Pagsusulit at Uri NG Pagsusulit
Pagsusulit at Uri NG Pagsusulit
Pagsusulit at Uri NG Pagsusulit
Dula-Dulaan
Ang mga obrang likha ng ilan sa mga tanyag na manunulat ng panitikang Pilipino ay
nagpapakita ng pagpapahalaga n gating mga kababayan sa ating lahi. Sa pamamagitan ng
kanilang mga akda, tayo ay namulat sa katotohanan at natutung lumaban sa mga dayuhang
mananakop ng ating bansa.
Ang kanilang mga akda ay nagpapatunay lamang kung gaano kakulay ang yaman ang
panitikan ng bansa. Bilang isang guro, nagsilbing inspirasyon ang mga akda ng tanyag na mga
manunulat na lalo pang pagbutihan, paghusayan, ipagmalaki at ipamana ang ating panitikan sa
mga susunod pang henerasyon.
Modyul
Multiple Intelligence
Bilang guro, hindi dapat na isinasara ang isipan sa ideya na kapag ang isang mag-aaral ay
nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit siya ay maituturing nang bobo. Bagkus ay gamitin
mo ang kanilang kakayahan upang masukat at matamo mo ang minimithi mong layunin para sa
isang takdang paksa. Sa pamamagitan nito, tiyak na mapapahalagahan mo bilang guro ang
nanatanging kakayahan ng bawat mag-aaral.
Ang Cone of Experience ni Edgar Dale, ay nagbibigay ng batayan sa atin bilang mga
guro kung ano nga ba ang mga kagamitang dapat at hindi dapat na gamitin. Akin ding natutunan
na angmga kagamitang panturo ay na gagamitin ay dapat akma sa paksang iyong ilalahad sa
klase.
Ang paksang ito ay lubos na pumukaw sa aking interes. Ang isang guro o titser ay isang
tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral- bata, tinedyer at matatanda. Sa
kasalukuyan ang guro ay may mataas na kalagayan sa lipunan sapagka’t ang kabihasnan ay lubos
na umaasa sa paaralan. Ngayon ang guro’y lalong makapangyarihan sapagka’t siya’y lalong
handa, lalong marunong at lalong dalubhasa.
Ang guro ay may mahalagang papel sa pagtuturo at pag-aaral sila ang humuhubog sa
pagkatuto at pagkatao ng isang mag-aaral. Aking natutununan na bilang isang guro dapat ikaw
ay magsilbing mabuting ehemplo o halimbawa sa iyong mga mag-aaral. Mahalaga na maging
isang mabuting halimbawa ang isang guro sa kanyang mga estudyante. Makikita ng isang
estudyante na ikaw ay karapat-dapat na gayahin dahil sa magandang modelo bilang isang tao.
Mahalaga ding nabibigyan niya ng inspirasyon ang mga mag-aaral upang pag-ukulan ng pansin
ang mga paksang pag-aaralan. Nagbibigay pansin sa mga bagong paksang tinatalakay.Ang
pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang guro ay mahalaga rin. Batid ng mga mag-aaral
kung ano ang nasa puso at isip ng kanilang guro. Kung negatibo ang kanilang guro sa mga
pananalita at pagkilos ay nararamdaman nila ito. Napakahalaga rin na ang guro ay may
kakayanang magsilbing inspirasyon sa kanyang mga mag-aaral. Higit sa lahat aking natutunan na
isang guro ay dapat taglay ang “limang M”: Matalino, Mapagmahal, Masayahin, Malikhain at
Makabago.
Sa paksang ito itinuturo kung ano ang mga maaring gawin o gamitin sa pagtuturo ng
wika at panitikan. Ang kahalagahan nito ay ang pigging tiyak at konreto ng mga instruksional na
kagamitan at pinagkunan. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng guro kung anong kagamitan ang
angkop gamitin para sa paksang tatalakayin.
Banghay ng Pagtuturo
Natutunan kung rin kung bakit nga ba kailangang magtanong? Dahil sa araling ito
nalaman ko ang mga dahilan: nabibigyang pagkakataon ang magaaral na mag-isip ang
pagtatanong, mapukaw ang interes ng mag-aaral, upang malaman ang mga bahaging nahirapan
ang mag-aaral, upang matuklasan ang interes o kahinaan ng mag-aaral, upang malinang ang
kakayahan ng magaaral na magsuri at magsaayos o bumuo ng mga kagamitan o karanasan,
upang matulungan ang mga mag-aaral na iugnay ang natutunan sa sariling karanasan, upang
maipokus ang atensiyon ng mag-aaral sa mahahalagang puntos ng aralin at iayos ito sa lohikal na
pamamaraan, upang malinang, maliwanagan, maiayos, o mapalawak ang mga ideya hinggil
samga pagpapahalaga at pananaw, upang magsilbing isang paraan ng pagsasanay, upang
maipakita ang ugnayan, gaya ng sanhi at bunga, upang himukin ang mga mag-aaral na ilapat ang
mga konsepto sa tunay na buhay.
