Noli Me Tangere 41-60

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Kabanata 41 – Dalawang Panauhin

Nang gabing iyon ay hindi dinalaw ng antok si Ibarra. Siya’y balisa sa kaguluhang naganap
kaya nilibang na lamang nito ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo.
Maya-maya’y biglang dumating si Elias upang ipaalam kay Ibarra na si Maria ay may sakit at
kung may ipagbibilin ito bago siya pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag din niya kay Ibarra kung
paano niya napatigil ang kaguluhan noong gabing iyon.
Aniya, kilala daw umano niya ang magkapatid na gwardia sibil kaya naman napahinuhod ang
dalawa dahil sa kanilang utang na loob dito. Ilang sandali pa’y umalis na rin si Elias.
Si Ibarra nama’y nagmamadaling gumayak upang pumunta sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Habang naglalakad ay nakasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas.
Kinulit siya nito tungkol sa makukuhang salapi ng kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ng
kanyang kapatid. Siya nama’y sinagot ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang
araw dahil papunta siya sa maysakit.
Ngunit talagang mapilit si Lucas kaya bago pa man mawala ang pagtitimpi ni Ibarra ay
tumalikod na lamang ito. Naiwang nagpupuyos ang kalooban ni Lucas at inisip na iisa ang
dugong nananalaytay sa ugat nina Ibarra at ng lolo nito na nagparusa sa kanilang ama.
Para sa kanya’y maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa
salaping ibabayad ni Ibarra.
Kabanata 42 – Ang Mag-asawang De Espadaña
Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay mababanaag ang lungkot dahil may sakit si Maria Clara. Ang mag-
pinsang sina Tiya Isabel at Kapitan Tiyago ay nag-usap kung alin ang mabuting bigyan ng limos upang
gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria; ang krus ba sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa
Matahong na nagpapawis? Sa bandang huli’y napagdesisyunan ng mag-pinsan na pareho na lamang
bigyan ng limos ang dalawa.
Natigil lamang ang pag-uusap nila ng mayroong dumating sa tapat ng kanilang bahay. Ito pala’y sina
Doktor Tiburcio de Espadaña na inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat
ng ministro sa Espanya. Kasama nito ang kaniyang asawa na si Donya Victorina de Espadaña pati na
rin si Linares.
Pagkatapos ipakilala ni Donya Victorina si Linares ay sinamahan sila ni Kapitan Tiyago sa kani-
kanilang silid.
Aakalain mong isang Orofea si Donya Victorina sa biglang tingin. Siya’y apatnapu’t limang taong
gulang ngunit ipinamamalita niyang siya’y tatlumpu’t dalawa lamang. Masasabing maganda ang Donya
noong kanyang kabataan. Pangarap niya noon pa man na makapangasawa ng dayuhan.
Nais niyang mapabilang sa mataas na antas ng lipunan ngunit ang napangasawa niya ay isang
mahirap pa sa daga na Kastila at ito ay si Tiburcio, tatlumpu’t limang taong gulang ngunit mas mukha
pang matanda kaysa kay Donya Victorina.
Sakay sa barkong Salvadora si Tiburcio ng narating niya ang Pilipinas. Dumanas ng katakut-takot na
pagkahilo sa barko si Tiburcio at nabalian pa ng paa. Dahil dito’y nahihiya na siyang bumalik sa
Espanya at ipinasyang manatili na lamang sa Pilipinas.
Eksaktong ika-15 araw niya sa bansa ng matanggap siya sa trabaho dahil na rin sa tulong ng mga
kababayang Kastila. Wala siyang aral kaya pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang
magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko. Ang tanging puhunan
lamang nya ay ang pagiging kastila. Nahihiya man at ayaw sanang sundin ang payo sa kanya ngunit
dala ng kagipitan ay wala siyang mapagpipilian kundi sumunod na lamang.
Dati siyang nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at
tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan. Wala talagang kaalam-alam sa panggagamot si
Tiburcio.
Sa mga unang panggagamot niya ay mababa lamang ang singil nito. Sinamantala niya ang pagtitiwala
sa kanya ng mga indio kaya ‘di nagtagal ay pataas na ng pataas ang singil niya sa kanyang mga
pasyente.
Sa kalaunan ay isinumbong siya sa Protomediko de Manila ng mga tunay na mediko. Tuloy-tuloy na
sana ang kanyang pagyaman ngunit dahil sa pangyayari’y nawalan siya ng mga pasyente. Babalik na
sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala at mga kababayan ngunit napangasawa naman niya si
Donya Victorina.
Lumipat sa Santa Ana ang mag-asawa at doon na din idinaos ang kanilang pulo’t gata. Pagkalipas ng
ilang araw ay bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at
Batangas upang magamit nilang mag-asawa.
Si Tiburcio ay binihisan niya ng husto upang magmukhang kagalang-galang samantalang ang Donya
ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Naglagay din siya ng mga palamuti sa
katawan upang magmukhang Espanyola.
Makalipas ang ilang buwan ay ipinamalita niyang siyang naglilihi at sa Espanya manganganak dahil
ayaw niyang matawag na rebolusyunaryo ang magiging anak. Dinagdagan din ng ‘de’ ang kanyang
pangalan kaya naman nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espadaña.
Naunsyami ang pagbubuntis na inaasahan ng Donya kaya kahit pa nagpahilot na ito at nagpatingin sa
manggagamot ay wala ring nangyari. Wala siyang nagawa kundi ang manatili sa lupain na kung
tawagin niya ay “lupain ng mga salbahe.”
Dahil sa mga pangyayaring ito’y sa asawa niya ibinunton ang sisi. Para namang maamong kordero ang
Don na kahit na anong gawin ng Donya ay hindi mo ito makakarinigan ng reklamo. Kapag nagagalit
ang Donya ay nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan nama’y hindi niya
ipinapahintulutang lumabas ng bahay.
Isang araw ay naisip ng Donya na dapat maglagay ang asawa ng titulong medicina at cirugia. Tutulan
man ito ng “Ander de Saya” na si Don Tiburcio ay wala pa rin siyang nagawa.
Sa marmol na karatula ay nagpaukit ang Donya ng mga katagang DOCTOR DE ESPADAÑA,
ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES, at ito ay ikinabit sa kanilang bahay.
Dahil sa walang tiwala sa mga Pilipino ang Donya ay kumuha din siya ng Kastilang katiwala sa
kanyang mga ari-arian. Ipinasundo naman ng Don ang kanyang pamangkin na nag-aaral ng
pagkamanananggol sa gastos ng kanyang asawang Donya.
Habang sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Matagal nang kakilala ng mag-asawa ang
pari kaya si Linares na lamang ang ipinakilala nila rito.
Agad namang dinalihan ng pamimintas ng Donya Victorina ang mga taga-lalawigan at
ipinangalandakan na kaut-utang dila niya ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder ng estado.
