Cot

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Region IV – CALABARZON
Division of San Pablo City
FuleAlmeda District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City

Banghay-Aralin sa MTB-MLE 1
S.Y. 2018-2019
I. Layunin:
MT1PWRIb-i-1.2
Give the beginning letter/sound of the name of each picture.
II. Paksa: Letrang Bb
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide p. 26, MTB-MLE Learners’ Material pp. 81
Kagamitan: larawan, power point presentation, puzzle, tunay na bagay na
nagsisimula sa letrang Bb.
Magandang-asal: Pagakain ng masustansyang pagkain.
III. Pamamaraan/Gawain
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Hanapin ang mga bagay na nagsisimula sa Ii

B. Panlinang na gawain/Paghahabi ng layunin ng gawain


1. Magpakita ng batang malusog.

2. Paghahawan ng balakid
Ano ang ibig sabihin ng mga salita.
1. biskwit

Masarap ang biskwit niyang dala.


2. sikreto
 Ano ang sikreto mo?
3. Babasahin ng guro ang kwento.
Ito si Bela isang batang malusog, ating alamin ang kanyang sikreto.
Isang tasang gulay, dalawang itlog ay kanyang kinakakain dagdagan pa ng
tatlong tatlong at apat na saging. Anim na biskwit ay kanyang ibinabaon . Pitong
mansanas ay kanyang inuubos sa isang linggo di rin kinakalimutan uminom ng
walong basong tubig. Siyam na lansones at sampung ubas ay siguradong ubos sa
kanya kaya ating tularan ang batang si Bela
Itanong:
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Ano ang kanyang kinakain?
3. Bakit mahalaga na kumakain tayo ng masustansyang pagkain?
4. Gagawin mo rin ba ang ginagawa ni Bela? Bakit?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Balikan kung ilan ang kinakain ni Bela.
Itanong:
Ano ang tawag sa mga simbolong 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10?
Marunong ba kayong magbilang mula isa hanggang sampu?

Ilan ang nasa larawan?

1.

2.

3.

Tanong: Sa anong letra kaya nagsisimula ang salitang bilang?


Ano kaya ang tunog ng letrang Bb?

Magpapakita ng larawan ang guro ng larawan at tanungin ang mag-aaral kung


saan ito nagsisimuang letra.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Larong Pangkatan: Anong Bb
Panuto: Hanapin mga bagay na papahulaan ng guro sa loob ng kahon.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Tanong: Paano isinusulat ang letrang Bb?
Kailan natin isinusulat ang malaking letrang Bb?
Tama kaya ang pagkakasulat ng sumusunod na ngalan? Bakit kaya?

buko Bulaklak Baka bela

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Pangkatang gawain:
Pangkat 1: Lagyan ng / ang larawan na ang simulang tunog ay /Bb/ at X
naman kung hindi.

Pangkat 2: Kulayan ang larawan na nagsisimula sa letrang Bb.


Pangkat 3: Itambal ang larawan na nagsisimula sa letrang Dd sa letra sa gitna.

Pangkat 4: Bilugan ang simulang tunog ng larawan.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Puntos Pamantayan
5 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may tamang lakas ng boses
Tahimik sa pagsasagawa.
4 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
3 May isang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
2 May dalawang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.
1 May tatlong mali sa sagot.
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ang Batang si Bibo
Tulungan natin si Bibo na mahanap ang mga bagay na kailangan niya.
Isang umaga inutusan siya ng kanyang na mamili sa palengke.
Alin kaya ang kailangan niya upang may lalagyan sya ng kanyang pinamili?

Mabilis niyang natapos ang utos ng kanyang nanay kaya naman nagmamadali na
siyang bumalik sa kanilang bahay. Nakaramdam siya ng uhaw. Alin kaya ang
kailangan niya upang makainom siya ng tubig?

Naku nabitawan ni Bibo ang baso. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Nasugatan si
Bibo. Alin kaya ang kailangan ni Bibo upang matakpan ang kanyang sugat?

Tayo ay mag-ingat, iyan ang paalala ng batang si Bibo


H. Paglalahat ng Aralin
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng letrang Bb?
Paano natin isinusulat ang malaki at maliit na Bb?
I. Pagtatataya ng aralin
Panuto: Ibigay ang tamang simulang titik para sa sumusunod na larawan.

1. ___ola

2. ___ela

3. ___aso

4. ___aboy

5. ___ibe

J. Karagdagang Gawain (para sa takdang aralin o remediation)


Gumupit ng larawan na nagsisimula sa letrang Bb.

Inihanda ni:

AIRA O. ARAGUAS
Guro sa Unang Baitang

Iwinasto ni:

GINA M. BELEN
Master Teacher II

PABLO F. URGENA
Principal II

You might also like