Panitikan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

1.

Kahalagahan ng Pag-aaral sa Panitikang Pilipino

Panahon ng Katutubo Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang
mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-
bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na
anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin- dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan,
matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa
sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Gumaganit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga ng niyog at dahon at balat ng punongkahoy bilang sulatan at
matutulis na bagay naman bilang panulat. MGA URI NG PANITIKANG SUMIBOL AT SUMIKLAT SA
SINAUNANG PANAHON •Alamat •Kwentong Bayan •Epiko •Salawikain •Bugtong

PANANAKOP NG MGA KASTILA Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at
GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang
lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa
panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang
panrebolusyon.

Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng


mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya.
Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong
inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga
akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na
Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong
larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot
ng mga Kastila. Naging tanyag ang dulang Moro-Moro na pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito
ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula,
palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o
mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.

Panitikang Rebolusyonaryo Karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa
kamalayang Pilipino sa di- makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang
pamahalaan dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga
Pilipino. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad na naglalayong “matamo
ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang
malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya

Panitikang Rebolusyonaryo Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t
ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na
makasulat. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi
ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang
nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga
Kastila. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-
Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba
ay nagsisulat din.

Panitikang Rebolusyonaryo • Nahalinan ng Alpabetong Romano ang alibata •Naging bahagi ng wikang Pilipino ang
maraming salitang Kastila •Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging
bahagi ng panitikan gaya ng awit, korido, moro moro atbp. •Nasinop at naisalin ang makalumang panitikang sa
Tagalog sa ibang wikain •Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila,
naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang
Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing
ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na
nagsisulat sa Ingles at Tagalog. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino
sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles
noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na
ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya
ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula. Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga
Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong
ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga
sa sarsuwela ng Pilipinas.

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-
umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi
pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-
tahimik.

Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga sinusulat • Pinatigil ang mga dulang may temang
makabayan • Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway • Pinauso ang balagtasan katumbas ng debate •
Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

PANANAKOP NG MGA HAPON Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang
Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sa panahon ding ito
kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute
dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong
taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may
apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7- 7-7-7)

PANANAKOP NG MGA HAPON Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob
nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng
Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng
bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran
ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
PANANAKOP NG MGA HAPON Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles Natigil ang panitikan sa Ingles
kasabay ng pagpigil ng lahat ng pahayagan Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan Nagkaroon
ng krisis sa papel kaya di masyadong marami ang akdang naisulat

PANANAKOP NG MGA HAPON 1972 idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong
Ferdinand Marcos Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan Pinahinto ang mga pampahayagan
at maging samahang pampaaralan Pagtatatag ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla (sumusubaybay sa mga
pahayagan aklat at iba pang media.

PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO. ang
mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sasalita man o sa
gawa.At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong Republika ―ang Tunay na Bagong
Republikang Pilipinas. Bagama‘t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na RepublikangPilipinas ay
may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mgapagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga
TULA, AWITING PILIPINO , sa mga PAHAYAGAN , sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga
PROGRAMA SA TELEBISYON.

PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON • •Marami ang sumubok sumulat gamit ang sariling vernakular
•Namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng wikang pambansa •Mas mayamang ang pinagkukunan ng paksang
sinusulat •Malaki ang impluwensiya ng aghanm at teknolohiya •Nagbabago ang mga wikang ginagamit

Ang mga PANITIKAN sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na
damdamin ng mga makata: a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang maytiwaling gawin.
b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan c. Makabagong damdamin/emosyon na nararamdamn PANITIKAN SA
KASALUKUYAN

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng
mga makata: a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang maytiwaling gawin. b. pagpuri sa
mga nakagagawa ng kabutihan PANULAAN SA KASALUKUYAN

RADYO AT TELEBISYON Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob


nangwalang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.Marami na sa
panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang
hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto. Naging malikhain at malaya ang mga palabas sa radyo
dahilan kung bakit nagkaroon ng napakaraming ‘genre’ ng mga programa kasama na dito ang mga realitity
programs, fantaserye, anime atbp.

