ls3 Sec

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Learning Strand 3

1. Alin sa mga likas na yaman ang naapektuhan ng pagsasagawa ng muro-ami?


A. Lupa B. Mineral C. Gubat D. Tubig

2. Anong likas na yaman ang magagamit natin para sa pagpapatayo ng bahay at para sa
panggatong?
A. Mga kabibe galling dagat C. dahon galling sa mga puno
B. Tinunaw na lava D. kahoy galling sa kagubatan
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng episyenteng paggawa ng produkto?
A. Nagagandahan ang mga mamimili sa itsura ng produkto
B. Maayos ang pagka-anunsyo ng produkto
C. Imported ang raw materials na ginamit sa pagprodyus
D. Mura ang ginastos sa pagprodyus at may kalidad ang produkto
4. Matatawag natin kung de-kalidad ang produkto kung ito ay _____________.
A. Maganda B. Mura C.matibay D.mamahalin

5. Alin sa mga sumusunod ang suliranin sa freshwater ecosystem?


A. Mapabuti ang kalidad ng hangin
B. Pagkakataon sa paglilibang
C. Hindi tama ang pagtapon ng basura
D. Katatagan ng ekonomiya
6. Ano ang negatibong epekto ng mabilis na pagdami ng populasyon sa freshwater
ecosystem?
A. Maraming tao ang nakadagdag sa poluyon ng tubig
B. Maraming tao ang hindi mangangailangan ng pagkain mula sa tubig-tabang
C. Maraming tao ang tutulong sa pagpapanatili ng protected area
D. Maraming tao ang mangunguna sa paglilinis ng maruming tubig
7. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang negosyante?
A. May malaking capital c. risk-taker
B. May koneksyon sa gobyerno d. profit-motivate
8. Alin sa mga pangungusap na nasa ibaba ang hindi katangian ng matagumpay
nanegosyante?
A. Magbenta ng produkto na may tubo
B. Magtakda ng mataas na presyo sa produkto
C. Magplano ng negosyo sa hinaharap
D. Alamin ang kapakanan ng mga manggagawa
9. Ang paggamit ng mga makina sa halip na pagtatrabaho ang nakapag-alis ng mga
manggagawa sa kanilang trabaho. Ano ang nakasasamang epekto ng teknolohiya ang
tinutukoy sa pangugusap?
A. Pagbabago ng mga ugali ng tao
B. Pag-ubos ng likas na yaman
C. Kawalan ng trabaho
D. Paglikha ng mga nagbibigay kasiyahang trabaho
10. Ano ang mabuting epekto ng teknolohiya sa pamumuhay ng mga tao?
A. Ang teknolohiya ay nakapagdala ng mataas na pamantayan sa ating buhay
B. Nakapag-impluwensya ang teknolohiya sa pag-uugali ng mga tao
C. Ang teknolohiya ay nakapagdadala sa atin sa mababang pamantayan sa ating
buhay
D. Lumikha ng hindi sapat na trabaho ang teknolohiya
11. Sa pamamagitan ng mass media na kinabibilangan ng telebisyon, radio, pelikula at internet,
ang mga impormasyon ay nakakalat o nababahagi sa libo-libo o kaya ay sa milyong katao
na magkakasabay
Ano ang mabuting naidududlot nito sa atin?
A. Nakakalikha ng kasiya-siyang trabaho
B. Nakaiimpluwensya sa kaugalian ng mga tao
C. Pinabilis ng teknolohiya ang palitan ng impormasyon
D. Nawala ang oras ng pakikipag-usap ng miyembro ng pamilya
12. Bakit ang isang dahilan ng pagkamatay ng ilog Pasig ay ang pagdami ng populasyon sa
lugar na urban? Dahil mas maraming tao ang ______________.
A. Nagtatapon ng basura sa ilog
B. Gumagamit ng leaded na gasoline para sa sasakyan
C. Nakakukuha ng sakit mula sa ilog
D. Sumisira sa tirahan ng mga hayop
13. Bronchitis, hika at sinusitis ang iulan sa mga suliranin pangkalusugan sa urban na lugar. Alin sa
mga sumusunod ang hindi makalulutas sa sitwasyong ito?
A. Pagreresiklo ng mga plastic at di nabubulok na gamit
