Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MARQUEZ, MAYLENE N.

TEACHING STRATEGIES 2
BEED - 3RD YR MONDAY / 04:00 - 07:00

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

I. Layunin:

Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakikilala ang mga iba't-ibang anyong tubig sa Pilipinas.

B. Napapahalagahan ang mga anyong tubig at ang tulong na ibinibigay nito

C. Nakakalahok sa mga gawaing may kinalaman sa wastong pangangalaga sa mga anyong tubig.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Likas na Yamang Tubig

B. Sangguniian: PIlipinas, Ang Minamahal Nating Bansa 1, pahina 67 - 87; May akda: Agnes
Tomineg Narag

C. Kagamitan: Visual aids, mga larawan, panulat sa pisara

D. Pagpapahalaga: Pagpapasalamat sa mga yamang tubig na kaloob ng Diyos.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Bata

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
"Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Lou, maaari (Susundan ng bata ang pagbigkas ng
mo bang pamunuan ang ating panalangin" panalangin)

2. Pagbati
"Magandang araw mga bata" "Magandang araw din po Ginang
Marquez"

3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
"Bago kayo umupo, pakipulot ng mga kalat sa ilalim ng (Pupulutin ng mga bata ang mga kalat sa
inyong mga upuan at itapon sa basurahan" ilalim ng upuan.)
"Maaari na kayong umupo." (Mauupo ang mga bata sa kanilang mga

silya)
4. Pagtala ng liban
"Fe, may lumiban ba ngayon sa ating klase?"

"Ako'y natutuwa at walang lumiban sa ating klase "Wala pong lumiban sa ating klase
ngayong araw" ngayon titser"

5. Pampasiglang awitin
"Bago tayo magsimula sa ating klase, tayo muna ay aawit ng
isang pampasiglang awitin. Ako muna ang aawit at
pagkatapos ay susundan nyo ako."

"Maaari bang magsitayo muli ang lahat" (Tatayo ang mga bata at susundan ang
guro sa pag-awit)

(Ididikit ang Visual aid ng kanta sa pisara) (Visual Aid)

"Kamusta ka, Halina't magsaya"

Kamusta ka, halina't magsaya


Pumalakpak, pumalakpak, ituro ang paa.
Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa,
Umikot ka, umikot ka, humanap ng iba

(Ulitin ng isang beses)

"Magaling mga bata! Maaari ng magsiupo ang lahat"

B. Balik-aral
"Bago tayo tumungo sa ating bagong paksa ngayong "Magagandang tanawin sa ating bansa
araw, ano ang ating tinalakay kahapon?" titser"

"Magaling!"

"Anu-ano ang mga magagandang tanawin na "Rizal Park"


matatagpuan sa ating bansa?

"Ano pa Aileen?" "Chocolate Hills"

"Saan nga matatagpuan ang Chcolate Hills?" "Sa Bohol titser"


"Magaling mga bata!"

C. Pagganyak
"Alam nyo ba ang awiting may tatlong bibe? "Opo!"

"Ngayon, may ituturo ako sa inyong kanta. Ang


pamagat ng ating kanta ay Tatlong Anyong Tubig"

"Aawitin natin ito gamit ang tono ng kantang may


tatlong bibe"

"Maaari bang magsitayo ang lahat" (Tatayo ang mga bata at susundan ang
guro sa pag-awit)

(Ididikit ang Visual aid ng kanta sa pisara) (Visual Aid)

"Tatong Anyong Tubig"

May tatlong anyong tubig akong nakita


Maganda, malawak anyong tubig
Pero lahat sila'y talagang magaganda
Ito ay ang ilog, dagat at lawa
Ito ang anyong tubig sa Pilipinas.

"Magaling mga bata! Maaari ng magsiupo ang lahat"

D. Paglalahad
"Sa ating kinanta, ano sa tingin nyo ang paksa natin sa "Anyong Tubig"
araw na ito?"

(Ididikit sa pisara ang paksa ng aralin)

E. Pagtatalakay
"Ang ating paksa para sa araw na ito ay tungkol sa mga
anyong tubig"

(Ididikit ang Visual aid at ipapabasa sa mag-aaral) Anyong Tubig - Ang anyong tubig ay kahit
anumang makabuluhang pag-ipon
ng tubig. Kadalasang tinatakpan
ang Daigdig.
"Magaling mga bata"

"Base sa kantang ating inawit, anu-ano ang mga anyong "Ilog, dagat at lawa titser."
tubig na nabanggit?"

