid ng makabuluhang pagkatuto lalong higit sa mga mag-aaral na

may kahusayan sa biswal na aspeto.

4. Pag uulat

- Ang pag-uulat ang siyang mahalagang pamamaraan na sinabi ni

Garcia (1989) sapagkat ang pagsasalita ng mga mag-aaral ay nabibigyang pansin upang

maging mahusay na tagapagsalita.

2. Aktibidad

- Ang popular na prinsipyo ng pagtuturo ay ang Learning is by doing na

nangangahulugang ang pagkatuto ay naisasagawa sa mga gawaing kapaki-pakinabang

na magkakaroon ng mahalagang karanasan ng pagkatuto.

Narito ang mga teknika sa aktibidad na pamamaraan:

1. Proyekto

- Maraming nagsasabing ang proyekto ay ang tapos na gawain na

kung saan nilikha ng isang indibidwal. Ngunit, ang proyekto ay hindi lamang natatapos sa

paglikha ng isang bagay kundi tumutukoy sa gawaing pangkalahatan. Sa pagbibigay

kalinawan ng proyekto, sinabi ni Kilpatrick, isang dalubguro, at pilosopiya ang apat na uri

ng proyekto. Ito ang mga sumusunod:

1.1 Proyektong konstruksyon ang paglikha ng isang

32
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

bagay o isang modelo tulad ng paggawa ng isang

laruan.

1.2 Proyektong panglibangan ang isang indibidwal ay

Nagsasadula sa mga tanghalan at programa.

1.3 Proyektong Pangsuliranin Tumutukoy sa

pakikipagkompetensya ng mag-aaral sa klase, sa

mga programang pampaaralan at pagsagot sa

mga pagsusulit.

1.4 Proyektong Pagkatuto Narito ang paggamit ng

mga teknolohiya, isahang pagtuturo o maramihan

(tutoring) at pagsama sa mga organisasyon.

2. Field trip Ang teknikang ito ay naisasagawa ng may mahusay na

pagpaplano. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na matuto sa labas ng silid-

aralan. Sa pag-aaral nina Renner, Staffold at Ragan, ang pagkatuto ay marapat na may

aplikasyon ng sosyal na aspeto upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng pag-

aanalisa, pagtataya at paghinuha.

33
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

3. Dramatisasyon Sa mga pag-oobserba, ang mga mag-aaral ay napag-

alamang mas natututo kung ito ay naipapakita sa pag-arte. Sa katotohanan, ang mga lokal

na sikolohiyang mananaliksik ay naglahad na ang dramatisasyon ay naaayon sa interes

ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.

4. Pagsasadula/Role playing Ito ay nahahawig sa dramatisasyon na

kung saan ang mga mag-aaral ay nagsasadula o nagtatanghal sa entablado. Ngunit, ang

pinagkaiba ng dalawang teknika ay ang role-playing ay isinasagawa na mayroong

kasuotan, paggamit ng mga bagay upang mapaganda ang presentasyon.

5. Pagtatalas - Isip Sinasabi ni Good (1973) na ang pagtatalas-isip ay

ang teknika na kung saan ang mga mag-aaral ay nalayang nakasasagot sa mga katungan

upang mahawi ang mga sagabal ng aralin. Ito ang pag-iisip na naaayon sa kanilang

hinuha upang ibahagi sa klase.

Ayon pa rin sa kanya, ito ay may mga katangiang tinataglay:

5.1 Ang teknika ay nakasentro sa suliranin

5.2 Ang mga kasagutan ay malayang tinatanggap

bilang isang opinyon

5.3 Sa mga opinyon, kukuha ng isang akmang

kasagutan

34
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

5.4 Binigyang halaga ang kasagutan ng lahat

6. Debate Isang pormal na presentasyon ng pagtatalo ng dalawang grupo

sa paksang tinatalakay.

Layunin nitong ilahad ang mga makatotohang impormasyon upang ang mga

manunuod ay magkaroon ng ideya kung ano ang papanigang isyu sa pinapaksa. Sa

debate, ang mga kalahok ay binibigyan ng parehong oras, pagsasalita at paglalahad ng

kanilang nakalap na impormasyon upang idepensa ang kanilang panig sa mga

manunuod. Kinakailangan itong may basehan upang ang ugat ng suliranin ay maipakita

ng makatotohanan.

