3rd Quarter Grade 1

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

OXFORD WELLINGTON SCHOOL

Tanza Campus
Score:
3rd Quarterly Examination
Araling Panlipunan 1

Name: _______________________________________________ Date: ____________


Grade/Section: ___________________________ Teacher: Mrs. Melanie Ordanel_____

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang nagbabantay sa kaayusan ng paaralan.


a. guro b. nars c. guwardiya

2. Nagtuturo siya sa mga mag-aaral sa silid-aralan.


a. tindera b. guro c. nars

3. Siya ang namamahala sa buong paaralan.


a. punong-guro b. guro c. guwardiya

4. Siya ang namamahala sa mga aklat at magasin sa silid-aklatan.


a. librarian b. guro c. guwardiya

5. Siya ang nag-aalaga sa mga mag-aaral na may sakit.


a. librarian b. nars c. guwardiya

6. Sa araw na ito ipinapakita ang marka ng mga mag-aaral sa bawat bilang.


a. intramurals b. parent-teacher day c. report card day

7. Ito ang araw kung kailan ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng paaralan.


a. intramurals b. foundation day c. family day

8. Ito ay mga pagsusulit na nagaganap sa pagtatapos ng isang markahan sa paaralan.


a. markahang pagsusulit b. foundation day c. report card day

9. Inilaan ang araw na ito upang makapag-usap ang guro at ang magulang tungkol sa
mga programa ng paaralan.
a. markahang pagsusulit b. foundation day c. parent-teacher day

10. Ito ay ang kompetisyon sa pagitan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Maaring
akademiko o isports ang paglalabanan.
a. markahang pagsusulit b. intramurals c. report card day

II. Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng tamang pagsunod sa
tuntunin ng paaralan. Isulat naman ang M kung mali ito.

_____ 1. Nagpapakita ng magandang asal sa paaralan.


_____ 2. Laging magaslaw ang ikinikilos sa paaralan at hindi iniintindi kung nakakasakit sa
iba.
_____ 3. Pumapasok araw-araw.
_____ 4. Iniingatan ang mga sariling gamit.
_____ 5. Kinalilimutang magsuot ng wastong uniporme at palaging iniiwan ang ID sa bahay.
_____ 6. Hindi sumusunod sa mga takdang oras ng gawain.
_____ 7. Nakikinig at iniintindi ang mga sinasabi ng guro habang nagtatalakay.
_____ 8. Nagpapa-alam sa guro bago lumabas ng silid aralan.
_____ 9. Sumusunod sa guro at iba pang kawani ng paaralan.
_____ 10. Naglalaro o nakikipagkwentuhan sa katabi habang may talakayan ng klase.
III. Salungguhitan ang tamang salita na bubuo sa pangungusap.

1. Ibinebenta sa (kantina, klinika) ang mga masusutansiyang pagkain at inumin.


2. Sa (silid-aklatan, silid-aralan) tahimik na nagbabasa ng mga libro, magasin, at iba pa.
3. Maaring maglaro sa (palikuran, palaruan) ang mga bata.
4. Ang (palengke, paaralan) ang ikalawang tahanan ng mga mag-aaral.
5. Sa (gymnasium, kantina) maaring maglaro ng iba’t ibang isports o ganapin ang
asignaturang Physical Education.
6. Sa (classroom, computer room) makikita ang iba’t ibang mga computer na maaaring
gamitin ng mga mag-aaral at mga guro.
7. Ang (paaralan, mall) ay lugar kung saan nag-aaral ang mga bat para matuto.
8. Ang (nars, guwardiya) ay makikita sa klinika.
9. Ang guwardiya,janitor) ang nagpapanatili ng kalinisan sa paaralan.
10. Ang (palikuran, basurahan) ay kailangang panatilihing malinis tuwing ito ay ginagamit.

