Talambuhay Ni Henry Guhay Dalon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TALAMBUHAY NI HENRY GUHAY DALON

ENERO 18, 1989-KASALUKUYAN

Si Henry Guhay Dalon ay ipinanganak noong ika-18 ng Enero,1989 sa isang simple at


mapayapang bukirin ng Barangay Danlag sa bayan ng Tamapakan probinsya ng Timog Kotabato. Subalit
hindi siya rito lumaki sapagkat palipat-lipat ng tirahan ang kaniyang mga magulang. Siya ang ika-12 at
bunso sa mga lalaki sa labintatlong anak nina Ginoong Sixto Dalon at Lita Guhay,

Ang kanyang mga magulang ay pawang mga purong Blaan (kilala sa palipat-lipat ang tirahan) at
parehong walang pinag-aralan. Dahil sa kakulangan sa edukasyon ay mas pinili nilang manirahan sa
kabundukan at sa Sitio Salnaong, Barangay Datal Blao sa bayan ng Columbio probinsya ng Sultan Kudarat
sila nanatili, lugar kung saan napaliligiran ng matataas na bundok at matatayog na puno kasama ang mga
mababangis na mga hayop. Dito naranasang magbanat ng buto ang pamilya nina Henry, nanirahan sa
maliit na kubo na pinagtagpi-tagpi nang kung ano-anong malalapad na dahon na kapag uulan ay tiyak
mababasa at tutulo. Simple at mahirap ang mamuhay sa bundok subalit masayang nanirahan ang kanyang
pamilya kaakibat nang pagsunod sa tradisyon at kulturang kinagisnan. Subalit may ilan sa mga tradisyon at
gawi ng mga Blaan ang hindi nagustuhan ng kanilang ama kung kaya’t mas minabuti na lamang nilang
bumaba ng bundok at manirahan sa Baranggay Poblacion Tampakan taong 1993. Dito napilitang
mamasukan ang kanyang tatay sa kung anong pwedeng maging trabaho hanggang sa humantong sa
pagwe-jueteng na lamang ang naging trabaho nito.

Maagang nawalay sa Ina si Henry sapagkat taong 1995 eksaktong 5 taong gulang pa lamang ito
ay iniwan na sila ng kanyang Ina at sumama sa ibang lalaki, ang masaklap pa ay sumama ang kanilang Ina
sa lalaking dating asawa ng kanyang kapatid na babae na si Lea. Muling bumalik ang kanilang Ina sa
bundok kung saan sila nanggaling at doon masayang nanirahan kasama ang dating asawa ng kanyang
ate. Masakit at masalimuot ang mga pagkakataon na ito para kay Henry sapagkat wala pa itong muwang
upang maunawaan ang lahat ng mga nangyari. Magkanoon pa man, nanatiling matatag ito kasama ang
kanyang tatay at ang iba niya pang kapatid.

Taong 1996, pumasok ng unang baitang si Henry sa mababang paaralan ng Tampakan Sentral,
sa bayan ng Tampakan, Timog Kotabato at nasa seksyon 6 ito-panghuling seksyon. Mapait ang naging
karanasan dito ni Henry sapagkat salat ito sa lahat. Wala itong notbuk, papel, lapis at kahit uniporme.
Pumapasok itong butas ang shorts at kung hindi ay tadtad naman ito ng pinagtagpi-tagping tela.
Magkaganoon pa man, nagpatuloy naman ito sa kabila ng kahirapan. Nagtapos ito na isa sa mga
pinakamagaling sa klase. Suot ang pinaglumaang pantalon ng kanyang kuya, puting damit na binili na
kanyang guro at puting sapatos na hiniram sa kapitbahay ay umakkyat siya ng intablado upang kunin ang
mga parangal na pinakamagal at pinakamasipag sa klase.

