3.2 (Mito) PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.2
Panitikan: Mitolohiya (Mito, Alamat, Kwentong Bayan)
Teksto: “Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao”
ni Simplicio Bisa
Wika: Mga Pahayag sa Panimula, Gitna at Wakas ng isang Akda
Bilang ng Araw: 6 Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIId-e-14)
 Natutukoy ang magkakasunod-sunod at magkakaugnay na mga
pangyayari sa tekstong napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIIa-e-15)


 Napaghahambing ang mga katangian ng mito/alamat/kuwentong
bayan batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga
aspetong pangkultura.

(F7PB-IIIa-e-16)
 Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIIa-e-14)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga salita na ginamit sa tindi ng
pagpapakahulugan.

PANONOOD (PD) (F7PD-IIIa-e-14)


 Naipaliliwanag ang tema at iba pang elemento ng mito/ alamat/
kuwentong bayan batay sa napanood na mga halimbawa nito.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIa-e-14)


 Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari
sa nabasa o napanood na mito/ alamat/ kuwentong bayan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIIa-e-14)


 Naisusulat ang buod ng isang mito/alamat/ kuwentong bayan nang
maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIIa-e-14)


 Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula,
gitna at wakas ng isang akda.

Ikatlong Markahan| 23
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-IIIa-e-14)


 Naipaliliwanag ang tema at iba pang elemento ng mito/ alamat/ kuwentong
bayan batay sa napanood na mga halimbawa nito.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Mitolohiya (Mito, Alamat, Kwentong Bayan)


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya ( 4 PIC 1 WORD)


May ipakikitang apat na larawan ang guro. Huhulaan ng bawat mag-aaral ang
tamang terminolohiya para sa apat na larawan. Maaari itong gawing
pangkatang gawain kung saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot
ang magkakaroon ng puntos. Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling
panalo.

http://pre04.deviantart.net/9a3f/th/pre/i/2015/115/9/7/bathala___the_supreme_god_by_trixdraws-d4tk9nr.jpg
B T A A
Sagot: BATHALA

Ikatlong Markahan | 24
htp://images.clipartpanda.com/queen-clipart-18282497-A-illustration-of-cartoon-queen--Stock-Vector-princess.jpg
http://previews.123rf.com/images/yuliaglam/yuliaglam1207/yuliaglam120700056/14646118-illustration-of-beautiful-
Princess-in-gold-Stock-Vector-queen-woman-beauty.jpg
https://www.google.com.ph/search?q=reyna&biw=1032&bih=574&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwixkeGC
mc3PAhVDVZQKHe6xBu8Q_AUIBigB#tbm=isch&q=queen+clipart+images+black+and+white&imgrc=2Y6n1lJ1ClMnfM%
3A
http://thumbs4.ebaystatic.com/d/l225/m/mjy7rUhxtkRoRWjv3kByOGg.jpg

E N

Sagot: REYNA

http://images.clipartpanda.com/handout-clipart-cg_king.gif
http://images.clipartpanda.com/king-clip-art-king-solo-md.png
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/originals/7d/ab/11/7dab1110f8e3d8c35e087979b42015ee.jpg
http://www.clipartkid.com/images/381/king-crown-clip-art-clipart-panda-free-clipart-images-Dxslqy-clipart.png

H I

Sagot: HARI

https://morrighansmuse.files.wordpress.com/2014/04/heritageartscenter-com.jpg?w=660
http://hotphotosfree.com/sites/default/files/styles/medium/public/field/image/cae50b67a9bc602dac6a7f6b9febcd8e.jpg?ito
k=NsCbp_bs
http://3.bp.blogspot.com/-FaG2Q7fCbPk/U25OFNxideI/AAAAAAAAfD8/1hIkcVrzq-
k/s1600/Barbie+Fairy+For+Kid+Coloring+Drawing+Free+wallpaper3.gif
http://3.bp.blogspot.com/-
QhorcYhs3kw/U25OC7uAcrI/AAAAAAAAfDw/gCfm8JWF3d4/s1600/Barbie+Fairy+For+Kid+Coloring+Drawing+Free+wall
paper1.jpg

D I A T

Sagot: DIWATA

Ikatlong Markahan| 25
Gabay na Tanong:
a. Ano ang inyong naging damdamin sa ginawang aktibidad?
b. Sa anong akdang pampanitikan makikita ang mga tauhan sa aktibidad na
ginawa?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano masasabing mito ang isang akdang pampanitikan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO!)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube ng isang halimbawang mitolohiya.

SI TUNGKUNG LANGIT AT ALUNSINA


(Kung Bakit Umuulan)
https://www.youtube.com/watch?v=H0l0X_zdCjw

ANALISIS

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong pinanood? Sino ang tauhang


higit mong nagustuhan? Ibigay ang kanilang mga katangian. Naging
kawili- wili ba ang mga tauhang ito para sa iyo? Bakit?
2. Maituturing bang akdang pampanitikan ang mga akdang gumagamit ng
mga diyos, diyosa, bathala at diwata bilang mga tauhan? Ano ang
tawag dito?
3. Ibigay ang pangkalahatang tema ng mitolohiya bilang isang akdang
pampanitikan. Paano ito nagkakapareho at naiiba sa ibang akdang
pampanitikan?
4. Makatutulong ba ang mga akdang mito sa pagpapaunlad ng panitikang
Pilipino? Paano?
5. Ano ang iyong masasabi tungkol sa panitikang Pilipino batay sa iyong
napanood na mitolohiya? Makatutulong ba ito sa pag-unlad ng panitikan
sa bansa?