Namangha ang Donya ng sabihin ni Kapitan Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa
kanilang bahay. Bagay na halos ‘di mapaniwalaan ng Donya kaya nasabi nitong sayang at hindi
kaagad nagkasakit noon si Maria upang nakadaupang-palad sana niya ang Heneral.
Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagtungo na sila sa silid ni Maria Clara na binabantayan naman
ng kanyang dalawang kaibigan. Agad na pinulsuhan ng Don si Maria at tiningnan ang dila. Sinabi
niyang mapapagaling niya ang dalaga.
Ang iniresta niyang gamot ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa.
Sinamantala na rin ng Donya ang pagkakataon para ipakilala si Linares kay Maria na noo’y nabighani
na sa kagandahan ng dalaga.
Saglit namang naputol sa walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa dalaga ng sabihin ni Padre Salvi
na dumating na si Padre Damaso na kagagaling rin lang sa sakit.
Kabanata 43 – Mga Balak o Panukala
Tuloy-tuloy sa silid ng dalaga si Padre Damaso na halata sa mukha ang pag-aalala kay Maria
Clara. Siya’y nanangis at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay.
Nagtaka naman ang lahat sa ipinakita ng pari at ‘di nila akalain na sa kabila ng magaspang
nitong pag-uugali ay marunong pala itong umiyak at malambot din ang kalooban. Kanila ring
naisip na mahal na mahal ni Padre Damaso si Maria Clara.
Ilang sandali pa’y tumayo na ito at pumunta sa silong ng balag upang doon managhoy. Nang
naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorina at ipinakilala si
Linares.
Anang Donya, inaanak si Linares ni Carlicos na bayaw ni Padre Damaso. Iniabot na rin ni
Linares ang sulat sa pari kung saan nakasaad na naghahanap siya ng mapapangasawa at
trabaho.
Ayon kay Padre Damaso, madali lamang matatanggap si Linares dahil ito ay naging abogado
sa Universidad Central. Sa usapin naman ng mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin
ng pari si Kapitan Tiyago. Ito nama’y ikinalungkot ni Padre Salvi.
Samantala, si Lucas ay pumunta kay Padre Salvi para isangguni ang marapat na katarungan
para sa kanyang kapatid. Pilit na pinapatulo ni Lucas ang kanyang luha at umarte pang tila
kawa-awa upang kahabagan siya ng pari. Sinabi pa niya na binigyan lamang siya ng limang-
daang piso ni Ibarra kapalit ng buhay ng kanyang yumaong kapatid.
Di naman natuwa ang pari sa ipinakitang kaartehan ni Lucas kaya pinagtabuyan niya ito.
Walang nagawa ang bubulong-bulong na oportunistang si Lucas na napahiyang nilayasan ang
pari.
Kabanata 44 – Pagsusuri ng Budhi
Mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at sa tuwing ito’y magdedeliryo ay binabanggit ng
dalaga ang pangalan ng kanyang ina. Sina Tiya Isabel naman kasama ng kanyang mga
kaibigan ay patuloy siyang inaalagaan samantalang si Kapitan Tiyago ay walang tigil na
nagpapamisa at nag-aabuloy. Ang pinakahuli ay ang pagbibigay niya ng tungkod na ginto sa
Birhen ng Antipolo.
Makaraan ang ilang araw kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay
humupa ang mataas na lagnat ni Maria Clara. Ito’y ikinatuwa ng mag-asawa kaya naman hindi
muna pinagdiskitahan ng Donya si Tiburcio.
Napag-usapan nina Padre Salvi, Kapitan Tiyago at mag-asawang Espadaña na malilipat sa
parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ani Kapitan Tiyago, ikalulungkot umano ni Maria ang
nalalapit na pagkakalipat sa pari dahil para na rin niyang ama ito. Dagdag pa niya, bunga ng
mga kaguluhan sa nangyari noong gabi ng pista ang dahilan ng pagkakasakit ng dalaga.
Natuwa naman ang pari na ayon sa kanya ay mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at
Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Ito nama’y sinalungat ni Donya Victorina at sinabing
ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. ‘Di naman nagpatalo
ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga
gamot.
Dahil sa pagkapikon ay iminungkahi ni Donya Victorina na gamuting ng kanyang kumpisal ang
nakababanas na si Donya Consolacion. Dito’y wala nang naisagot ang pari kaya naman
tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tiyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal.
Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling.
Oras na para uminom ng gamot si Maria. Ininom niya ang pildoras na mula sa bumbong ng
Kristal na ititigil lamang ng dalaga kapag nakaramdam na ng pagkabingi.
Samantala, nalaman naman ni Maria kay Sinang na kaya hindi pa makasulat sa kanya si
Ibarra ay dahil abala ito na mapawalang bisa ang kanyang pagiging ekskomulgado.
Maya-maya pa’y dumating na si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati
na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra.
Nagsimula na ang pangungumpisal ng dalaga. Sa obserbasyon ng kanyang Tiya ay tila halata
kay Padre Salvi na hindi ito nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong
nakatitig sa dalaga na para bang inaalam ang nasa isip nito.
Nang matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla,
pawisan, at kagat-labi.
Kabanata 45 – Ang mga Pinag-uusig
Sa isang yungib sa kagubatan ay natagpuan din sa wakas ni Elias si Kapitan Pablo. Anim na buwan
din silang hindi nagkita at may dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit
ng Kapitan.
Malapit silang dalawa sa isa’t isa at tinuturing din niyang isang ama ang Kapitan. Pareho rin silang nag-
iisa na sa buhay kaya sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na isama ito sa mga lupain ng
katutubo upang makapamuhay ng payapa ang matanda at makalimot sa sinapit ng kanyang pamilya.
Tinanggihan ni Kapitan Pablo ang paanyaya ni Elias dahil naninindigan siya na ipaghiganti ang
masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Ayon sa kanya ay hindi siya
matatahimik hangga’t hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya.
May tatlong anak ang matanda, dalawang lalaki at isang babae. Ang anak niyang dalaga ay
pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan kaya ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga
sa nangyari. Nagpunta ito sa kumbento ngunit tila nagkaroon umano ng nakawan doon kaya naman
pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki.
Datapwat hindi man napatunayan ang nasabing nakawan ay hinuli pa rin ito at ibinitin, at nakatikim pa
ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. ‘Di na tinugon ng Kapitan ang mga sigaw ng pagtawag
ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa
mapayapang buhay. Ni hindi man lang naparusahan ang kura bagkus ay inilipat lamang sa ibang lugar.
Samantala, ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Isang araw ay hindi
nito nadala ang kanyang sedula kaya hinuli ito ng mga sibil. Siya’y pinahirapan at ng ‘di na makayanan
ang mga pangyayari ay kinitil nito ang sariling buhay.
Para sa Kapitan ay wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga
anak. Aniya’y lulusob sila sa bayan sa tamang oras kasama ang iba pang mga kapus-palad na pinag-
uusig din ng pamahalaan.
Ito nama’y nauunawaan ni Elias kaya nasa Kapitan ang simpatya nito. Minsan na ring hinangad ni Elias
na makapaghiganti ngunit kinalimutan na lamang niya ito dahil sa kagustuhang wala ng madamay pa
dito.
