Filipino Sa Piling Larang Akad Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Paunang Pagsusulit (Pre Test)

Pangalan:__________________ Taon at Strand:_____________ Petsa:_______

Tama o Mali
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat angTAMA kung ang pangungusap ay
tama at MALI naman kung hindi.

______1. Ang Abstrak ay binubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga


pahayag galing sa iba’t ibang sanggunian para makabuo ng isang kaisipan.
______2. Ang talumpati ay pormal dahil ito at pinaghahandaan, gumagamit ng piling
wika atmay tiyak na layunin.
______3. Sa pagsulat ng Talambuhay, mahalagang unahin muna ang pinakamataas
nanakamit na pinag-aralan.

______4. Ang panukalang proyekto ay naglalayong humingi ng pahintulot sa awtoridad.

______5. Ang Sintesis ay pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang


pinanggalingan para sa isang artikulo.

______6. Ang impormatibong absrak ay buod na naglalaman ng kaligiran, layunin,


metodolohiya, resulta at kongklusyon.

______7. Ang akademikong abstrak ay mayroong tatlong elemento lamang.

______8. Ang pagsasalaysay ay pagbibigay-hugis,kulay at katangian sa isang bagay.

______9. Ang layunin ng pangangatuwiran ay mapatunayan ang pinanghahawakang


ideya.

______10. Ang akademikong sulatin ay di gumagamit ng mataas na antas ng pag-iisip.

Pagpipiliang Sagot
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang
tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mahusay na Bionote?


a. maikli ang nilalaman b. hindi gumagamit ng baligtad na tatsulok
c. kinikilala ang mambabasa d. gumagamit ng ikatlong panauhan.

2. Pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw at saloobin tungkol sa isang paksa ng


isang tao sa harap ng madla.
a. editoryal b. balangkas
c. pagpupulong d. talumpati

3. Sa bahaging ito, inilalahad ng mananalumpati ang mga ideya, kaisipan at


paninindigan sa isang paksa
a. konklusyon b. katawan
c. panimula d. katapusan

4. Sa bahaging ito nagsisimula ang pagpukaw sa interes ng mga tagapakinig.


a. konklusyon b. panimula c. katawan d. katapusan

5. Dito nililinaw ng mananalumpati ang kanyang mga paninindigan na maaaring mag-


iwan ng impresyon sa mga tagapakinig .
a. konklusyon b. panimula c. katawan d. katapusan
6. Ang katitikan ay puwedeng gawin ng sumusunod MALIBAN sa ____________.
a. kalihim b. reporter sa korte c. encoder/typist d. pangulo
7. Alin sa sumusunod ang hindi na kailangan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
a. video recorder b. bolpen c. papel d. katitikan ng nakaraang pulong

8. ________ ay ang tala sa mahahalagang diskusyon at disesyon sa pagpupulong.


a. agenda b. pulong c. katitikan d. proyekto

9. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.


a. proponent ng proyekto b. deskripsyon ng proyekto
c. rasyonal d. Pamagat

10. Tumutukoy kung gaano katagal matatapos ang isang proyekto.


a. proponent ng proyekto b. deskripsyon ng proyekto
c. rasyonal d. Pamagat

11. Bahagi ng panukalang proyekto ng nagsusuma kung ilan ang mga kailangang pera
para sa proyekto.
a. petsa b. badyet c. deskripsyon d. pamagat

12. Ang __________ ay isang buod ng pananaliksik o artikulo na makikita sa unahang


bahagi ng manuskrito.
a. bionote b.sintesis c. abstrak d. talaan ng nilalaman

13. Ang haba ng abstrak ay binubuo ng __________ na bilang lamang.


a. 200-500 b. 150- 500 c. 300-500 d. 100-500

14.Ang sumusunod ay mga elementong nilalaman ng abstrak MALIBAN sa isa.


a. metodolohiya b. pinagkunan c. tuon ng pananaliksik d. resulta

15. Tawag sa uri ng abstrak na nagbibigay deskripsyon sa pananaliksik at hindi sa


nilalaman nito.
a. impormatibo b. deskriptibo c. nirustruktura d. di-nirestruktura

16. Ang sintesis ay _________.


a. paglalagom b. paghahambing c. pagrerebyu d. integrasyon

17. Ito ay halimbawa ng batayan sa pagsulat ng sintesis.


a. lagumin ang mga ideya b. tukuyin ang sanhi-bunga
c. isaayos ang mga ideya para sa kaisipan d. alamin ang isang paksa

18. Maaaring gamitin ang sintesis sa sumusunod MALIBAN sa isa:


a. pananaliksik b. artikulo c. sanaysay d. liham

19. Ang akademikong sulatin ay gumagamit ng _______ na antas ng pag-iisip.


a. advance b. mataas c. mababa d. wala

20. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Agham Panlipunan?


a. Pisika b. Pilosopiya c. Ekonomiks d. Agham political

You might also like