LP5 Descates FIL
LP5 Descates FIL
LP5 Descates FIL
Masusing Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino 11
Ipinasa ni:
JEQUEL B. JABAGAT
Practice Teacher, PNU MIN
Ipinasa kay:
Pebrero 6, 2019
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11
I. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop
na pananaliksik
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino
batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
a. Nakasusuri ng ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, etika
at proseso sa pananaliksik. F11PB-Ivab-100
b. Naiisa-isa ang mga bahagi, paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. F11PU-Ivef-91
A. PANIMULANG GAWAIN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
1. Panalangin
Magandang hapon, klas! Magandang umaga naman po, titser.
Bago natin sisimulan ang ating talakayan,
inaanyayahan kong tumayo ang lahat para sa
panalangin.
2. Pagtsek ng Atendans
May lumiban ba sa klase?
Mabuti, ipagpatuloy ang mabuting gawain. Wala po, titser.
3. Balik-Aral
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo? Tungkol sa mga bahagi at proseso ng
pananaliksik..
Tama! Ngayon, upang masukat ko kung naalala
niyo pa ang ating tinalakay ay magkakaroon tayo ng
isang Gawain. Ito ay pinamagatang Ideya mo, Ideya
Ko, Ideya nating lahat!
B. DEBELOPMENTAL NA GAWAIN
1. Pagganyak (Hear It Right)
Bago natin simulan ang pagtatalakay ay may gawain
akong inihanda para sa inyo. Ang gawing ito ay
pinamagatang “Sekreto ng mga Numero”. Sa
parehong pangkat, pipili ng limang kalahok na
maglalaro. Pabilisan ng pagsulat ng tamang sagot.
2. Presentasyon
Ngayon ay tatalakayin natin ang disenyo at
pamamaraan ng pananaliksik.
3. Pamantayan
Ngunit bago yan ay magkakaroon muna tayo ng
kasunduan. May ipapakita ako sa inyong kasunduan na
dapat ninyong gawin hanggang sa matapos ang ating
talakayan. Maliwanag ba klas?
Opo, titser.
KASUNDUAN
HINDI KAMI:
Makikipag-usap sa katabi
Gagamit ng selpon
Gagawa ng mga Gawain na hindi kaugnay sa
aming talakayan
Mag-iingay
KAMI AY:
Makikinig sa Guro
Buong-puso na gagawa sa gawaing iniatas ng
Guro
Magiging partisipatib sa klase
4. Pagtatalakay
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang
pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ito ang
nagtitiyak na masagot ng pananaliksik ang suliranin at matutupad ang mga layunin na itinakda nito.
Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda sa uri ng disenyong gagamitin ng mananaliksik.
Ayon kay David de Vaus (2011), kung mailatag nang maayos ng isang mananaliksik ang Sistema at disenyo
ng pananaliksik, tiyak na makakamit nito ang sumusunod:
a. Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatuwiran ang pagkakapili
nito;
b. Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa
at suliranin ng ginagawang pananaliksik;
c. Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral;
d. Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga haypotesis
at maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito; at
e. Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali
ang mga haypotesis.
KUWANTITATIBO
Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at
penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga tekniks na pamamaraan na
gumagamit ng kompyutasyon.
KUWALITATIBO
Ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain
ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Madalas gamitin sa ganitong uri
ng pananaliksik ang pakikisalamuhang obserbasyon, pakikipanayam, at pagsusuri sa nilalaman.
DESKRIPTIBO
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa,
pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, at paano na may
kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
Hal: 1. Persepsyon ng mga mag-aaral sa Divorce Bill
2. Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro sa kanilang pagtuturo.
DISENYONG ACTION RESEARCH
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan,
modelo, polisiya, at iba pa na layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan. Angkop na gamitin ang
action research sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga programa o pamamaraan sa pagtuturo.
HISTORIKAL
Ito ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng
mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Mabuting gamitin ang historikal na disenyo upang maglatag ng
konteksto ng isang tiyak na bagay o pangyayari.
Hal: 1. Pag-unlad ng General Education Curriculum(GEC) sa Kolehiyo
2. Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
PAG-AARAL NG ISANG KASO/KARANASAN (CASE STUDY)
Ito ay naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng
pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
Hal: Kaso ng Doktor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
Ito ay naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba
pa.
Hal: Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya
ETNOGRAPIKONG PAG-AARAL
Ito ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian,
pamumuhay, at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng ng pakikisalamuha rito.
Hal: Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw
DISENYONG EKSPLORATORI
Isasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa
tungkol sa isang paksa o suliranin.
Hal: Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang
Pangkapayapaan sa Mindanao
5. Pagnilayan/Pagsukat sa naunawaan
6. Paglalahat
7. Pagpapahalaga
Magaling!
IV. EBALWASYON/APLIKASYON
A. Ilipat
Batid kong, naunawaan na ninyo ang ating
tinalakay, ngayon upang masukat ko kung may
natutunan ba kayo sa ating talakayan ay
magkakaroon tayo ng isang Gawain.
Panuto: Ang bawat pangkat ay magbagyuhang-isip sa gagawing pananaliksik. Magkasundo at pumili ng
isang Pamamaraan at Disenyo ng Pananaliksik. Isulat at ipaliwanag kung bakit ito ang napagkasunduan ng
pangkat. Ipresenta sa buong klase. (20 puntos)
Pamantayan Puntos
Pagpapaliwag 10
Nilalaman 10
kabuuan 20
V. Takdang Aralin
Kasunduan: Gawin ang Kabanata 1 at Kabanata 2 ng inyong pananaliksik at ipasa sa susunod na tagpo.