Ikatlong Markahan | 26
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M AN- (F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

ANG MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga
kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa
mga likas na kaganapan.
Halimbawa : paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan
May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong bayan. Ang
isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang
tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa
mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na
sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (WORD HUNT)


Hahanapin ng mga mag-aaral sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto
sa pangkalahatang kaisipan ng aralin.

M E R F T U J I K N K I O O O K
N I L A L A N G D D D D G T T A
A V T K A P A N G Y A R I H A N
E D I O K I O I D F H K I O P Y
E E I I L J J K U I G O E E A T
T W D I Y O S A L K N I I L M U
H A U Y O H H M T A L I A E A O
J A T A E H D I Y O S H I E L A
U A P E E H E A Y K T U U Q H R
K A P U E F G H Y A I I U A A I

Ang _______ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong may kinalaman


sa mga _______, _______, at mga kakaibang _______ na may _______.

Ikatlong Markahan| 27
Sagot:
Ang mitolohiya ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong may
kinalaman sa mga diyos, diyosa, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (THINK, SHARE AND DRAW!)


Sasagutin ang katanungang inihanda ng guro sa pamamagitan ng pagguhit at
ibabahagi ito sa klase..
Kung ikaw ay isang diyos o diyosa na magiging tauhan sa isang
mitolohiyang Tagalog, anong kapangyarihan mayroon ka? Bakit ito ang
iyong napili? Iguhit ang inyong kasagutan at ipaliwanag ito sa klase.

Diyosa ALA- EH
(diyosang tagapag-alaga ng kalikasan)
Dahil ang isa sa batas ng Lungsod Batangas ay ang
pag-iwas sa paggamit ng plastik sa lahat ng
pagkakataon lalo na sa pamimili, ang Diyosa ALA- EH
ang siyang magpaparusa sa mga taong hindi
sumusunod sa batas na ito. Mayroon siyang
kapangyarihang baguhin ang pag-uugali ng mga
taong ito.

http://previews.123rf.com/images/gurza/gurza1111/gurza111100103/11113079-Fairy-on-a-white-background-Stock-
Vector-fairy-cartoon-cute.jpg

V. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga diyos at diyosa na pinaniniwalaan ng mga sinaunang


Pilipino at ibigay ang kapangyarihang taglay ng bawat isa.
2. Basahin ang akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao”. Isulat ang
buod nito sa inyong kwaderno. Sagutin ang mga katanungang may
kaugnayan sa kuwento.
a. Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ilarawan ang bawat isa.
b. Saan naman ang tagpuan?
c. Aling bahagi ng akda ang kapana-panabik? Isalaysay ito.
d. Ibigay ang mensahe ng binasa na magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
e. Anong pagdiriwang ang tinalakay sa kuwento? Paano nila ito
isinasagawa?
f. Bakit maituturing na isang mito ang binasa?
3. Ano ang alamat at kuwentong bayan? Paano ito maiuugnay sa mitolohiya?

Ikatlong Markahan | 28
LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIId-e-14)


 Natutukoy ang magkakasunod-sunod at magkakaugnay na mga
pangyayari sa tekstong napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIIa-e-15)


 Napaghahambing ang mga katangian ng mito/alamat/kuwentong bayan
batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong
pangkultura.
(F7PB-IIIa-e-16)
 Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIIa-e-14)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga salita na ginamit sa tindi ng
pagpapakahulugan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIa-e-14)


 Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari sa
nabasa o napanood na mito/ alamat/ kuwentong bayan.

II. PAKSA

Panitikan: Mitolohiya- “Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” ni


Simplicio Bisa
Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (I- GRAPHIC ORGANIZER NINYO!)


Sa tulong ng graphic organizer ay itatala ng mga mag-aaral ang mga
pagdiriwang na panrelihiyong hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa pa rin
sa kanilang lugar o lalawigan.

Ikatlong Markahan| 29
Mga Pagdiriwang na Panrelihiyong Isinasagawa pa
rin sa Aming Lugar

Gabay na Tanong:
a. Batay sa inyong gawain, bakit mahalagang ipagdiwang ang mga ganitong
okasyon?
b. Ano-ano ang mga partikular na gawain sa mga pagdiriwang na ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit maituturing na mito ang akdang “Ang Matandang Kuba sa Gabi ng


Cañao”?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (HOW TO CLINE?)


Pagsasaayos ng mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan nito. Lalagyan
ng bilang 1 para sa pinakamababaw na kahulugan hanggang bilang 4 para sa
pinakamasidhing kahulugan.