Ayon sa matanda ay madali naman itong gawin para kay Elias dahil magkaiba naman sila ng sinapit. Si
Elias ay bata pa at wala namang namatay na mga anak. Anupa’t pinangakuan ni Kapitan Pablo si Elias
na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti.
Sinabi din ni Elias sa Kapitan ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ibinida niya rito ang
mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Dagdag pa ni
Elias ay makatutulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral ng tungkol sa mga hinaing ng bayan.
Sinang-ayunan naman ito ni Kapitan Pablo. Malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay
Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Kakatagpuin ng mga tauhan ng Kapitan si Elias upang
malaman ng matanda ang sagot ni Ibarra.
Kung sakaling sumang-ayon si Ibarra ay magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing ngunit
kung hindi naman ay nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin.
Kabanata 46 – Ang Sabungan
Sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol ay hindi mawawala ang sabungan. Sa
San Diego man ay may sabungan na katulad ng sabungan sa ibang mga bayan.
Ito’y nahahati sa tatlong bahagi. Una ay ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-
singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang ulutan kung saan naroon ang daanan ng mga tao at dito
rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu’t-saring paninda. Malapit ito sa isa pang lugar para
sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Nagaganap dito ang
pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na
magaganap.
Ang ikatlong bahagi naman ay ang ruweda na siyang pinagdarausan ng mga sultada. Dito
naka-pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan.
Ilan lamang sina Kapitan Tiyago, Kapitan Basilio at Lucas sa mga taong naparoon sa
sabungan ng araw na iyon. Dala ng tauhan ni Kapitan Tiyago ang isang malaki at puting lasak
na manok samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok.
Nagkamustahan muna ang magkaibigan bago magsimula ang sabong at pustahan. Pagdaka’y
nagkasundo sa halagang tatlong daang piso ang kanilang pusta. Naging matunog naman sa
mga taong naroroon ang ginawang pustahan kaya naki-pusta na rin ang iba pang mga
sabungero.
Lumalabas na dehado ang pula at llamado naman ang puti. Naiinggit ang magkapatid na
Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Sila’y lumapit kay Lucas upang
manghiram ng pera upang may maipang-sugal ngunit mayroong kondisyon si Lucas.
Ito ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba
upang mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas ay hindi niya
magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya’t ipauuutang lamang iyon kung
sila ay papayag sa kasunduan.
Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid dahil kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang
Kapitan Heneral. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay namataan nila si Pedro na
binibigyan ni Lucas ng salapi kung kaya higit silang nanghinayang.
Dahil sa tawag ng sugal ay ‘di na nakatiis ang magkapatid lalo pa’t umiinit na ang labanan ng
mga oras na iyon; ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.
Dahil dito’y lumapit na sila kay Lucas kasabay ng pagsang-ayon sa kanyang kondisyon.
Sinabihan sila ni Lucas na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan. Ang utos ay
kanilang matatanggap sa ika-walo ng gabi nang ikalawang araw.
Matapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.
Kabanata 47 – Ang Dalawang Senyora
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio
ay namamasyal upang tingnan ang bahay ng mga Indio.
Naiinis ang Donya sa tuwing hindi nagbibigay galang sa kanya ang mga nakakasalubong.
Dahil dito’y inutusan niyang mamalo ng sumbrero ang Don ngunit ‘di ito sumunod dahil daw sa
kanyang kapansanan.
Nang mapadaan sila sa bahay ng Alperes ay saktong nadoon si Donya Consolacion at
nagtama ang kanilang paningin ni Donya Victorina. Parehong matalim ang tingin ng bawat isa.
Dumura pa ang may bahay ng Alperes na lalong ikinayamot ni Donya Victorina kaya sinugod
niya ito at nagkaroon ng balitaktakan.
Inalipusta ni Donya Victorina ang Alperes habang si Donya Consolacion naman ay tinungayaw
ang kapansanan at pagpapanggap ng asawa ni Donya Victorina.
‘Di rin pinaligtas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon kaya kinuha nito ang latigo ng
asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit ‘di na nagpang-abot ang dalawang Donya dahil
namagitan ang kani-kanilang mga asawa.
Nakita ng taong-bayan ang mga pangyayari dahil ang kanilang away ay sadyang
nakakabulahaw. Ang kura din ay dumating upang awatin ang dalawa. Dito’y sinagot siya ng
Alperesa at tinawag na ‘mapagbanal-banalang Carliston’.
‘Di naman sinunod ng asawa ni Donya Victorina ang utos nito na hamunin ng barilan ang
Alperes. Dahil sa pagtanggi ng Don ay nahablot na naman ng Donya ang kanyang pustiso.
Ilang sandali lang ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang mag-asawang de Espadaña.
Doon ay nakita nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito.
Napagbalingan ni Donya Victorina ang binatang si Linares at inutusan ito na hamunin ang
Alperes dahil kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao.
Hindi malaman ni Linares ang gagawin kaya humihingi na lamang ng paumanhin sa Donya.
Siya namang pagdating ng Kapitan.
Agad siyang sinalubong ni Donya Victorina at nagdadaldal tungkol sa mga nangyari. Inipit pa
ng Donya si Linires na nagsabing kung hindi gagawin ng binata ang kanyang pinag-uutos ay
marapat lamang na walang kasalang magaganap dahil hindi bagay si Maria Clara sa isang
duwag.
Dahil sa mga narinig mula sa Donya ay nagpahatid na sa silid si Maria Clara. Dala ang ilang
libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tiyago sa panggagamot ni Don Tiburcio kay Maria
Clara ay umalis na ang mag-asawang de Espadaña.
Samantala, si Linares ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.
Kabanata 48 – Ang Talinghaga
Nang araw na iyon ay dumating si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago upang dalawin si Maria
Clara. Masaya niyang ibinalita sa Kapitan na tinanggal na ang kanyang pagiging
ekskomulgado at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang-tuwa naman ang Tiya sapagkat
magiliw siya kay Ibarra.
Pumunta si Ibarra sa balkon ngunit nabigla sa nakita. Magkasama noon sina Maria Clara at si
Linares na nasa gawing paanan nito at nag-aayos ng mga bulaklak.
Nagulat si Linares samantalang si Maria Clara naman ay namutla. Sinikap mang tumayo ng
dalaga ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Sinabi rin ni Ibarra ang dahilan ng kanyang
pagdalaw.
Makikita sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito ay nagpaalam kaagad si
Ibarra na sinabing dadalaw muli kinabukasan. May kaguluhan ang isip at damdamin ng umalis
na si Ibarra.
Habang naglalakad ay napadaan si Ibarra sa ipinapagawang paaralan. Sinabi niya sa lahat
lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba dahil siya ay tanggap na muli ng
simbahan.
