Requirements

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

1.

Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng
lahat ng Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at
pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.
Unang utos ay nagsasaad na ang bawat tao ay may pananagutan tungo sa kalikasan. Tungkulin
ng bawat isa na pangalagaan at gamitin para sa kabutihan ng lahat at hindi lamang sa sariling
kagustuhan. Tayo ay nilikha ng Diyos na kawangis niya kaya dapat naayon sa kanyang
kagustuhan at layunin ang pangangalaga sa kalikasan. Ang pangangalaga sa ating kalikasan
ngayon ay tungkulin natin sa mga susunod na henerasyon na maninirahan sa isang kalikasan
na ating ginagalawan.

2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaa-


ring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng
tao.
Pangalawang utos, ang kalikasan na nilikha ng Diyos para sa atin ay hindi nararapat na gamitin
sa makasariling layunin at hindi naayon na layunin ng Diyos na lumikha. Tayong mga tao ay
naatasan bilang tapangalaga ng ating kalikasan kaya ang bawat isa ay may responsibilidad at
tungkulin na kailangan gampanan. Ang bawat na nilalang na ginawa ng Diyos, tao man o
kalikasan ay hindi maaring kasangkapan o gamit na maaring manipulahin. Ang paggamit nito
ay may kaakibat na pananagutan.

3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang pag-


galang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon
ngayon at ng sa hinaharap.
Ikatlong utos, ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay magkaugnay. Ang pangagalaga sa
kalikasan ay hindi responsibilidad lamang ng iilan. Ito ay responsibilidad ng bawat tao sa
henerasyon at sa hinaharap. Ito ay isang hamon ng bawat isa dahil ang pangagalaga sa ating
kalikasan ay para sa kabutihan ng lahat at sangkatauhan. Ang paggamit nito bilang
pagmamanipula ay maaring makakaepekto sa lahat at sa hinaharap na henerasyon.

4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang


muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
Ikaapat na utos, mga modernong bagay na tuklas bunga sa teknolohiya ang nakakatulong sa
mga tao. Mga bagong gamot, transportansyon at komunikasyon ay mga halimbawa lamang
nito. Gayumpaman, hindi lahat ng pag asenso ay mayroong kabutihang dulot. Kahit ang tao
na tinuturing kamanlilikha ng Diyos ay hindi maaring gamitin ang kalikasan sa anumang gusto
na hindi naayon sa layunin ng Diyos.

5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.


Ang paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung
ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa
kapaligiran o ecosystem.
Ikalimang utos, ang kalikasan ay kaloob ng Diyos sa mga tao. Hindi kailanman mali ang
paggamit nito, maliban lang kung taliwas sa layunin ng kanilang kapaligiran o lugar. Dapat
gamitin ito sa mabuting paraan na may katalinuhan at pananagutang moral. Hindi masamang
baguhin ito ngunit kailangan isaalang-alang ang kagandahan at kaayusan nito. Dapat munang
isipin ang layunin o gamit ng bawat nilikha ng Diyos bago ito baguhin dahil ang pagbabagong
ito ay may responsibilidad na kailangan gampanan.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang
halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na
bigyang-pansin at timbangin nang maayos.
Ikaanim na utos, ang bawat likas na yaman sa ating kalikasan ay limitado at may hangganan.
Kaya sa bawat na pagpapaunlad na gusto natin kailangang isaalang-alang natin ang integridad
at ritmo ng ating kalikasan. Sa bawat pagbabagong gagawin sa kalikasan kailangang isaalang-
alang ang halagang nakataya sa maaring maganap o mangyari.

7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa


pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman
sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.
Ikapitong utos, kailangan ng bawat isa na aktibong gumawa o makilahok sa pangkalahatang
pag-unlad lalo na sa pinakamahirap na rehiyon ng mundo. Nararapat na ibahagi ang mga
likas na yaman sa bawat isa sa paraang makatarungan at may pagmamahal. Para sa tunay na
kagalingan ng lahat ng tao at buong pagkatao nito.

8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang


protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
Ikawalong utos, upang mapangalagaan ang kapaligiran kailangang magkaisa ang bawat lahi sa
mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng kasunduan na pinagtibay ng batas. Ang mga batas na
ito ay nagsisilbing gabay ng mga pangangailangan para sa kabutihan ng lahat.