1 Anas 4 Naglalagablab 2 Kinakabahan 1 Nabigla

2 Bulong 3 Nag-aapoy 3 Nangangamba 4 Nagulantang

3 Sigaw 2 Nagsisiga 4 Natatakot 3 Nagulat

4 Palakat 1 Nagniningas 1 Nag-aalala 2 Nagitla

Ikatlong Markahan | 30
4. Paghihinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WHAT DO YOU KNOW?)


Magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon ang mga mag-aaral tungkol
sa seremonya ng mga Igorot na tinatawag na Cañao.

Cañao

5. Pagkilala sa Awtor

Mungkahing Estratehiya (ATING KILALANIN)


Magbibigay ng ilang mahalagang impormasyon ang guro tungkol sa sumulat
ng akda na si Simplicio Bisa.

Si Simplicio P. Bisa ay tubong Taysan, Batangas. Isa siyang


manunulat, tagapagsalin at guro ng panitikan sa Filipino. Siya ay
makapitong ulit na nagkamit ng Gawad KADIPAN sa pagsulat ng maikling
kuwento (nang estudyante pa ng FEU), at nagkagantimpala na rin sa
patimpalak ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

Si Bisa ay nagtapos ng doktorado sa wika at literature sa De La Salle


University. Sa kasalukuyan, siya’y Associate Professor sa Departamento ng
Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining, at Koordineytor ng mga
programang DALL/MALL Filipino sa Graduate Studies.

Siya rin ang editor ng Daloy, jornal na pampanitikan ng nasabing


pamantasan. Bago siya nakapagturo sa Pamantasang De La Salle, naging
Puno siya ng Kagawaran ng Filipino sa Far Eastern University, ang
pinagtapusan niya ng mga karunungang A.B., B.S.E. at M.A.

Sanggunian:http://www.panitikan.com.ph/content/simplicio-p-bisa

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CAÑAO


Simplicio Bisa

Ikatlong Markahan| 31
Dumating ang matandang iyon sa pagkakataong hindi inaasahan. Isa
iyong matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang
lusong. Walang makapagsabi kung sino siya at wala namang nag-aksaya pa
ng panahong mag-usisa. Ang totoo’y hindi siya ganoong napag-ukulan ng
pansin kung hindi lamang siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa
sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang cañao.
Isang tanging piging iyon upang mag-alay ng Kabunian, ang
pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo sa Lifu-o sa kaingin, ay nakakita
siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain.
Bumalik na siya sa kanilang ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga
intugtokan Ibig niyang magdaos ng cañao. Ibig niyang ganapin iyon sa kanilang
af-fong.
Ang pagdiriwang na ganito ay laging may nabubuhay na gunita sa lahat,
lalo na sa matatanda – binubuhay ng mga tunog ng gangsa at ng pag-awit ng
mga am-ama sa ay-ayeng. Ang alingawngaw ng mga tugtuging ito na nagliliklik
sa mga labis, sa mga libis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay
sa pook na iyon; sa idinaraos na cañao nakatuon ang pansin ng nakauunawa
sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya, pagsilang, pagtatanim, pag-aani kaya,
pakikidigmaan, paghinging-biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng
isang katutubo? At dinadaluhan nila ang mga ganitong cañao at naiisip niya
ang matandang kubang iyon ay isa sa naakit na dumalo; isa ring intugtukon sa
ili na sumakop sa ato nila.

“Ama,” pumukaw ang tinig ni Sabsafung. “Ihahanda ko na ang mga


tappey at fayas.”

Binalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya


namamalayan. Sa makulay nitong lufid na nabibigkisan ng wakes, naisip niyang
isang tanging cañao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya ngayon.
Makintab ang buhok nito na sinusupil ng ap-pong. Sa malikot na liwanag ng
mga sulo at siga, ang fatek sa braso, balikat, at leeg ng anak ay naging
magagandang guhit na hindi makapgkubli sa katotohanang dalaga na rin ang
anak; malusog na ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhot na fatek. Naisip
ni Lifu-o: makatutulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim
at pag-aano sa kanilang kaingin... at sa pagdaos ng cañao.

“Ihanda mo na... Tulungan mo ang iyong ina...”


Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang Igorot ang
baboy na papatayin sa cañao. Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na
kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol, natumba
ang lusong kasama ang matandang kuba.
Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli
itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon, may nakita si Lifu-ong na tila kakaiba
– pang-akit wari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon “Bayaan na ninyo
ako...”

Ikatlong Markahan | 32
Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga ama-
ma ay umaawit na ng ay-ayeng – malalakas at nananawagan: Iligtas kami sa
anumang panganib... Iligtas kami sa mga kapahamakang darating,
Kadakilaan... O, Kabunian!

Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dalangin: Bigyan mo,


Dakilang Kabunian, ng masaganang at mahabang buhay ang mga nasa ato sa
iling ito.
Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang idinadarang na sa
apoy. Mamasid-masid lamang ang matandang kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay
na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy. Ang ningas
ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y
nakatanglaw sa matanda. Nasa dilim na siya...

Binalikan ni Lifu-o ang matanda.

“Doon ka am-ama. Makiisa ka sa amin.”

“Babalik din sila rito...”

“Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay?”

Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot ang nakabilot na


tuyong dahon ng tabako.

“Salamat... Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng matanda.

