PANDIWA Modyul
PANDIWA Modyul
PANDIWA Modyul
Layunin:
Makikilala ang ibat-ibang aspekto ng pandiwa ayon sa tamang paggamit.
Kahulugan:
Ang Pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.
Bahagi ng pananalita na nagsasad ng kilos o galaw.
Halimbawa:
Ang konstabularya ay naglunsad ng puspusang pagsugpo sa mga bandido.
Aspekto
- ang tawag sa panahoon ng pagkakaganap ng kilos.
Pawatas
- ang tawag sa mga pandiwang hindi pa nababanghay sa ibat-ibang aspekto.
1. PERPEKTIBO
- Ang kilos ay naganap o nangyari na.
Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Perpektibo
ayon umayon umayon
2. IMPERPEKTIBO
- Ang kilos ay nagaganap o kasalukuyang nangyayari.
Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Imperpektibo
kaway kumaway kumakaway
3. KONTEMPLATIBO
- Ang mga kilos ay mangyayari o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Kontemplatibo
asa umasa aasa
PAGSASANAY:
1. itampok
2. magpakasaya
3. kaltasin
4. pagtakpan
5. magsaya
6. tumulong
7. ikamangha
8. magkasubukan
9. ipagtanggol
10. puntahan
TALAKAYAN II
Layunin:
Natutukoy ang uri ng pandiwa ayon sa layon.
Halimbawa:
1. Umaaraw kanina.
2. Bumabaha ang ilang lugar sa maynila
3. Umuulan ng buhangin sa saudi arabia.
Halimbawa:
Halimbawa:
PAGSASANAY:
Panuto: Isulat ang P kung ang nasa loob ng panaklong ay palipat, at K naman kung ito ay katawanin.
____1. Nagtuturo ng libre sa mga matatandang hindi marunong magsulat at bumasa ang pampublikong
guro.
____2. Masayang naghahabulan ang mga batang-kalye.
____3. Nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo ang mga mag-aaral ng unibersidad ng urdaneta.
____4. Ang mga magkakaibigan ay magtatanghal ng sayaw sa darating na palatuntunan.
____5. Si Lola anita ay nagbabasa ng Bibliya tuwing umaga.
____6. Ang dalawang binata ay seryosong naguusap sa sala.
____7. Nagmungkahi ng bagong teknolohiya sa pagsasaka ng mga kanayon niya si G. andres.
____8. Maagang naktulog si Richie dahil sa sobrang pagod.
____9. Pumunta kami sa simbahan.
____10. Tumatawag sa telepono si Hanna nang dumating ang kaibigan niya.
TALAKAYAN III
POKUS NG PANDIWA
Aralin 3
Layunin:
Makikilala ang bawat pokus ng isang pandiwa ayon sa paggamit.
Pokus ng pandiwa
- ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng ibat-ibang panlapi ng pandiwa sa naging posisyon ng
paksa sa pangungusap.
Halimbawa:
2. Pokus sa Layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”
[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
7 .Pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
“tungo saan/kanino?” [-an , -han , -in , -hin]
Halimbawa:
PAGSASANAY:
Panuto: Salungguhitan ang paksa sa pangungusap at bilugan ang pandiwa. Pag-aralan ang ugnayan
ang paksa at pandiwa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
a. Aktor
b. Gol
c. Lokatib
d. Benepaktib
e. Instrumental
f. Kosatib
TALAKAYAN IV:
KAGANAPAN NG PANDIWA
Aralin 4
Layunin:
makikilala ang ibat-iabang gamit ng kaganapan ng pandiwa.
KAGANAPAN NG PANDIWA
- ang kaganapan ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap.
1. Kaganapang Tagaganap
- Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
2. Kaganapang Layon
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag- aaral, sapangdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap
- Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng
pandiwa.
Halimbawa:
Nanood ng pagtatanghalv sa plasa ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa
ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
6. Kaganapang Direksyunal
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
7. Kaganapang Sanhi
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.
PAGSASANAY:
Panuto: isulat ang kaganapan ng pandiwa ng mga salitang may salungguhit titik lamang ang isulat.
Mga sagot:
Pagsasanay I
Pagsasanay II
1. P 6. K
2. K 7. P
3. P 8. K
4. P 9. K
5. P 10. P
Pagsasanay III
1. A 6. F
2. C 7. D
3. A 8. C
4. D 9. C
5. E 10. D
Pagsasanay IV
1. A 6. D
2. F 7. A
3. B 8. F
4. C 9. E
5. F 10. A