Kabanata III Djfafjahe.

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, lokasyon ng pananaliksik,

paksa ng pag-aaral, instrumento ng pag-aaral talambuhay ng may-akda.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang paraang ginamit ng mga mananaliksik ay ang anyong kwalitatibo dahil ito ay

nangangailangan ng masusing pag-aaral o pag-aanalisa sa mga pangyayari sa kwento upang mas

lalong maintindihan ang nais na ipahiwatig ng may-akda ukol sa kwento at ang mga aral na

mapupulot sa kwento.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang lokasyon ng pananaliksik ay matatagpuan sa Universidad De Zamboanga-Ipil

Campus na nakatirik sa Sucgang Ave. Brgy. Poblacion Ipil, Zamboanga Sibugay.

Paksa ng Pag-aaral

Ang paksa ng pag-aaral ay tungkol sa “Isang Pagsusuri sa Maikling Kwento na Walang

Panginoon Ni Deogracias .

10
Instromento ng Pananaliksik

Ang ginamit na instrumento ng mananaliksik sa pagtitipon ng iba’t ibang impormasyon o

datos ay ang kompyuter para makapagsaliksik ng karagadagang impormasyon na sa kaugnay na

pag-aaral o literatura, cellphone para sa pakikipagkomunikasyon sa mga myembro o mga taong

nabibilang sa pangkat, flash drive para lagyan ng mga impormasyon o datos na nakalap sa

pananaliksik at mga iba’t ibang aklat sa pananaliksik, at pera para sa mga nakalaan na gastusin sa

isinasagawang pananaliksik.

Talambuhay ng May-akda

Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang

Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na

Rex, Delio, Dante A.Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang

manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang

pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay

ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang

Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga

prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de

Jesus.Pinangalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang

Ibon”, bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng

Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na

manunulat ng maikling kwento para sa akda niyang “Aloha”.


Iinulat niya ang Walang Panginoon na sumasalamin sa pamumuhay ng mga

mamamayang filipino noon.Nakasaad dito ang pang-aapi ng mga mayayaman sa mga

mahihirap.Kamanghamangha ang konsepto na nagawa niya dahil sa malikhaing paggamit ng

tauhan sa kwento,bawat isa ay sumasalamin sa mga uri ng taong nabubuhay sa isang pamayanan.

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang

Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra

maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang

Kwentista.

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26, 1936.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay nakapaloob ang mga pag-aaral at pagsusuri sa maikling kwento na

Walang Panginoon na gawa ni Deogracias Rosario. Ang pagsusuring ito ay nakabatay sa mga

layuning inilahad sa unang kabanata batay sa pagkakaintindi ng mga mananaliksik.

I. Pamagat:

Walang Panginoon

Ni Deogracias Rosario

II. Tema:

Minsan sa pagiging mapagmataas ng isang tao ay humahantong na ito sa puntong

nakakasakit na ng kapwa at naging sanhi ito ng hindi pagkaintindihan at pag-aaway. Pakaisipin

na hindi sa kung ano ang ipinapakita mo sa iba ay siya rin ang babalik sayo. Ika nga , “ Huwag

mong gawin sa iba ang mga bagay na ayaw mong gawin nila pabalik sayo.”
III. Mga Pangunahing Tauhan:

MARCOS - Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit sa asenderong si

Don Teong.

DON TEONG- Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng

kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita.

ANITA- Siya ang kasintahan ni Marcos na namatay dahil kay Don Teong na lubos na ikinagalit

ni Marcos, Anak siya ni Don Teong.

INA NI MARCOS- Siya ang ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sag alit na

nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong.

IV. Buod ng Kwento:

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa

mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni

Marcos. Siya ang dahilan kung bakit nam Iatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at

kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses

nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay

matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong

ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal

at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y

kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang

karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng

pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama

ngloob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos

kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na

si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami

nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang

animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya

naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan,

ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.

Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang

tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng

mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan

kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong.

Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa

bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang

suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa

bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay
na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana,

hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang

matapang na kalabaw.

VI. Simbolo:

Batingaw- Ang animas ng batingaw ay sumisimbolo sa pighati, kalungkutan, at pagdadalamhati

ng mga taong nawalan ng buhay. Ipinatunog ang batingaw noong yumao na si Don Teong upang

ipagbigay alam sa mga mamamayan ang sinapit nito. Kasabay rin nitong ipinahiwatig na tapos

na ang kalupitan nya.

Kalabaw- Ang kalabaw ay ang naging instrumento sa pagpapalabas ng galit ni Marcos na naging

sanhi sa pagkamatay ni Don Teong. Ang gawi ng kalabaw ay siya ring nagpepresenta sa ugali

niya. Kapag nagalit na’y sinisikap na makapaghiganti sa kalaban nito.

V. Bisang Emosyunal:

Galit- Naramdaman namin ang galit sa ginawang pagmamalupit ni Don Teong sa mga taong
umiikot sa kwento. Sa halip na maging modelo at magpalaganap ng kabutihan sa kanilang lugar,
mas pinili niyang pagbuntungan ng galit at inis sa mga taong wala naming ginawa sa kanya.

Awa- nakadama kami ng awa sa mga biktima ng pagmamalupit ni Don Teong. Maging ang
kanyang laman at dugo ay pinaslang niya gamit ang kanyang mapagbuhat na kamay.
Kaluwalhatian- Naramdaman naming ang kaluwalhatian sa kabila ng hinagpis na sinapit ng mga
tao sa kahayupan na dulot ni Don Teong noong pumanaw ito. Muling nabuhay ang hustisya at
karapatang pantao ng mamamayan sa kanilang lugar.

VI. Pagpapahalagang Kultural:

Pagiging matatag- sa kabila ng kalupitan, namamayagpag pa rin ag pagiging matatag ni Marcos


sa pakikibaka niya sa kaniyang tinuring na kalaban.

Pagiging Pursigido- Ipinaglalaban ng protagonist kung ano sa tingin niya ay tama kahit dumating
na sa puntong kinakain na siya ng galit.

You might also like