Bumalik na nga si Lifu-o sa bahay. Kailangang naroon siya sa pagdaraos


ng ritwal. HInahanap na nga siya.

“Nasaan si Lifu-o?”

“Si Lifu-o?”

“Lifu-o...”

Bumalik pagkaraan ng mga sandali ang lahat sa labas ng bahay na


malapit sa binubuhay na mga siga... bumalik silang masasaya... at lumalakas
ang awitan... ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.

“Nasiyahan ang mga anito... ang apdo ng baboy ay nakaturong


palabas...”

“Tuhugin sa patpat... suksok sa bubungan... sa malapit sa pintuan!”


“Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni
Kabunian...!”

Ikatlong Markahan| 33
“Dulutan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag... paanyayahan muna
ng panalangin!”

“Lifu-o,” bahagyang nagulantang ang tinawag. Idudulot na ang tap-pey,


Lifu-o.” Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawang si Napat-a.

“Oo... Oo, Napat-a.”


Dinulutan din ni LIfu-o ang matandang kuba. Inilagay sa isang kiyag ang
karne at ang kanin. Noon nagsalita ang matandang kuba sa isang
makapangyarihang tinig na naririnig ng lahat. Ang pagdiriwang ay natigil. Ang
tunog ng gangsa ay napipi at ang mga katutubo ay bumaling sa biglang
nagsalitang matanda. Ngayo’y natitiyak na ni Lifu-o na ang tinig ng matanda
ang higit na makatatwag-pansin.

“Ang idinaraos ninyong Cañao ay bibiyayaan ng mga anito, Dininig iyan


ni Kabunian. Ngayon ay ibig kong maghandog ng aking alaala.” Ang tinig niya’y
malamig, tila dumarampi sa hubad nilang katawan – pinatitindi ng malamig na
simoy na itinataboy ng mga puno ng pino at hindi makabawas ang salab ng
ningas ng siga. Naging lalong malilikot ang liwanag ng mga sulo; lumikha iyon
ng mga anino sa dingding ng mga nakapaligid na tahanan ng mga Igorot –
lumaki – lumiit – nagtatanghal wari ng isang mahiwagang sayaw. Samantala,
ang tinig ng matanda ay tila nanunuot sa kaibuturan.

“Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo


ang cañao. Huwag ninyong gagalawin ang pagkakataob sa akin ng kawa.”

Sumisigaw ang isip ni Lifu-o:


“O kabunian, kung ito’y palatandaan ng isang ipagkakaloob na
magandang biyaya, tulungan mong mapaayon sa katwiran.”

Nagsasalita pa ang matanda. “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang


masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga
lamang ang maaari ninyong pitasin...”

Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isang


pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang pipilay-pilay na
lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayo’y nakapangyayari na ang
kanyang katauhan.

Isang matipunong Igorot ang kumuha ng kawang hiniling niya. Ang mga
intugtukon, ang mga matatalinong matatanda ng ato, ay napatatangay wari sa
isang nagaganap na mahiwagang pangyayari – buong pag-aalang-alang na
inakay ang matanda at dinala sa tabi ni Lifu-o sa gitna ng pinagdarausan ng
cañao; ang ay-ayeng ay inaawit nang muli; ang mga gangsa ay unti-unting
sumisigla sa nalilikhang tugtugin...

Ikatlong Markahan | 34
Naupo na ang matanda, taglay ang mga plato ng pagkain. Sa hudyat ni
Lifu-o, dahan-dahang itinaklob ang kawa. Lumakas ang awitan, ang ay-ayeng;
bumilis ang pagtugtog sa mga gangsa. Sa dibdib ni Lifu-o, malakas din ang
pintig ng puso. Iyon din ang pintig ng buhay na naghahari sa kapaligiran.

Sa SILANGAN pumupusyaw na ang liwanag at nagkakahugis na ang


mga puno ng pino.
Sa magkabilang tabi ni Lifu-o ay ang walang katinag-tinag na si Napat-a
at si Sabsafung. Sa malapit na nakataob sa kawa ay nakapaligid ang mga
katutubo. Ang hubad nilang katawang nasisikatan ng araw ay nangingintab sa
pawis. Magkahalong damdamin ng pananabik at pangamba ang
nakalarawansa mukha ng lahat. Samantala ang mga am-ama na
kinabibilangan ng mga intugtukon ay bumubulong ang mga pangamba. Sa
itaas, humuni ang isang ibon.
“Ito ang itinakdang araw ng matanda, ama,” pagaw wari ang bahagyang
nagkatinig na anak; gumulantang iyon kay Lifu-o. “Hindi ka ba natatakot,
ama...? Ha, ina...?”

“Sabsafung...” Halos bulong iyon ng ina. Pinisil nito ang hinawakang


kamay ng anak. Nararamdaman ni Sabsafung ang lamig niyon.

“Bakit kayo matatakot, ha, Sabsafung? Ha. Napat-a?” Pumayapa ang


tinig ng ama ngunit ang kanyang lalamunan ay nanuyo. Lumunok si Lifu-o.
“Pangako niyang handog ito.”

“Oo nga, Lifu-o...”

“Oo nga, ama...”