Sketch sa Panitikan
Isa itong alternatibong paraan ng pagtatalakay ng isang paksa. Ang paggamit nito sa klase
ay makakatulong upang mas mapadali at mas maging detalyado ang pangyayari sa kwento.
Aking natutunan na mas maiingganyo ang mga mag-aaral na makinig at pakibahagi sa talakayan
ng aralin kung ang metodo at estratehiyang gagamitin ng guro ay kakaiba at nakakatawag ng
kanilang atensyon lalo na sa pagtuturo ng panitikan.
Puppetry
Ang puppet ay isang manika na may isang guwang ulo ng isang tao o hayop at isang
katawan ng tela; nilayon upang magkasya sa kamay at manipulahin sa mga daliri. Ito’y isang
maliit na pigura ng isang tao na pinatatakbo mula sa itaas na may mga string ng isang puppeteer.
Isang tao na kinokontrol ng iba at ginagamit upang gumawa ng hindi kanais-nais o hindi tapat na
mga gawain para sa ibang tao.
Ang isang papet ay isang bagay, na kadalasang kahawig ng isang tao, hayop o mythical figure,
na animated o manipulahin ng isang tao na tinatawag na isang puppeteer. Gumagamit ang
puppeteer ng mga paggalaw ng kanilang mga kamay, armas, o mga kontrol na aparato tulad ng
mga rod o mga string upang ilipat ang katawan, ulo, limbs, at sa ilang mga kaso ang bibig at
mata ng papet. Madalas na nagsasalita ang puppeteer sa tinig ng character ng papet, at
pagkatapos ay i-synchronize ang mga paggalaw ng bibig ng papet sa ito pasalitang bahagi. Ang
mga pagkilos, kilos at mga bahagi na sinasalita ng ginoo na may puppeteer ay kadalasang
ginagamit sa pagkukuwento. Ang pagpapasikat ay isang napaka-sinaunang anyo ng teatro na
itinatag noong ika-5 siglo BC sa Ancient Greece. Maraming iba't ibang uri ng puppets, at sila ay
ginawa mula sa isang malawak na hanay ng mga materyales, depende sa kanilang form at
nilalayon na paggamit. Saklaw nila mula sa napaka-simple sa konstruksiyon at operasyon sa
napaka-kumplikado.
Ang dalawang simpleng uri ng puppets ay ang puppet na daliri, na isang maliit na papet
na umaangkop sa isang daliri, at ang sock puppet, na nabuo at pinatatakbo sa pamamagitan ng
pagpasok ng kamay sa loob ng suntok, na may pagbubukas at pagsasara ng kamay simulating
kilusan ng "bibig" ng papet. Ang sock puppet ay isang uri ng papet na kamay, na kinokontrol na
gamit ang isang kamay na sumasakop sa loob ng papet at gumagalaw ang papet sa paligid. Ang
isang "live-hand puppet" ay katulad ng isang papet na kamay ngunit mas malaki at
nangangailangan ng dalawang puppeteer para sa bawat papet. Ang isang Marionette ay isang
mas kumplikadong uri ng papet na sinuspinde at kinokontrol ng maraming mga string na
konektado sa ulo, likod at limbs, at kung minsan ay isang gitnang baras na naka-attach sa control
bar na gaganapin mula sa itaas ng puppeteer.
Itinayo ang isang pamalo ng manika sa paligid ng isang gitnang baras na nakuha sa ulo. Ang
anino puppet ay isang cut-out figure na gaganapin sa pagitan ng isang pinagmulan ng liwanag at
isang translucent screen. Ang mga puppet ng Bunraku ay isang uri ng papet na kahoy na inukit
na Hapon. Ang dumadaloy ng ventriloquist ay isang porma ng tao na pinatatakbo ng kamay ng
isang ventriloquist na tagapalabas; ang tagapalabas ay gumagawa ng mga papet na boses na may
kaunti o walang kilusan ng kanyang bibig, na lumilikha ng ilusyon na ang papet ay buhay. Ang
mga karnabal puppets ay mga malalaking puppets, karaniwang mas malaki kaysa sa isang tao, na
idinisenyo upang maging bahagi ng isang malaking palabas o parada.
Kadalasang ginagamit ang mga puppet sa pagkukwento lalo na kung ang mga manonood
o tagapakinig ay pawing mga bata. Sa loob ng klase, ginagamit din ito ng guro bilang pang-aliw t
pangkuha ng atensyon ng mga mag-aaral.
Komiks Strip
Ang paggamit ng komiks strip ay isa ring paraan sa pagkuha ng atensyon ng mga mag-
aaral. Ang komiks strip isang pagkukwento sa paraang pa-komiks. Ang paggamit nito sa loob ng
klase ay makakatulong upang maging nakaka-aliw at nakakatuwa ang gagawing pagtatalakay ng
klase.
Magagamit ang komik strip lalo sa pagtuturo ng panitikan gaya ng maikling kwento,
nobela, alamat, epiko at anekdota. Aking natutunan, na kung gagamitin ito ng guro sa klase tiyak
na makikilahok ang mga mag-aaral. Hindi lamang sila maaliw kundi matuto pa sila.
Graphic Organizer
Ipinasa ni:
Gng. Jael A. Anding