Lesson Plan Pang Uri

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pang-uri

A.Subject Name:Filipino 5

B.Lesson Reference No.4

C.Lesson Title: Pagkilala at Paggamit sa mga Pang-uri

D.Lesson Description:

1.Makilala ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap.

2.Magamit ang mga pang-uring naglalarawan ng tao, bagay at pangyayari sa

pagsasalaysay ng sariling karanasan.

E.Learning Outcomes:

1.Nakilala ang mga pang-uring ginagamit sa bawat pangungusap.

2.Nagagamit ang mga pang-uring naglalarawan ng tao,bagay at pangyayari sa

pagsasalaysay ng sariling karanasan.

F.Learning Presentation:

1.Balik-aral:

Piliin ang mga salitang nagbibigay kilos sa sumusunod na pangungu-

sap.

a.Ako ay namili ng mga prutas sa palengke.

b.Kami ay pupunta sa Maynila.

c.Maglalangoy sila sa swimming pool bukas.

d.Ang mga bata ay naglalaro sa likod ng aming paaralan.


2.Pagganyak:

Tingnan mo ang larawan ng bulaklak sa website link na ito.

http://wp.li.ru/flowers/flowers_001.jpg

Ano ang masasabi mo sa larawang nakita mo?

3.Paglalahad:

Basahin at pansinin sa bawat pangungusap ang mga salitang naglala-

rawan.

a.Napakalawak na lupain ang aming nakita sa Mindanao.

b.Mga bulaklaking halaman ang mga nasa aming bakuran.

c.Ang tubig sa ilog ay malinaw at malamig.

d.Matamis ang santol na aking kinain.

e.Ang pamilya nila ay masayang namasyal sa Baguio.

4.Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

a.Anu-ano ang salitang naglalarawan sa binasa mong mga pangungu-

sap?

b.Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan?

5.Tingnan mo ang larawang makikita sa website na ito.

http://wp.li.ru/flowers/flowers_001.jpg

Ilarawan mo ito upang magamit mo ang mga salitang naglalarawan at isulat

mo sa malinis na papel.

G.Learning Activity:

Suriing mabuti ang bawat pangungusap at kilalanin ang mga salitang

naglalarawan sa pangngalan o panghalip na ginamit sa bawat pangu-

sap.
1.Mayaman sa kultura ang ating bansa.

2.Sagana tayo sa mga kwentong-bayan, alamat at salawikain.

3.Iba't-iba ang ating mga napakinggang kwentong-bayan.

4.Dito ipinakikita ang pagkamasayahin ng mga Pilipino.

5.Maraming bayani ang namatay alang-alang sa bansa.

H.Learning Evaluation:

Pagkatapos mong natutuhan ang aralin ngayon ay sagutin mo ang mga ta-

nong sa website link na ito:

http://www.prongo.com/quizstation/testquiz/

Gamitin mo ang class key tsidamon at class password na 1234567.

Ito ay tungkol sa pang-uri.

I.Assignment:

Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na salitang naglala-

rawan.

1.masarap

2.mahinhin

3.mabait

4.matulin

5.maalinsangan

posted by Thelma C. Sidamon @ 6:03 PM 0 comments

monday, may 01, 2006

Pinagkukunang-yaman at Halaga Nito

A.Subject Name:Filipino 5
B.Lesson Reference No.1

C.Lesson Title:Pinagkukunang-Yaman sa Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino

D.Lesson Description:

.Naibibigay ang kahalagahanng pinagkukunang-yaman sa hanapbuhay ng mga unang

Pilipino

E.Learning Outcomes:

Napahahalagahan ang kahalagahan ng pinagkukunang-yaman sa hanapbuhay ng mga

unang Pilipino

Naipakikita ang mahusay na paggamit ng mga yaman tungo sa pagpapaunlad ng

kabuhayan ng pamilya

F.Learning Presentation:

1.Balik-aral:

Anu-anong likas na yaman ang nakikita sa ating paligid? Ano naman

ang hanapbuhay6 ng mga tao sa ating lugar?

2.Iparinig sa mga bata ang mga awiting tulad ng Kapaligiran at Tayo'y

Magtanim.

Sagutin ang tanong na ito:Ano ang pamagat ng awiting ito? Tungkol saan

ang awitin?

Ipaawit muli habang nagmamartsa.

3.Tingnan ang mga larawan sa web na ito.

http://www.visitplacer.com/nature_trails.htm
Anu-ano ang mga nasa larawan?

Anu-anong likas na yaman ang nakikita sa ating paligid?

4.Tingnan ang mga larawan sa web na ito.

http://dnr.state.il.us/

Anu-anong hanapbuhay ng mga tao sa lugar na ito?

