0% found this document useful (0 votes)
432 views

1479 1838 1 PB PDF

This study examines four Filipino children's books that address the sensitive topic of child sexual abuse. The books aim to educate children, empower them, and protect them by teaching touching rules, the concept of private parts, and how to seek help from authorities. However, the books also have some weaknesses like superficial discussions and quick resolutions without fully addressing the complex issue. The analysis focuses on how the books represent the experience of abuse, their physical aspects, and how they are distributed to reach more children.

Uploaded by

aliadha zacaria
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
432 views

1479 1838 1 PB PDF

This study examines four Filipino children's books that address the sensitive topic of child sexual abuse. The books aim to educate children, empower them, and protect them by teaching touching rules, the concept of private parts, and how to seek help from authorities. However, the books also have some weaknesses like superficial discussions and quick resolutions without fully addressing the complex issue. The analysis focuses on how the books represent the experience of abuse, their physical aspects, and how they are distributed to reach more children.

Uploaded by

aliadha zacaria
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 46

Kapag Maselan ang Larong-bata

Kapag Maselan ang Larong-bata:


Ang Panitikang Pambata bilang Pananggalang
sa Abusong Seksuwal sa Bata

Eugene Y. Evasco

ABSTRACT

This study examines four Filipino children’s books that deal with child
sexual abuse. To evaluate the published works, studies by Bruno Bettelheim,
Masha Rudman, and Howard Gardner on how stories and narratives for
children can reinforce education, empowerment, and protection are used as guides.
The four books aim to raise consciousness and provide a suitable strategy to
solve the prevailing problem of child sexual abuse. The study shows the books’
significant attempts at educating children on how to deal with the problem
through concrete solutions. These books delve into the sensitive subject of abuse
while also instructing children on how to seek help from the authorities. The
books introduce children to the touching rules, the concept of private parts of
the body, and how to say no to malicious touching. The study also examines the
weaknesses of the books like the superficial discussion of the subject matter, the
convenient and quick resolution of the story, homophobia, sexism and stereotyping
of sex offenders. In conclusion, this essay analyzes the representation of the
experience, the physical aspects of the text, and the distribution of these alternative
publications for children.

Keywords: child sexual abuse, picture books, bibliotherapy, children’s


literature, alternative publishing

Don’t hold me on your lap, said the little girl, I am very heavy, you
will get very tired.

The man shook his head, and said nothing, but held her on his lap
just the same.

Humanities Diliman (January-December 2008) 5:1-2, 1-46 1


Evasco

The little girl kept squirming, for somehow she felt uncomfortable to
be held thus, her mother and father always treated her like a big
girl, she was always told never to act like a baby. She looked
around at Vicente, interrupting her careful writing to twist around.

His face was all in sweat, and his eyes looked very strange, and he
indicated to her that she must turn around, attend to the homework
she was writing.

But the little girl felt very queer, she didn’t know why, all of a
sudden she was immensely frightened, and she jumped up away from
Vicente’s lap.

-Estrella Alfon sa “Magnificence” (1950)

Sa tagapangunang sikoanaliktikal na pag-aaral ni Bruno


Bettelheim na The Uses of Enchantment: The Meaning and Importance of
Fairy Tales, inihapag niya ang mga teorya kung paano nakakaapekto
sa mga bata ang mga fairy tale tulad ng Snow White, Jack and the
Beanstalk, Cinderella, The Three Bears, at Sleeping Beauty. Iginiit niyang
mahalaga ang mga kuwentong ito sa edukasyon, paggawad-
kapangyarihan (empowerment), at pangangalaga sa mga bata. Kinilala
niya ang mga kuwento bilang mahusay at mainam na tagapagturo
sa intelektuwal, emosyonal, at espirituwal na buhay ng mga bata.
Aniya, paraan ang mga kuwento para maipalaganap ang di-malay
(unconscious) na modelo para sa mga batang mambabasa. Pinatunayan
pa niya na ang mga sinuring fairy tale at mga kuwentong-bayan
(folk tale) ay kasangkapang “makatutulong upang maangkupan ng
mga bata ang mga sikolohikal na suliranin sa pagtanda at sa
pagpapatibay ng kanilang mga personalidad” [“helping them cope
with the psychological problems of growing up and integrating
their personalities”] (Bettelheim 1989, 14).
May kaugnay na pag-aaral din si Carla M. Pacis (2005), pag-
aaral na maglalapat sa konsepto ni Bettelheim sa mga kuwentong
halimaw (monsters) sa panitikang pambata ng Pilipinas. Anila, ang
pagbabasa at pagsasadula ng mga bata tungkol sa mga halimaw at
iba pang tauhang predator gaya ng bruha at mangkukulam ay
magbibigay sa kanila ng estratehiya kung paano lulutasin ang mga
suliranin at mga takot (fears). Ginawa ring sandigan ni Arthur Asa
Berger sa kaniyang aklat na Manufacturing Desire: Media, Popular Culture,

2
Kapag Maselan ang Larong-bata

and Everyday Life ang paniniwala ni Bettelheim sa bisa ng mahika sa


mga bata. Aniya, “Kailangang manalig ang mga bata sa mahika sa
isang yugto ng kanilang buhay upang matulungan ang sarili sa
nakatatakot at kahindik-hindik na daigdig kung saan nakikita nila
ang kanilang mga sarili bilang maliit at walang kapangyarihan”
[“Children need to believe in magic at certain periods in their lives
in order to help cope with frightening and terrifying world in which
they find themselves small and relatively powerless figures.”] (Berger
1996, 102).
Ilan sa mga karaniwang konsepto ng takot sa kuwentong-
bayan ay ang maligaw sa gubat ang bata, makaligtaan o tahasang
pabayaan ng magulang, at hayaang ipasagpang sa mga mabangis na
hayop (Lurie 1990, 26). Mga pangyayaring simbolikal ito sa kuwento
na maiuugnay sa pag-awat sa bata sa kaniyang magulang, pang-
araw-araw na pakikibaka, mga panganib na banta sa mga bata, at
ang proseso ng pagbibinata at pagdadalaga. Giit nga ni Max Luthi
sa aklat niyang Once Upon a Time: On the Nature of Fairy Tales (1976),
“Itinuturing ng mga tagapakinig at mambabasa ang mga fairy tale
bilang simbolikong tula at hindi bilang realistikong akda.” [“Fairy
tales are experienced by their hearers and readers, not as realistic,
but as symbolic poetry.”] Susog pa ni Alison Lurie, “Nananatiling
buhay ang fairy tale dahil inilalahad nito ang danas sa malinaw na
simbolikong anyo. Minsa’y kailangang mapalaki, maisadula, at
maisapantasya ang katotohanan upang higit itong maunawaan.”
[“The fairy tale survives because it presents experience in vivid symbolic
form. Sometimes we need to have truth exaggerated and made more
dramatic, even fantastic, in order to comprehend it.”] (akin ang diin
kay Lurie 2003, 125).
Malaki ang gampanin ng mga simbolo, lantad man o kubli,
sa mga kuwento para sa bata. Inilahad ni Bettelheim sa kaniyang
aklat ang pagbibigay-kahulugan sa mga tauhan at banghay ng mga
katha. Natukoy rin niya na makakaugnay ang mga batang mambabasa
sa pagtatampok ng mga bayaning pinakabata, pinamaliit, at
pinakabunso sa magkakapatid. Ipinapahiwatig nito na may kakayahan
ang isang bata na maisakatuparan ang mga hamon sa mga
pakikipagsapalaran (adventures), ituring man siyang bata lamang na
walang tinig at hindi napagkakatiwalaan.
Iginiit pa ni Bettelheim na hindi dapat kaltasin at linisin (sanitize)
ang mga nakatatakot na aspekto ng mga fairy tales at kuwentong-
bayan tulad ng karahasan at usaping seksuwal. Sa halip, dapat

3
Evasco

itinuturing ang mga ito bilang pagbibigay-kapangyarihan sa bata sa


kaniyang pagtanda o pagkagulang, sa paniniwalang malulutas at
maisasaayos ang anumang hidwaan at tunggalian. Dagdag nga ni
Albert Einstein, “Kung nais mong tumalino ang inyong mga anak,
basahan sila ng mga fairy tale. Kung nais pang higit na tumalino,
basahan pa sila ng maraming fairy tale.” [If you want your children
to be intelligent, read them fairy tales. If you want them to be more
intelligent, read them more fairy tales.] Hinahayaan ng mga kuwento
na harapin at suriin ng bata ang kaniyang panloob na sarili (inner self).
Nasusuri ng batang mambabasa ang kaniyang pang-araw-araw na
tunggalian tulad ng pagpapahalaga sa kakayahan, pangamba, inggit
sa kapatid, at ang pagtitimbang sa konsepto ng kabutihan at
kasamaan. Kung gayon, kinakailangang maipabasa, isalaysay, at
isadula ang mga kuwento para maipalaganap sa mas nakararaming
bata at makatulong sa proseso ng pagbabahagi at paghihilom mula
sa malakas at sikil na damdamin.
Nakasandig sa mga pahayag at dalumat ni Bettelheim ang
diwa ng pag-aaral na ito.1 Sinasasaklaw ng pag-aaral ang mga
nalathalang aklat pambata sa Pilipinas tungkol sa abusong seksuwal
sa mga bata (child sexual abuse) na nakabatay sa realistikong tradisyon
ng pagkukuwento. Ibig sabihin, ang mga susuriing katha ay walang
hibo ng pantasya tulad ng kuwentong-bayan o fairy tale. Lantad sa
mga kuwento ang pinapaksa at hindi nagkakubli sa simbolikal na
antas ang mga suliranin ng naratibo.
Gagamitin giya sa pagsusuri ang mga argumento ni Bettelheim
buhat sa kaniyang empirikal na pag-aaral. Ito ang mga sumusunod:

• Sandata ang mga kuwento sa edukasyon, paggawad-


kapangyarihan, at pangangalaga sa bata.
• Mainam na instrumento sa pagtuturo ang mga kuwento
dahil naipapalaganap nito ang mga di-malay na modelo
para sa batang mambabasa.
• Makatutulong ang kuwento sa sikolohikal na pag-unlad
ng bata.
• Naglalaan ng mga estratehiya ang kuwento tungkol sa
paglutas sa mga suliranin at mga takot ng bata.
• Malilinang ng kuwento ang konsepto ng pagkabayani
ng bata.
• Makapaggagawad-kapangyarihan ang kuwento sa batang
mambabasa dahil sa pagbibigay ng sapat na kaalaman at
kamulatan.