Kinabig ni Lifu-o ang balikat ni Napat-a at ni Sabsafung. Ang init ng


katawan ay magpapadaloy ng mainit na dugo.

Humudyat si Lifu-o . Itinaas na ang kawa. Apat na matitipunong Igorot


ang lumapit sa kawa. Ngunit...

“Apu Lifu-o, nagkalamat ang kawa...!”

“May nag-uusbong na halaman...”

“Kakaibang halaman...”

“Tugtugin ang mga gangsa... nang malakas na malakas... nang mabilis


na mabilis...”

“Awirin ang ay-ayeng...”

Ikatlong Markahan| 35
“Manalangin...! Manalangin...!”
Sila’y nangangayupapa. Nananalangin. Nag-aawitan. Sa saliw ng
gangsa. Palakas nang palakas. May nagsisindak – mga lalaki, mga babae, mga
bata, matatanda.
Sapagkat kadakilaan... o, Kabunian...! Isang halamang ginto ang
tumutubong ito.
Natutop ni Lifu-o ang dibdib. Ang pintig niyon ay nagpapayanig sa
kanyang katauhan. .

“Ginto! Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di-magkamayaw – nangibabaw


na sa awitan, sa tum-tum-tum ng mga gangsa; samantala, pataas na ng pataas,
palago na nang palago ang puno. Sa sikat ng araw, ang makikinabang at
makislap na kataasan ay sumisilaw sa lahat.

Biglang-biglang, nahinto ang tugtog... napawi ang awit... napipi ang mga
panalangin.
Si Sabsafung na ang unang kumilos. Tila sa isang panaginip, lumakad
itong papalapit sa puno ng ginto. Ang kinang ng puno sa paningin ni Lifu-o ay
lalong nagpaningning sa kagandahan ng anak. Ihahabi ni Napat-a si Sabsafung
ng damit na ginto. Sinundan ni Lifu-o si Sabsafung. HInaplos-haplos ni
Sabsafung ang puno; hinaplos-haplos ni Lifu-o ang puno.
Ang sumusunod ay marami pang sandali ng pagpanaw ng lahat ng
muni, pagkatapos ay pagkalimot, pagkatapos ay pagliwanag sa isip ng isang
katotohanan... at ang pagkaunawa: ginto... ginto... kayamanan... kayamanang
ginto...
Si Sabsafung ay kumilos; si Lifu-o ay kumilos; si Napat-a ay
napahakbang na palapit sa puno... at bigla, gumulantang sa paligid ang
naghunos na damdamin. Namuo ang sigawan. Nagkabuhay ang paligid sa
maiilap na lundagan. Ang iba pa, ang lahat-lahat – tila may isang mahiwagang
kamay na nagtulak – ay nakahagip ang anuman...
Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tyinaga,
tinapyas, binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-aagawan,
nagtutulakan, nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos
ng katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na
puno.
Bago nagawang dumapo ng isang ibong nabighani ng kakinangan ng
kahoy, tila lagunlong ng ibinuhos na ulan, ang puno ay nabuwal. Bumagsak ang
mahiwagang kahoy. Sa kinabuwalan, anino yata iyong pinawi ng higit na
makinang na liwanang ng araw.
Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit na puno ng pino. Sa malayo,
narinig ang bahaw na huni ng uwak.Huhukayin ninyo mula ngayon ang ginto...
Bulong ba iyon ng hangin? Hindi alam ni Lifu-o. Naisip niya ang matandang
iyong dumating sa isang pagkakataong hindi inaasahan, ang matandang
kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong...

Ikatlong Markahan | 36
6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT?)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga
flow chart.

PAGDARAOS NG ANG MASAYANG


CAÑAO nina LIFU-O at SELEBRASYON NG
ng kanyang katribo CAÑAO

ANG PAGLITAW NG ANG PAGDATING NG


PUNO NG GINTO MATANDANG KUBA AT
ANG MGA HABILIN NITO

ANG PAGDUMOG NG
ANG PAGKABUWAL NG
MGA TAO SA PUNO NG
PUNO
GINTO

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa mitong
binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Paksa:
Mga Tauhan at ang Kanilang mga Tagpuan sa Akda
Katangian
Mungkahing Estratehiya:
Character Parade
1 Mungkahing Estratehiya:
Tableau 2
Pagparada ng mga tauhan sa Pagpapakita ng tagpuan sa akda
akda na may wastong kasuotan sa pamamagitan ng tableau

Paksa: Paksa:
Kapana-panabik na Pangyayari Aral ng Akda
sa Akda Mungkahing Estratehiya:
Mungkahing Estratehiya:
Pantomina 3 Poster Slogan 4
Pagsasadula ng kapana-panabik Paglikha ng poster slogan ng aral
na pangyayari sa akda sa na nais ipabatid ng akda
pamamagitan ng pantomina

Ikatlong Markahan| 37
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita


ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng
guro.

