Ibat Ibang Uri NG Tekstong Panaliksik

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

TEKSTONG IMPORMATIBO

Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:


a. Naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong impormatibo at ikinaiba nito sa ibang uri;
b. Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong impormatibo

TEKSTONG IMPORMATIBO

 Kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon.
 Kadalasang sinasagot nito ang batayang tanong na:
- Ano
- Kalian
- Saan
- Sino
- Paano
 Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng mga anomang paksa na matatagpuan
sa tunay na daigdig.
 Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa
mga tunay na pangyayari
Mga ilang tiyak na halimbawa nito:
 Biyograpiya
Mga impormasyon na matatagpuan sa:
1. Diksyunaryo
2. Encyclopedia/Almanac
3. Siyentipikong ulat
4. Mga balita sa diyaryo
5. Papel-Pananaliksik sa mga journal

Iba’t ibang uri ng tekstong Impormatibo

1. Sanhi at Bunga
Paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang
kinalabasan ay nagong resulta ng mga naunang pangyayari.
2. Paghahambing
Ito ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anoman bagay,
konsepto o pangyayari.
3. Pagbibigay-depinisyon
Ipinaliliwanag ng ganitong uri ng kahulugan ng isang salita, termino o konsepto. Maaaring ang
paksa ay tungkol sa isang kongkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o mga abstraktong
bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay o pag-ibig. Mahalagang pag-ibahin ang mga
kahulugang denotatibo at konotatibo.
4. Paglilista ng klasipikasyon
Ito ang kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o
grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa
pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang depinisyon.

GAWAIN 1
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa aralin
1. Ano-ano ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag ang pagkakaiba ng awat isa.
2. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?
3. Bakit mahalaga ang malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.
4. Naniniwala ka bang mahalaga ang malawak na karanasan upang makabuo o makaunawa ng isang mahusay
na tekstong impormatibo? Pangatwiranan ang iyong sagot.
TEKSTONG PERSUWEYSIB

Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:


a. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagan ng tekstong persuweysib;
b. Nakapagsusuri ng mga katangian ng tekstong persuweysib

TEKTONG PERSUWEYSIB

 Isang uri ng depinisyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu
 Paglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinion gamit ang
argumentatibong estilo ng pagsulat

Ang mga nilalaman ng isang Tekstong Persuweysib

1. Malalim na pananaliksik
2. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa
3. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu

GAWAIN 1

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa aralin.

1. Ano ang tekstong persuweysib at ano ang batayang pagkakaiba nito sa tekstong argumentatibo?
2. Magbigay ng layunin ng tekstong persuweysib?
3. Ano-ano ang nilalaman ang dapat ng isang tekstong persuweysib?
4. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang mahusay na paggamit ng wika upang makapangumbinsi? Ipaliwanag.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

a. Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong argumentatibo;


b. Natatalakay ang mga estratehiya ng mabisang argumento;
c. Nakapaglalatag ng mahahalagang argumeto tungkol sa isang isyu at maisasaayos ang mga
argumento sa lohikal, masinop at makabuluhang paraan
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang isang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay ng mga literatura at
pag-aaral, ebidensyang kasaysayang at resulta ng empirical na pananaliksik
o Empirikal na pananaliksik – tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon
 Nangangailangan ito ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensya

Mga Elemento ng Pangangatwiran

A. Proposisyon – pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan


B. Argumento – pagtalakay ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig

Mga Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

Mahalaga at napapanahong paksa


Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan
Matibay na ebidensya para sa argumento
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento

GAWAIN 1 - PANUTO: Basahin at unawain ang tekstong na may pamagat na “Abuso sa Karapatan”.

1. Tukuyin ang istilong ginamit ng awtor sa teksto


2. Tukuyin kung may mga maling pangangatwiran sa teksto at kung mayroon man ay uriin ang bawat isa.
3. Isulat ito sa isang papel at idagdag sa sulatin na ipapasa sa guro.
TEKSTONG NARATIBO

Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:


a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa.
b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa ibat ibang uri
ng tekstong binasa.
c. Nasusuri ang mga katangian ng ibat ibang teksto.
d. Nakakabahagi ng kanilang mga natutunan gamit ang mga tekstong nabuo at
e. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag

TEKSTONG NARATIBO

KAHULUGAN

 Layuning magsalaysay o magkwento ng mga magkaka-ugnay na pangyayari.


 Batayan nito’y ,aaaring mga sariling karanasan, mga pangyayaring napakinggan/narinig,
nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/ nasaksihan.

KATANGIAN NG MABUTING NARATIBONG TEKSTO

1. Mabuting Pamagat - Panawagang pansin ng isang naratibong komposisyon. Dapat taglayin ang mga sumusunod
na katangian.

a) maikli
b) kawili-wili o kapana-panabik
c) nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas, orihinal o hindi palasak
d) hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala namang layuning magpatawa, at
e) may kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng komposisyon.

2. Mahalagang Paksa - Kung gaano kahalaga ang isang naratibong komposisyon, gayon din ang paksa

3. Wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - May ibat-ibag ayos ang pagkakasunod-sunod ng isang
narasyon. Karaniwan nang itoy nasa ganitong ayos:

a. Simula,
b. Gitna, at
c. Wakas.

Ang iba naman ay gumagamit ng flashback paraang pabalik na tulad nito:


a. Gitna o dakong wakas,
b. Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-alala, at
c. Wakas.

Ang pagsasalaysay ay maaari rin namang may ganitong pagkakasunod-sunod:

a. Nagsisimula saw akas,


b. Nagbabalik sa tunay na simula, at
c. Natatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng sumulat.