B. Regular na pagtsek sa mga sasakyan
C. Paggamit ng leaded na gasoline na nagtataglay ng carbon monoxide
D. Pagsusunog basura para kumaunti ang kokolektahin
14. Ano ang epekto g paglipat ng mga tao mula sa probinsya patungong urban ecosystem?
A. Pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan
B. Pagkaubos ng mga punong humahawak sa lupa
C. Pagdami ng bilang ng mga manggagawa kaysa sa mga estudyante
D. Pagdami ng populasyon sa nilipatang lugar
15. Nagkakaroon ng problema ang mga magsasaka sa pagpapatubig ng palayan tuwing
panahon ng tagtuyot. Alin sa mga pamamaraan ang makapagbibigay ng tubig sa
halaman?
A. Irigasyon C. Contour planting
B. Pagpili ng binhi D. Palit-palit na pagtatanim
16. Nangangailangan ang halaman ng mineral o sustansiya mula sa lupa upang lumaki. Ang ilan
sa mga ito ay phosphorous, sodium, at potassium. Subalit may mga lupang kulang sa mineral.
Paano ito binibigyan ng solusyonng mga magsasaka?
A. Pagpili ng binhi C. Suplay ng tubig
B. Pagpapataba ng lupa D. palit-palit na pagtatanim
17. Tungkulin ng mga nangangasiwa na protektahan ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan
ng mga manggagawa at mga taong maaaring maapektuhan ng kanilang negosyo. Ano
ang kahulugan nito?
A. Pagtutuunan ng nangangasiwa ang pagkakaroon ng kinikita
B. Tiyaking ligtas sa anumang kapahamakan ang mga manggagawa sa lugar ng
paggawaan
C. Humingi ng tulong sa abogado para sa proteksyon ng kompanya
D. Magsagawa ng pagsasanay sa manggagawa upang maging produktibo
18. Bakit ang pamantayan ng operasyon ng pamamakad ng mga kompanya ay malahagang
sundin?
A. Tinatalakay ditto ang mga tungkuling dapat gampanan kabilang na ang mga
instruksyon
B. Nakapaloob ditto ang mapa ng plano ng kompanya
C. Nakasulat ditto ang pangalan ng mga stakeholders
D. Naipaliwanag nito ang kasaysayan ng kompanya
19. Ang mga makina sa pananahi sa isang garment factory ay palaging nagkakaproblema.
Nasasayang ang oras ng mga manggagawa sa paghihintay na maayos ang makina. Isa sa
kanila ang aksidenteng natahi ang kanyang daliri. Ano ang dapat gawin ng nangangasiwa
upang maiwasang itong mangyari?
A. Bigyan ng karagdagang sahod ang mga manggagawa
B. Magtanggal ng ilang manggagawa
C. Regular na siyasatin ang mga makina, pasilidad at kagamitan
D. Isara ang garment factory
20. Ano ang epekto ng climate change sa agricultural ecosystem n gating bansa?
A. Pagkasira ng mg taniman at pagkamatay ng mga hayop
B. Pagtaas ng produksyon ng palay
C. Pagbaba ng presyo ng produkto
D. Pagtangkilik sa makabagong teknolohiya
21. Ano ang masamang epekto ng paggamit ng mga kemikal at pestisidyo sa agricultural
ecosystem?
A. Pagkawala ng mineral ng lupa c. Pagtaas ng ani
B. Pagtaas ng uri ng pananim d. pagkaubos ng peste
22. Ang patuloy at walang habas na paggamit ng pestisidyong kemikal ay nagdududlot ng iba’t
ibang epekto sa kapaligiran maliban sa _______________.
A. Polusyon sa hangin C. panganib sa kalusugan ng konsyumer
B. Panganib sa kalusugan D. pagguho ng lupang pinagtataniman
23. May mga kooperatiba ang mga magsasaka na nagpapautang ng puhunan. Ito ay
nakatakdang bayaran pagkatapos na maani ang produkto. Paano masisigurado ng isang
magsasaka na gaganda ang kanyang pananim at tataas ang kita upang mabayaran ang
inutang niya?
A. Dagdagan ang inutang na kapital C. Kumunsulta sa eksperto sa pagsasaka
B. Bilhin lahat ng nagustuhang pataba D.Sumubok ng iba’t ibang pestisidyo

