Andres
Andres
Andres
ANDRES BONIFACIO
(Andrés Bonifacio y de Castro)
A.K.A. : “Supremo”
Born: nov. 30, 1863 (tondo, manila)
Died: 10 may 1897, maragondon
Spouse: gregoria de jesus
Mother: catalina de castro
Father: santiago Bonifacio
• A filipino revolutionary hero
• Kasapi ng laliga Filipina
• Supremo ng KKK
Mga akda
• Katapusang hibik ng pilipinas
• Pag-ibig sa tinubuang lupa
• Ang dapat mabatid ng mga tagalog
• Katipunang marahas ng mga anak ng bayan
• Decalogo ng katipunan
Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang
nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita
nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating
paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga
pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong
gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang
hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating
Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak
ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas
humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y
itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, asawa at matandang
magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay
itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng
sa hayop na kabangisan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan;
panahon nang dapat nating ipakilala n tayo’y may sariling pagdaramdam,
may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat
simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa
masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong
dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga
kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin
y tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa
ati’y inuumang ng mga kaaway.
IV. Analysis
3 parte ng teksto
*Liwanag *Dilim *Liwanag
1. Liwag
• sinasaad dito ay bago dumating ang mga kastila, ay may
panahon ng liwanag na kung saan ang mga katagalugan ang
dapat mag hari sa lupang kinagisnan.
• Ipinangako ng mga kastila na pagiginhawain ang buhay ng mga
Pilipino na pinaniwalaan ni Datu sikatuna at ni Legaspi.
pacto de sangre (blood compact)
2. Dilim - Ang panahon ng pag dating ng mga kastila
• ang lahat ng mga panagko ay nabaon sa limot.
• nabuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng mga kastila.
• Inimulat ang mga pilipino sa maling pagsampalataya at
isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng Bayan.
• Ang panahon kung saan ang mga Pilipino ay nagingalipin.
3. Liwanag / Liwanag ng Katotohanan
• Ayon kay bonifacio ay dapat asahan ang mga sarili at huwag
antayin sa iba ang kanilang kabuhayan
• Ayon sa kanya dapat ipakilala na ang mga Pilipino ay may
sariling damdamin, may puri, may hiya at pagdadamayan.
• Dapat nating idilat ang bulag na kaisipan at ipakita ang tunay na
lakas para magkaroon ng tagumpay at kaginhawaan ang Bayan.
•
V. Relevance of the Text in Philippine Literature and/or History
Ang pag alam sa nakaraan ay isang mahalagang parte ng pag-aaral na
kung saan dito ay malalaman ng isang pilipino kung paano nga ba,
nabuhay ang mga katagalugan noon lalo’t na sa ilalim ng emperyalismo
ng espanya, kung paano tayo’y inalipin, isinadlak sa dusa, kung paano
nila na kamkam ang bawat lugar dito sa pilipinas.
Ang kahalagahan sa kasaysayan nito ay sinusubukan ni andress na
imulat ang mata’t isip ng mga pilipino na mag kaisa, mag tulungan, at
h’wag umasa sa ibang tao na kung ano ang magiging kapalaran ng bawat
pilipino.
Sa sanaysay den na ito, ditto nanghihikaya si andress sa mga bawat
Pilipino na dapat tayong mag kaisa, iisang tabi ang ating mga sariling
pananaw para makamtam ang hinahanap na Kalayaan laban sa mga
kastila, at maibalik ang sariling inang bayan.