Ang Simbahan NG San Agustin Ay Idinisenyo Ayon Sa Ilan Sa Mga Magagandang Mga Templo Na Pinatayo NG Mga Agustino Sa Mexico

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Simbahan ng San Agustin ay idinisenyo ayon sa ilan sa mga

magagandang mga templo na pinatayo ng mga Agustino sa Mexico.


Ang kasalukuyang istraktura nito ay sinimulang ipatayo noon pang
1587, at kasama ng monasteryo, ay nakumpleto noong 1604. Ang
atmospera nito ay medebal sapagkat "ang parehong simbahan at
monasteryo ay sumisimbolo sa karingalan at balanse ng isang
ginintuang panahon ng Kastila".
Ang malaking istraktura ng simbahan, ang simetriya at karangyaan ng
loob (na siyang pininta ng dalawang Italyano na nagtagumpay sa
pagbuo ng tompe l'oeil), ang detalye ng molde, rosetta at nakalubog na
entrepanyo na animo'y inukit sa tatlong dimensyon, ang pulpitong
barok na ang motif ay katutubong pinya, ang pipang organo, ang
antekoro na may krus na ginawa pa noong ika-16 siglo, ang upuan ng
koro na inukit sa molabe at may kaluplupang garing na mula pa nong
ika-17 siglo at isang set ng 16 malaki at magagandang mga aranya
mula sa Paris.
Tinikling
Ang hakbang etniko na pinagbatayan ng sayaw na ito ay ang ibong
Tikling. Ang salitang Tinikling ay literal na nangangahulugang “parang
Tikling.” Ang sayaw na ito ay galling sa Leyte at mga isla sa Visayas. Ang
sayaw ay may limang hakbang: sa unang apat na mga hakbang, ang mga
mananayaw ay sumasayaw nang magkaharap o magkatalikod, at sa huling
hakbang ay magsisimula ang mga mananayaw sa gilid ng mga kawayan.
Ang kawayan ay ang nagsisilbing instrumento sa sayaw dahil tumutunog
ito kapag tumama sa sahig. Habang tumatagal ay mas bumibilis at
lumalakas ang paghahampas ng mga kawayan sa sahig kung kaya’t mas
humihirap ang sayaw. Ito ay sumisimbolo sa mga tikling na umiiwas sa
mga kawayang patibong ng mga magsasaka. Napili namin ang katutubong
sayaw na ito dahil ito ay ang isa sa mga pinakapopular na sayaw sa ating
bansa.
Itinayo ng Ordeng Pransiskano ang Simbahan ng Obando noong Abril 29, 1754 sa pamumuno
ng unang kura Obandong si Reb. Pr. Manuel de Olivencia. Nasira ang simbahan ng
magkasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945, sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, subalit muling itinayo sa pamamagitan ng pagsisikap ni Reb. Pr. Marcos
C. Punzal[2][7] sa tulong ng mga lokal na parokyanong Obandenyo.[5] Kabilang sa mga kura
parokong nangasiwa din ng Simbahan ng Obando mula pa noong mga 1900 sina: Reb. Pr.
Juan Dilag, Reb. Pr. Padre Exequiel Morelos, Reb. Pr. Ricardo Pulido, Reb. Mon. Rome R.
Fernandez, Reb. Pr. Marcelo K. Sanchez, at Reb. Pr. Danilo G. delos Reyes.[2] Si Reb. Pr.
Rome Fernandez, sa tulong ng Komisyong Pangkultura ng Obando, ang muling bumuhay sa
pagdiriwang ng Sayaw sa Obando noong 1972, makalipas ang isang pagbabawal ng arsobispo
ng Maynila makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[8]

You might also like