4. Mabuting Simula - Ang simula ay kinakailangang magingkawili-wili. Ito ay pang-akit din sa mga mambabasa.
Angsimula ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran

5. Mabuting Wakas - Tulad ng simula, kung gayon, ang wakas ay knakailangang maging kawili-wili upang maikintal
ang bisa ng narasyon sa mambabasa. Iwasan ang prediktabol na wakas upang magkaroon ng maktwirang twist ang
narasyon. Iwasan din ang pangangaral sa wakas at higit sa lahat iwasan ang pagiging maligoy na wakas.

GAWAIN 1 - PANUTO: Basahin ng mabuti ang tekstong nasa ibaba. Suriin ito ng mabuti at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Mahusay ba ang pamagat ng teksto? Bakit?

2. Maayos ba ang pagsisimula ng teksto? Ipaliwanag.

3. Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng teksto? Ipaliwanag.

4. Isulat ang iyong naobserbahan at nasuri sa tekstong nabasa


Huwag po, Itay…

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan
ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.
Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon.
Narinig kong kumatok si Itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan
daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya.
May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid. Laking gulat ko nang
ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni
Itay ang aking mga kamay. Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang
mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.
“Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na loob, Itay!”
Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko
na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang
kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang aking pagpikit. Hindi ko magawang lumuha.
Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto.
Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw niyang tinig.
“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang
kinabukasan!”
Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang
katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay. Pagkalipas ng
ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay.
Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita.
Magaling naman palang make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, manapa’y
labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon.
Niyakap ko si Itay at kapwa napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang
matiwasay.
Lovingly yours, Badong

TEKSTONG PROSIDYURAL
Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang
isang tiyak na bagay. Layunin ng tekstong ito ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa
mga tao upang tagumpay na maisagawa ang gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraan. Ang tekstong
prosidyural ay may apat na nilalaman.

1. Layunin o target na awtput - Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng
proyekto ng prosidyur.
2. Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto
ang isasagwang proyekto. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kailan ito
gagamitin.
3. Metodo - Serye ng mga hakbang na isasagawa uang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na
isinagawa.

KATANGIAN NG WIKANG MADALAS GAMITIN SA MGA TEKSTONG PROSIDYURAL

 Nasusulat sa kasalukuyang panuhan


 Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
 Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng panghalip
 Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
 Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang maipakita ang pagkakasunod-sunod at
ugnayan ng mga bahagi ng teksto
 Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay at dami).

GAWAIN 1

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang mga layunin ng tekstong prosidyural?

2. Ano-ano ang nilalaman ng tekstong prosidyural. Ipaliwanag ang bawat isa.

3. Ano ang mga katangian ng wikang dapat gamitin sa isang tekstong prosidyural? Ipaliwanag ang bawat isa.

4. Bakit mahalaga sa pagtatrabaho at pag-aaral ang pag-unawa sa mga tekstong prosidyural. Ipaliwanag.

5. Bumuo ng isang tekstong prosidyural na may kinalaman sa tinatahak mong Strand. Siguraduhin na nilalaman nito
ang mga katangian sa pagbuo ng tekstong prosidyural.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo o paglalarawan ay naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa. Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwan nang gamitin sa deskriptibong teksto.

MGA PANGANGAILANGAN SA EPEKTIBONG DESKRIPSYON

1. Pagpili ng paksa - Piliin ang paksang nais ilarawan. Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at
hindi bago sa pook. Tao iyong paningin.

2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan - Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring
inilalarawan sa nakikinig o bumabasa. Ang kabuuan muna ang unang nakikintal sa isipan, bago ang bahaging maliit
na nasasangkap sa kabuuan.

3. Pagpili ng Sariling Pananaw o Perspektibo - Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw.
Maaaring isaalang-alang ang inilalarawan ayon sa agwat o layo sa bagay. Ang ganitong paraan ng pagtingin sa
paksa ay sumasaklaw sa lahat ng panlabas na kalagayang may kinalaman sa anyo ng bagay.

4. Kaisahan - Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliit na abhaging maaaring makita lamang
mula sa pananaw na napili ng naglalarawan.

5. Pagpili ng mga Sangkap - Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo sa pangunahing larawan ang dapat isama.

DALAWANG URI NG DESKRIPSYON

1. Karaniwang Deskripsyon - pagbuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga
katanglang ating napag-aralan na. Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa isang
bagay.
2. Masining na Deskripsyon - Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskripsyon. Higit sa nakikita ng
paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskripsyong masining.

GAWAIN 1.

Suriin ng mabuti ang tekstong nasa ibaba at ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang.

1. Anong uri ng teksto ang binasa? Ipaliwanag.

2. Ibigay ang katangian ng teksto.

3. Dapat isaalang-alang sa tekstong deskriptiv.


May Ginto sa Kapaligiran

Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang
tinatapakan…. Pansinin ang lawak at masasabing “Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang
nilikha!’ Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng makukulay na kaanyuan. Paraisong
kaysarap tirahan!
Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng kanyang nilalang na may taglay na
talinong paunlarin ang buhay. Hindi tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa magandang
kalagayan.
Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong nagaganap, napipinsala ang pisikal na
kapaligiran. Oo ang tahimik na biktima. Hindi ito kataka-taka… Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at
mapakinabangan ng tao.
Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa mga gusaling itinayo. Maging ang
halaman at hayop ay naaapektuhan ng mga pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid.
Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin
ang taong pangalagaan ang mga ito para rin sa patuloy niyang kapakinabangan.
Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng pagkamatay ng iba’t ibang bahagi ng
kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit may polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.
Ang polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo ngayon ang maraming taong naoospital.
Hindi tuloy nagiging epektibong mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at
mangingisda kayat nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha
na rin tayo sa mga nasabing senaryo.
Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May kakayahan ang taong harapin ang suliranin at
kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng Diyos
sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat pahalagaan.

You might also like