Ang sabi ni Nol Juan ay hindi naman daw mahalaga para sa kanila ang pagiging
ekskomulgado ni Ibarra dahil lahat naman daw sila ay mga ekskomulgado rin.
Nakita ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ni Elias na
may nais itong ipaalam sa kanya. Dahil dito’y inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya
ang talaan ng mga obrero.
Si Elias naman ay nagmungkahi na mamangka sila ni Ibarra sa lawa para mapag-usapan ang
isang napakahalagang bagay. Sumang-ayon naman dito ang binata.
Maya-maya pa’y dumating na si Nol Juan dala ang listahan ngunit hindi nakalista doon ang
pangalan ni Elias.
Kabanata 49 – Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Wari’y hindi nasisiyahan si Ibarra nang lumulan sa bangka ni Elias kaya kaagad na humingi ito
ng paumanhin sa pagkagambala niya sa binata. Ayon kay Ibarra ay nakasalubong niya ang
Alperes at gusto siya nitong makausap. Nag-aalala siya na baka makita si Elias kaya ito’y
nagdahilan na lamang. Naalala rin niya ang pangako na dalawin si Maria Clara.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi na sa binata ang kanyang pakay. Ayon
sa kanya’y siya ang sugo ng mga sawimpalad. Bagama’t ipinaliwanag ni Elias ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Kapitan Pablo) na hindi niya binanggit ang
pangalan, sinubukan pa rin niyang sabihin ang mga kahilingan ng mga sawimpalad na
humihingi ng pagbabago sa pamahalaan tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng
dignidad sa mga tao, at pagbawas ng kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging
dahilan ng kanilang pag-aabuso sa karapatang pangtao.
Handa man si Ibarra na gamitin ang pera para humingi ng tulong sa mga kaibigan niya sa
Madrid at pati sa Kapitan Heneral ay iniisip niya na sa halip makabuti ay baka lalong
makasama ang kanilang balak.
Ayon kay Ibarra, ang pagbawas ng kapangyarihan ng sibil ay makasasama dahil baka
malagay naman sa panganib ang mga tao.
Dagdag pa niya, para magamot ang sakit ay kailangang gamutin ang sakit mismo at hindi ang
sintomas lang dahil kapag malala na ang sakit, kung kailangan ang dahas para ito ay
masugpo ay kailangang ilapat ang panlunas kahit na mahapdi.
Nagdebate sina Elias at Ibarra tungkol sa buting nagawa ng simbahan at ang sanhi ng
panunulisan ng mga tao.
Bagaman kapwa mahal ng dalawa ang bayan, sa bandang huli ay hindi napapayag ni Elias si
Ibarra sa kaniyang pakiusap kaya sinabi nitong sasabihin niya sa mga sawimpalad na umasa
na lang sa Diyos.
Kabanata 50 – Ang mga Kaanak ni Elias
Binanggit ni Elias kay Ibarra ang kanyang pinagmulan para malaman nito na siya ay kabilang
din sa mga sawimpalad.
Ayon kay Elias, may animpung taon na ang nakalilipas nang ang kanyang nuno ay naging
isang tenedor de libros sa isang bahay-kalakal ng kastila. Kasama nito ang kanyang asawa at
isang anak na lalaki, at sila ay nanirahan sa Maynila.
Isang gabi’y nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran ng kanyang nuno. Isinakdal ito sa
salang panununog. Dahil nga maralita at walang kakayahang magbayad ng abogado ay
nahatulan ito. Siya’y ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan.
Buntis noon ang asawa ng kanyang nuno. Gayunpaman, humanap pa rin ito ng mapag-
kakakitaan kahit na sa masamang paraan para na rin sa anak at asawang may sakit.
Nang gumaling ang nuno ni Elias ay namundok na lamang ito kasama ng kanyang buong
pamilya. Doon na nanganak ang asawa niya ngunit namatay din ang isinilang na sanggol.
Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang patong-patong na pagdurusang kanilang natanggap.
Dahil dito’y nagbigti ang nuno ni Elias. Hindi naman ito naipalibing ng asawang babae.
Nang mangamoy ang bangkay at malaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng kanyang
asawa ay nahatulan din siyang paluin. Ngunit dahil sa dalawang buwang buntis ang babae ay
ipinagpaliban muna ang hatol na kalauna’y natuloy din pagkatapos niyang manganak.
Nang makatakas ang babae sa kalupitan ng batas ay lumipat sila sa kalapit na lalawigan.
Nang lumaki na ang anak niyang panganay ay naging tulisan ito.
Siya’y nanunog at pumatay upang maipaghiganti ang kaapihang natamo. Dahil dito’y nakilala
siya sa tawag na balat. Ang kanyang ina naman ay nakilala sa tawag na haliparot,
delingkuwente at napalo samantalang ang bunso niyang kapatid, palibhasa’y mabait ay
tinawag na lamang na anak ng ina.
Isang umaga ay nakita ng anak na patay na ang kanyang ina. Ito’y nakabulagta sa ilalim ng
isang puno at ang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang katawan nito’y
ibinaon samantalang ang mga paa at kamay ay ikinalat. Dahil sa kalunos-lunos na
pangyayaring ito’y tumakas ang bunso at napadpad sa Tayabas.
Namasukan siya bilang isang obrero sa isang mayamang angkan doon. Dahil sa maganda
nitong ugali ay nakagiliwan siya ng kanyang amo. Masikap ito kaya ng magkaroon ng puhunan
ay napaunlad niya ang kanyang kabuhayan.
‘Di nagtagal ay nakilala siya ng ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat.
Ngunit natatakot itong mamanhikan dahil baka matuklasan ang kanyang tunay na pagkatao.
Gayunpaman ay mahal nila ang isa’t isa kaya naman nang minsang may mangyari sa kanila
ay sinabi nitong handa siyang panindigan ang nagawa.
Ngunit hindi sumang-ayon ang tadhana sa kanila. Siya’y nakulong sa halip na makasal sa
babae. Ito’y dahil na rin higit na mayaman ang ama ng babae at wala siyang kakayahang
ipagtanggol ang sarili.
Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Nanganak ang babae ng kambal, isang
babae at isang lalaki – ito’y sina Elias at Concordia.
Bata pa lang ang kambal ay iminulat na sa kanila na patay na ang kanilang ama. Naniwala
naman sila dahil musmos pa lamang ay namatay na ang kanilang ina.
Palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias kaya siya nakapag-aral sa mga Heswitas. Nang
mamatay ang kanilang nuno ay umuwi ang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang
kabuhayan.
Si Concordia ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kanya ngunit ang kanilang
kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-
mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanila ng kahapong nagdaan.
Ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan na kanila palang ama. Namatay na
naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian
nilang magkapatid. Ngunit bago ito namatay ay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng
magkapatid.
Lalong nalungkot si Concordia ng mabalitaang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang
araw ay bigla siyang nawala. Makalipas ang anim na buwan ay nabalitaan na lamang ni Elias
na mayroong isang bangkay ng babaeng natagpuan sa baybayin ng Calamba na may tarak sa
dibdib. Ito pala’y ang kanyang kapatid.