9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng


pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at
pagkontrol sa sarili at ng iba.
Ikasiyam na utos ay nangangahulugang pagtalikod natin sa ikaisipang konsyumerismo.
Disiplina, pagtitimpi, pag-aalay hindi lamang sarili kundi pati rin sa lipunan ay kailangang
nakasang- ayon sa ating pamumuhay. Ang pagwaksi o pagtalikod sa konsyumerismo ay
maaring matugunan sa pamamagitan ng higit na kamalayan sa pagkakaisa na siyang
nagbibigkis sa lahat ng mamamayan ng mundo.

10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon


bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob
kung saan mayroon tayong responsibilidad.
Ikasangpung utos, pangalagaan, mahalin at galangin natin ang ating kalikasan na nakaugat
sa pasasalamat sa Diyos na manlilikha sa lahat ng ito. Huwag natin kalimutan ang Diyos
upang ang kalikasan ay hindi mawalan ng kahuluganat hindi mauwi ka kahirapan. Mahalin at
alagaan natin ang kalikasan!
Isyu ng Karaptang Tao

Ang mga karapatang pantao ay ang payak na mga karapatan at mga kalayaang
nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. Ang mga karapatang ito ay tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang. Ang tao ay may pangangailangan na dapat matugunan upang mabuhay
siya nang may dignidad.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip


bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang
mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas;
at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang
makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan
sa edukasyon.

Malaking usapin sa Asya ang diskriminasyon sa hanay ng kababaihan. Maari itong iugnay
sa nananaig na patriyarkal na kultura sa ilang sektor ng lipunan sa rehiyon. Subalit hindi rin
maitatanggi ang epekto ng mga panlabas na pwersa. Ayon sa Network Overseas Opposed to
U.S.Troops, may direktang kaugnay ang laganap na prostitusyon ng kababaihan tuwing may mga
pagsasanay na militar ang pwersang Pilipino at Amerikano. Ganito rin daw ang realidad sa mga
lugar sa South Korea at Japan kung saan may mga base militar rin ang ang pwersang Amerikano.

Maliban sa kababaihan, may mga paglabag din karapatang pantao ng mga katutubo sa
Asya. Sa pangkalahatan, malaki rin ang populasyon ng mga katutubo sa Asya. Ang mga katutubo
ay kolektibo ring tinatawag ng INDIGENOUS PEOPLE o katutubong mamamayan. Sa
pangkalahatan, ang mga katutubo sa Asya tulad ng mga Ami, Atayal, at Bunun ng Taiwan, Ainu
ng Japan, Tibetan ng China, at iba pa ay dumaranas ng diskriminasyon at pagmamalupit mula
sa ibang mga pangkat etnolongnwistiko sa kanilang bansa.Sa Pilipinas, sinasabi ng ilang pag-
aaral na ang mga Igorot sa Cordillera, Ilongot sa bulubundukin nga Carballo at Sierra Madre, Aeta
sa Gitnang Luzon, Mangyan sa Mindoro, Lumad at maging ilang Muslim sa Mindanao ay
halimbawa ng mga katutubo na naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao,
pangangamkam ng lupaing ninuno, militarisasyon, at iba pa.

Laganap din ang mga rebeldeng kilusan sa relihiyon, ang tunggalian ay maaaring bunga
ng di-pagkaka-unawaan sa teritoryo, kultura, pananampalataya, ideolohiya, o kombinasyon ng
mga nabanggit.Sa Pilipinas, aktibo ang mga grupo tulad ng Abu Sayyaf (Father of the Sword) at
Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagkakaiba laban sa pamahalaan.Isinisisi rin sa mga
inosenteng sibilyan at ang paggamit sa mga kabataan bilang ksapi sa armadong pwersa.Sila ay
tinaguriang mga child soldier.