Sa pag-aaral, ito ay kailangan upang ihanda ang mga mag-aaral sa

pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman, mahusay na pag-aanalisa at tagapakinig na kung

saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-pansin na kanilang magagamit sa pang-

araw-araw na pamumuhay.

3. Demonstrasyon na Pamamaraan Ang teknika na nagbibigay ng makatotohanang

pagkatuto. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na matuto sa pamamagitan ng paghawak

ng aktwal sa modelo tulad ng mga globo sa asignaturang Hekasi, aktwal na eksperimento

sa agham na ginagawa sa laboratoryo at marami pang iba.

Ibinigay naman ni Good ang kahalagahan ng demonstrasyon na

pamamaraan:

35
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

3.1 Ito ay higit na mabisa kaysa sa pagsasalita

3.2 Nilalayon nitong ipakita ng makatotohanan ang

mga itinuturo sa konkretong paraan.

3.4 Ang mga mag-aaral ay magkaroon ng

obserbasyon at malalim na pagkaunawa sa

paksang tinatalakay na hindi magagawa lamang

sa pagsasalita.

4. Talakayan Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro at mga mag-aaral.

Ayon sa aklat na Facilitating Learning, ang mahusay na guro ay may kakayahang gawing

interaktibo ang kanyang klase. Ibig sabihin, ang mga mag-aaral ay mayroong

pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa guro at kapwa mag-aaral. Ayon sa pag-aaral,

lumalabas na ang talakayan ay nakapagbibigay ng makabuluhang pagkatuto at

makabagong karanasan sa guro at sa mga-aaral.

Ang talakayan ay maisasagawa sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Pangkatang talakayan

2. Pangkalahatang talakayan

3. Lupon na talakayan

36
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

4. Talakayan sa klase

5. Resitasyon

6. Interbyu

5. Indaktiv at dedaktiv

1. Indaktiv Ito ay nagsisimula sa ispesipiko papunta sa pangkalahatan

(specific-general).

Ang guro ay nagbibigay ng mga halimbawa tungkol sa paksang kanyang

tatalakayin sa mga mag-aaral. Narito ang pagkakasunod-sunod ng paradima ng indaktiv

na pamamaraan.

1. Pagbibigay ng mga halimbawa

2. Pagbibigay ng mga aktibidad

3. Paglalahad ng hinuha o konklusyon ayon sa

mga teorya na nadiskubre ng mga mag-aaral.

Sa pamamaraan na ito, ang mga mag-aaral ay malilinang ang tatlong Es ng

pagkatuto. Ito ang Explore, Exposure at Experience na sa tagalog ay: Paggalugad,

pagpapakita at pagkakaroon ng karanasan. Bukod dito, ang kurikulum ng edukasyon ay

37
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

mas higit na nalilinang na nagiging daan sa mataas na kalidad ng pagkatuto. Ayon kay

Tandingan, ang mga mag-aaral ay kinakailangang may matutunan bago ito lumabas ng

silid-aralan. Idinagdag pa niya na ang pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral ay dapat

naaayon sa kakayahan ng kanilang pagkatuto. Mula sa magaling hanggang sa hindi

gaanong magaling na maaaring pagsamahin ang upang maturuan ang bawat isa. Ito ay

ang Cooperative Learning Group.

2. Dedaktiv Ito ang kabaliktaran ng indaktiv na pamamaraan. Ang guro ay

nagsisimula sa pagbibigay ng mga alituntunin, impormasyona at teorya. Mula dito, siya ay

magbibigay ng mga pagsasanay at kasunod ang konklusyon o hinuha ayon sa alituntuni,

impormasyon at teorya.

Ang mga impormasyon ay hinihimay-himay upang ang malaman ang

pangkalahatang kaisipan ng paksang tinatalakay. Madalas itong nagsisimula sa mga

katunungan sa paksa.

6. Lekyur Ang pamamaraan na ito ay tumutukoy sa presentasyon ng mga

mahahalagang impormasyon. Ang pagsulat ng mga ideya o kaisipan ang nagbibigay ng

kahalagahan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Narito ang mga paglilinaw sa aralin at

pagtanda sa mga ideyang marapat malaman sa matutunan.