4
Kapag Maselan ang Larong-bata

ANG ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATA (CHILD SEXUAL ABUSE)

Pinakakaraniwang anyo ng abusong seksuwal sa mga bata


(ASB) ay isinasagawa ng isang taong malapit sa batang biktima
(Renvoize 1993, 32.) Tinutukoy nito ang anumang uri o anyo ng
seksuwal na exploitasyon sa isang bata o kabataan. Sa depinisyon
ng United Nations Convention on the Rights of the Child (CRC)
at ng UNICEF, sinasaklaw ng bata ang edad mula pagkasanggol
hanggang 18 taon. Isinagawa ang pang-aabusong seksuwal ng isang
taong higit na matanda o may-edad sa bata para sa kaniyang sariling
stimulasyon at/ o lugod (gratification). Masalimuot na usapin ang
“seksuwal” dahil ito ang gagamiting batayan sa pagtukoy kung ano
ang pang-abusong seksuwal at di-seksuwal. Ayon kay Christiane
Sanderson, kung magiging makitid ang depinisyon, tinutukoy ng
ASB ang mismong seksuwal na pakikipagtalik (sexual intercourse).
Kapag magiging malawak naman ang depinisyon, higit nitong
masasalamin ang karanasan at kaso ng mga bata tulad ng pagpapakita
ng mga pornograpikong materyal at ang paglalahok sa mga ito sa
produksiyon ng pornograpiya (2004, 42). Sa pag-aaral na ito,
sasaklawin ng ASB hindi lamang ang pisikal na ugnayan tulad ng
panghihipo kundi inilalahok din sa mga akto ng exhibitionism,
paglalahok sa gawaing pornograpiya, hanggang sa pakikipagtalik,
o pagbebenta ng katawan (Renvoize 1993, 36).
Sa CRC, sinabing pareho ang ibig ipakahulugan ng “sexual
abuse” at “sexual exploitation.” Dagdag pa, “Ang mga nangangalaga
sa mga bata at mayroong seksuwal na ugnayan sa kanila gaya ng
magulang, nakatatandang kapatid, ibang kamag-anak, mga guro,
mga coach, mga pari, mga doktor, mga katuwang sa bahay-ampunan,
atbp. ay guilty sa abusong seksuwal. Tinutukoy ng abusong seksuwal
ang mga aktong hindi marahas gaya ng malisyosong halik at
panghihipo. Exploitasyong seksuwal naman ang pakikipagtalik sa
sinuman kapalit ng salapi o iba pang mga bagay.” [“Persons who
are responsible for children and who have any kind of sexual contact
with them, such as parents, older brothers and sisters, other relatives,
teachers, coaches, priests, doctors, the staff of children’s homes or
organization, etc. are guilty of sexual abuse. Sexual abuse includes
acts that do not include violence, such as improper kisses or caresses.
‘Sexual exploitation’ generally means having sex with someone in
exchange for money or other things.”] (O’Donnell 1996, 85-86).
Natukoy ni Daniel O’Donnell ang mga posibleng epekto ng
seksuwal na pang-aabuso at ng seksuwal na exploitasyon sa mga

5
Evasco

bata. Aniya, maaaring magdulot ng psychological damage ang ASB na


makaaapekto habambuhay sa bata. Maaaring magdulot ito ng
mababang pagtingin at kompiyansa sa sarili, hindi makapag-concentrate,
nahihirapang makipagkaibigan at makipagsaya, nagkakaroon ng
masasamang panaginip, atbp. Dagdag pa, may mga kasong nagiging
mang-aabuso ang mga biktima sa kanilang pagtanda (O’Donnell
1996, 145).
Samantala, nanganganib at nalalantad naman ang mga batang
biktima ng seksuwal na exploitasyon (e.g. prostitusyon at
pornograpiya) sa karahasan, ipinagbabawal na gamot, at sexually
transmitted na impeksiyon at sakit (145).
May tatlong uri ng ASB batay sa website ng Center for the
Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse (CPTCSA). Narito
ang kanilang naisagawang kategorya ng naturang pang-aabuso:
• Pisikal—panghihipo ng pribadong bahagi ng katawan,
panlalamas, pagpapahipo at pagpapamanipula sa bata ng
pribadong bahagi ng ibang tao, panghahalik,
pakikipagtalik sa ari o sa puwit, o tangkang pakikipagtalik
• Berbal—bastos na wika, maruming biro, pambubuska o
pang-iinsulto
• Biswal—pagpapakita ng ari, paninilip, pamboboso, pagkuha
ng mga retratong pornograpiko, pag papanood at
pagpapakirinig sa bata ng mga aktong seksuwal (akin ang
salin sa CPTCSA 2004)
Itinala ni Sanderson ang sakop ng mga gawain at pag-uugaling
kaugnay sa ASB. Napakalawak nito at inilalahok ang mga pang-
aabusong non-contact tulad ng pamboboso o paninilip, pagpapakita
ng kalaswaan, pagkuha ng mga video at larawang seksuwal at
pornograpiko, paggamit ng mga seksuwal na wika at pananalita,
paghuhubad sa harap ng bata, pakikipagtalik sa harap ng bata, at
ang pagpapasuot ng damit sa bata na makapagpapaligaya sa mang-
aabuso (2004, 42-43). Tinutukoy rin ng ASB ang mga pisikal na
pakikipag-ugnayan (contact bahavior) tulad ng paghalik, paghipo sa
suso o ari (genitals), masturbation, oral sex, pagpapahipo sa bata ng ari
ng iba, sodomy, pagpapasok ng mga bagay at laruan sa ari ng bata, at
ang paggamit ng daliri (digital and penile penetration) (43-45).
Sang-ayon kay Renvoize, mauugat ang pang-aabusong
seksuwal sa kakulangan ng autoridad at kapangyarihan ng bata sa
lipunan kung kaya hindi maiwasang maitulak o mapilit siya sa mga

6
Kapag Maselan ang Larong-bata

mga gawaing hindi niya lubusang maunawaan. Kaugnay nito, wala


rin kakayahan ang bata na magbigay ng maalam na pahintulot
(informed consent) sa nasabing mapanganib at maselang sitwasyon (36).
Nalalagay rin sa alanganin ang bata dahil maaaring physically mature
na siya ngunit ‘di pa mature sa aspekto ng emosyon at pag-iisip.
Ipinapalagay tuloy ng mang-aabuso na pinahihintulutan siya ng bata
sa hindi nito pagsasalita o pagrereklamo (Sanderson 2004, 45). Hindi
rin nakakatutol ang bata dulot ng di-pantay na kapangyarihan, estado
at autoridad, at ang antas ng manipulasyon, pagpupuwersa, at
pagbabanta. Dagdag pa rito ang pagturing ng mga bata sa mga
matatanda o may-edad bilang mga role model dulot ng kanilang
autoridad at estado sa buhay (45).
Pang-aabuso sa kapangyarihan (e.g. edad, kalagayang pang-
ekonomiya, ugnayan sa bata) ang sanhi ng ASB. Naisasagawa ito sa
loob ng espasyo ng tahanan o pamilya, at maaari rin namang sa
labas ng espasyong ito. Halimbawa nito ang mga matatanda na
higit na makapangyarihan sa bata at pinagkakatiwalaan ng bata. Sa
loob ng pamilya, tinutukoy nito ang mga ama, ina, padrasto,
madrasta, kaibigan ng pamilya, tiyo, tiya, kapatid, pangalawang
kapatid, lolo, lola, pinsan, atbp. (46). Sa labas naman ng tahanan,
matutukoy na halimbawa ang mga matatandang kahalili sa pag-
aalaga sa bata (in loco parentis) tulad ng yaya, guro, pari, tagapagbantay,
at coach. Maaari ring mga matatanda itong kilala o di-kilala ng isang
bata tulad ng kapitbahay at mga naninirahan at namamasukan sa
loob ng pamayanan (46).

ANG ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATANG FILIPINO

Ayon sa Child Protection in the Philippines, itinuturing sa


Pilipinas ang mga bata bilang pambansang asset. Sa bilang ng
National Statistics Office (NSO) noong 2000, 36.2 milyong Filipino
ang may edad 19 pababa. Ito ang humigit kumulang sa bilang ng
mga bata sa bansa. At sa mga grupo o sektor sa bansa, ang mga
bata ang higit na nahaharap sa mga banta at panganib.
Nakaririmarim ang estadistika ayon sa CPTCSA. Anila,
tinatayang isa sa apat na batang Filipino ang biktima ng ASB o
kaya’y seksuwal na maaabuso bago pa man tumuntong sa edad na
18 (CPTCSA 2005, 11). Sa ulat ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD) noong unang semestre ng 1999, 2,393
bata ang biktima ng panggagahasa, tangkang panggagahasa, incest,

7
Evasco

mga akto ng kahalayan, at ng prostitusyon. Sang-ayon naman sa


World Emergency Relief (2007), mababa pa sa 10% ang naiuulat
na ASB sa Pilipinas. Dahil dito, maaaring konserbatibo pa ang
tinatayang bilang ng CPTCSA sa mga kaso ng ASB.
Sa panayam ni Lois J. Engelbrecht, ang tagapagtatag ng
CPTCSA sa Pilipinas, Malaysia, at Vietnam, ibinalita niyang
“malubhang naabuso ang 30% at halos 48% ng mga batang Filipino
ang nakararanas ng unwanted physical contact” (Engelbrecht 2003, 1).
Sa naturang estadistika, 85-95 % ng mga mambibiktima (perpetrator)
ng mga kasong ASB ay kilala o pinagkakatiwalaan ng bata (McDaniel
2001, 205). Dagdag pa ng WER, “Ang sariling pamilya ang nagtutulak
sa bata na ibenta ang katawan, at kadalasang napupuwersa sa
prostitusyon ang mga batang lansangan.” [“A child’s own family
members often sell them into the commercial sex industry, and
street children are frequently forced into prostitution.”]
Sa estimasyon ng End Child Prostitution, Child Pornography,
and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT), 60,000
ang bilang ng mga batang biktima ng seksuwal na exploitasyon sa
Pilipinas (sipi kina Miles at Stephenson, 12). Maaari itong ikompara
sa bilang sa mga karatig-bansa natin: 200,000-250,000 sa Thailand;
400,000 sa India; 6,000 sa Vietnam; at 10,000-15,000 sa Sri Lanka
(12). Sa sarbey na isinagawa ng NSO at ng UNICEF Philippines
noong 2001, “60,000 hanggang 100,000 sa mga batang Filipino,
karamihan ay babae, ang nasasadlak sa pagbebenta ng sariling
katawan” (Delvigny-Jean 2005). Tinukoy ng Intersect noong 1995
na ang Pilipinas ang ikaapat na pinakamaraming batang prostitute sa
buong daigdig.
Sa dokumentasyon naman ni Daniel O’Donnell, napansin
niyang dumodoble ang bilang ng mga kasong idinudulog sa DSWD
kaugnay sa seksuwal na abuso at exploitasyon sa mga batang Filipino.
Tumaas ang bilang mula sa 720 kaso noong 1993 patungong 1,586
kaso noong 1994 (1996, 146). Dagdag pa niya, 59% ng mga biktima
ay may edad 13 hanggang 18, 26 % naman ang edad mula 7-12, at
15% ang mababa sa pitong taong gulang. Panggagahasa ang
kinakakaraniwang anyo ng abuso (45%) at sinusundan naman ng
kaso ng incesto (incest) (25%). Malaking bahagdan ng mga biktima
ay mga babae (93%). Ilan sa mga salik na natukoy ng DSWD na
nakaambag sa ganitong suliranin ay ang mga sumusunod: problema
sa droga at pag-inom ng ama, isang silid na tahanan, at ang pagkawala
ng ina sa tahanan dulot ng trabaho o problemang marital (sipi kay
O’Donnell 1996, 147).

