Rubrik Sa Pagsasatao (Speech-In Character)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GABAY AT PAMANTAYAN PARA SA PANIMULANG GAWAIN

(PAGSASATAO NG MGA PINOY KARAKTER)

Ang panimulang gawain para sa ikalawang markahan ay ang pagsasatao ng mga mga
kilalang lokal na karakter. Maaaring mula sa mga panitikan (alamat, kwentong-bayan, maikling
kwento at iba pa maliban sa mga obra maestra), palabas sa telebisyon, pelikula, internet sensation,
mga bayani, mga artista at iba pa.

Narito ang mga gabay sa presentasyon:

1. Pumili ng karakter na nais bigyang-buhay.

2. Magsaliksik ng mga mahahalagang pahayag o linyang mayroong impak sa ibang tao.

3. Bigyang-buhay ang kaniyang karakter sa pamamagitan ng paggaya sa kanyang paraan ng


pagsasalita (tono at istilo) at pagkilos (mannerisms).

4. Gumamit ng angkop na kasuotan upang maipapakilala ang napiling karakter.

5. Ang presentasyon ay dapat umabot lamang ng 2-3 minuto.

Narito ang gabay na tanong para sa nilalaman presentasyon:


(Huwag nang banggitin ang mga tanong sa oras ng presentasyon, sagutin na lamang ito sa mismong speech ninyo.)

1. Sino ang karakter na iyong pinili?

2. Ano ang mga taglay niyang katangian (positibo at negatibo)?

3. Ano ang mga linyang nabanggit niya na may taglay na magandang mensahe?

4. Batay sa kanyang katauhan, paano niya sinisimbolo ang isang Pilipino sa kasalukuyan?

5. Sa kabuoan, ano ang nais sabihin ng kanyang karakter sa ibang tao?


PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PAGSASATAO
KRAYTERYA 5 4 3 2
Napakarami at Marami at malaman Kakaunti at hindi Walang nilalaman
napakamalaman ang ang nilalaman ng gaanong ang kabuoan ng
Nilalaman nilalaman ng presentasyon malaman ang presentasyon
presentasyon nilalaman ng
May 1-2 mali sa gamit presentasyon May 5 o higit pang
Wasto at angkop ang ng wika May 3-4 mali sa mali sa gamit ng
gamit ng wika gamit ng wika wika
Napakahusay ng Mahusay ang Hindi-gaanong Walang kahusayan
pagtatanghal na pagtatanghal na mahusay ang ang pagtatanghal
Deliberi ginawa. Kakikitaan ng ginawa. Kakikitaan pagtatanghal na na ginawa. Hindi rin
labis na kaangkupan ng ng kaangkupan na ginawa. Hindi rin kakikitaan ng
emosyon, ekpresyon ng emosyon, ekspresyon gaano kakikitaan kaangkupan na
mukha at boses ng mukha at boses ng kaangkupan na emosyon at
emosyon at ekspreson ng
ekspresyon ng mukha at boses
mukha at boses

Kakikitaan ang Kakikitaan ang Hindi-gaanong Walang nakitang


presentasyon ng labis na presentasyon ng nakitaan ng pagkamalikhain sa
Pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain presentasyon
ang presentasyon
Kakikitaan ng labis na Kakikitaan ng Hindi-gaanong Walang
kahandaan ang kahandaan ang nakitaan ng kahandaan ang
kabuoan ng presentasyon. May kahandaan ang presentasyon. Hindi
Kahandaan presentasyon dahil ilang bahagi ang presentasyon kabisado ang
kabisado ang nilalaman hindi kabisado at sasabihin at aksyon
at mga aksyon aksyon
Hikayat sa Madla Labis na natuwa at Natuwa at Hindi gaanong Hindi natuwa at
humanga ang mga humangan ang mga natuwa at humanga ang
tagapanood sa tagapanood sa humanga ang mga taganaood
ipinakitang ipinakitang mga sa ipinakitang
presentasyon pagtatanghal tagapanaood sa pagtatanghal
ipinakitang
pagtatanghal
KABUOAN: 25 PUNTOS

You might also like