38
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Katulad ng ibang mga pamamaraan sa pagtuturo, ang lektyur ay may mga

hakbangin bago isagawa. Ito ang mga sumusunod:

1. Preparasyon sa lektyur

2. Panimula sa lektyur

3. Pagbibigay sa nilalaman ng lektyur

4. Konklusyon ng lektyur

Basehang Paniniwala

Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong metodolohiya na patuloy na

napahahalagahan ay nakalap at nabigyang kasagutan kung aling metodo o pamamaraan

ang marapat gamitin ng mga guro upang makuha ang intensyon ng mga mag-aaral sa

pagkatuto. Ang paradigmang nasa ibaba ang binigyang basehan sa paniniwala ng pag-

39
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

aaral na sinaliksik ng mananaliksik upang maipabatid sa mga guro ang lumabas na datos

ng pangangalap ng kagamitan sa mga makabagong metodolohiya.

Paradigma ng Pananaliksik

Independent Variable Dependent Variable

Metodolohiya ng Pagtuturo Makabagong Metodolohiya ng Pagtuturo


lalo na sa mga estratehiyang interbasyon
1. Paglalapat para sa epektibong pagtuturo at
2. Pamamaraan pagkatuto sa asignaturang Filipino
3. Estratehiya
1. Integrasyon na pamamaraan
2. Aktibidad
3. Demonstrasyon na Pamamaraan
4. Talakayan
5. Indaktiv at dedaktiv
6. Lekyur

40
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Kabanata 3

PAMAMARAANG GINAMIT

Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang ginamit ng

mananaliksik upang makakuha ng sapat na impormasyon na kinailangan upang

maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Nakapaloob din ang mga hakbang na

isinakatuparan ng mananaliksik at mga pamamaraang istadistikang ginamit.

Pananaliksik na Ginamit

Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makatipon ng mga

datos ay ang survey method. Ang mananaliksik at nangalap ng mga datos sa

pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na kung saan ang mga mag-aaral

na nasa kursong edukasyon ay pumili ng mga angkop na metodolohiya sa

pagtuturo ng Filipino.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng paraang paglalarawan (descriptive

method) dahil ito ay ginawa sa kasalukuyan at gumamit ng surbey na

pamamaraan.Ang nasabing uri ng pananaliksik ay tumuklas sa mga makabagong

metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa sekondarya ng Lingig Nation High

School. Pinili ng mananaliksik ang paaralan na ito upang mas maharap ang pag-

aaral na ito sa madaling paraan ng paghahagilap ng mga respondent upang

mapadali ang sasagawa sapagkat ditto rin mismo nagtuturo ang mananaliksik.

41
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa

Ang mga tumugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Lingig

National High School Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula grade 7

grade 12 ay 1200 ang kabuuan ng mga mag-aaral ang pumapasok sa sinabing

paaralan. Ang tigdalawang (2) mag-aaral ditto bawat level dito ang tumugon sa

pananaliksik na ito.

Pamamahala sa mga Talatanungan

Ang mananaliksik ay naghanap ng mga mag-aaral na tigdalawa (2) na nag-

aaral mismo sa nasabing paaralan . Magkahalo ang tumugon sa talatanungan

upang makakuha ng mga datos, ang mga nagpapakadalubhasa sa Filino na

magtuturo sa sekondarya at mga magtututuro sa elementarya. Ipinaliwanag ang

mga nilalaman ng talatanungang napapaloob sa survey method na ginawa ng

mananaliksik.

Pagtalakay sa Istatistika

Upang higit na maunawaan ang mga nalikom na mga datos ang mga

sumusunod ay gagamitin: (Frequncy) sa bilang ng mga mag-aaral, (respondent)

sa kabuuang bilang ng kasali sa pag-aaral at iminutiplika sa 100 (constant value).

42
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Na ang ibig sabihin ay:

P (Percentage) bahagdan

F (Frequency) kadalasan, kalimitan

N (Numbers of respondent) bilang ng mga nagsitugon

100 (constant value)

Susuriing mabuti ng mananaliksik at bibigyang kahulugan ang mga


nalikom na datos. Ayon sa pormulang ito na nasa ibaba:

Wtd mean = ( F x r )

Wtd = weighted mean

F frequency

- summation of frequency

R rating of options

N number of student

43
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Talahanayan ng Pananaliksik 1:

Mga Metodolohiya Kadalasan (Frequency) Bahagdan (Percentage)


