Telebisyon
Telebisyon
Telebisyon
2. • Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng
buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga
Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show
hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama,
balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.
3. • Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Martial Law, sumibol
naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon
sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang
kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala
ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino,
Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David. .
6. Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay
ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa.
Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali,
kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga
programa sa telebisyon.
8. 2. PAKIKIPANAYAM *Maging magalang *Magtanong nang maayos. *Itanong ang lahat na ibig malalam
kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.co m/interview_checklist.htm Interview Technique Interviewing
Success