Esp Test Grade Vii

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG PAMANAHUNANG PAGSUSUSLIT Skor

SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan:____________________Taon/Seksyon:_____________________Petsa:__________

PANUTO: Basahin ng maigi ang bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang taglay nating katangian ay dapat paunlarin sa ibat-ibang pamaraan tulad ng


A, Pagsasanay C. pagsali sa palatuntunan
B. pagpapaturo D. lahat ng nabanggit
2. Ang talento ay higit na mapapahalagahan kung ito ay ginagamit ng may
A. Kalungkutan B. kayabangan C. pagkamahiyain D. kasiyahan
3. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng talento?
A.mahusay sumayaw C. mahusay sa pag- awit
B. mahusay sa pagpipinta D. lahat ng nabanggit
4. Mayroon kang natatanging kakayahan sa pagtula. Nais mong sumali sa paligsahan.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Magsasanay sa pagtula C. sasali nang di nagsasana
B. Magsasanay sa pag-awit D. Magsasanay sa pagguhit
5. May kakayahan ka sa pagawit. Nagkaroon ng palatuntunan sa paaralan at inimbitahan kang
umawit. Ano ang iyong gagawin?
A. Aawitan ko sila C. Ibang bata ang aking paaawitin
B. Liliban ako sa oras ng palatuntunan D. Ikakahiya ko ang aking talent
6. Kung ikaw ay marunong sa pagguhit, ano ang gagawin mo para mapaunlad pa
ito?
A. Magyayabang sa kaklase C. Magpapaturo at magsasanay
B. Hindi na magsasanay D. Magpapagawa sa iba

Piliin sa mga sumusunod na inaasahang kilos o galaw para sa nagdadalaga/nagbibinata ang


tinutukoy sa bawat pangungusap. Sagutin ang mga tanong sa bilang 7-9.

A. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki


B. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa
mga ito.
C. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
D. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

7. Si Ana ay labis na palaasa sa kanyang mga magulang. Kinakailangang matutuhan nya’ng


linangin ang kanyang kakayahan upang maingat syan’g makapagpasya. _______
8. Nais makapagtapos ng kanyang pag-aaral si Llona nang sa gayun ay magkaroon s’ya ng
magandang hanap-buhay. ______
9. Sa yugto ng nagdadalaga at nagbibinata, kailangang tanggapi ang mga pisikal na pagbabago
sa katawan at ito ay dapat na pangalagaan. ______

10. Ito ay likas sa isang tao simula pa lamng nang s’ya ay ipinanganak sa mundo na lalong
mahahasa sa tulong ng ibna’t-ibang karanasan na pinagdaanan.
A. Abilidad C. Talento
B. Kakayahan D. Husay
11. Ano ang teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner na tumutukoy sa iba’t – ibang kakayahan ng
tao?
A. Cognitive Theory C. Ability Studies
B. Multiple Intellegences D. Work Theory
12. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at lipunan
C. Upang makapaglikod sa pamayanan
D. Lahat ng nabanggit
13. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 14-15.
Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika labintatlong taon, nagsisimula ang matulin
at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali.
Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at pag-uugali:
laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging
mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib,
nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon na tila
naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya
ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon
na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya
napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na
ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay
nagsisimulang iwan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang
magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

14. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?


a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang
pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata

15. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng isang nagdadalaga sa isang nagbibinata ayon sa
paglalarawan?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng
kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro
ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga
ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay
nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.

16. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung
ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
 Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam
niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
 Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin ang kanyang sariling
mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
 Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang
kakayahan.
a. tapang c. tiwala sa sarili
b. talento at kakayahan d. positibong pagtingin sa sarili

17. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-
edad sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at
kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan
nang maayos sa kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa
isang pangkat na labas sa kanyang pamilya
18. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng
tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng
relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang
relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang
tinedyer.
19. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga
mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya
makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na
halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga
kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.
20. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito
ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang mga mag-
aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap
ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang
kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na
makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang
kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya
ay nakaaangat sa lahat.
21. Ang mga sumusunod ay Ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang
larangan ng kanilang hilig?
 Si Joshua ay isang mountain climber.
 Si Jessie, ang nag-aayos ng kanyang motor.
 Si Jenelyn ang nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doctor.
 Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t-ibang
larawan.
A. persuasive, outdoor, clerical, mechanical
B. naturalist, visual, existential, intrapersonal
C. outdoor, artistic, mechanical, social service
D. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual

22. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan ng hilig ni
Hadji?
A. Aritistic C. Literary
B. Musical D. Scientific
23. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong hilig?
A. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang araw-araw na gawain.
B. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin.
C. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan sayo
D. Makapagpapaunlad ito ng talent at kakayahan.
24. Ito ang larangan na angkop sa taong may kakayahan na SPATIAL
A. Abogasya C. Arkitektura
B. Pagtuturo D. Pag aartista
25. Anong larangan ng hilig, kung ikaw ay nasisiyahan sa pag iimbento ng mga bagong
bagay o produkto?
A. Computational C. Outdoor
B. Scientific D. Literary

26. Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo , dapat bang angkop ito sa ating mga hilig at
talento?
A. Hindi, pwede nating kunin kahit anong kurso basta’t kaya natin itong tapusin.
B. Oo, para maging madali ang paghahanap ng mga scholarship.
C. Hindi, dapat nating kunin kung ano ang gusto ng atiing mga magulang.
D. OO, para maging madali sayo ang kurso at maging produktibo dito.

II – Punan ang mga kulang na titik upang mabuo ang mga sumusunod na salita na
tumutukoy sa MULTIPLE INTELLEGENCES.

27. M __ T __ E __ __ T __ __ A L
28. V E __ __ A L
29. V __ S __ A L
30. M __ S I __ A L
31. B __ D __ L Y – __ I N E __ T H __ __ I C
32. I __ T __ R P __ R S __ N __ L
33. I N __ R __ P E __ S __ N A L
34. N __ T __ R A __ __ S T
35. E __ I S T __ N __ I A __ I __S T

III – Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita na tumutukoy sa LARANGAN NG
HILIG

36. O T U D R O O ______________
37. M C H A E N C L A I ______________
38. C O M U P A T I T O L A N ______________
39. A T R I T S C I ______________
40. M S U C L A I ______________
41. C E L I R C A L ______________
42. S C I E T N I I F C ______________
43. P E R U A S I E V S ______________
44. S O I A C L S R E V C I E ______________
45. L T I E R A Y R ______________

You might also like