Dahil dito, si Elias ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan dahil sa mga bintang tungkol sa
kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito na natapos ang salaysay ni Elias.
Nagpalitan pa ng iba’t ibang pananaw sina Elias at Ibarra. Ipinasabi niya kay Elias na taos-
puso siyang nakikiisa sa kanilang mga damdamin, lamang ay wala siyang magagawa kundi
ang maghintay pa dahil ang sama ay di-nagagamot ng kapwa rin sama.
Nang makarating na sa baybayin ang dalawa ay nagpaalam na si Ibarra at binilinan si Elias na
siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito.
Si Elias naman ay bumalik na sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa Kapitan na kung ‘di rin
lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya
ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.
Kabanata 51 – Mga Pagbabago
Nakatanggap ng liham mula kay Donya Victorina si Linares na nakapagpabalisa dito. Alam
nito na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangan niyang hamunin ang Alperes ngunit sino naman
kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago?
Siya ngayo’y sising-sisi sa paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis kasi siyang nagpatianod sa kapritso ni Donya Victorina.
Dumating si Padre Salvi sa bahay nina Kapitan Tiyago at ito ay nagmano. Masaya nitong
ibinalita ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pag-alis ng ekskomunyon kay
Ibarra kasabay ng kanyang pagpuri sa binata na ito’y kalugod-lugod ngunit may kaunting
kapusukan.
Dagdag pa nito, si Padre Damaso na lamang ang sagabal sa pagpapatawad ka Ibarra ngunit
kung si Maria Clara ang kakausap dito ay hindi makatatanggi ang pari. Narinig ni Maria Clara
ang pag-uusap na ito at nagtungo siya sa silid kasama si Victoria.
Maya-maya’y dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel habang nag-uusap sina Padre Salvi at
Kapitan Tiyago. Binati niya ang Kapitan samantalang yumukod naman kay Linares.
Buong lugod naman na kumamay si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing katatapos pa lamang
niyang papurihan ito. Nagpasalamat naman ang binata sa mga narinig.
Ilang sandali pa’y lumapit ito kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria Clara.
Ayon kay Sinang ay ipinasasabi raw ni Maria na limutin na lamang siya nito ngunit nais ni
Ibarra na makausap ng sarilinan ang kasintahan.
‘Di nagtagal ay umalis na rin si Ibarra.
Kabanata 52 – Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Sa ilalim ng pinto ng libingan ay may tatlong anino na paanas na nag-uusap. Naitanong ng
isang anino sa kausap kung nakaharap na daw nito si Elias. Ang sagot nito ay hindi ngunit
siguradong kasama siya sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito.
Sumagot ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa
Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya din ang sasalakay sa kumbento upang
makaganti sa kura.
Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima, lulusob sila sa kwartel upang
ipakilala sa mga gwardya sibil na ang kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi
ng alila ni Ibarra na sila ay magigng dalawampung katao na. Saglit na huminto sa pag-uusap
ng mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa
bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo ay nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dating na anino na
sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at sinabihan ang mga dinatnan na
kinabukasan na ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata. Kasabay nito ang sigaw na
“Mabuhay Don Crisostomo!”
Nawala sa likod ng pader ang tatlong samantalang ang bagong dating ay naghintay sa sulok
ng pintuan. Maya-maya pa’y dumating ang ikalawang anino at nagmasid ito sa kanyang
paligid. Umaambon noon kaya sumilong siya sa pintuan. Doon ay nagkita sila ng unang
sumilong.
Napagkasunduan nilang magsugal at kung sino man ang manalo sa kanila ay maiiwan upang
makipagsugal naman sa mga patay. Pumasok sila sa loob ng libingan at sa ibabaw ng puntod
ay umupong magkaharap ang dalawa para magsugal. Ang isa sa kanila na mas mataas ay si
Elias samantalang ang may pilat sa mukha ay si Lucas.
Sa kanilang pagsusugal ay natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Pagdaka’y
nilamon siya ng kadiliman.
Kabanata 53 – Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ay kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang
gabi. Ayon sa paniniwala ng mga puno ng kapatiran ni San Francisco ay may dalawampu ang
nakitang kandila na sinindihan. Kahit na malayo ang bahay sa libingan ay sinabi ni Hermana
Sepa na panaghoy at paghikbi ang kanyang narinig. Samantala, sa pulpito nama’y binigyang
diin ng pari sa kanyang sermon ang tungkol sa mga kaluluwa sa purgartoryo.
Ang mga usapang iyon ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at
Pilosopong Tasyo na ilang araw nang nanghihina.
Nabanggit ng Don na tinanggap na umano ng Alkade ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin.
Dahil dito’y ‘di mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ng Don
ay hindi nararapat at napapanahon.
Aniya, sa panahon ng digmaan ay dapat na manatili sa kanyang tao ang puno. Dagdag pa
niya, iba na talaga ang bayan dalawampung taon na ang nakalilipas. Nakikita na daw ang
naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga
kabataan sa Europa ay dama na rin.
Dagdag pa ng Pilosopo, noong una, ang mga kabataang nakapag-aral sa Europa ay
nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba
pang uri ng kaalaman na itinuturing na enerhiya.
May kakayahan na rin daw ang tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang
ginagalawan at tinatahanan. Sa panitikan naman daw ay nagsimula na ring lumitaw ang mga
makatang nagpapahayag ng malaya at mga maka-agham na pagsubok. Hindi na rin kayang
pigilan ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.
Marami pang palitan ng kuro-kurong naganap sa pagitan ng dalawa. Kabilang na diyan ang
tungkol sa bayan at sa kahihinatnan nito, sa relihiyon, ugali ng mga binata at dalaga at ng mga
naglilingkod sa simbahan.
Pamaya-maya pa’y tinanong na ng Don ang Pilosopo kung ito daw ba’y hindi nangangailangan
ng mga gamot dahil napansin niyang hinang-hina na ito.
Tinugon siya ng Pilosopo at sinabing ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng
gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan niyon.
Ipinakiusap din niya kay Don Filipo na sabihan si Ibarra na makipagkita sa kanya dahil malapit
na daw siyang mamatay. Sa kabila ng sakit ng matanda ay ang bayan pa rin ang kanyang
inaalala. Naniniwala siyang tumatahak pa rin sa karimlan ang Pilipinas.
‘Di nagtagal ay nagpaalam na rin si Don Filipo.
Kabanata 54 – Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang ‘Di Nagkakamit ng Parusa
Nagmamadaling pumunta ang kura sa bahay ng Alperes. Tuloy-tuloy siyang pumanhik sa
bahay nito at malakas na tinawag ang Alperes. Lumabas agad ito kasama ng kanyang
asawang si Donya Consolacion.
Bago pa makapag-salita ang kura ay inireklamo agad ng Alperes ang mga kambing nito na
naninira sa kanyang bakod. Ngunit agad na sinabi ng pari ang kanyang pakay.