8
Kapag Maselan ang Larong-bata

Sa ulat ni Ma. Cecilia Flores-Oebanda kaugnay sa pag-aaral


ng Visayan Forum, malapit (vulnerable) sa seksuwal na pang-aabuso
ang mahigit isandaang libong batang domestic worker sa bansa. Dagdag
pa sa ulat, “Napag-alaman sa sarbey ng pamahalaan na 80 % ng
mga iniulat na biktima ng panggagahasa, tangkang panggagahasa,
at iba pang anyo ng abusong seksuwal ay mga batang manggagawa.”
[In one district a government survey found that eighty percent of
reported victims of rape, attempted rape, and other acts of sexual
abuse were child domestic labourers.] (Flores-Oebanda 2005). Sa
bahaging ito, masasabing hindi lamang mga batang domestic worker
ang nasa panganib ng ASB kundi ang mga batang lansangan na rin
na walang proteksiyon ng pamilya’t kaanak. Nakalantad din ang
mga ito sa lahat ng uri ng panganib sa lansangan tulad ng kriminalidad,
polusyon, gutom, droga, atbp.
Sa pinakahuling ulat ng American Psychological Association,
walong taong gulang ang kadalasang edad ng mga batang naaabuso.
Dagdag pa ng pag-aaral, “Lumalabas na halos parehong nasa
panganib sa seksuwal na pang-aabuso ang mga bata at kabataan,
anuman ang kanilang lahi, kultura, o estadong pangkabuhayan. Ayon
sa estadistika, higit na naaabuso ang mga batang babae kaysa batang
lalaki. Ngunit maaaring makaapekto sa ganitong bilang ang
tendensiya ng mga batang lalaki na hindi isumbong ang kanilang
naranasang pang-aabuso.” [“Children and adolescents, regardless
of their race, culture, or economic status, appear to be at
approximately equal risk for sexual victimization. Statistics show
that girls are sexually abused more often than boys are. However,
boys’ and, later, men’s, tendency not to report their victimization
may affect these statistics.”] (sipi kay McDaniel 2001, 205).

MGA BATAS BILANG PROTEKSIYON NG BATA SA ABUSONG SEKSUWAL

May epekto sa potensiyal ng isang bata ang lipunang kaniyang


kinalakhan. Maaaring suriin ang ganitong salik sa pinakabatayang
institusyon tulad ng pamilya hanggang sa lumawak ito bilang lipunan,
bansa, at daigdig. Maiuugnay sa ganitong talakay ang sukatan sa
pagiging makatao ng isang lipunan at nagtataglay ng bisyon ng
magandang bukas sa pakikitungo at pagpapahalaga sa mga bata.
Bukod sa pagiging tungkuling panlipunan, pambansa, at pandaigdig,
nakahanay sa talaan sa ibaba ang mga dahilan kung bakit kailangan
ng atensiyon, kalinga, at pangangala ng mga bata:

9
Evasco

• May pantay na katayuan ang mga bata sa mga matatanda.


Malaking bahagi ng populasyon ng mundo ay mga bata.
Nagsisimula ang mga bata na nakaasa sa iba, sila ang unang
naaapektuhan ng kahirapan, polusyon, digmaan, gutom,
at iba pang suliraning panlipunan
• Sa lahat ng aspekto ng patakaran ng gobyerno tulad ng
edukasyon at kalusugan, higit na naaapektuhan ang bata
kaysa ibang sektor ng lipunan. Ngunit kadalasan, walang
konsiderasyong ibinibigay ang mga patakarang ito sa mga
bata.
• Hindi kadalasang nabibigyang-pansin ang pananaw ng mga
bata. Hindi sila botante at di kalahok sa mga prosesong
politikal. Ngunit mayroon din namang mga lugar tulad ng
paaralan kung saan maaaring marinig at igalang ang kanilang
tinig. (may pagpapakinis at pagwawasto sa direktang sipi
kina Quitoriano at Morala 2004, 15)
Sa pagsusuri ng mga kaso ng ASB sa bansa, naglatag ang
CPTCSA ng dalawang mahahalang salik (factor) na kailangang
isaalang-alang. Kahirapan ang unang salik. Sang-ayon sa DSWD,
70% ng mga Filipino ay naghihirap (below the poverty line). Nagdudulot
ng stress ang kahirapang ito na matinding pang-alis (remover) ng mga
panlipunang inhibitor para seksuwal na molestiyahin ang isang bata.
Mga aspektong moral at sibil naman ang ikalawang salik, ayon pa
sa CPTCSA. Halos Katolikong bansa ang Pilipinas na may mga
halagahang panrelihiyon na maglalaan ng makapangyarihang inhibitor
laban sa ASB. Dagdag pa rito ang mga batas na nagpaparusa sa
sinumang lalabag sa pang-aabuso sa bata tulad ng panggagahasa.2
Gayunpaman, kahit na mayroong makapangyarihang inhibitor tulad
ng mga batas at kasunduan, nanatiling pangunahing suliraning
panlipunan sa bansa ang ASB.

ANG ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATA SA PANITIKANG FILIPINO

Hindi na bago ang paksain ng ASB sa panitikang Filipino.


Kagyat na magugunita ang klasikong kuwentong “Magnificence”
ni Estrella Alfon. Taong 1950 nang ito’y malathala at maipapalagay
na kauna-unahang akdang Filipino na pumapaksa sa seksuwal na
molestasyon. Kahanga-hanga ang pagiging matimpi sa
pagkakakuwento ni Alfon para sa napakasensitibong paksa. (Basahin
ang epigraph.) Hindi natapilok sa pagiging sensasyonal at mapaggulat

10
Kapag Maselan ang Larong-bata

ang naturang akda. Dagdag pa ng kritikong si Isagani R. Cruz kay


Alfon, “Gamit ang wikang hindi nakaririmarim, naipakita niya ang
kabuktutan at lagim ng isang lalaking kinasangkapan ang batang
babae sa kaniyang makamundong pagnanasa.” [Using language that
never descends to the sordid, she is able to depict, nevertheless, the
depravity and horror of an adult male using a young female to
satisfy his earthly lust.] (2000, 191).
Tinalakay din ni Rosario Cruz-Lucero sa kaniyang kathang
“Demonyo” ang iba’t ibang uri at antas ng seksuwal na pang-aabuso,
gamit ang kapre at demonyo bilang mga simbolo—si Mr. Montilla
sa dalagitang kasambahay na si Virginia; si Mr. Montilla sa anak
niyang si Nena; ang kapitan sa binatilyo si Jose; at si Jose sa
kababatang si Nena. Madudukal sa kuwentong ito ang mga dalumat
tungkol sa ASB. Una, kapangyarihan ang edad, kasarian, at estadong
pangkabuhayan. Maaari itong maabuso para maisakatuparan ang
seksuwal na pagnanasa. Naipamalas ito ni Mr. Montilla sa
kasambahay (domestic worker) ng kanilang mansiyon. Nakuha ring
magahasa ng ama ang kaniyang anak dulot ng agwat sa edad at
taglay na kapangyarihan bilang padre de pamilya. Ikalawa, walang
pinipiling kasarian ang biktima ng ASB. Sa kuwento, kapwa naging
biktima sina Jose at Nena ng mga simbolo ng autoridad tulad ng
ama at kapitan. Ikatlo, umiikot ang siklo ng karahasan. Ibig sabihin,
ang biktima ay maaaring maging mambibiktima sa paglipas ng
panahon. Naipamalas ito ng tauhang si Jose na pagkaraang magahasa
ng sundalo, nagpasiyang tuklasin ang pakiramdam ng pagiging
makapangyarihan. Ginahasa niya si Nena na anak ng hasyendero.
Ikaapat, kamulatan ang tugon para mawasak ang siklo ng karahasang
seksuwal. Ito ang naging problema ni Nena. Namulat siya sa pamilya
at espasyong hitik sa pantasya. Tumanda siyang nananalig sa pantasya
gaya ng santelmo, kapre, at demonyo. Ipinagkait sa kaniya ang
realidad. Nagkaedad siyang prinsesa ang turing sa sarili. Nagahasa
siya ng sariling ama na hindi namamalayang pang-aabuso iyon. Hindi
niya kilala ang konsepto ng gahasa kaya nanahimik siya sa pang-
aabuso ni Jose.
Taliwas ang kuwento ni Nena sa kapangyarihan ng pantasya
at katutubong paniniwala (folk imagination) na inihapag ni Bettelheim.
Sa halip na maging mapagpalaya, nabansot ang kritikal na pag-iisip
ng batang tauhan at nanatiling mito (basahin: mali at baluktot na
paniniwala) ang kaniyang imahinasyon sa pantasya. Imbes na maging
makapangyarihan ang mga simbolo at hiwaga sa pagkilala ng buhay,

11
Evasco

kinasangkapan ng magulang ang pantasya sa pagmamanipula at


paglilihim ng realidad.
Tinalakay naman sa talambuhay na “Rosa”, isang bahagi ng
kathambuhay na Comfort Women: Slave of Destiny ni Maria Rosa Luna
Henson (salin sa Filipino ni Ruby Gamboa-Alcantara) ang
kasaysayang sinapit ng isang dalagita sa panahon ng digma.
Mababakas sa akda ang katotohanan na sa anumang digmaan, ang
mahirap, ang babae at ang bata ang higit na nabibiktima. Nagkataong
si Rosa ay isang babaeng bata mula sa hirap kaya naging malagim
ang dinanas niya noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa kathang lesbiana na “When You’re Six” ni Nice Rodriguez,
isang Filipino-Canadian, buhat sa koleksiyong Throw it to the River,
nailahad ang masakit na pinagdaanan ng isang batang babaeng
kakaiba sa karaniwan. Batang lesbiana (“tomboy” sa wikang
kolokyal) ang tauhan na nakaranas ng ASB mula sa isang
nakatatandang bata. Ipinahipo sa kaniya ang ari nito na inihalintulad
sa “mainit na tuta.” May bahid ng phallusentrismo at lesbophobia ang
aktong iyon sa naratibo. Lumitaw ang tiwaling konsepto ng mga
Filipino na ang ari ng lalaki ang gamot sa pagka-lesbiana ng babae.
Walang duda, maraming balita ng panggagahasa sa mga lesbiana sa
bansa sa paniniwalang malulunasan nito ang sakit kapag nakatikim
ng heteroseksuwal na pakikipagtalik.
Hindi pambata ang mga tekstong tinalakay gayong bata ang
mga pangunahing tauhan sa mga akda. Dalawang paliwanag kung
bakit hindi ito maikakategoryang tekstong pambata. Pangunahin na
rito ang anyo at wikang ginamit para sa mabigat na paksang ASB.
Grapiko ang ilan sa mga eksena ng ASB. Isama na rin ang estilo at
ang pamamaraan sa pagsusulat ng mga may-akda ay hindi
maituturing na pambata. Hindi naman talaga ito isinulat para basahin
ng bata kahit pa bata ang mga tauhan. Ikalawa at mahalagang
paliwanag ay ang pagturing ng mga teksto na biktima ang mga
batang babae. Napakapasibo ng mga batang namolestiya at nagahasa.
Walang naihapag na solusyon sa batang mambabasa para
protektahan ang sarili. Sa pagdidiin, hindi ito nilikha para sa bata.
Ito ang pinagkaiba ng katha para sa matanda at para sa bata—
ideyal na makabata ang akdang pambata at may makukuhang
mensahe ang bata sa sarili niyang panitikan, anuman ang layuning
pinagmulan ng manunulat.