Mga Hakbang Upang Mabigyan Ng Proteksyon Laban Sa Paglabag Ng Karapatang Pantao:


1. Pagdulog sa mga local na hukuman.
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao

Ang kaalaman ng isang tao sa kanyang karapatan ay susi upang mapangalagaan hindi
lang ang sarili niyang karapatan kung hindi ang karapatan ng ibang tao upang ang bawat isa ay
makapamuhay ng matiwasay at may dignidad
REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Matapos ang labinlimang taon ng pakikibaka, sa wakas ay naisabatas na ang


kontrobersyal na Reproductive Health Bill (RH Bill). Matatandaan na ilang beses itong isinulong
sa kongreso mula pa noong taong 1997 ngunit paulit-ulit ding nababasura dahil sa pagkontra ng
ilang mga sektor. Pero nito lamang taong 2012, tuluyan na itong naisabatas sa bisa ng lagda ni
Pangulong Aquino. Ang bagong batas ay pinagtibay pa ng Korte Suprema noong Abril 2014 nang
ideklara itong naaayon sa konstitusyon. Sa ngayon ay naghihintay na lamang ng sertipikasyon
mula sa Food and Drugs Authority (FDA) na ang mga gagamitin at bibilhing contraceptives para
sa mga programa ng batas na ito ay ligtas at hindi makapagpapalaglag ng bata sa sinapupunan.

Republic Act No. 10354: Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012
na mas kilala bilang Reproductive Health Law. Naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa
Reproductive Health, tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at modernong
pamamaraan ng kontrasepsyon, tulungan ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng
pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations Population Fund, 21% lamang ng mga kababaihan
ang may sapat na kaalaman o malayang nakakagamit ng mga modernong pamamaraan ng
kontrasepsyon. Dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman at kalingan ukol sa reproductive
health, mataas ang bilang ng mga kababaihang nanganganib ang buhay o kaya ay namamatay.
Malaki ang magiging papel ng batas na ito sa reproductive health ng mga ina, kabataan at sa
pagbuo ng mga pamilya. Inaasahang mas tataas pa ang bilang ng mga kababaihang
makakagamit ng modern birth control methods at mapapababa ang death rate ng mga
kababaihan.

Maraming benepisyong hatid ang Reproductive Health Law sa bawat pamilyang Pilipino.
Narito ang mga iilan:
a.) Mas madaling pagpapaabot ng moderno at ligtas na kontrasepsyon sa lahat, lalo na sa
mahihirap.
b.) Pababain ang bilang ng mga kaso ng aborsyon.
c.) Pagpapaigting ng suporta sa mga kumadrona, nars at doktor na mangangalaga sa
kalusugan pamilya.
d.) Pangangalaga sa kalusugan at buhay ng mga ina.
e.) Pagligtas sa buhay ng mga sanggol.
f.) Kabawasan sa mga kaso ng mga STD.
g.) Paggabay sa mga nagnanais ng mas maliit na pamilya.
h.) Tiyak at mas malawak na kaalaman tungkol sa Sex Education para sa mga kabataan.
Same Sex Marriage

Ang same sex marriage ay lagi nang isang malaki at sensitibong usapin hindi lamang sa
bansa na talamak ang kristiyanismo, kundi maging sa buong mundo. Ang mga tao ay may kani-
kaniyang opinion ukol sa pagpapa-legal ng same sex marriage sa kani-kanilang mga bansa.

Ang pinaka dahilan kung bakit malaking usapin ang same sex marriage ay dahil sinasabi
na ito ay immoral, nakaka-iskandalo, at nakakadiri lalo na sa mga taong mga relihiyoso o mga
taong nagsasabing sila ay may malakas na pananampalataya sa diyos dahil sa kanilang
paniniwala ay, ang same sex marriage ay tiwalag sa bibliya.

Naghain ng petisyon na sa Supreme Court nitong Mayo si Jesus Nicardo Falcis III at
humiling na baguhin ang bahagi ng Article 1 at 2 ng Executive Order 209 o Family Code of the
Philippines, na nagtatakda at naglilimita sa kasal na para lang sa babae at lalaki.

Article 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in
accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and
an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not
subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage
within the limits provided by this Code. (52a)
Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:
(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and
(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. (53a)

Nais din ni Falcis na alisin ang bahagi ng Article 46 (4) at 55 (6) ng Family Code na
nagsasaad na maaaring maging basehan ng annulment at legal separation ang lesbianism o
homosexuality.
Art. 46. Any of the following circumstances shall constitute fraud referred to in Number 3 of the preceding
Article: (4) Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at
the time of the marriage. Art. 55. A petition for legal separation may be filed on any of the following grounds:
(6) Lesbianism or homosexuality of the respondent

Ayon sa SWS Survey na ginawa noong nakaraang Mayo 2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi
sang-ayon sa pagpapatupad ng Same-sex Marriage dahil una, labag ito sa batas ng Diyos at
maging batas moral ng tao.

Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag ng saloobin


sapagkat ito ay isang karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas ng “Kasal” ay
kailanma’y hindi tanggap ng simbahan at lipunan. Ang pagnanais ng isang organisasyon o
indibidwal na maging legal ang Same-sex Marriage ay higpit sinasang-ayonan. Bukod dito, ang
mga taong kasapi sa 52 porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay nag-iisip din na ang pag-legal
nito sa batas ay walang epekto sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na ito ay
makakapagbigay ng masamang dulot sa lipunan.

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa
bansa. Maraming kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi
pa bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi
nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan ang Same-sex Marriage. Ayon kay
Presidente Rodrigo Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay angkop
lamang sa mga Kanluraning bansa.
Katayuan ng Kababaihan, Kalalakihan at LGBT

Kung ang babae noong una ay inaasahan lamang na manatili sa bahay upang
mag-alaga ng pamilya, ang mga babae sa kasalukuyan ay may kalayaang pumili ng
gampanin. May karapatan silang magtrabaho kahit na sila ay may asawa na. Sa kabuuan,
may malawak na rin ang kaalaman ng mga kababaihan sa karapatan na dapat nilang
makuha.Sa panahon ngayon, na madami na sa kababaihan ang may lakas at talino
upang sumabay sa mga kalalakihan, may pagkapantay pantay na nakikita at mas may
respeto na ang mga lalaki sa mga babae. Sa konsepto ng pagdadamit, kilos at posisyon
sa lipunan. Ang pagkapantay pantay ng lalaki at babae ang nag bigay daan sa
kompetisyon mula sa dalawang panig, upang magbigay ng pagkatiwala sa sarili ng
kababaihan kayat madaming babae na sa ngayong panahon ang nangunguna o
nagbibigay ng mas mahigit pang contribusyon sa kasalukuyang lipunan.

Kung noon ang mga lalaki ay nag-haharana, nagsusulat ng mga liham,


naninilbihan sa mga magulang ng kaniyang liniligawan at tuluyang naghihirap para lang
marinig ang matamis na oo ng kanilang mga minamahal, ngayon lahat ito ay nawala at
pinalitan ng mga ensayo na mas madali at mabilis. Ang dating panahon ng paghihintay
bago magkaraon ng relasyon na humigit sa isang taon o higit pa ay ngayon naging isang
buwan, isang linggo o kahit kaunting oras na lamang. Wala na ang tradisyonal na
pagliligaw, dahil sa teknolohiya, ibang-iba na ngayon. May kalayaan din silang piliin kung
ano ang nais nilang gampanan sa kanilang pamilya. Hindi na lamang ito limitado sa
pagtratrabaho at pagbibigay ng pinansyal na pangangailangan ng pamilya.

Ang LGBT ay ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong lesbiyan, bakla,


biseksuwal, at mga transgender. Ang hindi pagtanggap at pagrespeto ng mga tao sa
miyembro ng LGBT. Sila ay madalas ginagawang katatawanan at nakatatanggap ng
diskriminasyon mula sa lipunan. Mapahanggang sa ngayon ay hindi pa rin masyadong
tanggap ng lipunan ang LGBT. May mga tao pa rin na sadyang sarado ang mga pag-
iisip. Kung imumulat lang natin ang ating mga mata, bubuksan ang ating mga puso at
unawain ang bawat isa, mapupuksa natin ang diskriminasyon sa lgbt. Ang pagiging
miyembro ng lgbt ay hindi isang sakit na kinakailangan hanapan ng lunas, bagkus sila ay
ating tanggapin, respetuhin, unawain at mahalin tulad ng pagmamahal natin sa iba, dahil
sila rin ay isang tao kagaya ko at kagaya mo.
Epekto ng Prostitusyon