Aniya, nanganganib diumano ang buhay ng lahat. Mayroon daw napipintong pag-aalsa na
gagawin nang gabing iyon. Napag-alaman ito ng pari sa pamamagitan ng isang babae na
nangumpisal sa kanya na nagsabing sasalakayin ang kuwartel at kumbento.
Nagkasundo ang kura at Alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga
insurektos. Apat na gwardya sibil na nakapaisana ang hiningi ng kura upang italaga sa
kumbento. Palihim naman ang pagkilos sa kwartel ng mga kawal upang mahuli nang buhay
ang mga lulusob. Ito ay upang kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay.
Sa kabilang dako, isang lalaki ang humahangos sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis
itong umakyat ng bahay at hinanap sa utusan ang kanyang amo. Agad naman nitong itinuro
na nasa laboratoryo si Ibaarra. Dali-dali niya itong pinuntahan at pagkakita kay Ibarra ay agad
na sinabi ang kanyang pakay.
Ipinagtapat ni Elias ang paglusob na magaganap at base sa kanyang natuklasan, si Ibarra
diumano ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Natitiyak ni Elias na si Ibarra
ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil kaya ipinasunog niya kay Ibarra ang lahat ng
mga aklat at kasulatan nito sapagkat ‘di na maiiwasan na siya ay masangkot sa gulo.
Dahil dito’y tinulungan ni Elias sa pagpili ng mga kasulatan si Ibarra. Nabasa ni Elias sa isang
kasulatan ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong kung ano ang relasyon nito
kay Ibarra.
Nang sabihin ni Ibarra na ito’y kanyang nuno ay halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias.
Natagpuan na niya ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Binunot ni
Elias ang kanyang balaraw at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra.
Ilang sandali pa’y nahimasmasan si Elias at binitawan ang balaraw na hawak. Tumingin siya
ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na umalis ng bahay.
Nagtataka man ngunit ipinagpatuloy ni Ibarra ang pagsunog sa mga mahahalagang papeles at
dokumento.
Kabanata 55 – Ang Pagkakagulo
Oras na noon ng hapunan ngunit ayaw kumain ni Maria Clara kaya nagdahilan na lamang siya na walang
ganang kumain. Niyaya niya ang kanyang kaibigan na si Sinang sa piyano at doon ay nagbulungan ang
dalawa. Hindi mapakali ang magkaibigan sa paghihintay kay Ibarra na darating sa ika-walo ng gabi.
Si Padre Salvi naman ay palakad-lakad sa may bulwagan samanatalang kasalukuyang kumakain noon si
Linares. Ipinagdarasal ng magkaibigan na umalis na sana ang “multong” si Padre Salvi.
Nang sumapit ang ika-walo ay napaupo sa isang sulok ang pari. Iyon kasi ang nakatakdang oras ng
paglusob sa kumbento at sa kwartel. Ang magkaibigang Maria at Sinang naman ay hindi malaman ang
gagawin.
Nang tumunog ang kampana, silang lahat at tumayo para magdasal. Siya namang pagpasok ni Ibarra na
luksang-luksa ang suot. Tinangka pa siyang lapitan ni Maria ngunit biglang umalingawngaw ang sunod-
sunod na putok.
Hindi makapagsalita si Ibarra na napapatda. Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng haligi. Panay ang dasal
ni Tiya Isabel samantalang ang magkaibigang Sinang at Maria ay nagyakapan na lamang.
Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay narinig ang putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento.
Samantala, ang mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay ang sigaw ng, “Tulisan…
Tulisan…” Kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan ay nagpatuloy lamang ang putukan
at silbatuhan.
Nang matapos ang putukan ay pinapanaog ng Alperes ang kura. Si Ibarra ay nanaog din samantalang ang
magkaibigan ay pinapasok ni Tiya Isabel sa silid. Hindi na nakapag-usap ang magkasintahan. Mabilis na
naglakad si Ibarra patungo sa kanyang bahay.
Pagdating sa bahay, inutusan agad ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Sa
gabinete ay isinilid niya sa kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria.
Isinukbit din niya ang dalawang rebolber at isang balaraw.
Paalis na sana siya ngunit bigla na lamang itong nakarinig ng malakas na pagputok sa pintuan at tinig ng
isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit mas piniling bitawan ang kanyang baril at buksan ang
pinto. Isinama siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.
Samantala, sa kabilang dako naman ay gulong-gulo ang isip ni Elias. Pumasok siya sa bahay ni Ibarra
ngunit parang sinusurot ang kanyang sariling budhi. Naaalala kasi niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang
kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Tila ba lahat sila ay tinawag siyang duwag.
Pagpasok sa bahay ay nadatnan niya ang katulong ni Ibarra na naghihintay sa kanilang amo. Nang
nalaman niya ang sinapit ni Ibarra ay nagkunwari na siyang umalis. Ngunit ang totoo ay umakyat ito sa
bintana patungo sa gabinete.
Doon ay nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Kinuha niya ang baril at ang iba naman
ay isinilid niya sa sako saka inihulog sa bintana. Nakita niya ang pagdating ng mga sibil. Isinilid niya sa
isang supot ang larawan ni Maria pagkatapos ay nagtipon ng mga damit at papel. Binuhusan niya ito ng gas
at saka sinilaban.
Samantala, ang mga kawal ay nagpupumilit na pumasok. Ayaw silang payagan ng katiwala dahil wala silang
pahintulot mula sa kanyang amo. Mapilit ang mga ito kaya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang
pumanik. Ngunit ng makarating sa gabinete ay sinalubong sila ng makapal na usok ng apoy. Saka
nagkaroon ng malakas na pagsabog kaya dali-daling umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama
ang mga katulong ni Ibarra.
Kabanata 56 – Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Ang buong bayan ng San Diego ay sakmal pa rin ng takot kinabukasan. Walang makitang
taong naglalakad sa gitna ng daan. Ang buong paligid ay tahimik.
Maya-maya ay isang bata ang naglakas ng loob na nagbukas ng kanilang bintana. Gumaya
ang ibang mga kapitbahay at sila ay nagkabalitaan. Kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi
tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap ay lumilitaw na si Kapitan Pablo
raw ang sumalakay. Anang iba, ang mga kuwadrilyero raw ang sumalakay kaya dinakip si
Ibarra.
Dagdag pa nila, ang mga lalaki ay nagpunta sa kuwartel at sa may tribunal. Lumabas pa sa
usapan na tinangka diumano ni Ibarra na itanan si Maria Clara upang hindi matuloy ang
pakikipag-isang dibdib niya kay Linares at kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang
pagtatanan sa tulong ng mga sibil.
Samantala, isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal ang nakausap ni Hermana Pute.
Sinabi nitong nagtapat na si Bruno at pinatunayan ang balita tungkol sa magkasintahang
Ibarra at Maria.
Pati daw simbahan ay nais paghigantihan ni Ibarra. Mabuti na nga lamang daw at nasa bahay
ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi. Ang mga sibil din daw ang sumunog sa bahay ng binata.