PANITIKAN SA PANAHON NG COMPUTER Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website, usb, e- mail,
download, wifi, connect, burn, scan, cd…. Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika
atmasasabing dulot ng teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya,mabilis ang pagbabagong
idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago sapapel na ginagampanan ng impormasyon sa ating
trabaho, buhay, at pag-iisip. Angmabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng
teknolohiya – ang kompyuter, cellphone, at internet.
Ang Anyo ng Panitikan

Tula Dalit-awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na


-ito ay naipahahayag sa paraang ang mga Birhen at nagtataglay ma kaunting pilosopiya sa
salita ay tinataludtod at inihahanay sa isang buhay.
estropa o saknong.
Pastoral-ito ay may layuning maglarawan ng
Mga Tulang Pasalaysay tunay na buhay sa bukid.

Epiko-nagsasalaysay ng kagitingan ng isang Oda-nagpapahayag ng isang papuri o


tao na hindi kapanipaniwala at puno ng panaghoy.
kababalaghan. Ito ay nagbubunyi sa isang alamat
o kasaysayan na naging matagumpay laban sa Tuluyan
panganib at kagipitan. -ito ay mga salitang pinagsama-sama sa
isang paraang patalata.
Awit at Kurido-tungkol sa mga paksang may
kinalaman sa mga dugong bughaw na layunin ay Mga Akdang Tuluyan
palaganapin ang Kristyanismo na dala ng mga
Kastila. Pinapaksa rin ang tungkol sa pagiging Nobela-isang mahabang salaysaying nahahati
maginoo at pakikipagsapalaran. sa mga kabanata.

Balad-ito ay may himig na awit dahilang ito Maikling Kuwento-salaysaying may isa o
ay inaawit habang may nagsasayaw. ilang tauhan na may isang pangyayari sa
Mga Tulang Liriko kakintalan.

Awiting Bayan-ang karaniwang paksa ng Dula-itinatanghal sa ibabaw ng entablado o


uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o tanghalan.
pamimighati, pangangamba, kaligayahan at
kalungkutan. Alamat-ito’y mga salaysaying hubad sa
katotohanan.
Soneto-ito ay tulang may labing-apat na
taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may Anekdota-hango sa aktwal na pangyayari sa
malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at sa buhay ng isang kilalang tao na kapupulutan ng
kabuuan, ito ay naghahatid ng aral sa mga aral.
mambabasa.
Pabula-ito’y mga salaysaying hubad sa
Elehiya-nagpapahayag ng damdamin o guni- katotohanan na ang mga tauhan ay hayop.
guni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. Sanaysay-ito’y napapahayag ng mga kuro-
kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari.
Talambuhay-isang tala ng kasaysayan ng Parabula-ito ay salaysaying hango sa
buhay ng isang tao. Bibliya.

Balita-isang paglalahad ng pang-araw-araw


na pangyayari sa lipunan.
Ang kahalagahan ng panitikan

Sa pag-aaral ng panitikan:
Masusumpungan ng bumabasa ang pinakatampok na kasaysayan ng daigdig, ang kamalayan ng bansang
kanyang kinabibilangan, ang kanyang katutubong kultura, ang tradisyong bumabalot sa kanyang lahing
pinagmulan.
Nagagawa ng bumabasa na marating niya ang ibang daigdig.
Magagawa niyang makahalubilo ang kahit hindi niya kalahi.
Nakikilala niya ang kalinangan na kung hindi man kawangis ng sa kanya ay iba kaysa sa kanyang lahi.
Dito ay napapag-ugnay-ugnay niya ang kanyang kinamulatang tradisyon, ang dangal ng kanyang lipi at ang
dakilang kabihasnan na hindi gaanong nalalayo sa kanyang katutubong lahi.

Maangkin ng tao ang likas na kahalagahan ng panitik kahit sa anupamang wika ito nasusulat, kahit sa
anupamang panahon ito nalimbag at sa kahit anupamang paraan ito ipinahahayag.