12
Kapag Maselan ang Larong-bata

MGA AKLAT PAMBATANG PUMAPAKSA


SA ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATA

Kung ano ang pagkukulang ng mga tekstong natalakay sa


itaas, sisikapin itong tugunan ng mga aklat pambatang tampok sa
pagsusuring ito.3 Apat na aklat ang saklaw ng pag-aaral na hayagang
tumatalakay sa ASB. Likha at limbag ito sa Pilipinas para sa mga
batang mambabasang Filipino. Itinaguyod ng UNICEF at ng
Philippine Children’s Television Foundation, Inc. (PCTV) ang isang
aklat. Itinanghal din ito noong huling bahagi ng dekada 1990 sa
programang pantelebisyong Batibot. Samantala, inilathala naman ang
tatlong nalalabing aklat ng Center of the Prevention and Treatment
of Sexual Abuse, isang non-profit, non-government na institusyong
nagsusulong ng lipunang ligtas sa mga abuso at exploitasyong
seksuwal para sa mga bata. Tatlo sa apat na aklat ay nasa anyo ng
picture book, ang pinakakaraniwang anyo ng panitikang pambata sa
Pilipinas. Ang isa’y maikakategoryang non-fiction at information book
(i.e., manwal o activity book) para sa bata na may may lakip ding mga
guhit o ilustrasyon.
Malaki ang ambag ng mga NGO, partikular na iyong mga
kaugnay sa pagsusulong ng mga karapatang pambata sa lawas ng
panitikang pambata sa Pilipinas. Sa panimulang sarbey, apat na serye
ng mga aklat ang itinaguyod ng UNICEF para maiimbag ang
Batang Katutubo, Batang Historyador, at ang serye ng karapatan
ng batang Filipino sa mga palimbagang Tahanan Books for Young
Reader, Adarna Books, at ng PCTV. Lumikha ito ng kilusan ng
produksiyong pampanitikan na nagtataguyod sa kapakanan ng bata
sa kasalukuyang panahon. Isa itong patunay sa pakikiisa at suporta
ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatan ng
Bata. May kaugnayan ang ganitong kilusan sa redepinisyon,
rekognisyon, at pagsupil sa pang-aabuso sa mga bata. Ayon nga
kina Eva-Maria Metcalf at Michael J. Meyer:
Ang kilusan tungo sa pagkilala sa mga bata bilang nilalang
na may mga tiyak na karapatan na karapat-dapat sa buhay
na makatarungan at maalwan ay walang dudang nakaapekto
at nakapag-ambag sa redepinisyon ng abuso sa bata. Hindi
nakabibigla na nakabatay sa ganitong diwa ang kasalukuyang
panitikang pambata…Makakaasa tayo na ang pagtatanggol
sa mga walang kapangyarihan at ang pagtutol sa anumang
pang-aabuso na mababakas sa mga aklat pambata ay
magbubunga ng mensaheng matatang gap ng mga

13
Evasco

mambabasa na nakibaka o nakikibaka sa mga sitwasyong


mapang-abuso at ng mga magulang at ng mga magiging
magulang sa hinaharap.

[The movement toward the recognition of children as people


with individual rights who are thus entitled to a life of
justice and happiness has undoubtedly been both affected
by and contributed to the redefinition of child abuse. It is
no surpise that much of recent children’s literature is based
on that very premise of entitlement…We can only hope
that the defense of the powerless and the outrage at their
abuse in many recent children’s books will bear a message
that is heard by those readers who struggle or have struggled
with abusive situations and by all who are today, or some
day will be, parents] (sipi kina Norton at Norton 1995,
459).

Sisikaping pag-aaralan ang elemento ng teksto at ilustrasyon


dahil sa kalikasan ng mga anyo ng picture book at aklat na isinalarawan
(illustrated book). Ibig sabihin, nagtatalaban o nagbibigay-bisa ang
teksto at ang ilustrasyon sa isa’t isa para makalikha ng mensahe sa
batang mambabasa. Kung maisasagawa ito, higit na magiging
masinsin ang isasagawang imbestigasyon sa mga mensahe, simbolo,
at wika ng mga aklat.
Bukod sa gagamiting giya ang mga palagay na nadukal sa
pag-aaral ni Bettelheim sa mga klasikong Europeong fairy tales,
patnubay rin sa ebalwasyon ng mga aklat kaugnay sa ASB ang
pamantayang inirekomenda ni Masha K. Rudman ng University of
Massachusetts. Ang mga natukoy ni Rudman ang sisikaping sipatin
sa susuriing mga aklat. Narito ang kaniyang panukalang pamantayan:
1. Huwag sisihin ang mga batang biktima;
2. Maging balanse, lalo na sa mga aklat na tinutukoy ang
kakilala o kamag-anak ng biktima bilang salarin o mang-
aabuso (abuser);
3. Ipamalas ang katotohanang ang mang-aabuso ay mula
sa lahat ng uri, katayuang panlipunan at pangkabuhayan,
at kasarian;
4. Maging maingat sa pagtukoy ng ipinagkaiba ng gahasa
o anumang abusong seksuwal sa pag-aaruga o mga
haplos ng pagmamahal;

14
Kapag Maselan ang Larong-bata

5. Iwasan ang madaliang solusyon/ paglutas na hindi


kapaki-pakinabang at hindi realistiko. Mahinang uri at
nagpapalaganap ng mapanganib na mensaheng ang
masayang wakas na hindi dulot ng tiyaga at matalinong
interaksiyon. Iwasan ang simplistikong resolusyon;
6. Maglahok ng mga impormasyon na tutulong sa
mambabasa na tukuying biktima sila ng pang-aabuso;
7. Gabayan ang mga bata na matukoy ang ipinagkaiba ng
mapanganib na sikreto at ng nakapagpapasayang sorpresa;
8. Magmungkahi ng mga alternatibong paraan ng paghingi
ng saklolo, lalo na kung magulang, kamag-anak, o kakilala
ang salarin (molester); at
9. Iwasan ang mga grapikong eksena ng abuso at karahasan.
(akin ang salin)
[1. Never blame the victim;
2. Be balanced, with at least some books identifying the
abuser as someone known to the victim, rather than a
stranger;
3. Reflect the fact that abusers represent all classes, all
economic and social backgrounds, and both genders.
The norm should not be that they are poor and non-
Caucasian;
4. Be careful to differentiate rape and other sexual abuse
from loving or sexual behavior. Abusive handling should
not be confused with “fondling” or loving and
affectionate touching;
5. Avoid easy solutions, which are not helpful or realistic.
Happy endings that occur without hard work and
knowledgeable interaction make for poor literature and
convey harmful messages;
6. Include information to help readers recognize whether
they are victims of abuse.
7. Teach children to differentiate between secrets that are
potentially threatening to their safety and surprises that
will eventually be aired to please someone;
8. Suggest alternative ways of getting help; and
9. Avoid graphic scenes of abuse and violence.] (sipi kay
McDaniel 2001, 212)

15
Evasco

ANG MALAGIM NA DILIM AT ANG PAGHIHILOM


SA ANG BATANG AYAW GUMISING

Kauna-unahang aklat pambata sa Pilipinas na tumalakay sa


ASB ang Ang Batang Ayaw Gumising (1997) ni Rene O. Villanueva.4
Ayon pa sa may-akda, ang aklat na ito ay “kinilala ng marami bilang
isang mahalagang kuwentong pambata dahil sa pagtalakay ng
maselang paksang incest. Kinomisyon ng UNICEF-Manila para sa
unang serye ng mga aklat para sa rights of the child. Inilathala para sa
mga daycare center sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ipinamahagi
nang libre ng UNICEF” (Villanueva 2006, 91). Dahil sa pagiging
kauna-unahan at naitanghal pa sa popular programang pantelebisyon
ang kuwento, naging kontrobersiyal ito at umani ng mga batikos
mula sa magulang. Ayon sa mga reklamo, hindi raw angkop sa mga
bata ang ganitong tema. Diumano, hindi pa raw lubos na
maiiintindihan ng bata ang ganitong malagim na problema.
Isa sa maaaring dahilan sa pagtutol sa aklat ay ang eksenang
isang kamag-anak, ang tiyo, ang siyang seksuwal na nang-abuso sa
batang tauhang si Tina. Kung tutuusin, realistiko namang kamag-
anak o kakilala ng bata ang mambibiktima sa kaniya, batay na rin sa
mga isinagawang pag-aaral at estadistika. Kahit pa maligalig ang
magulang at bata sa ganitong depiksiyon ng salarin, kapuri-puri ang
kapangahasan ng awtor. Sa ilustrasyon, matagumpay na naipakita ni
John D. Crisostomo ang nag-uumapaw na kapangyarihan ng tiyo
dulot ng kaniyang tangkad, lapad, at taba. Naisagawa ito dulot ng
kontrast sa laki ng bata at ng tiyo. Mas malaki pa ang binti ng tiyo sa
bata. Naipamalas din ang pagmamanipula ng tiyo sa walang
respetong paghawak, tila iniaangat ang isang bagay, sa ulo ni Tina.
Kapuri-puri rin ang akdang ito sa hindi pagiging grapiko sa
depiksiyon ng ASB. Kung ano ang mga hindi matukoy ng manunulat
sa pamamagitan ng mga salita, ilustrador ang nagpinta ng mga
emosyon at ng mga akto sa aklat. Gumamit si Crisostomo ng mga
aninong tila halimaw o higante. Mainam na pamamaraan ang
gumamit ng halimaw bilang talinghaga o simbolo ng mambibiktima.
Umaaayon ito sa teknik na ginamit sa mga fairy tale at kuwentong-
bayan. Kagyat ding maaalala ang kathambuhay ni Maurice Sendak
na “Visitors from My Boyhood” tungkol sa pinagmulan ng mga
halimaw (ang wild things) sa klasiko niyang akdang Where The Wild
Things Are. Aniya, dulot ito ng mga ‘di kanais-nais na hipo at kurot
ng kaniyang mga tiyo at tiya noong siya’y bata pa . Hindi seksuwal

16
Kapag Maselan ang Larong-bata

ang mga panghihipo pero batid ng batang si Sendak na paglabag


iyon sa kaniyang karapatan at ‘di paggalang sa kaniyang katawan. Sa
isip niya, nagiging halimaw ang kaniyang mga bisitang kamag-anak.
Ganito rin ang pagkakabuo ng halimaw sa Ang Batang Ayaw Gumising.
Matapat na naiguhit na Crisostomo ang lagim at trauma ng
biktima. Dominante ang kulay itim sa halos lahat ng spread maliban
na lamang sa huling dalawang spread; naging halimaw rin ang mga
magulang, guro, at kamag-aral ng bidang tauhan. Ipinapahiwatig
ng dominanteng itim sa mga pahina ang lagim at ang misteryo.
Matingkad na kulay-ube ang kanilang balat sa mukha at nanlilisik
ang nakadilat na mga mata. Ipinapahiwatig ng mga naturang guhit
ang takot at ang pagkakawala ng tiwala ni Tina sa mga taong
pinakamalapit sa kaniya. Ipinahiwatig nito ang lihim niyang paninisi
sa kapabayaan ng magulang na laging nagmamadali papuntang
opisina at walang panahon sa sariling anak. Naipakita ito sa
pangalawang spread ng aklat na halos lumipad na sa pagmamadali
na ina at ama niya para habulin ang may pakpak na orasan.
Sa prosa ni Villanueva, matalinghaga niyang ipinamalas ang
epekto ng ASB sa bata. Pumikit si Tina, ayaw dumilat kahit pa tuloy
pa rin ang kaniyang buhay. Nais niyang takasan ang realidad sa hindi
pagmalas sa kaniyang paligid. Pakiramdam ng bata, sang-ayon sa
pahiwatig ng mga ilustrasyon, na nasa bawat sulok ang banta at
panganib ng halimaw. May naghihintay na panganib sa mga pamilyar
na espasyo tulad ng kaniyang silid, tahanan, at paaralan.
Naisakongkreto ito ng ilustrador sa pagguhit ng nakatalikod at
tumiwalag na bata. Tila ba lumikha siya ng sariling mundo. Naging
tau-tauhan siya—“Sumasagot siya kapag tinatanong. Sumusunod
sa sinasabi ng tatay at nanay niya.”
Sa ganitong talakay, maaaring lumikha ng kalituhan sa
mambabasa kung ano ba talaga ang emosyonal na pinagdadaanan
ni Tina. Sa buong kuwento, nakapikit lamang siya bilang anyo ng
pagtakas sa karahasan ng daigdig. Sinasagisag din ng hindi pagdilat
ang takot na makita nang husto ang dahas ng paligid. Ngunit ayon
sa pamagat, ayaw gumising ni Tina. Sa literal na kahulugan, tulog
ang bida at ayaw niyang bumangon. Sinadya niyang humimlay. Kung
iaangat ito sa literal na antas, iisiping hindi pa siya mulat at hindi
makabangon sa kaniyang suliranin. Pero magkaiba ang ibig ipahiwatig
ng pikit at tulog. Maaaring nakapikit ang isang tao pero gumagana
ang iba pa niyang pandama at may kakayahan pang kumilos. Ito
ang naipakita sa aklat—kumikilos nang walang kabuhay-buhay at