Isang babae naman ang nagsabi na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si
Lucas.
Kabanata 57 – Vae Victus! Sa Aba ng mga Manlulupig
Halata sa mga gwardya sibil na sila ay balisa. Pinagbabanataan nila ang mga batang panay
ang silip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Makikita din doon ang
alperes, direktorsillo, si Donya Consolation at ang kapitan na halatang malungkot.
Bago mag-ika-siyam ay dumating ang kura at tinanong sa Alperes sina Ibarra at Don Filipo.
Kasunod niya ang isang parang batang umiiyak na may dugo ang salwal. Doon ay hinarap sa
kura ang dalawang natirang buhay na nabihag ng mga sibil.
Pilit na itinatanong sa bihag na si Tarsilo Alasigan kung may kinalaman si Ibarra sa nasabing
paglusob. Iginiit nito na walang alam si Ibarra at ang dahilan ng kanilang paglusob ay upang
ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil.
Dinala si Tarsilio sa limang bangkay at nakita niya doon ang kanyang kapatid na si Bruno na
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at si Lucas na may tali pa ng lubid sa leeg. Panay
ang pagtatanong sa kanya ngunit tahimik lamang ito. Dahil dito’y ipinag-utos ng Alperes na
paluin siya ng yantok hanggang sa magdugo ang buong katawan.
Hindi nila mapaamin si Tarsilio kaya ibinalik nila ito sa bulwagan. Nadatnan niya doon ang
isang bilanggo na nagpapapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Tinanong muli si
Tarsilio kung kilala niya ang lalaking bilanggo ngunit sumagot itong noon lamang niya nakita
ang lalaki.
Dahil dito’y pinagpapalo na naman si Tarsilio hanggang sa mabalot ng dugo ang buo niyang
katawan. Hindi na nakayanan ng kura ang mga nakita kaya lumabas na lang ito ng bulwagan
ng namumutla.
Sa labas ay nakita ng kura ang isang dalaga na parang nagbibilang ng mga naririnig sa loob
ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Siya pala ay kapatid na dalaga nina
Bruno at Tarsilo.
Nagngitngit ang Alperes na binulungan ng kanyang asawa na lalo pang pahirapan ang binata
ngunit hiniling na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan.
Wala silang makuha na kahit anong impormasyon mula sa binata kaya ito ay itinumba sa
isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Dito na nalagutan ng hininga si
Tarsilio. Nang makitang patay na ang binata ay binalingan naman ang isa pang bilanggo.
Ang bilanggong nabanggit ay si Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang
magbawas dahil pinapakain siya ng bulok ng biyenan nito. Inantok ang alperes sa sagot ni
Andong kaya ipinag-utos niyang ipasok na lang muli sa karsel ang bilanggo.
Kabanata 58 – Ang Sinumpa
Ang mga pamilya ng mga bilanggo ay tuliro at balisa. Pabalik-balik sila sa kumbento, kuwartel at tribunal.
Palibhasa’y wala silang malapitang malakas at makakapitan na makakatulong para palayain ang kanilang
mga kaanak na bilanggo. May sakit noon ang kura at ayaw makipag-usap kahit kanino. Nagdagdag ng
bantay ang Alperes samantalang ang Kapitan ay lalong nawalan ng silbi.
Sobrang init na noon pero ayaw pa rin umalis ng mga babaeng nagsusumamo. Umiiyak at palakad-lakad
ang mag-ina ni Don Filipo. Panay naman ang banggit ni Kapitana Tinay sa pangalan ng kanyang anak na si
Antonio. Pasilip-silip naman sa rehas si Kapitana Maria upang tignan ang kambal niyang anak. Nandoon din
ang biyenan ni Andong na walang gatol na ipinangalandakan na kaya hinuli ng mga sibil ang manugang ay
dahil bago ang kanyang salawal.
May isang babae namang halos mangiyak-ngiyak ang nagsabi na si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng
lahat. Kasa-kasama rin ng mga tao ang guro samantalang si Nol Juan ay nakadamit pangluksa dahil
ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ng isang baka. Sisirain sana at kakalagan ng
mga kaanak ng mga bilanggo ang mga hayop na humihila sa kariton ngunit pinagbawalan sila ni Kapitana
Maria at sinabing kapag ginawa nila iyon ay mahihirapan sa paglakad ng kanilang mga kaanak na bilanggo.
Ilang saglit lang ay lumabas ang mga mahigit dalawampung kawal at pinaligiran ang kariton. Kasunod nito’y
inilabas ang mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka-ngiti ang asawang si
Doray. Nang siya’y yakapin ng asawa ay hinadlangan ito ng dalawang sibil. Napahagulgol naman ang ina ni
Antonio na si Kapitana Tinay ng siya ay makita nito. Napaiyak din si Andong ng makita ang biyenan na may
pasari ng kanyang pagkakakulong.
Ang seminaristang si Albano ay naka-gapos na mabuti katulad ng kambal ni Kapitana Maria. Si Ibarra na
huling lumabas ay walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Namumutla ito ngunit pasuyod na
tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukha ng kaibigan.
Biglang umugong ang salitaan ng mga tao ng makita si Ibarra. Kung sino pa daw ang may sala ay siya pa
itong walang tali. Dahil sa mga narinig ay ipinag-utos ni Ibarra sa mga sibil na igapos siya ng hanggang siko
kahit na wala namang ganoong utos ang kanilang pinuno. Pagkatapos nito’y lumabas na naka-kabayo at
batbat ng sandata ang katawan ng alperes kung saan kasunod niya ang may labinlimang mga kawal na
umaalalay sa kanya.
Sa lahat ng mga bilanggo ay pangalan lamang ni Ibarra ang walang tumatawag. Sa halip, siya ay
pinagbuntunan ng sisi at tinawag pa ng mga tao na duwag. Halos isumpa rin ng mga tao ang kanyang nuno
hanggang siya ay tawagin na nilang erehe at dapat mabitay.
Kasunod nito ay pinagbabato ng mga tao si Ibarra. Naalala niya tuloy ang kwento ni Elias tungkol sa
babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy.
Kahit na nasa gipit at abang kalagayan si Ibarra ay tila walang ibig dumamay sa kanya. Kahit na si Sinang
ay pinagbawalan ding umiyak ni Kapitan Basilio. Sa ganitong kalagayan nadama ng husto ni Ibarra ang
mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang kinabuhasan.
Maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo mula sa mataas na lugar na pagod na pagod at naka balabal
ng makapal na kumot. Sinundan niya ng tingin ang kariton na sinakyan ng bilanggo. Pagkatapos ay ipinasya
na rin niyang umuwi.
Kinabukasan, natagpuan ng isang pastol si Pilosopo Tasyo na nakahandusay sa may pintuan ng kanyang
bahay.
Kabanata 59 – Pag-ibig sa Bayan
Nalathala sa mga pahayagan sa Maynila ang ginawang paglusob ng mga inapi o sawimpalad. Iba-iba ang estilo
ng mga balitang lumaganap.