"Mahusay!"

"Mayroon ako ditong larawan. Anong anyong tubig ang "Ilog"


nasa larawan?"

"Ano ang nakikita mo sa larawan Tina?" "May mga tao na namamasyal titser"

"Magaling"

"Ano pa? "Malinis ang tubig titser"

"Magaling mga bata"

"Maliit na anyong tubig ang ilog, marami ding


makukuhang isda dito"

"Itong sunod na larawan. Anong anyong tubig ang nasa "Dagat!"


larawan?

"Ano ang nakikita mo sa larawan Katherine?" "Kulay asul ang tubig titser"

"Magaling"

"Ano pa Angel?" "May mga taong naliligo?

"Mahusay"

"Ano sa palagay nyo ang lasa ng tubig sa dagat? "Maalat po yung tubig"

"Magaling mga bata"

"Ang dagat ay malaki at malawak na anyong tubig pero


mas maliit ito kasya karagatan."

Itong huling larawan, anong anyong tubig ang inyong "Lawa"


nakikita?

"Ano ang nakikita mo sa larawan Anne?" "May halaman sa tubig"


"Magaling, ang tawag sa halaman na yan ay waterlily"

"Ano pa?" "May lupa sa paligid at bangka"

"Mahusay"

"Matabang ang tubig sa lawa. Sari-saring isda ang


makukuha sa lawa"

"Basahin nga natin ulit ang mga nakita nyo sa mga (Babasahin ng mga bata ang mga
larawan" nakasulat sa pisara)

"May iba pa ba kayong alam na anyong tubig? "Karagatan, bukal at talon titser."

"Magaling!"

(Ididikit sa pisara ang larawan ng iba pang anyong tubig Karagatan - Ang karagatan ang
at ipapabasa sa mga bata ang mga detalye tugkol sa pinakamalalim at pinakamalawak
mga larawan) na anyong tubig.

Bukal - Ang bukal ay anyong tubig na


nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang
tubig na nagmumula sa bukal ay
maaaring malamig o mainit.

Talon - Ang talon ay anyong tubig na


mabilis at malakas na
bumabagsak mula sa mataas na
lugar.
"Mahusay mga bata"

"Nakapunta na ba kayo sa ilan sa mga nabanggit na "Opo"


anyong tubig?

"Bilang isang bata, ano ang ginagawa ninyo upang "Hindi po nag-iiwan ng basura"
mapanatili itong malinis kapag kayo ay namamasyal
dito?

"Ano sa palagay mo mangyayari kapag nag-iwan o "Masisira po ito at mamamatay ang mga
nagtapon tayo ng basura sa mga anyoong tubig Susan? isda"

"Magaling"
IV.
V. IV. Pangwakas na gawain:
A. Panghalaw:

"Sa inyong palagay, sino ang may kaloob sa atin ng mga "Si Papa Jesus po"
anyong tubig?

"Tandaan may iba't-ibang anyong tubig sa Pilipinas,


tulad ng ilog, dagat, lawa, karagatan, bukal at talon na
biyaya ng Panginoon sa atin"

"Mahalaga na panatilihin natin na malinis ang ating


paligid at huwag magtapon ng basura sa ating mga
anyong tubig. At higit sa lahat ay ang huwag natin
sasayangin ang tubig"

B. Paglalapat:
 Pangkatang gawain:
Pangkatin sa dalawa ang ilang mag-aaral. Bawat
pangkat ay may tig-tatlong miyembro

Panuto:
Tignan at suriin ang larawn at iayos ang mga katumbas
na letra upang malaman kung ano ang mga ito.

L O N T A
T A G A D

A A L W

K A L B U

L I G O
C. Pagtataya:
Panuto:
Isulat ang tsek ( ) kung tama ang ginagawa sa bawat larawan. At ekis (X) naman kung ito ay
mali. Sagutan ito sa isang malinis na papel.

1.
4.

2. 5.

3.

D. Takdang aralin:
Panuto:
Gumupit ng larawan ng iba't - ibang anyong lupa na matatagpuan sa Pilipinas. Idikit ang mga ito
sa inyong kwaderno.

You might also like