ANALISIS

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang kanyang


katangian bilang isang pinuno.Saan naman ang tagpuan sa akda?
Ilarawan ito.
2. Ano ang dahilan at nagpadaos ng pagdiriwang ang mga tao sa nasabing
lugar? Paano pinaghandaan ang nasabing pagdiriwang ng pamilya ni
Lifu-o?
3. Ibinigay ba ang gantimpala sa kanila ng Bathala sa kanilang isinagawang
pagdiriwang? Paano? Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Lifu-o o isa sa
kanilang mga kasama, ano ang gagawin mo upang maiwasan ang
nangyari sa gantimpala na kanila sanang natanggap?
4. Sa anong akdang pampanitikan mauuri ang binasa? Bakit?
5. Sa akdang inyong binasa, paano nagkakaugnay ang mito, alamat at
kuwentong bayan?

Ikatlong Markahan | 38
Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

KATANGIAN NG MITO, ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN


Isa sa mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang mga kuwentong
bayan, alamat at mito. Ito ay bahagi ng ating panitikang saling-dila o lipat-dila
(ibig sabihin ay naikukuwento lamang nang pasalita) na lumalaganap bago pa
man may dumating na mga mananakop sa ating bansa. Kadalasan ang mga
pinuno ng barangay o ang pinakapari ng relihiyon ang nagkukuwento ng mga
ito.

Ang kuwentong bayan, alamat at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t


isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksa na karaniwan ay tumatalakay sa
kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura ng isang partikular na
pangkat o lugar.

Nababanggit din sa mga akdang ito ang heograpiya, uri ng hanapbuhay,


at katangian ng mga mamamayan kung saang lugar o pangkat ito nagmumula.
Halos lahat ng kuwentong ito ay nilikha o ikinuwento upang makapagbigay ng
gintong aral na magagamit sa tunay na buhay.

Bagama’t halos magkakatulad ay makikita pa rin ang natatanging


katangian ng bawat pasalindilang panitikang ito. Ang kuwentong-bayan, gaya
ng “Pakikipagsapalaran ni Juan Tamad” ay isang maikling kuwento tungkol sa
isang tauhang naninirahan o paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular na
lugar o pangkat.

Ang alamat ay isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o


nagmula ang mga bagay gaya ng “Alamat ng Palendag” at “Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan.’ Samantang ang mito o myth ay karaniwang tumatalakay
sa mga kuwentong may kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala, diwata, at
mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.

Sa iyong akdang binasang “Ang Matandang Kuba Sa Gabi ng Cañao”


ay magpapatunay ng kaugnayan ng tatlong pasalindilang panitikang nabanggit.
Masasabing isang kuwentong bayan ang akdang ito dahil naipakita rito ang
isang natatanging kultura ng mga Ifugao– ang pagdiriwang ng Cañao.

Gayunpaman ay masasabing isa ring alamat ang akdang ito dahil


naipaliwanag sa akda kung bakit ang ginto bago makuha ay kailangan munang
minahin o hukayin. Ang malaking naging gampanin ng bathala o mga anito sa
kuwento ay nagpapakita naman ng katangian ng isang mito.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikatlong Markahan| 39
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( GINTO YAN!)


Ilalagay ang mga gintong naglalaman ng pangkalahatang konsepto ng aralin
sa lalagyan nito.

“Ang Matandang Kuba “Ang Matandang Kuba


Sa Gabi ng Cañao” ay Sa Gabi ng Cañao” ay
isang mito sapagkat isang mito sapagkat
ipinakikita nito ang ipinakikita nito ang mga
malaking naging kuwento tungkol sa mga
gampanin ng bathala o hayop.
mga anito sa kuwento.

https://www.google.com.ph/search?q=emoticons&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi5sfmh_frPAhWDWhQK
HdcoDHQQ_AUICCgB#tbm=isch&q=ginto+clip+art&imgrc=cyIzs1nKLdc1jM%3A
http://images.clipartpanda.com/gold-clipart-cliparti1_gold-clipart_10.jpg

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (MISS UNIVERSE)


Pipili ang guro sa bawat pangkat ng isang magiging kalahok sa gagawing Ms.
Universe. Ang mapipiling kalahok ay nararapat na may angking talino upang
sagutin ang katanungang inihanda ng guro.

Ano ang masamang dulot ng kasakiman?


Paano ito maiiwasan ng bawat isang tao?

https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVy-
_vwfjPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=miss+universe+crown&imgrc=-jGSDS1Du7__wM%3A

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Sa akdang inyong binasa na may pamagat na “Ang Matandang Kuba sa


Gabi ng Cañao”, paano ito nagpakita ng kaugnayan sa kuwentong bayan?
a. sa naging gampanin ng mga bathala at mga anito
b. sa pagpapakita ng natatanging kultura ng mga Ifugao
c. sa pagtalakay ng pinagmulan kung bakit ang ginto ay kailangang
hukayin bago ito makuha
d. lahat ng nabanggit.