Ang mga tauhan sa kumbento ay higit na naliligalig lalo pa’t palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga
pagpapanayam hinggil sa nangyari ang ilang tao sa probinsiya. Ang ilan ay nagpunta sa palasyo upang
maghandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Maging ang munting heneral o generalillo diumano ay
napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon.
Ipinagbubunyi naman si Padre Salvi na sinasabing karapat-dapat na bigyan ng isang mitra. Iba naman ang pinag-
uusapan sa ibang kumbento. Ang mga nag-aaral diumano sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero.
Samantala, hindi mapakali si Kapitan Tinong na taga-Tondo dahil minsan itong nagpakita ng kagandahang loob
kay Ibarra. Panay ang sisi sa kanya ng asawang si Kapitana Tinchang. Nasa isang tabi lamang ang kanyang
dalawang anak na dalaga at di-umiimik. Nabanggit pa ng Kapitana na kung siya lamang daw ay naging lalaki ay
haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.
Muntik nang mabanas si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan na si Don Primitivo.
May edad na ito at mahilig magsalita ng Latin. Ipinasundo siya ni Tinchang upang hingan ng payo dahil marunong
itong mangatwiran.
Agad na nagsalita ang Kapitana pagkarating ng pinsan. Aniya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at
niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila ay
magkaibigan.
Ayon sa Don, dapat daw ay napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan
dahil sa mga masasama kaya wala na daw ibang paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong.
Dahil sa narinig na payo ay nawalan ng malay ang Kapitan ngunit ng mahimasmasan naman ay binigyan siya ng
dalawang payo ni Don Primitivo. Una, dapat daw ay magbigay sila ng regalo sa heneral kahit anong alahas at
idahilan na ito ay pamasko. Ang pangalawang payo naman ay sunugin lahat ng mga kasulatan na maaaring
makapagpahamak kay Tinong kagaya ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan. Sumang-
ayon naman ang mag-asawa sa payo ni Don Primitivo.
Samantala, sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa, at mga anak ng kawani
ay napag-usapan ang tungkol sa naganap na pag-aalsa.
Anang isang lalaking komang ay galit na galit diumano ang heneral kay Ibarra dahil naging napakabuti nito sa
binata. Ayon naman sa isang ginang, wala daw talagang utang na loob ang mga indiyo kaya ‘di dapat sila ituring
na mga tunay na tao.
Pati ang itatayong paaralan ni Ibarra ay napag-usapan din na ayon sa ilan ay pakana lamang sapagkat ang tunay
na layunin ng binata ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan.
Bigla namang naisingit sa usapan ang regalo ni Kapitana Tinchang sa heneral na singsing na puno ng brilyante.
Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo nga ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng
bahay.
Makalipas ang ilang oras ay nakatanggap ng paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal ang ilang
mag-anak sa Tondo. Ito ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago. Isa
si Kapitan Tinong sa mga inimbita.
Kabanata 60 – Ikakasal na si Maria Clara
Si Kapitan Tiyago ay tuwang-tuwa dahil hindi siya hinuli o natanong man lamang ng pamahalaan. Hindi siya
nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa kaya dahil dito ay nagpamisa ang Kapitan sa Mahal na Birhen sa
Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen.
Kung si Kapitan Tiyago ay hindi inimbitahan ng pamahalaan, kabaligtaran naman ang sinapit ni Kapitan Tinong.
‘Di nakabuti ang pag-iimbita sa kanya ng pamahalaan. Siya’y nagkasakit, naging putlain, namamanas at ‘di na
palaimik. Hindi na rin bumaba ng bahay si Kapitan Tinong dahil sa pangambang baka mabati siya ng isang
pilibustero. ‘Di lingid sa kaalaman ni Kapitan Tiyago ang ganitong sinapit ni Kapitan Tinong.
Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiyago ay dumating sina Linares at ang mag-asawang de Espadaña. Sila’y
itinuturing na mga makapamahalaan. Ayon kay Donya Victorina, kung babarilin diumano si Ibarra ay tama lang
dahil ito daw isang pilibustero.
Kahit na nanghihina at namumutla ay hinarap ni Maria Clara ang mga bisita. Hanggang sa mapunta ang kanilang
usapan sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Napagkasunduan din na magpapapista si Kapitan Tiyago.
Tila buo na ang pasya ni Kapitan Tiyago na ipakasal ang anak kay Linares dahil nakikini-kinita niyang siya’y
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya ito. Si Linares kasi ang tagapayo ng Kapitan
Heneral kaya ang akala ng Kapitan ay kaiinggitan siya ng mga tao.
Kinabukasan, napuno ang bulwagan ni Kapitan Tiyago ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna na diyan
sina si Padre Salvi, Padre Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang Alperes na ngayon ay Tinyente at may
grado ng Komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpahuli ng dating at si Tinyente
Guevarra ng mga sibil.
Ang paksa ng mga kababaihan ay si Maria Clara na kahit malungkot ay magalang na tinanggap ang mga bisita.
Anang isang babae, maganda daw si Maria ngunit tanga naman dahil kayamanan lang daw ang habol ni Linares.
May nagsabi naman na marunong si Maria sa buhay dahil kaya raw ito ikakasal ay sapagkat bibitayin ang unang
katipan na si Ibarra. Lalo lamang nasaktan ang kalooban ni Maria Clara sa mga narinig kaya iniwan niya ang mga
babaeng nag-uusap.
Napag-usapan naman sa grupo ng mga lalaking nag-uusap ang paglipat sa Maynila ng kura. Samantala, sinabi
naman ni Tinyente Guevarra na hindi bibitayin si Ibarra, bagkus ay ipapatapon lamang. Nabanggit din niya ang
kaso ng binata at pagkaraan ay binati si Maria. Dagdag pa ng Tinyente, nakatitiyak daw ng magandang
kinabukasan ang dalaga. Ilang sandali pa’y nagpaalam na ang tinyente.
Si Maria naman ay nagtungo sa asotea. Nakita niya ang isang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng kanilang
bahay. Puno ng damo ang bangka at sakay nito ang dalawang lalaki, sina Elias at Ibarra. Itinakas pala ni Elias si
Ibarra.
Dumaan lamang si Ibarra upang ipahayag ang kanyang damdamin kay Maria at bigyan ng laya ang kasintahan
tungkol sa kanilang kasunduan. Dahil dito’y ipinagtapat ni Maria ang dahilan kung bakit siya pakakasal kay
Linares.
Aniya, napilitan lamang siyang talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa
dalawang amang nabubuhay pa. Pero hindi niya mahal si Linares kundi si Ibarra lamang daw ang tangi niyang
mahal.
Mahigpit na niyakap at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria Clara. Pagdaka’y lumundag muli ito sa pader at
sumakay sa bangka.
Si Elias naman ay yumukod kay Maria at nagtanggal ng sumbrero saka sumagwang papalayo sa lumuluhang
dalaga.

You might also like