Pagkatapos mismo ng klase ng taong 1997 ay pinagbakasyon si Henry sa bundok kung saan
naroroon ang kanyang mahal na Ina. Ngunit, hindi na ito nakabalik at doon na lamang nag-aral ng
ikalawang baiting sa mababang paaralang primary ng Sitio Salnaong, barangay Datal Blao, Columbio,
Sultan Kudarat. Subalit hindi nito natapos ang ikalawang baiting doon dahil kinuha siya ng kanyang mga
kapatid na lalaki at inilipat sa mababang paaralan ng Danlag, Tampakan, Timog Kotabato kung saan
nanirahan siya sa ninong ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jonathan Dalon. Dahil malayo sa
paaralan ang bahay ay tatlong bundok pa ang kanyang tinatahak at dalawang ilog pa ang kanyang
tinatawid. Maliban dito mapait naman na pamumuhay ang naranasan niya rito sa kamay ng kanyang
tinitirhan. At dahil nakikitira, lahat ng mga pahirap ay naranasan nito. Taong 1998, sa loob ng paaralan, sa
mismong loob ng klasrum ay paulit-ulit na sinasaniban di umano si Henry ng masamang espiritu kung
kaya’t ibinalik siya sa kanyang ama sa Poblacion Tampakan, Timog Kotabato at doon na lamang
ipinagpatuloy ang pag-aaral. Dito ay nadatnan niyang may sakit ang kanyang ama.

Nang sumunod na taon ay bumalik sa mababang paaralan ng Tampakan Sentral si Henry upang
magpatuloy ng pag-aaral. Dahil may sakit na nito ang kanyang ama ay natutong maghanapbuhay si Henry.
Nagbebenta ito ng mga gulay gaya ng talong at sitaw sa mga bahay na madadaanan papuntang paaralan
upang may babaunin. At kapag Sabado at Linggo ay naghahanap ito ng mga nagpapaani ng mais kasama
ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jonathan upang makiani at nang may ipambili ng bigas at ulam.
May pagkakataon na dalawang beses lamang itong nakakakain ng kanin sa loob ng isang lingo sa sobrang
hirap ng buhay. Pumapasok sa klase na walang laman ang tiyan at hindi kumpleto ang uniporme. Subalit
hindi ito tumigil sa pag-aaral at dahil sa pagpupursigeng pumasok araw-araw sa kabila ng kahirapan ay
nabigyan si Henry ng pribilehiyo ng paaralan na pumasok kahit hindi nakauniporme. Pinatakbo siya ng
SSG at nanalo, tungkulin nitong mangulekta sa mga mag-aaral na hindi nakapag-uniporme. Taong 2003,
nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa elementarya. Nakuha nito ang ikalimang karangalan (Third
Honourable Mention) at kumpletong atendans.

Ang taong 2004 ay pinaghalong saya at lungkot, masaya sapagkat nakitaan ng galing at talino ng
isang pribadong kumpanya si Henry kung kaya’y binigyan siya ng isang iskolarsyip hanggang magkolehiyo.
Naging malungkot naman ang taong 2004 para kay Henry sapagkat binawian ng buhay ang kanyang tatay
sa sakit na pneumonia. Simula noon ay nakikitira na lamang siya sa mga kapitbahay upang may matulugan
at makainan. Hindi naging madali para sa kanya ang mamuhay na wala ang kanyang ama. Namasukan, at
nagpakaalipin siya sa kung sino-sinong tao upang magkapera. Sa tulong din ng kanyang mga kaklase at
matatalik na kaibigan ay naitawid nito ang sekondarya. Masaya itong nagtapos ng sekondarya na may
karangalan. Nakamit nito ang ikalimang karangalan (Third Honorable Mention), pinakamagaling sa
asignaturing MAPEH at TLE, at pinarangalan ng medalya at sertipiko ni dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo ng Kultura at Sining.

Taong 2007 ay nag-aral ng Kolehiyo si Henry sa Mindanao State University, dito niya kinuha ang
kursong Batsilyer sa Sining mejor sa Filipino. Nagtapos noong 2011 at sa parehong taon ay
nakapagtrabaho at nagturo sa Kolehiyo ng St. Alexius bilang guro sa mga asignaturang Filipino. Nawalan
naman ng pakapak si Henry taong 2012 nang mamatay ang kanyang Ina sa sakit na arthritis. Subalit bago
ito binawian ng buhay ay nagawa pang ibaba ni Henry ang kanyang butihing Ina matapos ang 50 taong
pananatuili sa bundok. Iginala nito ang Ina sa tatlong mall ng Lungsod ng Koronadal at binilhan ng damit at
gamit pampaganda sa kanyang unang sahod sa pagtuturo.

Pagkatapos ng higit anim na taon na pagtututro sa kolehiyo ay binigyan ito ng uportunidad na


makalipat sa pampublikong paaralan ng KNCHS o Koronadal National Comprehensive High School.
Kasalukuyan itong nagpapadalubasa sa Sining ng Pagtuturo mejor sa Filipino sa Sultan Kudarat State
University, ACCESS Kampus, Lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat. At nagtuturo ng mga asignaturang
Filipino sa Senior High School ng KNCHS.

You might also like