17
Evasco

wala sa sarili si Tina. Imposible naman siyang tulog dahil nakakausap


at nakakaugnay siya, bagamat may malaking pagbabago, sa ibang
tauhan. Dagdag pa, hindi niya makukuhang makaramdam ng banta
at panganib sa mga domestiko at pamilyar na espasyo kung siya’y
nahihimbing.
Kung ikukumpara ang aklat na ito sa ibang nalalabing aklat
sa talakay, masasabing abstrakto ang abusong natanggap ng bata.
Sinabi lamang na “Hinahawakan siya ng tiyo niya sa maseselang
bahagi ng katawan.” Kapansin-pansing hindi naipaliwanag ang
konsepto ng maselan. Sa lipunang Filipino, maselang pag-usapan ang
mga maseselang bahagi ng katawan, lalo pa’t may pang-aabusong
maiuugnay rito. Kung nahihirapang tukuyin ng mga Filipino ang
mga termino sa mga seksuwal na bahagi paris ng titi, bayag, puke,
suso, ano pa kaya ang pag-usapan nang komportable ang sex
kasama ng kanilang mga anak o ng mga bata? Sa aklat, hindi
lantarang binanggit ang mga akto ng ASB. Putol-putol at paunti-
unti ang pamamaraan gaya ng isang taong hirap sa pagsasalaysay ng
malagim na nakalipas. Gamit ang estilong patanong-tanong para
makakalap ng impormasyon, naikuwento ni Tina ang mga bagay
na ayaw at kinatatakutan niya—dilim, silid ng tiyo, pag-iisa, at ang
tiyo niya. Karima-rimarim ang pagsasahalimaw ng tiyo sa aklat,
imbes na anino lamang. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatutok
sa hubad na katawan (upper body lamang ang ipinakita). Tila galamay
ang mahabang braso, sakmal ng dalawang kamay nito ang bata na
tila alagang hayop sa liit. Masasasabing ang ilustrasyon ang tumulong
sa aklat para bigkasin ang abusong seksuwal kay Tina. Bukod pa
riyan, nakatulong ang pahiwatig ng mga ilustrasyon para maingat
na maipaliwanag ang pagkakaiba ng mga malisyosong hipo at ng
mga haplos ng kalinga.
Isa pang kapuri-puri sa akda ang mensaheng ito na sa
pamamagitan ng paglalantad at pagsusumbong, napapaslang ang
halimaw at mga nilikhang halimaw. Muli, mas tagumpay ito ng
ilustrador kaysa ng manunulat. Sa paunti-unting pagsasalaysay ng
batang biktima, naglalaho rin ang dominanteng kulay na itim sa
mga huling spread. Pumupusyaw ito hanggang maging kulay-abo,
nagpapahiwatig na malapit nang matapos ang unos. Mas gumagaan
ang kulay ng pahina dulot ng pangingibabaw ng puti at unti-unting
nagkakakulay. Napuksa rin ang mga kulay-ubeng mga halimaw sa
sulok dulot ng pagtatapat ni Tina sa kaniyang magulang. Sa halip,
napalitan ito ang mga maririkit na bagay at mga bagay na magbibigay-
lugod sa isang bata—teddy bear, jump rope, xylophone, at manyika. Unti-

18
Kapag Maselan ang Larong-bata

unting nanunumbalik ang kapanatagan sa bata dahil sa katotohanang


may nakikinig at handang tumulong sa kaniya. Sa dakong huli, nadakip
din ang halimaw at naparusahan. Dagdag pa, mainam sa aklat na
hindi sinisi ang batang biktima at hindi siya dumaan sa malupit na
pagtatanong. Paunti-paunti ang pagsisiyasat tulad ng isang larong
pambata.
Pinakamahalagang bahagi sa kuwento ang muling pagdilat
ni Tina. Muli niyang nakita ang paboritong bulaklak ng gumamela.
Sa mga pahinang ito, nanumbalik na ang mga kulay sa pahina.
Nagmistula itong hardin, halos mamulaklak ang pahina sa mga kulay.
Sa pagkukuwento ng batang biktima at pakikipagtulungan ng
magulang at ibang institusyon, nagsimulang maghilom ang batang
biktima. Akma ang hardin para ipahiwatig ang paghihilom. Maaalala
ang mga klasikong nobelang The Secret Garden ni Frances Hodgson
Burnett at Tom’s Midnight Garden ni Philippa Pearce na nagpahilom
sa mga damdamin ng bata. Ganito ang layon ng mga manunulat na
pumapaksa sa kalikasan bilang paghihilom sa sarili at pagpapausbong
ng espiritwalidad:
Para sa mga bata, sagrado ang kalikasan at nag-uumapaw
sa kapangyarihan na manghikayat at manggamot. Para sa
ilan ang kalikasan ay matatagpuan sa mapaghimalang
kagubatan, para sa iba nama’y isang hardin ang mahiwagang
lunan. Sa kanilang mga aklat, ang pagbisita sa hardin ay
katumbas ng pagsamba, at ang paghahardin ay isang uri ng
kabanalan.

[For them nature is divine, and full of power to inspire and


heal. But while for some nature must be sought in the
enchanted forest, for others the magical location is a garden.
In their books, to go into a garden is often the equivalent
of attending a Sunday service, and gardening itself may
become a kind of religious act] (Lurie 2003, 183).

May kahinaan ang aklat na ito nina Villanueva at Crisostomo.


Napabilis ang wakas ng akda. Hindi natalakay rito ang tensiyon sa
loob ng pamilya. Kadalasan, kaya hindi naipagpapatuloy ang mga
kaso ng ASB ay dahil sa awa at kahihiyan ng kamag-anak na
mambibiktima. Hindi naipakita sa aklat ang pagkakabigla, ang
tunggalian, at ang malagim na sorpresa.
Hindi rin nakapaglatag ng mga rekomendasyon ang aklat.
Nanatiling katha (fiction) ang aklat na walang impormasyong

19
Evasco

maibabahagi. Kaduda-duda ito sa isang produksiyon na kinomisyon


ng UNICEF. Walang mga payo sa batang mambabasa para sila’y
matuto sa karanasan ni Tina. Hindi ito nakapaggawad-kapangyarihan
kasi walang mga kasangkapang inialay ang aklat sa mambabasa—
kamulatan sa panganib at mga pamamaraan sa pangangalaga ng
sarili. Dagdag pa, walang lakas si Tina. Pasibo siya sa mga nangyari
sa kaniya. Hindi sila mainam na modelo sa mga mambabasa. Biktima
siya at hindi natulungan ang sarili. Wala siyang tinig at paninindigan
para magsabi ng “hindi,” “huwag,” at “ayoko.” Mahinang-mahina
ang bata dahil wala siyang pagkilala sa sariling damdamin. Pumikit
o natulog lamang siya. Hindi niya naproseso ang sariling danas para
matulungan ang sarili.
Sa huling suri, nananatiling kontrobersiyal at mapanggulat
lamang ang Ang Batang Ayaw Gumising. Mapangahas ang pagkakapili
sa paksa pero wala itong kongkretong tulong sa mga bata. Sa ngayon,
aanhin ang kapangahasan kung wala itong isinusulong para sa
kaligtasan ng bata? Wala itong impormasyong mapagmiminahan
ng batang sabik sa mga sagot. Wala itong gabay sa magulang kung
paano ilalapit ang akda sa kanilang mga batang anak. Ngayon, higit
na maiintindihan kung bakit marami ang nagreklamo nang ipalabas
ang akda sa salaysayan sa telebisyon, sa harap ng maraming batang
tagasubaybay ng Batibot.

ANG PRIBADONG KATAWAN AT ANG MGA PATAKARAN


SA PAGHAWAK

Dalawang aklat ang pumaksa sa usapin ng paghawak (touching


rules). Sa unang sipat, aakalaing salin ng bawat isa ang dalawang
librong ito ng CPTCSA. Tungkol ito sa dalawang bata, isang lalaki
at isang babae na napag-alaman ang ipinagkaiba ng hipo at haplos.
Sa tulong ng impormasyon, naipagtanggol nila ang karapatan sa
sariling katawan sa daloy ng kuwento. Kapuri-puri ang paglahok
ng batang lalaki sa kuwento bilang biktima. Walang pinipiling kasarian
ang biktima o mabibiktima ng ASB. Pagkontra rin ito sa nosyon ng
mga Filipino na “walang mawawala” sa isang lalaki sa usapin ng
sex.
May kasamang gabay sa kuwento ang Erika and Jay Learn the
Touching Rules (2005) ni Ma. Agnes Cayaban. Sa simula ng kuwento,
ginamit na simbolo ng payong bilang instrumentong mangangalaga

20
Kapag Maselan ang Larong-bata

sa sarili. Sa pagkakagamit ng ganitong karaniwang bagay, higit na


mauunawaan ng bata ang konsepto ng proteksiyon. Ginamit din
ng awtor ang enumerasyon sa mga eksena para ilahad ang iba’t
ibang uri ng mga paghipo. Malinaw at maingat itong nailarawan sa
aklat. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang bata kung paano
matuklasan ang malisya sa mga paghipo. Pagkaraan ng
pagpapaliwanag, inilarawan naman ang mga mapang-abusong hipo
(e.g.., pangingiliti, lihim na laro, at malisyosong panghihipo) at
pinayuhan ang mga batang mambabasa kung ano ang mga dapat
gawin sa ganitong sitwasyon. Sa paggamit ng repetisyon, gaya ng
diyalogong “HINDI! Hindi puwede! Ayoko! ITIGIL mo ang
panghihipo na hindi ko gusto!” [NO! It’s not allowed! I don’t want
to! STOP this touching that I do not like!”] (Cayaban 2005, 14),
nagagawaran ang mambabasa ng mga salitang magliligtas sa kanila
sa anumang abuso. Mang yari pa, pag gawad din ito ng
kapangyarihan sa bata.
Tampok pang tinalakay sa akda ang konsepto ng pribadong
bahagi ng katawan. Napakahalaga nito dahil sa Pilipinas, laging iniisip
na wala pa namang malisya sa paghuhubad ng mga bata dahil hindi
pa sila mga seksuwal na nilalang. Maling-mali ito. Hinamon ang
ganitong paniniwala sa naturang aklat. Angkin ng bata ang kaniyang
katawan kaya walang sinuman, kahit pa magulang, ang maaaring
umangkin at manipulahin ito.
Ipinayo rin ng kuwento na may sariling tinig at pasiya ang
bata. May tanong ang aklat na uusig sa pagtrato ng mga Filipino sa
bata. “Susunod ka ba, dahil ikaw ay isang bata?” [Will you obey,
because you’re a child?] sabi ng tagapagsalaysay sa akda. Sa ganitong
tanong, sinagka ng aklat ang kolonyal na pagturing sa bata bilang
sunud-sunuran sa matatanda, walang sariling isip, walang kakayahang
magpasya, at walang sariling pribadong katawan at espasyo.
Itinatanghal ng kuwento ang tinig ng bata, lalo pa sa mga sitwasyong
delikado sa kaniya. Katulad din ng mensahe ni Villanueva, ipinapayo
ng kuwento na magsalita at paulit-ulit na magkuwento hanggang sa
tumigil na ang mahalay na gawain gaya ng panghihipo. “Keep on
telling until the person is stopped. Tell it without let-up,” payo sa
batang mambabasa na malinaw na may impluwensiya ni Dr. Seuss
(Theodor Seuss Geisel) sa musikalidad ng prosa.5 Pansinin pa natin
ang ilang juego de palabras o paglalaro ng salita (e.g., tugma at pag-
uulit) na magbibigay-lugod sa tainga ng mambabasa:
Let me say a matter of fact: What I am, I am, I am special.

