Kasaysayan NG Alpabetong Pilipino
Kasaysayan NG Alpabetong Pilipino
Kasaysayan NG Alpabetong Pilipino
Alibata
Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon nang kinikilalang
isang uri ng alpabeto. Ito ang tinatawag nating Alibata, isang uri ng palaybaybayang
hatid na atin ng mga Malayo at Polinesyo. Sinasabing ang Alibata ay may
impluwensya ng palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang mga
lugar sa Europa at sa Asya.
Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig, gaya
ng makikita sa ibaba:
ANG ALIBATA
Ang bawat titik ng Alibata ay binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng
tuldok (.) sa ibabaw ng titik kapag bibigkasin ang b ng bi.
Nilalagyan ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag bibigkasing bu ang b.
Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala ang bigkas na a sa bawat
titik.
Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.
Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng nakasanayan na ng mga
Pilipino. Ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa
at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan.
Mapapansin na walang titik na E at O sa matandang Alibata. Tatlo lamang
noon ang mga patinig: A, I at U. Nang dumating ang mga Kastila ay saka lamang
pumasok ang mga tunog na E at O dahil sa mga hiram na salitang Kastila namay
ganitong mga tunog. Ang tunog na R ay sinasabing hiram din sa Kastila.
Pagsasanay
1. Maganda si Neneng.
2. Papasok ang bata sa paaralan bukas.
3. Kinikilig ang babae nang makita niya ang kanyang hinahangaang lalaki.
Takdang-Aralin
I. Gumawa ng isang liham pangkaibigan. Ibibigay ninyo ito sa inyong kaibigan. Isusulat
ito sa paraang Alibata.
Ang Abecedario
Nang dumating ang mga Kastila, binago nila ang ating sistema ng pagsulat.
Sinunog nila ang lahat halos ng ating katutubong panitikang nasusulat sa Alibata,
kasabay ng kanilang pagsunog sa sinasambang mga anito ng ating mga ninuno.
Tinuruan nilang sumulat ang mga Pilipino sa pamamagitan ng palatitikang Romano
upang mabisa nilang mapalaganap ang Doctrina Christiana. Ang mga titik Romano
gaya ng alam na natin, ay iba sa mga simbolong ginagamit sa pagsulat sa wikang
Hapon o sa wikang Intsik.
Itinuro ng mga Kastila ang kanilang Abecedario. Ang mga titik ng Abecedario
ay ang mga sumusunod:
A B C CH D
/a/ /be/ /se/ /se-atse/ /de/
E F G H I
/e/ /efe/ /he/ /atse/ /i/
J K L LL M
/hota/ /ke/ /ete/ /elye/ /eme/
N Ñ O P Q
/ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/
R RR S T U
/ere/ /doble ere/ /ese/ /te/ /u/
V W X Y Z
/ve/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /zeta/
Mga Patiniog: E at O
Mga Katinig: C, F, LL, Q, V, R, Z, CH, J, Ñ, RR, X
Pagsasanay
I. Basahin ang talata sa ibaba. Isulat sa baybay-Filipino ang mga salitang nasa loob ng
panaklong.
1. ___________________ 5. ________________
2. ___________________ 6. ________________
3. ___________________ 7. ________________
4. ___________________ 8. ________________
II. Baybayin nang pasalita gamit ang alpabetong Abecedario ang mga sumusunod:
1. lluvia (ulan) 6. mantecado (icecream)
2. beso (kiss) 7. navidad (christmas)
3. amor (pag-ibig) 8. corazon (puso)
4. leche (gatas) 9. esperanze (pag-asa)
5. bizcocho (biscuit) 10. embutido (sausage)
Nang matapos ang pananakop ng mga Kastila noong 1898, humalili naman ang
mga Amerikano. Dahil sa ang pinakamahalagang pokus ng pamahalaang Amerikano
ay edukasyon ng mga Pilipino, naging sapilitan ang pag-aaral ng wikang Ingles.
Itinuro ng mga gurong Thomasites ang alpabetong Ingles na may 26 na titik, tulad ng
mga sumusunod:
A B C D E F
G H I J K L
M N O P Q R
S T U V W X
Y Z
Ang Abakada
A B K D E G H I L M N NG
O P R S T U W Y
Sa dalawampung titik na ito’y lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang katinig.
Ang mga katinig ay may tig-iisang tawag at bigkas lamang na laging may tunog na a
sa hulihan. Gaya ng pagbaybay nang pabigkas sa mga salitang sumusunod:
Pagsasanay
I. Baybayin nang pa-Abakada ang sumusunod na mga salita:
1. totoo 6. pakikipagsapalaran
2. pakikipagtalastasan 7. nakikipagkomunikasyon
3. panitikan 8. tsuktsaktsinis
4. gulang 9. hikayatin
5. kompyuter 10. magsanduguan
Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. Ang tawag sa mga letra ay ayon
sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila. Ang walong
(8) letra na dagdag ay galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa mga iba pang
wika.