Kaugnayan sa Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas


Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao
noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga
may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na
nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong
metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo
sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay
nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may
angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan.
Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang
kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng
malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng
kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang
anyo ng kuwento (mito, alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at
anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan. Ang mga akdang nakapaloob sa batayan at
sanayang-aklat na ito ay mabisang magagamit ng mga mag-aaral para sa talakayan at pagpapahayag ng kanilang
sariling kuro-kuro, saloobin, at pagsusuri. Maaaninag sa nasabing mga katha ang katangi-tangi, masining at
malikhaing paraan ng mga manunulat sa paglinang at paggamit ng wikang Filipino. Magaganyak din ang mga guro
at mag-aaral sa malikhaing pagsulat at masining na pagpapahayag. Sa pamamagitan ng aklat na ito, nais naming
palaganapin ang iba't ibang anyo ng panitikan-sa nilalaman, sa estilo, at sa hinahangad na kakintalan-ang matapat na
maakay ang mga mag-aaral sa isang landas ng buhay na marangal, dakila, at makatotohanan at tuluyang magabayan
sila ng kanilang mga guro na maging matatag sa gitna man ng mga suliranin sa buhay, pagsubok, karukhaan,
pangamba-nariyan dapat ang mga kaisipang di magpapagupo sa mga magaaral na taas-noo pa ring makababangon at
makalalakad na may pagpapahalaga bilang mga Pilipino. Maikikintal sa pag-unawa ng mga mag-aaral ang
kahalagahan ng mga katha at akdang nakapaloob sa aklat na ito na magbibigay-daan para sa kanilang mabungang
kamulatan. Ito ang nais naming ibahagi sa mga mag-aaral bilang mga guro-isang uri ng panitikang huhubog sa
kanilang asal, karakter, at personalidad. Isang panitikang naghahandog ng pagkakataong sila'y makibahagi,
makialam, makisangkot, at mapasangkot sa iba pa. Mainam na ang mga guro'y kasangkot sa buong katauhan ng mga
mag-aaral-nag-aakay sa kanila sa tuwid na landas hanggang sa sila'y tuluyang mapakilos at matatag na makatayo sa
kanilang sariling paa at maging kasangkapan sa maganda at makabuluhang pagbabago ng lipunang Pilipino.

Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at
hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa
Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.

Uri ng Panitikan

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.

http://image.slidesharecdn.com/akdangpatula-140625020840-phpapp01/95/akdang-patula-2-
638.jpg?cb=1403680202

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan
ng lahing ating pinagmulan.

Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng
ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.

Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.

Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating
panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan

Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

Halimbawa ng Alamat
https://youtu.be/X5FP_Ll2OhA

Anekdota -
isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilal
a, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-
kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Halimbawa:

Ang Munting Gamu-Gamo--- Ina, Anak, Ilawan Ang masayahing gamu-gamo

Ang Inang gamu-gamo Hahanapin ang kalayaan

Gigisingin ang kamalayan

Ang mapagmahal na Inang gamu-gamo

Hahabiin ang tama

Pagmamahal sa kanyang anak

Ang lumang ilawan

Ang anak na gamu-gamo Ang matanglang na lumang ilawan


Kariktang nagliliwanag Liwanag na kay rikit

Kariktang napakainit Lumapit ka sa akin

Sa kandili ko'y mas maligaya

Halika anak ko

Lulan ng pagkabalisa Buksan ang mga mata

Pakinggan mo ang payo ko Walang panganib na nakikita

Dito ka lang sa kandili ko Panganib bang matuturing,

Kagandahang aking hinahain?

Huwag subukang sumuway

Pakinggan mo ang payo ko Sa palagay ko ilawan

Nagliliwanag na ilawan Walang halong pagbubulaan

Sa paglapit, dulot ay kapahamakan Hindi siguro mapapahamak

Lalapit ako sa'yo

Sa pag kandili mo Inay

Ligayang anung ibinibigay Ngayon ay heto ka

Nakikinig ako sa payo mo Tupukin ang pakpak!

Lagi lamang ako'y sa tabi mo Tupukin ang katawan!

Tupukin ang paggasa!

Naliligid ng panganib

Nobela -
o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-
200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiy
ak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinag
hahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin n
g bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayari
ng ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -
kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.
Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-
isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatang
ing kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mamb
abasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-a

Parabula-
o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling sal
aysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalaho
k na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang
katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay an
g iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng
kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

Maikling kwento -
isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iis
ang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong p
aggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa
buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Dula -
isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935

Sanaysay- isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-na-sanaysay

Talambuhay-
isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari
o impormasyon.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong
Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at
pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga
prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La
Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat
na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na
magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na
nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat
sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng

pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng

kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong

pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-


isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lala
ki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay -


pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

Awit at Korido -
Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayr
oon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-
tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mg
a intrumentong pang-
musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga
awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. I
to ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pama
magitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Epiko-
uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaa
way na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-
paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na mak
abayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-
bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.

May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.


3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

Salawikain -
Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahul
ugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Bugtong -
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulu
tas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga
(o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-
alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa t
anong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-


araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa t
uwing naglalaro ang mga bata.

Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa bansa.

Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

You might also like