21
Evasco

Because you believed and did as you do, I know just how
special I am.

Special is more than amusing. Now I know just how special


I am. What I say is worth listening.

What I like and hate, I can communicate. It’s true—what I


am, I am, I am is special.

If you feel the way I do, then you can say it too—because
that is how I am! (34-35)

Sa pagtatasa ng naturang aklat, bagong rendisyon ang aklat


na ito sa tambalan sa panitikang pambata tulad ng Pepe and Pilar,
Nene at Benito, Jack and Jill dahil sa pagtugon nito sa
pangangailangan ng lipunan gaya ng paglalaan ng ligtas na kapaligiran
at tahanan sa mga bata. Natalakay rin sa akda ang pagtukoy sa mga
bahagi ng katawan para hindi maging ignorante ang bata at maging
kumportable siya sa pagpapahayag ng kaniyang sarili at danas.
Iginigiit din ng aklat ang karapatan ng batang tumutol sa bagay na
hindi niya gusto.
Gayong isa itong kuwento, naging interaktibo ang kalikasan
ng aklat. May mga aplikasyon ito sa buhay ng bata. Nagmumungkahi
ito ng diskusyon sa pagitan ng magulang at ng bata. Humihiling ito
ng partisipasyon sa mga bata, imbes na magtakda lamang at maging
didaktiko. Mangyari pa, may pakikilahok na hinihiling sa bata para
makalikha ng mga kahulugan.
Ilang puna lamang ang mapapansin sa akda. Bakit laging
panghihipo ang itinatampok sa aklat? Ito na ba ang pinakaligtas at
pinakamagaang paraan para talakayin ang ASB? Maaalalang ang
ASB ay may dalawang uri tulad ng contact at non-contact. Bakit hindi
ito natalakay nang husto sa mga aklat?
Maipipintas din sa akda ang pagtutok sa mga karanasan at
depiksiyong panggitnang-uri. May implikasyon ito sa mga
mambabasa buhat sa mahihirap na pamilya. Kung gaganap ang
ASB sa mga batang may mainam na buhay, tahanan, at mga magulang
na may trabaho, paano pa kaya silang nakatira sa tahanang iisa lamang
ang silid? Paano maililigtas ang mga batang nakatira sa komunidad
na walang konsepto ng pribadong espasyo tulad ng paliguan,
palikuran, bihisan, at tulugan. Paano ang mga batang walang angkop
na mga damit sa pang-araw-araw?

22
Kapag Maselan ang Larong-bata

Dagdag pa, hindi rin tinalakay sa mga patakaran ng paghawak


(touching rules) ang mga insidente ng pang-aabuso na pumayag o
walang tutol ang bata. Posible ito. May mga nagaganap na pang-
aabuso dahil hindi pa mulat ang isang bata sa konsepto ng molestiya.
Paano kung hindi nakaramdam ng kalituhan ang isang bata dahil
siya’y may karamdaman sa pag-iisip? Karamihan pa sa mga pang-
aabuso ay nararanasan ng mga may kapansanan paris ng pipi, bulag,
o kaya’y mentally-challenged. Gayundin, hindi nilinaw sa bata ang
konsepto ng illegal na akto kahit na pumayag ang bata sa mga
panghihipo at gawaing seksuwal. Dapat ay tukuyin at ipaliwanag
nang masinsin. O kaya’y diretsahan—“Huwag kang magpapahipo
sa pribadong ari mo kahit sa matanda o sa nakatatandang bata,
dahil bata ka pa. Bawal iyon sa batas.”
Huling hamon sa aklat na ito ay kaugnay sa pangatlong
patakaran sa paghawak. Ayon sa kuwento, magsumbong sa
magulang o nakatatanda. Pero ayon sa mga pag-aaral, magulang,
kaanak, at matatanda ang karaniwang nambibiktima sa bata. Sila
ang kadalasang salarin. Napakaselan ng ganitong usapin at may
posibilidad na mawala ang tiwala ng bata sa kaniyang magulang at
kamag-anak. Ngunit kailangan itong talakayin para malubos ang
kapangyarihan ng aklat na pangalagaan ang kapakanan ng isang bata.
Maselan at pangahas man, kailangang matukoy ng aklat ang mga
maaaring lapitan ng mga bata kung sila’y naaabuso ng magulang o
ng isang kamag-anak.
Halos pareho ng sinasabi ang Filipinong bersiyon ng ikawalang
aklat na Hoy bata! Mahalaga ka! Sina Biboy at Nina para sa patakaran
sa ligtas na paghawak (2005). Ito ang aklat pambata na sumusunod sa
pormat ng establisadong palimbagan batay sa sukat, produksiyon,
tala para sa mga magulang, at ang bookplate. Ang hindi paglihis ng
aklat na ito sa hitsurang mainstream at karaniwan ay paanyaya sa mga
mambabasa at mamimili ng aklat. Itinatago ng aklat ang pagtataglay
nito ng sensitibong paksain sa pamamagitan ng anyo ng produksiyon
at pagkakalimbag. Ito ang alternatibong aklat na nagpapakomersiyal
sa pisikal na hitsura ng produksiyon.
Mainam na katangian ng aklat ay ang pagtatampok ng mga
positibong at aktibong batang bayani—sina Lambukan at Pandawat
na iniligtas ang buwan sa higanteng Minokawa. Naghudyat ang
dalawang bata sa kanilang kababayan na may ibong-halimaw na
lalamon sa buwan. Naalerto ang komunidad at nailigtas nila ang

23
Evasco

buwan sa pagkakalaho nito. Bukod sa pag-aalay ng batang bayani


sa kuwento, mabisang pahiwatig (foreshadowing) ang eksenang ito.
Maiuugnay ang paghudyat ng batang bayani sa pagsusumbong ng
isang bata sa tangkang seksuwal na pang-aabuso; ang Minokawa sa
isang sex offender; at ang kilos-bayan sa pagtutulungan ng magulang,
guro, pulis sa pangangalaga sa bata laban sa banta ng ASB. Dagdag
pa rito ay ang bisang tinutukoy ni Bettelheim kaugnay sa simbolong
taglay ng halimaw (i.e., Minokawa, isang dambuhalang ibon ng
mitolohiyang Bagobo na kumakain ng buwan at nagdudulot ng
laho) sa pagtalakay ng mga suliraning kinakaharap ng mga bata.
Matalino ang pagkakagamit ng enumerasyon sa kuwento,
hindi lamang bilang retorikang pambata kundi mapaglarong
pagtuturo sa mambabasa sa konsepto ng panganib. Idagdag pa sa
enumerasyong ito ang paglubos sa bisa ng tugma at awit sa loob ng
prosa. Dahil sa dalawang retorikang ito, naging magaan at payak
ang konsepto ng pag-iingat. Hindi rin naging lantaran at nakababagot
ang pagbabahagi ng instruksiyon. Nakatulong ang mga ilustrasyong
may humor (may impluwensiya sa mga ilustrasyon ni Tim Burton sa
The Melancholy Death of Oyster Boy) para ipahiwatig ang panganib ng
mga karaniwang bagay—gunting na tumatakbo, taong posporo, at
pagtawid sa kalye. Napapalapit sa bata ang panganib dahil sa bahagi
ng kaniyang karanasan ang mga natukoy na halimbawa.
Malaking tulong din ang pag-uuri at pagbibigay-halimbawa
sa mga uri ng paghawak, ng pagtulong, pagpapaalala na tanda ng
pagkakaibigan ng dalawang bata. Ayon sa kuwento:
Nang magbanggaan sina Nina at Buboy, ang ginawa ni Nina
sa kanyang kaibigan ay mabuting paghawak. Hinaplos pa
ang braso nito na kanyang nabangga upang mabawasan
ang sakit. Sabi pa nga ni Kulokoy, “Hindi iyan nakasasama,
nagpapakita pa nga ‘yan ng pag-aalaga!” (Aguirre 2005, 19)

Natukoy pa sa kuwento ang mga halimbawa ng mabuting


paghawak tulad ng pag-aalaga ng Tatay sa anak na may sakit,
panggagamot ng doktor, at pagpapaligo ng Nanay sa batang anak.
Sa pagpapaliwanag na ito, nabibigyang-linaw ang bata na hindi lahat
ng paghipo at paghawak ay may malisya o kaya’y seksuwal ang
oryentasyon. Makabata (child-friendly) ang pagpapaliwanag. Ibig
sabihin, ginamit ng awtor ang wika at kultura ng bata bilang lunsaran
ng pagpapaunawa sa isang konsepto tulad ng ASB.6 Pansinin natin
ang pagkakagamit ng wika’t kultura ng bata (i.e., paglalaro ng
patintero) sa siping ito:

24
Kapag Maselan ang Larong-bata

Sa patintero, kailangang bantayan ang gustong lumusot sa


linya. Kapag gustong lumusot, TAYA!

Ganun din sa mga patakaran sa paghawak, kailangang


bantayan ang mga maling paghawak o paghipo, lalo sa
maseselang bahagi ng katawan.