Ang prostistusyon ay ang pag bibigay ng serbisyong sexual sa isang tao kapalit
ng bayad. Tinuturing ito bilang matandang propesyon sa ating bansa. Kahirapan ang isang
dahilan kung bakit maraming tao ang nagiging prostitute. Sa mga nakaraang taon sa ibat ibang
bansa marami ang kahulugan nito, meron na tintawag na "good friends", at sa ibang bansa ito ay
masamang gawain. Tinatawag na prostityut. Ito ay madaling malaman sa pamamagitan ng
kanilang panlabas na kaanyuan, katulad ng pagsusuot ng maiksing damit, maraming kolorete sa
katawan at sa mukha, naninigarilyo at umiinom ng alak maging nasa pambublikong lugar.
Mayroon silang malaking pagkakaiba sa mga babaeng hindi prostityut.

Mga Epekto ng Prostitusyon:

1. Sa biktima
a. Karamihan sa mga biktima ay naabuso, napapahiwalay sa kanilang asawa at
napupunta sa mga institusyong pangrehabilitasyon.
b. Ang kanilang karapatang pantao ay karaniwang naabuso
 Karapatang ituring bilang tao
 Karapatan sa dignidad at seguridad
 Karapatan laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon
 Karapatang maprotektahan ng batas
 Karapatang maprotektahan laban sa pang-aabuso
 Karapatang matulungan kapag nalalabag ang kanilang karapatan.
 Karapatan sa makatao at makatarungang pag trato
 Karapatan sa sensitibo at angkop na serbisyong legal, pangkalusugan
at panlipunan
 Karapatang mag-organisa ng kanilang mga sarili at ipaglaban ang
kanilang mga lehitimong suliranin.

Napatunayan sa kasaysayan na lubos na nakapipinsala sa kalusugan ng isang


babaeng ang prostitusyon.

2. Sa Pamayanan
a. Malubhang suliranin sa lipunan.
b. Naapektuhan rin ang mga kabataan at kalalakihan.

3. Sa Bansa
a. Napakraming negatibong epekto sa tao at lipunan
b. Lantarang paglabag sa karapatang pantao lalo sa kababaihan
c. Negatibong imahe sa pandaigdigang komunidad
d. STD o Sexually Transmitted Disease

Nagiging mapanganib sa kanilang kalusugan, gagamit ng ipingbabawal na gamot at walang


matinong pag iisip, at pwedeng magpapakamatay sila dahil narin sa kahihiyan sa sosyodad.

Prostitusyon isang suliranin ng ating bansa sa ngayon dahil pag mayroon nito marami ang
naghihihrap, kahirapan, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at laganap ang krimen sa ating
bansa, pang aabuso ng mga kababaihan at higit sa lahat bumaba ang kalidad ng edukasyon o
hindi man lang nakaranas ng edukasyon. Edukasyon ang nagbibibgay liwanag sa bawat isa,
paraan ng pagkakaroon ng magandang buhay at kinabukasan. Respeto sa sarili, respeto sa
bawat isa at makakamit natin ang isang magandang pamumuhay na masasabing maunlad at
produktibong bayan.
Modyul 9: Ang Maingat na Paghuhusga

Madalas sa ating mga tao ang magbuntong – hininga kapag may nangyari na
kailangan ng panandaliang pagdedesisyon ngunit ito ay panandaliang ginhawa lamang. Hindi
na puwedeng bumitiw at magkibit-balikat ngayon. Kailangang harapin ang mga
naghahatakang puwersa sa iyong buhay. Kailangang tugunan ang mga tungkuling nakalatag
sa iyong harapan.

Kailangang humanap ng solusyon sa mga problemang hinaharap lalo na at hindi na


tayo mga bata. Inaasahan tayong makibahagi at maging aktibo sa mundo. Hindi na dapat
ang mga magulang, ate at kuya ang gagawa ng desisyon para sa atin. Tila mabigat na
pasanin, subalit sa katunayan, isang nakatutuwang pagkakataon ang hinahain sa iyo ngayon:
nasa ating kamay na ang pagpapasiya.

Ang mga naunang karanasan natin sa buhay ay nagsisilbing gabay upang makagawa
ng mapagmalay at mapanimbang na mga pagpapasiya. Ito ay mga tungkulin natin sa ating
buhay na kailangang tupadin. Hindi man ito madali, ngunit may mga paraan. May magagawa
tayo dahil may angking kakayahan ang bawat isa.