24. Si Carlo ay isang negosyanteng naninirahan sa MAynila. Nakabili siya ng lupa sa Mindoro at
nagtayo siya ng kambinagn. Ang kaibigan niyang si Anthony ang pinagkatiwalaan nya kahit
walang sapat na kaalaman. Makalipas ang isang buwan, unti-unting namatay ang mga
alagang kambing sa kabila ng sapat na pinansyal at angkop na lugar. Ano ang nararapat
gawin ni Carlo?
A. Bumili ulit ng alagang kambing
B. Ilipat ang lugar alagaan
C. Padaluhinng pagsasanay ang tagapag-alaga
D. Humanap ng iba pang makakasama ang mag-aalaga
25. Mahalaga ang trabahador sa pagpapalago ng produksyon. Ano ang nararapat gawin
upang maging produktibo ang trabahador?
A. Hayaang magpahinga hanggang gusto
B. Bigyan ng nararapat na benepisyo
C. Ipagbawal ang snack time para mas marami ang magawa
D. Limitahan ang oras ng trabaho
26. Sa panahon ng tag-ulan laganap na naman ang kaso ng dengue kung saan dumarami ang
itlog ng lamok na mayroong dala nito. Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na dapat
gawin upang maiwasan ang sakit na dengue maliban sa isa.
A. Huwag hayaang magtambak ng tubig o bagay na pwedeng pamugaran ng itlog ng
lamok sa tahanan
B. Suriin at ayusin ang mga daluyan ng tubig upang hindi pamahayan ng lamok
C. Laging takpan ang inipong tubig sa bahay
D. Magsuot ng shorts habang naglilinis ng mga basura sa bakuran
27. Nakikita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa ilog, ano ang nararapat
mong gawin upang matigil ang masamang gawain na nakasisira sa kalikasan?
A. Kausapin ng mahinahon at ipaalam ang masamng epekto ng pagtatapon ng basura
sa ilog
B. Sumangguni sa barangay kapag nagmamatigas
C. Bulyawan at tambakan rin ng basura ang tapat ng bahay nila bilang ganti
D. Parehong A at B
28. Bakit mahalaga na pangalagaan an gating mga ilog?
A. Sapagkat may mga taong nakasalalay ang hanapbuhay dito
B. Sapagkat may mga nabubuhay dito
C. Sapagkat maaring makakuha ng sakit kung madumi at mabaho ang mga ilog
D. Lahat ng mga nabanggit
Para sa bilang 29-30, basahin ang talata sa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Pinatanggal sa merkado ng kumpanyang Samsung ang mga ibinebentang
Galaxy Note 7 Smartphones matapos mabatid na may mga baterya na sumasabog
o nasunog habang ito’y nagrerecharge. Nalaman na may 35 na kaso na pagsabog
ang naiulat. Ginawa ang pagpapabawi sa produkto dalawang lingo matapos itong
ilunsad sa merkado.