%
1. Indaktiv and Dedaktiv 17 85%
2. Lektyur 17 85%
3. Talakayan 18 90%
4. Pag uulat 15 75%
5. Pagsisiyasat 4 20%
6. Aktibidad 19 95 %
7. Demonstrasyon/ 18 90%
Pagpapakita
8. Indibidwal na Gawain 13 65%
9. Integrasyon 20 100%
10. Tradisyonal 8 40%

F x 100 = %

Sa talahanayan na ito, lumabas na ang mga makabagong metodolohiya

mga estratehiyang interbasyon para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa

44
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

asignaturang Filipino sa Paaralang ng Lingig National High School ay ang mga

sumusunod:

Talahanayan 2:

Mga Makabagong Metodolohiya Bahagdan (Percentage)


Integrasyon 100%
Aktibidad 95%
Demonstrasyon 90%
Talakayan 90%
Indaktiv at Dedaktiv 85%
Lektyur 85%

Konklusyon:

Ang makabagong metodolohiya sa mga estratehiyang

interbasyon para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino,

Sa pagtuturo ng Filipino sa Lingig Natiobal High School ay lumabas sa

pananaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng datos. Sinasabi ng dalawang

talahanayang ipinakita sa itaas na ang mga sumusunod na metodolohiya ay ang

naoobserba sa kasalukuyang kurikulum ng edukasyon.

45
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Sa kabilang dako naman ng pananaliksik, ang mababang

bahagdan ay nakuha ng mga sumusunod na metodolohiya: pagsisiyasat,

tradisyonal, indibidwal na dawain at pag-uulat.

Rekomendasyon:

Ang mananaliksik ay napag-alamang nasa mga metodolohiyang

ginagamit ng bawat guro ang interes ng mga mag-aaral upang mag-aral at

magkaroon ng makabuluhang pagkatuto. Ang mananaliksik ay nagbibigay lamang

ng mga datos kung paanong ang mga guro, tagapamahala ng paaralan, mga nasa

departamento ng edukasyon, sa mga magulang at sa mag-aaral na

makipagtulungan sa mas higit na ikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad

ng pagkatuto hanggang sa susunod pang henerasyon. Ang metodolohiyang

lumabas sa pag-aaral ay dapat na malinang sa mga tagapagturo ng kaalaman

upang ito ay mapakinabangan sa pamumuhay ng mga nagnanais na

magtagumpay.

46
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pagkilala at Pasasalamat i

Paghahandog ii

Talaan ng Nilalaman iii

Kabanata

1. ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO 1-2

Panimula

Paglalahad ng Suliranin 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 2-4

Assumption Pala-palagay 5-6

Konsepto ng Pag-aaral 6

Saklaw ng Pag-aaral 6

Pagbibigay katuturan sa mga Katawagan 7

2. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 8

Independent Variable (Malayang Baryabol) 8-16

Dependent Variable (Di-malayang Baryabol) 16-27

47
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

3. PAMAMARAANG GINAMIT 28

Pananaliksik na Ginamit 28

Paraan ng Pananaliksik 28

Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa 29

Pamamahala sa mga Talatanungan 29

Pagtalakay sa Istatistika 29-31

Konklusyon 32

Rekomendasyon 33

Talasanggunian

48
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

iii

TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Garcia, M.B. (1989).Focus on Teaching.Quezon City:

Rex Printing Company, Inc.

Gregorio, H.C. (1976).Principles and Methods of Teaching.Quezon City:

Garotech Publishing.

Landizabal,A.S., Bustos,A.S., Bucu,L.C. & Tangco,M.G. (1995).Principles and

Method of Teaching.Quezon City: Phoenix Publishing House,Inc.

Salandanan,G.G. (2007).Elements of Good Teaching.Metro Manila:

Lorimar Publishing Inc.

Salandanan,G.G.(2012).Methods of Teaching.Metro Manila:Lorimar Pub. Inc.

Jornals

Adelaida,G.(2013).Without a play,education for young

children is boring. The Modern Teacher. Vol.62.no.01.

Miguel,J.T.(2011).Teach the children the proper use of TV, Video games and

computer.The Modern Teacher.Vol.LX.no.7.

Moreno,A.F.(2013).Motivation and theories.The Modern Teacher.

49
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City

GRADUATE SCHOOL

Vol.61.no.08.

50

You might also like