IV. Dugtungan ang mga sumusunod na parirala upang mabuo ang pangungusap. (3 points
each)

1. Ako ay nag-aaral sa _____________________________________________________.

2. Ang aking paboritong asignatura ay ________________________________________.

3. Sa paaralan ako natutong ____________________ at _________________________.


OXFORD WELLINGTON SCHOOL
Tanza Campus
Score:
3rd Quarterly Examination
Mother Tongue 1

Name: _______________________________________________ Date: ____________


Grade/Section: ___________________________ Teacher: Mrs. Melanie Ordanel_____

I. Panuto: Salungguhitan ang mga pandiwang perpektibo na ginamit sa bawat


pangungusap.
1. Sumayaw ang magkakaibigan sa programa ng barangay kagabi.
2. Isa si Ana sa mga kumanta sa patimpalak kahapon.
3. Nanood ako kagabi ng paborito kong palabas sa TV.
4. Ako ang bumili ng manok na inihanda ni nanay kanina.
5. Si kuya ang sumagot sa tawag ni Ben.
6. Naglakad si Cris pauwi dahil sa sobrang traffic.
7. Sa tabing ilog kami namasyal kahapon.
8. Magkasama sina Jed at Art na naglaro ng basketball sa court.
9. Nanood ang mga bata ng mga kwentong pambata kahapon.
10. Si ate ang naglaba ng mga maruruming damit noong isang lingo.

II. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ang bahagi ng aklat kung saan nakasulat ang mga paksa at kung saang pahina ito
makikita.
a. pabalat b. talaan ng nilalaman c. katawan ng aklat

2. Bahagi ng aklat na naglalaman ng pamagat. Ito rin ang nagbibigay proteksiyon sa


aklat.
a. pabalat b. talaan ng nilalaman c. katawan ng aklat

3. Sa bahaging ito mababasa ang mismong nilalaman ng aklat.


a. pabalat b. talaan ng nilalaman c. katawan ng aklat

4. Ito ay naglalaman ng listahan ng ngalan ng mga may-akda at sangguniang


pinagbatayan sa pagsulat ng aklat.
a. pabalat b. bibliograpi c. katawan ng aklat

5. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat.


a. pabalat b. bibliograpi c. katawan ng aklat

6. Ito ay uri ng sanggunian kung saan makikita ang mga mapa ng kalupaan at katubigan.
a. atlas b. almanac c. encyclopedia

7. Makikita sa sangguniang ito ang mga mahahalagang datos ayon sa kung kailan
naganap ito.
a. atlas b. almanac c. encyclopedia

8. Makikita sa sangguniang ito ang pinagmulan ng isang salita.


a. diksyonaryo b. almanac c. encyclopedia

9. Makikita sa sangguniang ito ang mga mayayamang impormasyon tungkol sa iba’t


ibang paksa.
a. diksyonaryo b. almanac c. encyclopedia

10. Makikita sa sangguniang ito ang kahulugan ng isang salita.


a. diksyonaryo b. almanac c. encyclopedia
III.Panuto: Salunguhitan pandiwa na nasa anyong imperpektibo ng mga sumusunod na
salita
Halimbawa: kain - kumakain

1. sayaw – (sumayaw, sumasayaw)


2. talon – (tumalon, tumatalon)
3. iyak – (umiyak, umiiyak)
4. lakad – (naglalakad, naglakad)
5. aral – (nag-aaral, nag-aral)
6. laba – (maglaba, naglalaba)
7. ligo – (naliligo, naligo)
8. tulog – (natulog, natutulog)
9. takbo – (tumakbo, tumatakbo)
10. kanta – (kumanta, kumakanta)

III. Panuto: Iguhit sa kahon ang mga bagay na nagpapganda sa isang barangay o
pamayanan. Kulayan ito. (10 points)
OXFORD WELLINGTON SCHOOL
Tanza Campus
Score:
3rd Quarterly Examination
Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Name: _______________________________________________ Date: ____________


Grade/Section: ___________________________ Teacher: Mrs. Melanie Ordanel_____

I. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang bilang ay nagpapakita ng pagmamahal sa bansa


at ekis (X) naman kung hindi.

_______ 1. Nakikilahok ako sa pag-awit ng “Lupang Hinirang.”


_______ 2. Ipinagmamalaki kong sabihin sa ibang tao na ako ay Pilipino.
_______ 3. Bumibili ako ng mga produktong ginawa sa Pilipinas.
_______ 4. Hindi ako sumusunod sa mga batas at patakaran sa Bansa.
_______ 5. Hindi ko iginagalang ang mga sagisag ng ating bansa.

II. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang mga sumusunod na pahayag ay tama
at Mali naman kung mali.

_______ 1. Ang Boom Boom ang ating Pambansang Sayaw.


_______ 2. Ang mangga ang ating Pambansang Prutas.
_______ 3. Si Andres Bonifacio ang ating Pambansang Bayani.
_______ 4. Ang tilapya ang ating Pambansang Isda.
_______ 5. Ang sampaguita ang ating Pambansang Bulaklak.
_______ 6. Ang baro’t saya ang ating Pambansang Kasootan.
_______ 7. Ang kalabaw ang ating Pambansang Hayop.
_______ 9. Ang anahaw ay ang ating Pambansang Dahon.
_______ 10. Ang basketball ang ating Pambansang Laro.