Ikatlong Markahan | 40
2. Ano ang kakaibang katangian ng mito na hindi matatagpuan sa katangian
ng alamat at kuwentong bayan?
a. ito ay tumatalakay sa pamahiin ng isang lugar
b. ang mga tauhan ay nagtataglay ng iba’t ibang kapangyarihan
c. tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. nagpapakita ng natatanging kultura ng isang bayan

3. Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isang


pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang pipilay-pilay
na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayo’y nakapangyayari na
ang kanyang katauhan. Ang pangyayaring ito ay ang __________ ng akda.
a. panimula c. kasukdulan
b. pataas na aksyon d. wakas

4. Ang puno ng ginto ay dinumog. Ibigay ang tamang klino ng salitang


dinumog?
a. pinuntahan- pinagkaguluhan- dinumog
b. dinumog- pinagkaguluhan- pinuntahan
c. pinuntahan- dinumog- pinagkaguluhan
d. dinumog- pinuntahan- pinagkaguluhan

5. Si Lifu-o, ang pangunahing tauhan sa akda ay maituturing na isang magiting


na lider ng lugar na kanyang nasasakupan. Sa kabila ng kanyang pagiging
isang mahusay at mabuting lider ay hindi rin niya ganap na nakamit ang
kanyang mga panalangin kay Kabunian. Ano ang naging wakas ng akda?
a. Ang ginto ay hinuhukay sa lupa at minimina bilang parusa.
b. Si Lifu-o ay naghanap ng bagong mapapangasawa.
c. Biniyayaan sila ni Kabunian ng magandang buhay.
d. Ang mga taga Ifugao ay tumigil na sa kanilang tradisyon.
Sagot:
B B C A A
Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Isa-isahin ang mga aral na napulot mula sa aralin na makatutulong sa inyo


bilang mga kabataan.
2. Ano-ano ang mga panandang dapat na gamitin sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari?

Ikatlong Markahan| 41
PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIIa-e-14)


 Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at
wakas ng isang akda.

II. PAKSA

Wika: Mga Pahayag sa Panimula, Gitna at Wakas ng isang Akda


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (PICTURE STORY)


Mula sa mga larawang ipakikita ng guro ay gagawa ang mga mag-aaral ng
isang kuwento na may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjV
y_vwfjPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=illegal+logging+clipart&imgdii=KuvJf5saVbIsPM%3A%3BKuv
Jf5saVbIsPM%3A%3B1kcJ4cO8jMCR2M%3A&imgrc=KuvJf5saVbIsPM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVy-
_vwfjPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=illegal+logging+animated&imgrc=lzIPh4sWh7SVFM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVy_vwf
jPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=pagpaparusa+ng+diwata+sa+kagubatan&imgdii=3zGiI4osolBUbM%3A
%3B3zGiI4osolBUbM%3A%3B-bkPpBeHZvOGaM%3A&imgrc=3zGiI4osolBUbM%3A

Ikatlong Markahan | 42
Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba sa inyo ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?
b. Bakit mahalaga ang kaalaman dito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalagang gamitin sa isang akda ang mga pahayag sa panimula,


gitna at wakas?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang mitolohiya. Lalagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga kahon.

SI MARIANG MAKILING

Ang sumunod na pangyayari sa buhay ni Maria ay lubhang


masaya. Sa gayong pagkakasabay ay nagkabunggo sila ni
2 Gat Dula at nagkatama ang kanilang mga mata. Subali't sa
taglay na kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na
Gat tanda ng paggalang. Buhat noo'y naging matalik na silang
magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng
buwan ay nahiwatigan nilang sa ubod ng puso'y may tinitimpi
silang pagmamahal.

Noong unang panahon ay may engkantadang naninirahan sa


1 Makiling. Si Maria na kaisang-isang anak nina Dayang
Makiling at Gat Panahon. Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't
siya'y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal.

Ang pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga araw ay hindi


nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria. Binawi sa kanya ng
3 nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging
tunay na kinapal. Sa wakas ay nagsimula ang pagkakahiwalay
ng mga bathala at madlang tao.

Sanggunian: http://www.gintongaral.com/mga-alamat/alamat-ni-maria-makiling/

Ikatlong Markahan| 43
ANALISIS

1. Naging madali ba sa inyo ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?


Bakit?
2. May pananda bang ginamit upang matukoy ang simula ng pangyayari?
Ano-ano ito?
3. Ano naman ang panandang ginamit na nagpapakita ng gitnang
pangyayari?
4. Paano ipinakita ang wakas ng akda? Anong pananda ang ginagamit
dito?
5. Mahalaga ba ang paggamit ng mga pananda na nagpapakita ng simula,
gitna at wakas ng pangyayari? Bakit?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - (F O R Y O U R I N F O R M A T I ON)

HUDYAT SA PAGKAKASUNOD- SUNOD NG MGA PANGYAYARI

May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan


sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag. Sa Filipino, ang mga panandang
ito ay kadalasang kinatawan ng mga pang-ugnay. Ipinakikilala nito ang mga
pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto.
May mga tungkuling ginagampanan ang mga panandang ito.

a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang- una


b. Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (PAGSUNOD- SUNORIN!)


Buuin ang larawan ni Maria Makiling sa pamamagitan ng pagsusunod-sunod
ng mga pahayag upang mabuo ang pangkalahatang konsepto ng aralin.

upang magkaroon
ang mga pahayag
mahalagang ng maayos at
sa panimula, (PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et.
gamitin organisadong
gitna at wakas
al.) pahayag.

Ikatlong Markahan | 44
APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (WHAT’S YOUR PLAN)
Ano ang inyong mga plano sa buhay pagkatapos ng sekundarya? Gumawa ng
makabuluhang pangungusap gamit ang mga panandang hudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungkol sa inyong mga hangarin sa
buhay.

