Estratehiya Sa Pagtuturo NG Obra Maestra

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Estratehiya sa Pagtuturo ng Obra Maestrang papaano nila gagawing kawiliwili at natututo

Ibong Adarna ang kanilang mag-aaral sa kanilang pagtuturo.

Ayon nga kay Cherry (2012), "ang Ibong Adarna


ay naglalarawan ng pakikipagsapalaran sa buhay
Introduksyon: ng mga kababalaghan at nagpamalas ng
kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo."
Ang pagpili ng epektibong estratehiya sa
Pinupuntong maraming sinasaklaw ang kaalam
pagtuturo ng panitikan ay hindi madali dahil sa
ng akdang pampanitikan na ito. Maraming mga
patuloy na pagbabago ng sistema ng edukasyon
aral ang makukuha at maibabahagi mo sa
sa ating bansa. Hindi lamang nakabatay ito sa
akdang ito. Kinakailangan na mas pailalimin pa
isang panandaliang usaping pangangailangan ng
ang pagkatuto at kaalaman sa obrang Ibong
isang guro sa pagtuturo ngunit maraming mga
Adarna.
sektor ang dapat isaalang-alang kasama na rito
ay ang pagkatuto ng bawat mag-aaral sa Isinaad naman ni William Augosto (2015), " ang
panitikan gamit ang estratehiyang napili. guro ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng
Kinakailangang lapatan ito ng tamang silid-aralan na nakapagsagawa ng matagumpay
estratehiyang makakatulong upang mas at epektibong pagtuturo." Kinkailangan ng mga
maintindihan ng mga mag-aaral ang panitikan o epektibong estratehiya nang sa gayun ay mas
mahinuha ang mensahing hatid nito. mapadali ang pag-aaral o pagkatuto ng mga
mag-aaral. May mga dapat isaalang-alang ang
Ayon nga Joey Arrogante (1983), ang panitikan
guro sa pagpili ng mga pamamaraang kanyang
ay talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang
gagamitin na angkop sa kakayahan at kawilihan
isang tao ng mga bagay na kaugnay ng
ng mag-aaral at higit sa lahat angkop sa paksang
napupuna niyang kulay ng buhay at buhay ng
aaralin.
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa
ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing Ang pananaliksik na ito ay naglalayong
pamamaraan. malaman ang angkop at epektibong estratehiya
sa pagtuturo ng Ibong Adarna. Kinakailangan ng
Ipinapahayag nito na ang panitikan ay salamin
masusing pag-aaral o maraming kaalaman sa
ng buhay nang isang tao. Mayroon itong iba't
bawat estratehiya upang malaman ang
ibang kahulugan at kaalaman. Nararapat na
pinakamabisang gagamitin sa pagtuturo.
bigyang pansin ng isang guro kung paano niya
Tinitiyak ng pananaliksik na ito na makita ang
ito maituturo sa mga mag-aaral at mahubog ang
mas epektibong estratehiya at masukat ang
lihim na mensahe ng bawat panitikan.
kakayahan ng isang guro sa pag-iisip ng mga
Bigyang pansin ang pagtuturo ng koridong gawain o paraan kung paano niya maituturo ng
Ibong Adarna, ito ay kabilang sa apat na maayos ang obrang ito. Nilalayon din nito na
ipinagmamalaking Obra Maestra ng ating bansa masukat ang pagkatuto ng bawat mag-aaral sa
at itinuturo ito sa unang antas ng mataas na mga estratehiyang ginamit ng isang guro.
paaralan. Bagamat marami ang nakakaalam sa
Ang pag-aaral at pananaliksik na ito ay
panitikang ito ngunit iilang guro lamang ang
makatutulong ng malaki sa kaisipan at
nakakagawa o nakapagpapalabas ng totoong
kamalayan ng mag guro at mag-aaral. Sa
kahulugan o nakatagong mensahe ng obrang
paggamit ng epektibong estratehiya sa pagtuturo
ito. Maraming mga guro ang nahihirapan kung
ng Ibong Adarna, mas maipapahayag at
maipapalabas ng mga guro ang mensahe o
kaisipan ng obra. Sa mga mag-aaral, mas
mapapalawak ang kanilang natututunan at
kaalaman tungkol sa Ibong Adarna. Sa kabuuan,
ang paggamit ng tamang estratehiya ay susi at
isang daan na maunawaan ang totoong kaisipang
handog ng Ibong Adarna.

You might also like