Documents - Tips Gabay Sa Guro Baitang7 Ikatlong Markahan 08032012
Documents - Tips Gabay Sa Guro Baitang7 Ikatlong Markahan 08032012
Documents - Tips Gabay Sa Guro Baitang7 Ikatlong Markahan 08032012
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Davao
Lungsod ng Davao
I. PAKIKINIG : Makinig sa tekstong babasahin ng guro. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit naging natatangi ang baranggay ni Datu Ramilon sa Negros?
A. Maunlad ang baranggay ni Datu Ramilon kaysa sa ibang baranggay.
B. Sa pagkakaroon ng isang matapang at mabait na pinuno.
C. Nagkakaisa ang mga mamamayan sa kanilang baranggay.
D. Mapayapang namumuhay ang mga mamamayan sa kanilang lugar.
2. Ano ang inihandog ni Laon kay Datu Ramilon?
A. armas C. tauhan
B. dote D. karunungan
3. Bakit nagbigay ng handog si Laon kay Datu Ramilon?
A. Bilang regalo sa nalalapit na kasal nila ni Kang.
B. Kabayaran sa pagpayag ni Datu Ramilon.
C. Simbolo ng pagkakaisa ng dalawang baranggay.
D. Tanda ng pagiging mayaman.
4. Sino ang hindi inaasahang bisita sa kasal nina Kang at Laon?
A. Datu Ramilon C. Laon
B. Kang D. Datu Sabanum
5. Bakit kinilalang Bundok Kanlaon ang maliit na burol na lumitaw sa pinaglibingan nina
Kang at Laon?
A. Ito ang ibinigay na pangalan ng datu.
B. Tila mukha nina Kang at Laon ang hugis ng bundok.
C. Pag-alala sa pag-iibigan nina Kang at Laon.
D. Madalas na magtagpo ang dalawa sa lugar na iyon.
II. PAGPIPILI : Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.
(1) Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw, ang ginaw,
katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat
mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.
(2) Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyak na
naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Tulad ng
dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan.
Mula sa kuwento ng “Panamilit sa kabatan-on ni Santiago Pepito, salin ni Nazareno D. Basa
Pahina 1 sa 6
8. Ang ikinabubuhay ng mga Subanon?
A. pagsasaka C. pangangaso
B. pangingisda D. pagkakaingin
9. Bahagi na ng kultura ng mga Subanon ang _________________
A. ipaglaban ang kanilang pag-aari.
B. mamuhay ng mapayapa.
C. mag-alaga ng mga hayop.
D. manirahan sa kabundukan.
10. Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay nang humarap sa akin. Ito’y nangangahulugan na
A. galit na galit ang tatay.
B. totoong naiinis ang tatay.
C. nag-aanyong apoy ang mga mata ng ama.
D. nagkulay apoy ang mga mata ng ama.
11. Sinuway ni Celso ang tagubilin ng amang si Tomas kaya siya ay napagbuhatan ng kamay
ng ama.
A. napangaralan C. nasaktan
B. napagalitan D. napagsabihan
12. Ikinuwento ni aliguyon sa kaniyang naging anak ang bakas ng kanilang kahapon ng
kanyang asawa. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang pahayag?
A. nakaraan C. kapalaran
B. ikot ng kanilang mundo D. pangarap
13. Duguan ang tinig ni Solaiman nang maging bulaklak si WalingWaling. Ano ang kahulugan
ng salitang duguan ang tinig.
A. masama ang loob C. umiiyak
B. nagdamdam D. galit na gait
14. Tila nadala si Magayon sa matamis na dila ni Ulap. Ano ang ibig sabihin ng matamis ang
dila?
A. mahusay magsalita C. palabiro
B. mabait D. matiyaga
15. Ang paghingi sa kamay ng iniibig ay isa sa mga kaugaliang Pilipino na sinusunod mula
noon hanggang sa kasalukuyan. Ang nakasalungguht ay nangangahulugan ng paghingi
ng pahintulot sa magulang na _______________
A. mapakasalan ang anak na babae.
B. maligawan ang kanilang anak.
C. maanyayahan sa isang pagtitipon ang anak.
D. maging ninang ang anak sa binyag
16. Sinubukan ng mga sundalo na tapusin na ang giyera sa Marawi. Ang salitang sinubukan
ay mula sa salitang-ugat na _____________
A. buka C. sinubok
B. buksan D. subok
17. Maituturing na kabayanihan ang pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit. Ang
salitang kabayanihan ay mula sa salitang-ugat na _________________
A. ani C. bayani
B. bayan D. kabayan
18. Kapayapaan ang hangad ng bawat tao. Ang salitang kapayapaan ay binubuo ng
salitang-ugat at mga panlaping __________________
A. pa- at -an C. ka- at -an
B. ka- at -han D. pa- at -yan
19. Ang mga salitang (1.). inis, (2.) galit , (3.) tampo ay magkasingkahulugan. Ayusin ang
tatlong salita ayon sa digri nito, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na
digri o antas.