A B C D E F G H I J K
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/
L M N Ň NG O P Q R S T
/el/ /em/ /en/ /enye/ /enji/ /o/ /pi/
/kyu/ /ar/ /es/ /ti/
U V W X Y Z
/yu/ /vi/ /dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/
Pagbaybay
Pasulat Pabigkas
Salita boto /bi-o-ti-o/
bote /bi-o-ti-o/
titik /ti-ay-ti-ay-key/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
Roxas /kapital ar-o-eks-ey-es/
Simbolong Pang-agham/
Matematika Fe /ef-i/
H2O /eych-tu-o/
Lb. /el-bi/
Kg /key-ji/
V /vi/
Pagsasanay
I. Baybayin ang mga sumusunod na salita sa pasalitang paraan.
1. simbahan 6. nagdadasal
2. Biblia 7. Michael
3. bait 8. DOST
4. Mr. Miguel 9. Dr. Maulion
5. Joshua 10. Zimbabwe
3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang
wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino. Dito ginagamit ang prinsipyo sa Filipino
na kung anong bigkas ay siyang baybay at kung ano ang baybay ay siyang basa.
4. Gamitin ang mga letrang C,N,Q,X,F,J,V,Z, kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon
sa mga sumusunod na kondisyon:
a. Pantanging ngalan
Quirino Canada Zamboanga City
John Valenzuela City Ozamiz City
Ceneza Bldg Qantas Airline El Nino
2. Ang mga letrang F,J,V,Z, lamang na may tiyak na fonemik na istatus ang gagamitin
sa ispeling ng mga karaniwang salitang hiram upang hidi masira ang tuntunin ng isa-
isang tumbasan ng tunog at letra na katangian ng umiiral na sistema ng fonemik na
ispeling sa Filipino. Narito ang mga tiyak na tuntunin:
Panatilihin ang letrang C kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Calculus, carbohydrates, champagne, Carlos, chlorophyll
C Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may C, palitan
ang C ng S kung /s/ ang tunog, at ng letrang K kung /k/ ang
tunog
Hal. Partisipant, sentral, sirkular, sensus, keyk, kard, magnetik
Panatilihin ang letrang Q kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Quartz, Quirino, quantum, opaque
Q Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may letrang
Q, palitan, ang Q ng KW kung ang tunog ay /kw/; at ng letrang
K kung ang tunog ay /k/
Hal. Kwarter, korum, sekwester, ekwipment, kota, kerida
Panatilihin ang letrang Ñ kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. El Nino, La Tondena, Malacanang, La Nina, Sto. Nino
Ñ Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may letrang
Ñ, palitan ang Ñ ng mga letrang NY
Hal. Pinya, banyo, panyo, karinyosa, kanyon, banyera
Panatilihin ang letrang X kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. axiom, xylem, praxis, Marxism, xenophobia, Roxas, fax,
X exit, taxi
Kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang
X, palitan ng KS kung ang tunog ay /ks/; at ng letrang S kung
ang tunog ay /s/
Hal. teksto, eksperimental, taksonomi, eksam, serok
Alibata
Ang Baybayin or Alibata (alam sa Unicode bilang Tagalog script) ay isang katutubong
paraan ng pagsulat ng mga Filipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay
hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Ito ay bahagi ng sistemang Brahmic
(na nagsimula sa eskriptong Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito
ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19
siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at
Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang
nangangahulugan ng pagbigkas ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.
Paggamit
Sa orihinal na anyo, ang isang nagsosolong katinig (isang katinig na walang kasamang
patinig) ay hindi maaaring isulat. Ito ay dahilan kung bakit ang Kastilang pari na si Francisco
Lopez ay nagpasimula ng paggamit ng mga kudlit sa kanyang pagsasalin ng mga aklat sa
katutubong wika. Noong 1620, nagsimulang gamitin ni Father Francisco Lopez ang kanyang
sariling mga kudlit na nag-aalis ng mga patinig sa mga katinig. Ang ginamit niyang kudlit ay
nasa anyong "+", bilang pag-ukoy sa Kristianismo. Ang simbolong "+" ay ginagamit din sa
katulad na dahilan sa virama sa eskriptong Devanagari ng India.
Tunog
Unicode
Ang eskriptong Baybayin ay bahagi ng pamantayang Unicode. Sa Unicode, ito ay tinatawag
na Tagalog script at binigyan ng mga bilang na 1700-171F.