29. Batay sa pangyayaring ito, ano ang nagging epekto nito sa pagbebenta ng naturang
modelo ng cell phone?
A. Humina ang bentahan sapagkat marami ang natakot bumili nito
B. Mataas ang demand sapagkat maraming tao ang gusto pa ring magkaroon nito
C. Maraming tao ang bumili nito sapagkat gust nilang patunayan kung totoo ang mga
insidente ng pagsabog
D. Wala sa nabanggit.
30. Ipagpalagay na sa puhunan na P1000, nakagawa ka ng 50 cupcake. Kung nagmahal ang
presyo ng harina, ano ang mangyayari sa dami ng nagagawa mong cupcake sa parehong
halaga ng puhunan?
A. Higit sa 50 B. Mas kaunti sa 50 C. walang pagbabago D. di-mawari
31. Bakit kalimitang tumataas ang presyo ng gulay pagkatapos ng isang napakalakas na bagyo?
Dahil ________________
A. Maraming tao ang gusting kumain ng gulay pagkatapos ng bagyo
B. Nasira ang maraming taniman kaya’t buamaba ang suplay ng gulay
C. Tumataas ang presyo ng gulay sa pandaigdigang merkado
D. Tumataas ang presyo ng gasoline pagkatapos ng bagyo
32. Ang isang bansang may malayang pamilihan ay nangangahulugan na ____________
A. Maraming pamilihang maaring pagpilian ang mamamayan
B. Limitado lamang ang maaaring bilhin sa merkado
C. Walang pagkakataon ang mga mamamayan na makapamili ng produktong nais
nilang bilhin
D. Gobyerno ang nagdedesisyon para sa mga mamamayan kung anong produkto ang
dapat na mayroon lamang sila
33. Alin sa mga sumusunod na katangian ng anyong monopolyo sa pamilihan?
A. Mangilan-ngilan lamang ang prodyuser na sumasali sa pagtitinda ng produkto
B. Iisa lamang ang taga-suplay ng produkto o serbisyo sa pamilihan
C. Mahigpit na kompetisyon sa pagtitinda ng produkto o serbisyo sa pamilihan
D. Nagkakasundo ang bawat prodyuser sa pagtakda ng presyo sa pamilihan
34. Sa anyong monopolyo, higit na nagkaroon ng malakas at malawak ng kapangyarihan sa
pamilihan ang mga prodyuser. Ano ang mapapansin sa ganitong anyo ng pamilihan?
A. Mataas ang presyo sa magkauring produkto
B. Limitado ang suplay na ipinagbibili sa pamilihan
C. Malakas ang control ng mga negosyante sa supply ng produkto
D. May pagsasabwatan sa presyo ng produkto ang mga negosyante
35. Unti-unting nauubos at nasisisra ang mga yamang dagat, kabilang na dito ang mga bahura
dahil sa iligal na pamamaraan ng pangingisda. Alin sa mga sumusunod ang parusang
ipapataw kapag nagisda gamit ang dinamita?
A. Pagkakakulong c. pagbabayad ng multa
B. Paglilinis ng dagat d. ipapahiya sa buong barangay upang hindi pamarisan
36. Kung sa isang bayan, ang duming nanggagaling sa pabrika ay nagdudulot ng polusyon sa
tubig. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop sa kilos ng mga residente?
A. Sumangguni sa DENR upang mabigyan solusyon ang problema
B. Ipagbigay alam sa punong barangay ang problema
C. Kausapin ang may-ari ng pabrika at ipaalam ang dulot na polusyon sa tubig
D. Harangan ang gate ng pabrika para hindi makapasok ang mga manggagawa
37. Ang mga sumusunod ay mga paraan para mahikayatang mga empleyado na magtrabaho
ng magaling at mahusay maliban sa isa:
A. Bigyan ng insentibo ang mga maggagagawang nagbibigay ng higit na kakayanan
B. Pagiging tapat ng kumpanya sa kanilang mga empleyado
C. Pagmamatyyag sa bawat kilos at galaw ng manggagawa
D. Wala sa nabanggit
38. Sa paanong paraan kaya mahihikayat ni Juan ang isa niyang empleyado na tamad ngunit
matalino?
A. Bigyang babala ang empleyado na maari siyang matanggal sa kumpanya kung hindi
niya aayusin ang kanyang trabaho.
B. Kausapin ang empleyado, tanungin ang kanyang dahilan at bigyan siya ng payo
C. Bigyan ng karampatang parusa ang empleyado dahil sa kanyang pagiging tamad
D. Bawasan ang kanyang sahod ayon sa kanyang mga hindi natapos na gawin upang
magsilbing leksyon
39. Bakit mahalaga na may motibason ang mga empleyado sa kanilang trabaho?
A. Para galingan nila ang kanilang trabaho
B. Para sila’y ganahan pumasok araw-araw
C. Para sila’y manatiling tapat at totoo sa kumpanya
D. Lahat ng nabanggit

40. Bakit ang pagtugon sa mga suliranin pangkapaligiran ay tungkulin pang-sibiko?


A. Dahil ang mabuting mamamayan ay may obligasyon na protektahan at iligtas ang
kapaligiran
B. Dahil ang mga tao lamang ang dahilan ng pagkasira ng kapaligiran
C. Dahil ang mga mamamayan lamang ang makalulutas sa mga suliraning
pangkapaligiran
D. Dahil ang mga tao ay itinakda ng Diyos sa tagapangalaga ng kapaligiran