A. 3-1-2 C. 1-3-2
B.1-2-3 D. 3-2-1
20. Ano ang tamang ayos ng pagkakasunod -sunod ayon sa kasidhian ng mga salitang
(1.) tawa, (2.) ngiti, (3.) halakhak? Ayusin ang tatlong salita ayon sa digri nito, mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas na digri o antas.
Pahina 2 sa 6
A. 1-3-2 C.3-2-1
B. 2-3-1 D. 2-1-3
21. Ang tamang ayos ng pagkasunod-sunod ng mga salitang (1.) hagulgol, (2.)hikbi, (3.)iyak
mula sa pinakamababa hangggang sa pinakamataas na digri ay . . .
A. 3-2-1 C. 3-1-2
B. 2-3-1 D. 2-1-3
24. Sa pangungusap na “At sa’n ka na naman pupunta? Gabing - gabi na.” Alin sa
sumusunod na salita ang nasa antas balbal?
A. gabing-gabi na C. pupunta
B. na naman D. sa’n
25. Natalo ang mga nilalang na may maiitim na budhi. Anong antas ng wika ang
nakasalungguhit sa pangungusap?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pormal
26. “Nag-crayola siya nang mawala ang kanyang cellphone”. Anong salita sa loob ng
pangungusap ang nasa antas balbal?
A. cellphone C. nang
B. nag-crayola D. mawala
27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng isang alamat?
A. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga ninuno.
B. Makatotohanan ang mga pangyayari.
C. Nagpapakita ng kaugalian at kultura ng isang lugar.
D. Naglalahad ng pinagmulan ng bagay-bagay.
28. Perla : Alam mo Mica, gusto kong maging _____ ni Sarah sa pagkanta.
A. magkasinghusay C. mahusay
B. kasinghusay D. pinakamahusay
29. Mica: Ganun ba? Dapat mag-ensayo kang mabuti upang makamit mo ang iyong gusto.
Pero pansin ko __________ rin kayo.
A. magkasingganda C. kasingganda
B. higit na maganda D. lalong maganda
30. Perla :Talaga? Si Sarah ay magaling at nagsikap talaga kaysa kay Anina na dahil sa
mayaman ay agad-agad na nagka-album. Yun nga lang _____ na magaling si
Sarah.
A. lalo C. tiyak
B. ubod D. higit
31. Mica: Ayan ka na naman. Hindi na mahalaga kung sino ang unang nagkaroon ng album.
Ang importante ay _____ silang sikat ngayon.
A. pareho C. tiyak
B. talaga D. katunayan
Pahina 3 sa 6
32. __________ hindi pinabayaan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at biktima ng
kaguluhan sa Marawi.
A. Tunay C. Tiyak
B. Totoong D. Katunayan
33. Ipinagpaliban ng pangulo ang eleksiyon para sa barangay __________ pinirmahan na niya
ang isang Executive Order para sa pagpapaliban nito.
A. sa katunayan C. totoo
B. tunay D. talaga
34. Karamihan sa mga tsuper ng taxi sa Davao ay __________ matapat dahil isinasauli nila
ang mga naiiwang gamit ng mga pasahero sa kanilang sasakyan.
A. sa katunayan C. talagang
B. tunay D. tiyak
35. Ninais ng mga datu na wakasan ang kasamaan ng kanilang sultan kaya gumawa sila ng
paraan._____, nagpulong sila nang palihim. Pangalawa, humingi sila ng tulong kay
Datu Sumakwel .
A. kaya C. Samakatuwid
B. dahil D. Una
36. Kinamkam ng sultan ang kayamanan ng kanyang nasasakupan , ________ siya ay
maituturing na corrupt na pinuno.
A. sa madaling salita C. halimbawa
B. subalit D. totoo
37. __________, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiburong, ay nais halayin at angkinin ng
masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao kaya
nagbalak ang magigiting na datu na manlaban sa sultan.
A. Isang araw C. Samakatuwid
B. Kaya D. Samantala
38. Naging mahirap para kay Gina ang pagsagot sa mga tanong _____ palaging niyang
pagliban sa klase.
A. at C. kasi
B. dahil sa D. sapagkat
Usahay magadamgo ako
Nga ikaw ug ako nagkahigugmaay
Mula sa awiting “Usahay”
39. Ano ang kaisipan na nais iparating ng nabasang awitin?
A. Binabalewala ng taong minamahal.
B. Hanggang panaginip na lang ang lahat.
C. Napanaginipan ang taong minamahal.
D. Nangangarap ibigin ng taong minamahal.
“Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak.”