Unang-una Saka Sumunod

Sa huli Pagkatapos

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN!)
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Lalagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang mga kahon

Ang unang hakbang sa pagtatamo ng magandang kinabukasan ay ang


1 pag-aaral sa elementarya sa loob ng anim na taon. Dito ang pundasyon
ng anumang karunungang nais matamo.

Ikalawa ay ang pag-aaral sa Sekundarya sa loob ng apat na taon. Dahil


2 sa bagong kurikulum ay nadagdagan pa ang Sekundarya ng dalawang
taon sa ilalim ng K to 12 na Curiculum.

Sa huli, kapag natapos na niya ang kolehiyo ay maaari na siyang


5 maghanap ng magandang hanap-buhay at mag-ipon ng sapat upang
matugunan ang kanyang mga pangangailangan at makatulong sa
kanyang mga magulang.

Saka tutungtong ang isang mag-aaral ng kolehiyo kapag natapos niya


3 ang anim na taon sa Sekundarya.

Sumunod sa Sekundarya ay ang pag-aaral ng kolehiyo kung saan


4 ihahanda sila sa mga propesyong nais nila kapag sila ay naging ganap
na empleyado.

Ikatlong Markahan| 45
EBALWASYON

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa ibaba upang mabuo


ang kuwento. Isulat ang titik A, B, C, D, E.

ANG PINAGMULAN NG MGA LAHI


Sanggunian: PANITIKANG KAYUMANGGI, Rosario U. Mag-atas et.al

1. Isang araw, siya ay kumipal ng lupa, inihugis ito at iniluto sa isang hurno.
Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y ubod ng itim dahil sa
pagkasunog. Ang kinapal na ito’y siyang pinagmulan ng mga negro natin
sa kasalukuyan.
2. Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig, si Bathala ay umisip ng
kaparaanan upang maging mapayapa, masaya at masigla ang daigdig.
Ipinasya niyang lumikha ng mga tao.
3. Sa muling pagsasalang sa hurno ay nagkaroon ng agam-agam si Bathala
na baka masunog na naman ito kung kaya’t sa labis na pag-aalala ay
hinango agad ang nakasalang. Ang nangyari ay hilaw ang niluto. Ito ang
pinagmulan ng lipi ng mga puti.
4. Sa wakas, ito ang siyang pinagmulan ng lahing kayumanggi.
5. ahil sa kasanayan na ni Bathala sa paghuhurno, ang ikatlong salang Niya
ay naging kasiya-siya sapagkat hustong-husto sapagkakaluto, hindi sunog
at lalung-lalo namang hindi hilaw.

Sagot:
B A C E D

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsalaysay ng isang pangyayari sa inyong buhay na hindi ninyo


malilimutan. Gamitin ang mga pahayag sa panimula, gitna at wakas.
2. Magsaliksik ng isang halimbawa ng mitolohiya. Basahin ito at sagutin ang
mga katanungan:
a. Sino- sino ang mga tauhan sa akdang binasa?
b. Ano ang kapana-panabik na pangyayari sa akda?
c. May mahalaga bang aral na nais ipabatid ang akda? Isa- isahin ito.
3. Humanda sa pagsulat ng Awtput 3.2.

Ikatlong Markahan | 46
ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIIa-e-14)


 Naisusulat ang buod ng isang mito/alamat/ kuwentong bayan nang maayos
na pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.2


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (ATING BALIKAN)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mitolohiyang
tinalakay sa tulong ng mga flow chart.

PAGDARAOS NG ANG MASAYANG


CAÑAO nina LIFU-O at SELEBRASYON NG
ng kanyang katribo CAÑAO

ANG PAGLITAW NG ANG PAGDATING NG


PUNO NG GINTO MATANDANG KUBA AT
ANG MGA HABILIN NITO

ANG PAGDUMOG NG
ANG PAGKABUWAL NG
MGA TAO SA PUNO NG
PUNO
GINTO

Ikatlong Markahan| 47
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naisusulat ang buod ng isang mito/alamat/ kuwentong bayan


nang maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat ng isang kuwento.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang ilustrador ng aklat pambatang “KAMI NAMAN!” ay


nangangailangan ng mga magsusulat ng kuwento na may
kasamang buod para sa pagbubukas nito.

PRODUCT” Buod ng mitolohiyang binasa.

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng buod. nilalaman ng buod. mga naisulat nang
(4) (4) (3) mga buod.(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa buod. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) buod. salitang ginamit sa
(2) buod.(1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG nang maayos at maayos at maayos at
TALATA organisadong talata ang organisadong talata organisadong talata
(3) naisulat na buod. ang naisulat na buod. ang naisulat na buod.
(3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng isang halimbawang mitolohiya. Ibigay ang buod


ng inyong napanood.
2. Ano ang sanaysay bilang akdang pampanitikan? Ibigay ang kahulugan
nito.
3. Ibigay ang pagkakaiba ng pormal at di-pormal na sanaysay.
4. Sino si Emilio Jacinto? Magsaliksik ng kanyang talambuhay.

Ikatlong Markahan | 48

You might also like