41. Bakit nagkakaroon ng erosion ng lupa? Dahil sa ______________


A. Pagmimina sa kabundukan C. Pagsasaka gamit ang irigasyon
B. Pangingisda gamit ang dinamita D. Pagsusunog ng basura
42. Bakit sinasabi na nakapapatay ng ibang kabuhayan ang iresponsableng pagmimina?
A. Nasisira nito ang ilan sa mga likas na yaman na pinakiukinabangan ng ibang tao
B. Direkta nitong pinapatay ang mga hayop na nakatira sa kagubatan
C. Hindi pinagbibigyan ng may-ari ng minahan ang pagkakaroon ng ibang hanapbuhay
sa paligid ng minahan
D. Kinukuha ng mga minero ang lahat ng likas na yaman na nakapaligid sa lugar ng
kanilang pinagmiminahan
43. Si Maria ay isang manggagawa sa isang hotel. Habang siya ay namamalantsa ng damit ng
isang hotel guest, aksidente nyang nabitawan ang plantsa at napaso ang kanyang paa. Ano
ang dapat mong gawin upang siya’y matulungan?
A. Gamitan ng direktang pressure ang bahagi ng katawan na napaso
B. Isagawa ang mouth to mouth resuscitation
C. Painumin ng pain reliever para mabawasan ang kirot
D. Lagyan ng yelo o malamig na tubig ang nasunog na bahagi sa loob ng 10 minuto

44. Paano nakatutulong ang mga babala na nakapaskil sa mga pinagtatrabahuhang lugar? Ito
ay nagsisilbing _____________
A. Paalala na mag-ingat sa lahat ng sandal C. Kasangkapan
B. Dekorasyon sa mga dingding at pasilyo D. Kagamitan
45. Si Imelda ay nangangailangan ng pera para sa kanyang negosyo. Ang Labayong
Cooperative inc. ay nagpapahiram ng may php 50.00 na interes bawat buwan sa kada php
1000.00 na hihiramin. Ang La Union Bank ay nagpapautang ng may 7% na interes bawat
buwan. Saan dapat mangutang si Imelda?
A. Labayong Cooperative inc C. PAGIBIG
B. La Union Bank D. veterans bank
46. Ang barangay Poblacion I ay may isang maliit na tindahan na nagbebenta ng mga
kailangan ng mga tao sa lugar na iyon. Ang paninda dito ay sobrang mahal pero napipilitan
silang bumili o hindi kaya pumupunta sila sa bayan para doon bumili ng mas mura. Kung kaya
may kooperatiba sana sa barangay Poblacion I, ano ang magiging pakinabang ng mga tao
dito?
A. Magkakaroon ng isa sa kumunidad na magbebenta ng mga paninda sa
makatuwirang presyo
B. Magkakaroon ng bagong daan patungong bayan
C. Magkakaroon ng pondo ang kapitan ng barangay
D. Magtipid ang lahat ng tao sa barangay
47. Pagkatapos ng Super Typhoon Lawin, tumaas ang presyo ng mga agricultural na produkto.
Ano ang sanhi nito?
A. Nasira ang mga taniman at bumaba ang suplay
B. Nasira ang mga taniman pero hindi naapektuhan ang suplay
C. Tumaas ang presyo sa pandaigdigang merkado
D. Tumataas ang presyo ng produktong agricultural tuwing buwan ng Oktubre.
48. Paano mas mahusay na mapapakinabangan ng agrikultura ang mga likas na yaman? Kung
_____.
A. Pangalagaan ito C. Sisirain ito
B. Hindi ito gagalawin D. Hindi ito gagamitan ng teknolohiya
49. Taong 1970’s dito sa Pilipinas ay marami pa ang makikitan mga agila. Paglipas ng panahon,
ang mga agilang ito ay paliit ng paliit ang bilang. Ang sitwasyong ito ay nagbabadya na ang
mga agila ay ____________.
A. Lumipat ng tirahan C. Nagiging alagang hayop
B. Nanganganib na mawala D. Nagbabago ng ugali
50. Ang mga taongayon ay patuloy na gumagamit ng mga Styrofoam na laayan ng pagkain
kung may pagdiriwang. May mga gumagamit din ng hair sprays para sa kanilang
pagpapaganda at mga iba pang naglalabas o gumagawa ng chloro fluro carbon (CFC).
Kung patuloy ang paggamit sa mga ito, ano kaya ang pinakamasamang dulot nito sa
kapaligiran?
A. Pagbaba ng ani C. Mas mahabang araw kaysa sa gabi
B. Pag-iinit ng mundo D. Mas mahabang gabi kaysa araw.

You might also like