Mula sa awiting “Pipit”
40. Ano ang kaisipan na nais iparating ng nabasang awitin?
A. Maaaring mamatay ang ibon kapag napabayaan.
B. May anak na mauulila kapag siya’y namatay.
C. Nakakaawa ang kalagayan ng ibon.
D. Umiiyak ang isang pipit.
“Huwag magalit, kaibigan,
Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan”
41. Ano ang kaisipan na nais iparating ng nabasang bulong?
A. Paghingi ng pahintulot bago putulin ang isang puno.
B. Huwag masaktan ang nagpaputol sa puno.
C. Hindi makatanggi sa utos.
D. Pag-utos na putulin ang puno.
Ang mga Subanon ay nagsasagawa ng maraming ritwal. Isa sa mga ritwal na kanilang
ginagawa ay ang “tumutud” ay isinasagawa sa panahon ng pagtatanim kung saan isang baboy
ang ikinakatay bago ang ritwal ng pagtatanim.Isinasagawa rin nila ang ritwal ng “mashanona”
bilang pasasalamat kay Apo Megbebaya sa kanilang masaganang ani.
Pahina 4 sa 6
42. Makikita na ang mga Subanon ay ______________
A. mahilig sa mga kasiyahan.
B. may pananampalataya sa kalikasan.
C. marunong magpasalamat sa mga biyaya
D. may katungkulan sa pagsasagawa ng mga ritwal.
43. Ang mga Pilipino ay maraming ipinagdiriwang na mga okasyon, kabilang dito ang
kaarawan, Pasko, at Bagong Taon. Masasabing ang mga Pilipino ay . . .
A. mahilig sa kasiyahan C. mahilig magbigay ng regalo
B. maraming pera D. mahilig kumain
A. 2-3-4-1 C. 3-1-4-2
B. 2-4-3-1 D. 1-3-2-4
Para sa mga Bilang 46-50
Itong puno’y ating kaibigan
Kasama tuwing mag-iinuman
Isakbat ang kawit, punuin ng tuba
Tuba lamang ang tunay na kasiyahan.
Mula sa awiting-bayan na “Niyog”
46. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang nahihilig sa pag-inom ng tuba?
A. Mura lamang ito kaysa sa ibang inumin.
B. Mas masarap ito kaysa sa ibang inumin.
C. Mas magaan ito sa katawan.
D. Nakasanayan na nila ang uminom ng tuba.
47. Sa iyong palagay, bakit tinatawag ang puno ng niyog na PUNO NG BUHAY (Tree of
Life)?
A. Nakagagaling ang prutas nito ng iba’t ibang sakit.
B. Maraming pwede magawa sa puno ng Niyog.
C. Maaaring makagawa ng bahay mula sa puno ng Niyog.
D. Lahat ng bahagi ng puno ng Niyog ay may silbi.
48. Sang-ayon ka ba sa linyang, “ tuba lamang ang tunay na kasiyahan”?
A. Oo, dahil nawawala ang problema ng isang taong umiinom ng tuba.
B. Oo, dahil kasama ang mga kaibigan kapag umiinom ng tuba ang isang tao.
C. Hindi, dahil marami pang ibang bagay ang maaaring magbigay ng kasiyahan sa
isang tao.
D. Hindi, dahil nakakalasing ang inuming tuba.
Pahina 5 sa 6
49. Nakaugalian na ng mga Pilipino ang pag-inom ng alak sa tuwing may okasyon o
pagdiriwang. Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay at maraming sakit ang maaaring
makuha sa pag-inom ng nakalalasing,dapat bang panatilihin ang ganitong uri ng
tradisyon?
A. Oo dahil bahagi na ito ng tradisyon ng mga Pilpino.
B. Hindi, sapagkat nagiging simula ng gulo sa pagitan ng mga nag-iinuman.
C. Oo, dahil paminsan-minsan lang naman kung may pagdiwang.
D. Hindi, dahil magiging malungkot ang pagdiriwang kung walang inuman.
50. Bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng kapistahan. Sa iyong
palagay, dapat pa bang panatilihin ang magarbong pagdiriwang ng kapistahan ?
A. Hindi, dahil maaari namang magdiwang kahit sa simpleng paraan lamang.
B. Oo, dahil minsan lang naman ito sa isang taon.
C. Oo, dahil mas magarbong pagdiriwang, mas masaya..
D. Hindi, dahil hindi naman ito mahalaga.
Pahina 6 sa 6