Paano nila mapangangalagaan ang mga pinagkukunang-yaman?

Ano ang kahalagahan ng mga pinagkukunang-yaman?

G.Learning Activity:

1.Sagutin ang sumusunod na tanong:

a.Saan nagsimula ang ikinabubuhay ng mga tao?

b.Anu-ano ang ginagaw ng mga naninirahan sa tabing-ilog para sila

mabuhay?

c.Paano naman nabuhay ang mga unang Pilipino na naninirahan sa

bundok gubat at ano ang kanilang gingawa?

d.Anu-ano ang ginawa ng mga unang Pilipino na naninirahan sa kapatagan

upang umunlad ang kanilang pamumuhay?

e.Paano napaunlad ang pagsasaka?

2.Isulat ang tamang sagot sa malinis na papel.

H.Learning Evaluation:

Sagutin ang sumusunod na tanong sa web na ito.

http://www.prongo.com/quizstation/testquiz/: Gamit ang class

key tsidamon at password na 1234567.


I.Assignment:

Itala ang likas na yaman na matatagpuan sa inyong lugar.

Isulat sa isang malinis na papel.

1.Yamang Lupa

2.Yamang Tubig

3.Yamang Gubat

posted by Thelma C. Sidamon @ 7:28 PM 0 comments

wednesday, april 26, 2006

Salitang-ugat at Panlapi

A.Subject Name:Filipino 5

B.Lesson Reference No.3

C.Lesson Title:Pagtukoy sa mga salitang-ugat at panlapi ng mga salita

Pagbuo ng mga salita sa pamagitan ng salitang-ugat at panlapi

Pagsulat ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga salitang nabuo

ng mga salitang-ugat at panlapi

D.Learning Description:

1.Matukoy ang salitang-ugat at panlapi ng mga salita

2.Makabuo ng mga salita sa pamamagitan ng salitang-ugat at panlapi

3.Makasulat ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga salitang binuo ng

salitang-ugat at panlapi

E.Learning Outcomes:
1.Natutukoy ang salitang-ugat at panlapi ng mga salita

2.Nakabubuo ng mga salita sa pamamagitan ng salitang-ugat at panlapi

3.Nakasusulat ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga salitang binubuo ng

mga salitang-ugat at panlapi

F.Learning Presentation:

1.Balik-aral:

Anu-ano ang iba't-ibang bahagi ng pananalita?

2.Pagganyak:

Laro:

Hatiin sa dalawang ang klase. Ang unang pangkat magbibigay ng

mga salita na ginagamitan ng salitang-ugat at panlapi. Ang ikala-

wang pangkat ang siyang magsasabi kung anu-ano ang mga salitang-

ugat at panlaping ginamit sa mga salita.

Halimbawa:

magluto umiyak lumilipad

3.Paglalahad:

Basahin ang sumusunod na mga salita:

pag-ibig umakyat

lumukso maglaro

malakas sumipa

Paano nabuo ang mga salitang binasa ninyo?

4.Tingnan ang mga larawan sa website na ito upang makabuo ng mga salita

na binubuo ng mga salitang-ugat at panlapi.

http://www.alltheweb.com/search?cat=img&q=filipino&itag=crv
5.Basahin mo ang mga salitang nabuo mo mula sa mga larawang nakita mo

website link.

6.Gumawa ka ng mga pangungusap mula sa mga salitang nabuo mo.

G.Learning Activity:

1.Tingnan mo ang website link na ito upang maigawa mo ng mga pangungusap

ang mga larawan makikita mo.

http://www.ostic.com/oz04/pages/Animals_06.html

2.Basahin mo ang sumusunod na mga salita. Isulat sa talahanayan kung alin

ang panlapi at salitang-ugat na ginamit.

Salita Salitang-ugat Panlapi

bukirin

magkasama

mabagal

dumating

mabuti

pagkaubos

tinuloy

3.Igawa mo ng mga pangungusap ang mga salitang nasa itaas sa isang

malinis na papel.

H.Learning Evaluation:

1.Ngayong natutuhan mong lahat ang ating pinag-aralan tungkol sa

salitang-ugat at panlapi, puntahan mo ang website na ito upang


masukat mo ang natutuhan mo sa araw na ito

http://www.prongo.com/quizstation/activate/activate.asp gamit ang

class key tsidamon at class key password 1234567.

2.Isulat mo ang tamang sagot sa malinis na papel.

I.Assignment:

Tukuyin kung alin ang panlapi at salitang-ugat sa sumusunod na salita.

1.umiiyak

2.hinahanap

3.maglalakbay

4.sumayaw

5.nagturo

Isulat sa sariling pangungusap ang mga salitang nasa itaas.

posted by Thelma C. Sidamon @ 6:17 PM

You might also like