III. Panuto: Gumuhit ng bituwin ( ) sa patlang kung ang mga sumusunod na


pangungusap ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting mamamayan. Gumuhit
naman ng bilog ( ) kapag hindi.

_______ 1. Nag-iipon ng mga plastic at papel na maaaring i-recycle.


_______ 2. Nakikipag-away sa ibang bata.
_______ 3. Iginagalang ang ibang tao.
_______ 4. Hindi sumusunod sa mga batas trapiko.
_______ 5. Pumipitas ng mga bulaklak sa parke.
_______ 6. Pagpuputol ng puno sa kagubatan.
_______ 7. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan.
_______ 8. Pagsulat sa mga pader ng bahay o gusali.
_______ 9. Pagtatanim ng mga halaman na nakakadagdag sa kagandahan ng paligid.
_______ 10. Pagtatapon ng basura sa ilog.

IV. Panuto: Usulat ang kahulugan ng bawat paalala. (3 points each)

1. ______________________________________________

2. ______________________________________________

3. ______________________________________________
V. Panuto: Gumuhit sa kahon ng tatlong halimbawa ng Pambansang Sagisag ng
Pilipinas. (2 points each)
OXFORD WELLINGTON SCHOOL
Tanza Campus
Score:
3rd Quarterly Examination
Filipino 1

Name: _______________________________________________ Date: ____________


Grade/Section: ___________________________ Teacher: Mrs. Melanie Ordanel_____

I. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


paggalang at ekis (X) naman kung hindi.

_______ 1. Magandang tanghali po, Doktor Cruz.


_______ 2. Ana, linisin mo ang aking sapatos!
_______ 3. Tumayo ka nga! Paharang-harang ka sa aking daraanan.
_______ 4. Maraming salamat kaibigan.
_______ 5. Ipagpaumanhin mo po.
_______ 6. Ano ba! Ang ingay-ingay mo.
_______ 7. Magandang gabi nanay.
_______ 8. Makikiraan po.
_______ 9. Tabi! Manonood ako.
_______ 10. Paki-bigay po ito kay kuya. Salamat po.

II. Panuto: Salungguhitan ang mga Pang-ukol na ginamit sa bawat pangungusap.

1. May balita kaba tungkol sa parating na bagyo?


2. Ayon sa ulat na ito, itinaas ang babalang Signal Number 3.
3. Baka supertyphoon daw ito, ayon sa aming kapitbahay.
4. Para sa mga mangingisda ang babalang narining natin.
5. Ukol sa paglikas nila ang balitang ito.
6. May mga baterya ba tayo para sa plaslayt?
7. Ang mga kapote at botas ay para kay Ben at Ana.
8. Ayon kay tatay, mas magandang antayin nating lumipas ang bagyo.
9. Ulam at kanin ang iniwan ko para kay Mel.
10. Ihahanda ko muna ang mga gamit para sa laro.

III. Panuto: Hanapin ang katugma ng mga salitang nasa Hanay A sa mga salitang nasa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
______ 1. tayog a. ulam
______ 2. kalam b. manok
______ 3. tilaok c. mapait
______ 5. pangit d. matanda
______ 6. maganda e. niyog
______ 7. kabayo g. manipis
______ 8. lapis h. martilyo
______ 9. ulap i. umasa
______ 10. mahiwaga j. masarap
k. maalaga

IV. Panuto: Isulat sa patlang kung tama o mali ang iyong sagot.

_________ 1. Lahat sa pamayanan ay maaring mamasyal sa parke.


_________ 2. Ang mga lolo at lola ay hindi pwede sa parke.
_________ 3. Tungkulin ng pamayanan na panatilihing malinis at maganda ang parke.
_________ 4. Ang mga bata lamang ang dapat maglaro sa parke.
_________ 5. Ang parke ay pook pasyalan.
V.Panuto: Salunguhitan ang kaparehas na kahulugan ng mga salita sa bawat bilang.

1. gulod (mataas na lugar, mababang lugar)


2. natunaw (naubos, nalusaw)
3. pumukol (bumato, nagbigay)
4. umakma (umalis, umayon)
5. nagkukubli (naglilihim, nagpapakita)

You might also like