Karuwagan at Takot Ang kalaban lagi ay karuwagan.Iba ang karuwagan sa


takot.Natural ang matakot. Kailangang Makita ang pinong pagkakaiba ng taong umaayaw sa
isang bagay dahil natatakot siya sa hamon o dahil talagang alam niya sa kaniyang sarili na
hindi niya kaya an ghamon. Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga.
Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan. Sa halip na tumingin sa
liwanag ng mga dapat, tungkulin, prinsipyo, at pagpapahalaga, ang pagtutuunan ng pansin
ay ang dilim ng sariling kahinaan.

Ang angkop gawin ay akuin ang tungkuling kailangan kong tumugon. Wala nang iba.
Hindi ang mataranta o magdrama o ang panghinaan ng loob o sumabog sa galit.Mag
mahinahon atsaka tingnan ang sitwasyon.

Ang bawat pagkilos ay kailangan laging angkop. Itong kilos ng pag-aangkop


sapamimili ay tinatawag na prudentia, hiniram sa wikang Latin at prudencesa wikang
Ingles.Tinuturo sa atin ng prudential ang pag-aangkop bilang sumasapanahon. Nauunawaan
ang prudential saLatin bilang isang uri ng pagtingin sa hinaharap (foresight). Sa maagap na
pagtingin sa hinaharap, inuugnay ang kahapon, ngayon, at bukas sa isa’tisa.

Dahil sumasapanahon, hinihinging prudentia namaging maingat sa paghusga at


matino sa pagpasiya. Kailangang maging mulat sa mga particular na kondisyon ng
pagkakataon bago pumili. Mahalagang husgahan ang sitwasyon nang may pagmumulat sa
natatanging kalagayan ng mga tauhan at kapaligiran sa pangyayari.

Kaya’t tinatawag na “ina” ng mga birtud ng katapangan, kahinahunan, at katarungan ang


prudential sapagkat nilalagay nito sa kontekstong panahon at kasaysayan ang pamimili.
Modyul 10: Ang Pagmamahal sa Bayan

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng


bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang
pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan.

Nasyonalismo –tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayanat damdaming


bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura,at mga
kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito ang kalikasan
ngtao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na kungsaan tuwiran
nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.

Para sa isang koponan na nagpamalas ng pagmamahal sa grupoat miyembro nito,


hindi lang pagkapanalo sa mga laro kundi magkakaroon ng sense of pride at mataas na
tingin sa sarili.Ang pagmamahal na ito ang siyang magiging daan upang makamit ang
mga layunin na gustong maisakatuparan.

Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng


pagkamamamayan, isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba, pinangangalagaan
ang integridadng pagkatao, pinahahalagahan ang karangalan ng pamilya, na ang
pagmamahalay likas bilang taong may malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat.

Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong


may pagmamahal sa bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad. Wala itong
ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may pagmamahal sa
bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan
ng kaniyang bayan.

Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat.Segurado ako,
mahal moang bayan at alamko namay gagawin kaparaito aymaisabuhay,maipakita
atmaging inspirasyonsa kapuwaPilipino.Dahilang pagmamahal mo sa bayan ay paraan
upangpahalagahan ang kultura, paniniwala,at pagkakakilanlan.

“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging


bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihan
panlahat.”
- San JuanPablo XXIII
Modyul 11: Ang Pangangalaga sa Kalikasan

Ang ating kalikasan ay binubuo ng puno’t halaman, iba’t – ibang uri ng hayop
maliit man o malaki. Bahagi din ng kalikasan ang lahat ng salik na tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao o nilalang upang mabuhay. Sa pagdaan ng mga taon, nag-iba
ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kalikasan. Inabuso at minaltrato ng mga tao
ang kalikasan.
Sa maling pagtrato ng tao sa kalikasan nagkaroon ng malaking pagbabago tulad
ng pagkaroon ng napakainit na panahon, kabi-kabilang trahedya na hindi inaasahang
mangyayari at mga kaganapan na kumitil ng maraming buhay ng tao at pagkawasak ng
mga ari-arian. Maraming paraan ang ginawa ng mga tao sa pagmaltrato at pag labag ng
mga tao taliwas sa pangagalaga nito. Tulad ng maling pagtatapon ng basura na naging
dahilan upang nagbabara ang daanan ng mga tubig na nagreresulta sa pagbaha. Ang
illegal na pagputol ng mga puno ay isa ring halimbawa sa pag aabuso sa ating
kapaligiran.
Ang tao ay inatasan ng Diyos bilang tagapangalaga ng ating kalikasan.
Ipinagkaloob ng manlilikha sa tao ang kapangyarihang gawin ang nararapat sa kalikasan
nang walang pakundangan at naayon sa kaniyang kagustuhan. Ang tunay na
pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat.
Ang paggamit at pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isa itong
pananagutan na bigyang pansin na nagsasaalang-alang ng kabutihanng lahat. Ang lahat
ng bagay na ginawa ng Diyos ay magkaugnay kung kaya ang ginawa ng isa ay maaring
makaapekto sa iba. Kaya kailangan nating isaalang-alang ang magiging epekto at
panagutan ang lahat ng ating responsibilidad. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang
mundo kaya tungkulin natin na panglagaaan ang ating kalikasan dahil nagiisa lang ito.
Ang tungkulin nating ito ay hindi lamang para sa atin na naninirahan ngayon kundi para
na rin sa mga susunod na henerasyon.
Ang Sampung Utos Para sa Kalikasan. Ang nagsisilbing gabay kung paano
pangalagaan ang ating kalikasan na pinagkaloob ng Diyos sa atin. Ten Commandments
for the Environment ay ginawa ni Obispo Giampaolo Krepaldi, Kalihim ng Pontifical
Council for Justice and Peace. Ito ay hindi listahan ng mga dapat gawin, kundi mga
prinsipyong gagabay sa pangangalaga ng ating Kalikasan.
Maliit o malaking paraan, gawin natin ang ating makakaya at maaring magawa
upang pangalagaan at iligtas ang kalikasan na ang ating nagiisang mundo.

The planet you do not save is the earth you will not live upon.
-Pope Benedict XVI
Modyul 12: Espiritwalidad at Pananampalataya

Mahalin natin ang lahat na nilikha ng Diyos lalo’t higit ang ating kapuwa. Ang susi
sa pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos ay sa
pagmamahal. Sa pamamagitan nito, naipahahayag natin ang ating tunay na
pananampalataya na nagpapalalim ng ating espiritwalidad. Nabubuo ang maganda at
malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal na nagkakaroon ng ugnayan at
pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Nagbabahagi
ang tao sa kaniyang sarili sa iba at naipakikita niya ang pakikipagkapwa.
Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa
Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras
nangbuong-buo at walang pasubali. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang
makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay. Una, paglalakbay
kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbay kasama ang Diyos. Hindi maaaring
paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang paglalakbay kasama ang
Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ng kaniyang buhay. Sa
kaniyangpatuloy na paglalakbay sa mundong ito, siguradong matatagpuan niya ang
kaniyang hinahanap. Kung siya ay patuloy na maniniwala at magbubukas ng puso at isip
sa katotohanan ay may dahilan kung bakit siya umiiralsa mundo.Dapat palaging tandaan
na ang bawat isa ay may personal na misyon sa buhay.
May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang
kahulugan at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay nang maligaya at maginhawa. Ang
makapagbibigay ng tunay na kaligayahan at kaginhawahan, ay ang ang paghahanap sa
Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at pagpapala. Kaya’t sa paglalakbay
ng tao, mahalagang malinaw sa kaniya ang tamang pupuntahan. Ito ay walang iba kundi
ang Diyos – ang pinakamabuti at pinakamahalaga sa lahat. Ang tunay na diwa ng
espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at angpagtugon sa
tawag ng Diyos. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging
kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa. Kaya’t ang
tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at
ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa
kalooban. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Ang
pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang
pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.

Dalawang Pinakamahalagang Utos Ito ay ang: Ibigin mo ang Diyos nang buong
isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili.
Ang magmahal ang pinakamahalagang utos.
pAGSISIYASAT
SA
AP10
Ipinasa ni:
frances Adrienne Cabanig

Ipinasa kay:
Mary cris Langamin

You might also like