Tama, kapag gustong lumusot, mali ang paghawak,


nakakalito, hindi na para sa kalinisan o kalusugan mo,
TAYA! Hala isusumbong kita! (25-26)

Gaya din ng Ang Batang Ayaw Gumising, tunay na picture book


ang aklat na ito. Ibig sabihin, nagtutulungan at nagtatalaban ang
kuwento at ilustrasyon sa paglikha ng bisa at kahulugan. Tulad ng
teknik ni John Crisostomo, ginamit din ni Aldy C. Aguirre ang
aninong halimaw para ilarawan ang isang sexual predator. Pagtutol
din ng bata ang pamuksa sa halimaw—ang pagsigaw ng “Hindi!
Hindi! Hindi! Ayoko! Hindi ko ‘yan gusto!” (29). Kapuri-puri ito
dahil may pananalig ang manunulat at ilustrador sa kapangyarihan
ng tinig ng isang bata. Hindi nila hinayaang magpalamon sa takot
ang tauhan. Matapat na naipakita sa ilustrasyon ang pagkakapuksa
sa halimaw. Nawala ang bangis nito at nanginig sa mariing pahayag
ng bata.
Gayong may Minokawa at aninong halimaw, hindi pananakot
ang layon ng aklat. Sa katunayan, makikita sa pahina 31 ng aklat ang
uniberso ng mabubuting tao na makatutulong sa bata sa harap ng
panganib. Nakapaligid sa batang nakangiti ang mga kaibigan, bata,
guro, pulis, at magulang. Hindi nagbabanta ang kuwento at
ipinapahiwatig sa bata na napakasama ng mga may-edad. Ibinabalik
nito ang tiwala sa bata na may mga taong nagsisikap para mapagbuti
at mapaghusay ang uri ng pamumuhay.
Bilang paglalagom, kahanga-hanga ang aklat na ito dahil sa
paggamit ng Filipinong konsepto (e.g., Minokawa, patintero) para
sa unibersal na suliranin gaya ng ASB. Sensitibo ang pagkakasulat
ngunit hindi nito nalimot maging mapaglaro at maging masaya.
Mababakas ito sa gamit ng pag-uulit, ritmo, enumerasyon, at mga
awitin. Matalino rin ang pagkakalapat ng ilustrasyon, paglalaro ng
pormat gaya ng paglahok sa anyo ng komiks, at mabisang gamit
ng mga font para magpahiwatig sa emosyon ng tauhang bata.
Nagbigay-buhay ito sa teksto at nakalikha pa ng mga bagong
kahulugan na hindi nabanggit ng tekstong pampanitikan. Positibong
naihulma ng aklat ang larawan ng bata bilang bayani at may
makapangyarihang tinig.

25
Evasco

Ilan naman sa mga pagkukulang ng aklat ay ang tangkang


paggaya sa anyo ng mga karaniwang anyo ng picture book sa bansa.
Para sa isang aklat na may pondo at malaya sa pagtalakay ng paksa,
sana’y nakapag-eksperimento rin ng bagong anyo o pormat ng
aklat. Madilim at mahinang uri ng pagpapalimbag ang pinagdaanan
ng aklat. Malabo ang mga kulay. Hindi nakuha ng printing ang orihinal
na rikit ng mga ilustrasyon. Bukod sa mga konsiderasyong pisikal at
pansining ng aklat, mapapansin ding lalaki lamang ang mga mang-
aabuso sa aklat. Hindi mainam ang ganitong depiksiyon. Walang
matatamong kalayaan sa seksuwal na abuso kung makakamit ito sa
pamamagitan ng pagkastigo at pagkakahon sa kasarian. Minadali
rin ang wakas ng naratibo para maging masaya. Sadyang kinaligtaan
ang tensiyon sa mga ugnayang pampamilya at pangkomunidad dala
ng ASB. Walang follow-up sa kung paano parurusahan at/o gagamutin
ang mga sex offender. Dahil tulad ng mga batang biktima, kailangan
din ng tulong at interbensiyon ng mga mang-aabuso para maipasuri
nila ang kanilang mental na kondisyon.

ANG MANWAL BILANG PAGSASANAY


SA KALIGTASAN AT KAMULATAN

Katangi-tanging aklat pambata ang Ang Aking Aklat para sa


Pansariling Kaligtasan (2003) ng CPTCSA. Pinaghalong elemento ng
manwal, activity book, antolohiya ng mga kuwento, textbuk, at
information book ang anyo nito. Hindi ito ang tipikal na picture book na
karaniwang anyo ng isang panitikan para sa bata. Hindi rin ito ang
tipikal na textbuk na karaniwang ipinapabasa nang pilit sa bata. Tila
tugon ang aklat na ito obserbasyon ni Virgilio Almario na dumarami
ng bilang ng mga aklat pambata sa bansa ngunit hindi dumarami
ang uri. Tinutukoy ng naturang kritiko ang pormat at nilalaman ng
mga aklat. Aniya, “Karamihan kasi ng nakikita ko’y waring katipo
lamang ng Aklat Adarna. Hindi kaya ang dinadanas natin ngayong
“kaunlaran” ay bunga lamang ng mentalidad hot pandesal? Medyo
kumita ang Aklat Adarna kaya nakikiuso lamang ang ibang picture
book?” (2007, 5).
Isang inobasyon ng aklat na ito ang layuning malinang ang
emotional intelligence ng batang mambabasa. Bukod sa pagtataglay ng
tradisyonal na layunin ng activity book tulad ng pagsasanay sa pagguhit,
pagkulay, pagsulat, at pagsuri, nililinang ng aklat ang kakayahan ng
bata sa pagpapahayag sa sarili. Sa mga serye ng pagsasanay, paunti-
unting nakikilala ng bata ang kaniyang sariling damdamin at

26
Kapag Maselan ang Larong-bata

pakiramdam. Sa pagbabasa rin, unti-unting nakikilala ng batang


mambabasa ang kaniyang katawan at ang tungkulin ng mga bahaging
ito sa kaniyang kalusugan. Naisasagawa ito sa mga malikhaing
pamamaraan tulad ng direktang pagtugon sa mga tanong,
enumerasyon, pagguhit, pagsasadula, pagpapaalala, at mga paglutas
sa suliranin at sitwasyon. Kapuri-puri ang ganitong teknik dahil hindi
natali ang aklat sa pagiging estriktong aklat ng impormasyon. May
interaksiyong nagaganap sa pagitan ng teksto at ng mambabasa
bukod sa pagbabasa lamang.
Ilan sa mga gawaing naglalayong makilala ng bata ang
kaniyang damdamin ay ang mga sumusunod na tanong:
• mga bagay na NAKAPAGPAPASAYA sa akin:
• mga taong NAKAPAGPAPASAYA sa akin:
• kung ako ay MALUNGKOT, ako ay:
• mga bagay na NAKAPAGPAPALUNGKOT sa akin:
• mga taong NAKAPAGPAPALUNGKOT sa akin:
• kung ako ay GALIT, ako ay:
• mga bagay na NAKAPAGPAPAGALIT sa akin:
• mga taong NAKAPAGPAPAGALIT sa akin:
• kung ako ay NATATAKOT, ako ay:
• mga bagay na NAGBIBIGAY-TAKOT sa akin:
• mga taong NAGBIBIGAY-TAKOT sa akin: (CPTCSA 2003,
8-14)
Kapansin-pansin sa sipi ang pagbibigay-diin sa mga emosyon.
Nilalayon nito na sa batang mambabasa magmula ang
kongkretisasyon ng mga abstraktong emosyon. Nagpapalista rin
ito ng mga sitwasyon at danas ng bata kaugnay sa mga emosyong
natukoy. Mula rito, hinahayaan ng mga pagsasanay na makapagbalik-
tanaw ang bata sa kaniyang buhay at maiuri ang mga karanasan
sang-ayon sa kaniyang damdamin. Pinakatampok sa mga gawaing
ito ang mabatid ng bata ang mga bagay na nakapagpapagalit at
nagbibigay-takot sa kaniya. Sa pamamagitan nito, matutukoy ng
batang mambabasa, kasama ng kaniyang magulang o tagapag-alaga,
kung siya’y biktima ng anumang pang-aabuso. Sa ganitong gawain
na nagkakaroon ng pagkilala sa mga emosyon, naihahanda ang bata
sa mga pagtugon sa mga sitwasyong nakalilito o hindi kumportable
para sa kanila.

27
Evasco

Isa pang mainam na katangian ng aklat ay ang paglinang sa


multiple intelligences, sang-ayon sa ideya ni Howard Gardner. Hindi
lamang ang tradisyonal na kasanayan ang itinuturo nito tulad ng
pagsulat, pagbasa, at pagbilang. Sa halip, nililinang nito ang iba pang
kasanayan tulad ng interpersonal na kahusayan na tumutukoy sa
pakikihalubilo ng bata sa ibang tao, ang pagiging sensitibo, at ang
pagkakaunawa sa damdamin ng ibang tao. Mailalapat ito sa mga
pagsasanay tulad ng pag-unawa sa mga kilos at pakay ng ibang tao
sa bata, ang pagtukoy sa mga taong mapagkakatiwalaan at
mahihingian ng tulong, at mga posibleng pakikitungo sa harap ng
isang mang-aabuso.
Kaugnay nito ang paglinang na rin sa berbal na kagalingan.
Tinutukoy naman nito ang mabisang pakikipagtalastasan at
pakikipag-usap, pasalita man o pasulat. Sa nasabing aklat, may mga
gawain tulad ng paglilista, paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay
na ehersisyo sa komunikasyon. May mga pagsasanay rin sa mainam
na komunikasyon at diyalogo ng bata sa sinumang magtatangkang
mang-abuso o mang-molestiya. Halimbawa nito ay ang mga
sumusunod: “HINDI! Hindi ko gusto na hinahawakan ako tulad
ng ginagawa sa akin ng tutor ko!” “HINDI! Hindi pa huli para
magsumbong ako!” “HINDI! Hindi ako dapat hinahawakan sa
paraang ayaw ko!” “HINDI! Hindi ko ito kasalanan!” (CPTCSA
2003, 42). Sa pamamagitan ng berbal na kasanayan, nagkakaroon
ang bata ng kumpiyansa na magsalita at makitungo sa iba. May
kakayahan siyang tumanggi, may kapangyarihang magsumbong.
Nagagantimpalaan siya ng tinig.
Intrapersonal ang ikatlong kahusayan na naibabahagi ng aklat
sa batang mambabasa. Tinutukoy nito ang natalakay sa itaas na
maunawaan ang sarili at ang emosyon. Tinutukoy rin nito ang
pagtuklas ng bata sa kaniyang mga ambisyon, layunin, at mga
motibasyon sa buhay. Dagdag pa rito ang matukoy ang sariling
kalakasan, ang kakayahan, ang reaksiyon sa mga pangyayari, at ang
mga pangyayaring dapat iwasan. Pinakamahalagang kasanayan na
ibinabahagi sa aspektong ito ang pagtuklas sa mga taong maaaring
lapitan/hilingan ng tulong sa oras ng pangangailangan.
Naipapaunawa ang halaga ng kasanayang ito sa pagbibigay ng mga
sitwasyon sa batang mambabasa. Sa pamamagitan ng mga
sitwasyong tampok sa aklat, nasusukat ang dapat ikilos at madama
ng bata kung sakaling sa kanila ito mangyayari. Narito ang apat na
sitwasyon o kuwento ng ibang bata na nararapat suriin at pag-aralan
ng mambabasa:

28
Kapag Maselan ang Larong-bata

• Kaso ni Anna—Hinipo ng kaibigang lalaki ng kaniyang


nanay ang parte ng katawan sa ilalim ng damit. Nawala
ang kaniyang tiwala sa isang taong pinagkakatiwalaan ng
magulang at ng pamilya. Nagpasiya siyang magsumbong
sa kaniyang ina kahit pa kaibigan nito ang mambibiktima.
• Kaso ni Miguel—Inakit siya ng isang nakatatandang
lalaking kapitbahay sa pamamagitan ng mamahaling laruan
tulad ng motorsiklo. Nang napagtibay na ang pagkakaibigan
ng dalawa, inaya ng mambibiktimang si Manuel na maglaro
sila ng bata. Maghihipuan dapat sila ng kanilang mga
pribadong ari. Ramdam ng bata na may mali sa ganitong
laro. Nagsumbong siya sa magulang niya.
• Kaso ni Rosa—Nakuha naman ang loob ni Rosa nang
kaniyang tutor na mapagbigay sa mga papuri at kaalaman.
Nang magkagaanan na ng loob, ipinakita ng tutor ang isang
pornograpikong larawan at inatasan ang bata na imuwestra
at gayahin ang mga nakikita sa larawan. Tumutol ang bata
pero pinagbantaan siya ng guro na huwag na huwag
magsusumbong. Sa mahabang pagpoproseso ng sariling
danas, nagsumbong si Rosa sa magulang.
• Kaso ni Rica—Nakatatandang pinsan ang nanghipo at
humalik sa batang si Rica. Ito ang kaso ng ASB na
isinagawa ng isang kamag-anak at isang nakatatandang bata.
Binantaan man siya ng pinsan, nagsumbong pa rin ang
bata sa pinagkakatiwalaang matanda tulad ng guro. Inakala
kasi ng bata na hindi maniniwala ang kaniyang tatay sa
kaniyang sumbong, lalo pa’t kamag-anak ang mang-aabuso.
Sa mga nailatag na kaso, lagi’t laging nagsusumbong ang bata.
Hinihimok ng aklat na magsalita ang bata, huwag mahihiya sa
kaniyang dinanas, at huwag sisihin ang sarili sa mga nangyari.
Pinapagtibay ng mga kaso na walang kasalanan ang bata sa mga
pangyayari. Sa estilong ikawalang panauhan, hinahamon ng teksto
ang mga mambabasa kung paano ang gagawin kapag sila’y malagay
sa nailatag na sitwasyon. Inihapag din ang mga kaso ang mga
posibleng mambibiktima—kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng
magulang, at tagapagturo sa bata. Pag-iingatang namamayaning
mensahe ng aklat. Hindi awtomatikong mapagkakatiwalaan ang
sinuman, kahit pa iyong malapit sa pamilya at kamag-anak. Sa huli,
pinagtitibay nito ang isang pang konseptong idinidiin ng aklat—ang
pribado at maselang bahagi ng katawan na marapat pangalagaan
ng may-ari nito.

29
Evasco

Ilan pa sa mga araling ibinabahagi ng aklat ay ang


pagpapahalaga at pagkilala sa tungkulin ng mga bahagi ng katawan,
ang mga uri at pagkakaiba ng mga hawak o hipo, ang karapatan ng
bata, ang mga estratehiya sa pagsusumbong at paglalatad, at ang
pagtukoy ng mga matatandang mahihilingan ng payo. Kung
gagamiting sukatan ang mga inilatag ni Rudman, mainam ang aklat
na sinusuri.
Gayunpaman, may ilang puntong maipupuna sa aklat. Sa
antas ng kasiningan o pagkapanitikan, hindi natural ang mga diyalogo.
Ibig sabihin, tila nagsasalitang aklat ang mga ito o kaya’y isang gurong
nangangaral. Labis ding sumandig ang aklat sa mga pagkakataon
(coincidence). Minamadali ang resolusyon para matapos lamang ang
pagsasalaysay ng mga kaso. Hindi man lamang ipinakita sa mga
kaso ng ASB ang kinahinatnan ng mga mambibiktima. Hindi
naipakita ang mga parusang natanggap ng mga ito para
makaramdam ng tagumpay ang bata sa kaniyang pagpaslang sa
halimaw. Hindi rin lubusang nilutas ang problema sa mga kuwento.
Natapos lamang ito sa pagsusumbong ng bata. Mali rin ang inisyal
na reaksiyon ng magulang sa apat na kuwento. Imbes na magalit,
mabigla, o malungkot sa pangyayaring ASB, natuwa pa sila sa
kapangahasan ng kanilang mga anak na magsalita at magsumbong.
Pinakamalaking pagkakamali ng aklat ay ang usapin ng
representasyon. Palaging lalaki, heteroseksuwal man o homo-
seksuwal, ang mambibiktima o ang offender. Hindi ito naging tapat
sa mga pag-aaral na maaari ring maging salarin ang kababaihan.
Hindi naman eksklusibo sa mga lalaki ang pagiging molester. Kaugnay
nito, karumal-dumal ang grapikong ilustrasyon sa salaring si Manuel.
Inilarawan ito ni Jim Marpa bilang baklang may masikip na pantalon
at lantad ang bukol, maskulado, pustura, at nakatikwas ang mga
daliri. Esterotipong machong bakla ang depiksiyon sa mambibiktima
ng bata. Kasumpa-sumpa ito dahil sa taglay na homophobia ng
ilustrador. Marahil, dulot ito ng pagsandig niya sa nakasananayang
pagturing sa mga bakla sa mass media at kulturang popular. Sa
ilustrasyong iginuhit niya, napagtibay at naipagpatuloy niya ang
maling paniniwala na ang mga bakla ay hayok sa sex, marumi, at
makasalanan. Para sa panitikan, lalo pa’t panitikang pambata,
kailangang mag-ingat sa produksiyon ng mga teksto at ilustrasyon
na posibleng maging ahente ng mga sarado at de-kahong paniniwala
hinggil sa kasarian.

30
Kapag Maselan ang Larong-bata

ILANG USISA SA PRODUKSIYON NG MGA AKLAT PAMBATA

Sa daloy ng talakay, naitaguyod na may kapangyarihang taglay


ang mga aklat pambatang sinuri. Sa isang lipunan tulad ng Pilipinas,
na ipinagkakait ang tinig sa mga bata, kasangkapan ang panitikang
pambata para muling igawad ang tinig at kapangyarihan sa
naisantabing sektor. Malaki ang potensiyal ng mga sinuring aklat sa
edukasyon kapwa ng magulang at ng kanilang mga anak. At sa
pamamagitan ng naturang edukasyon, makapagbubunsod ito ng
kamulatan at makapagbubukas ng mga pinto sa kamalayan sa panig
ng bata at ng kaniyang magulang. Sa wika ni Virgilio Almario,
“magbubunga [ang mga aklat pambata] ng kapaki-pakinabang na
mga mamamayan sa Filipinas” (2007, 6).
Mainam na talinghaga ang idinidiin ng kuwentong Erika and
Jay Learn the Touching Rules: “Ikuwento mo…Imbes na ilihim mo,
magsalita ka’t ikuwento. IKUWENTO MO! Ikuwento mo nang
ikuwento. Huwag mong itatago, sabihin mo at huwag kalimutang
IKUWENTO MO!” [Keep on telling…Rather than keeping it
secret, the more you should tell. JUST KEEP ON TELLING!
Keep on telling…tell it without let-up. Rather than keep a secret, go
tell and don’t forget—KEEP ON TELLING!] (Cayaban 2005,
26-29). Maiuugnay ang siping ito sa kapuri-puring kapangahasan
ng mga aklat sa pagtalakay ng sensitibong paksa, sa patuloy na
pagkukuwento hanggang sa marinig ang danas ng karamihan sa
batang Filipino. Sinisira nito ang nosyon na inosente, wholesome, at
ligtas sa anumang ideolohiya at politika ang mga aklat pambata.7
Naghahain ito sa mga mambabasa ng matatapang na akdang hindi
naitatampok sa komersiyal na paglalathala o produksiyon na
isinasaalang-alang ang panlasa at pintig ng interes ng mga bata sa
panggitnang uri. Sa madaling sabi, tugon ang ganitong paglalathala
sa limitasyon ng mga nangungunang pablisher ng mga aklat pambata.
Kaugnay nito, mailalahok sa usisa ang sitwasyon ng
paglalathala sa bansa. May pondo ng NGO at UNICEF ang lahat
ng aklat na nalathala. Hindi negosyante ang producer. Ibig sabihin ba
nito, walang kusa ang mga ibang palimbagan sa paglalathala ng
mga aklat pambatang may panlipunang pananagutan? Maghihintay
lamang ba ng mga pondo sa mga internasyonal na ahensiya para
makapaglathala ang aklat na may pangahas na tema tulad ng ASB?
Hanggang saan ang bisa ng pagkukuwento? Hanggang saan
ang kapangyarihan ng paulit-ulit na pagsasalaysay? May limitasyon

31
Evasco

ding lumilitaw ang mga alternatibong aklat pambata sa panunuring


ito. Para sa ordinaryong mamimili ng aklat (e.g., magulang, guro,
storyteller, at tagapangalaga ng bata), napakamahal ng mga nasabing
aklat.8 Ipinamimigay nang libre ang Ang Batang Ayaw Gumising pero
pili lamang ang nabibigyan nito at huminto na ang muling
paglilimbag. Collector’s item na nga ang naturang aklat ni Villanueva.
Hindi competitive ang halaga ng mga aklat na makabuluhan, kapaki-
pakinabang, at may hatid na bagong paksain at tungkulin para sa
batang Filipino. Taliwas ito sa mga layunin ng tagapaglathla o producer
na NGO na magsulong at maghain ng mga pagbabago sa pagtrato
sa batang Filipino. Kung gayon, may posibilidad na mananatiling
alternatibo ang mga alternatibong aklat. Hindi ito makararating sa
tiyak at malawakang audience.
Maitatanong ngayon, paano makararating ng tinig ng
pagpapalaya kung mataas ang presyo nito? Sa sitwasyon ng bansa,
pribilehiyong middle at upper class ang pagbabasa at pagtangkilik ng
aklat pambata. Sang-ayon pa kay Jaileen F. Jimeno ng Philippine
Center for Investigative Journalism (PCIJ), “Ang mga bata mula sa
mahihirap na pamilya ay hindi nakakasabay sa kanilang kaedad na
higit na natutustusan ang mga pangangailangan sa pagbabasa. Lalo
tuloy nahahati ang pagitan ng mga nakapagbasa sa mga hindi gaanong
nakapagbasa. At dahil higit na nakararami ang huli,
nangangahulugang tumutugon lamang ang mga tagapaglathala at
mga ahente ng aklat pambata sa napakaliit na merkado.” [“Children
belonging to poor families are unable to compete with their better-
equipped and better-financed peers when it comes to reading,
widening the chasm between the literates and not-so-well read. And
because the latter far outnumber the former, this means publishers
and sellers of children’s books are catering to a very small market.”]
(2007, 1). Kung gayon, hadlang ang presyo ng aklat sa layuning
palaganapin ang panawagan na iligtas ang mga bata sa abusong
seksuwal at ang mga aralin kung paano higit na pangangalagaan ng
bata ang sarili.
Paano maikakalat ang mga mensahe tungkol sa seksuwal na
pang-aabuso sa bata kung karamihan sa mga pamilya at bata ay
naghihirap, lalo’t higit kung karamihan sa mga biktima ay buhat sa
mahirap na pamilya? Paano magiging pananggalang ang mga aklat
kung wala namang makagagamit at makababasa nito? Mananatili
ba ito sa mga eskaparate ng bookstore hanggang sa balutin at lamunin
ng alikabok?

32
Kapag Maselan ang Larong-bata

Hanggang saan ang malalakbay at maaabot ng tinig ng mga


aklat tulad nito? May makaririnig kaya sa tinig na iyon?

MULA MASELAN TUNGONG MAKABULUHAN

Bilang paglalagom, ihahapag ng pag-aaral na ito ang mga


suhestiyon tungo sa pagpapaunlad ng pagsulat at produksiyon ng
panitikang pambata sa Pilipinas na may kaugnayan sa pagpaksa ng
abusong seksuwal sa mga bata.
Sa larangan ng distribusyon at diseminasyon ng mga akdang
pambata, kailangan nang pag-isipan ang hindi gaanong pagsandig
sa paglalathala para makipag-ugnayan sa mga bata. Maaaring
alternatibong daluyan ang pagsasadula at pagsasalaysay upang
maigpawan ang mga suliranin kaugnay sa kabuhayan ng karamihan
sa mga pamilyang Pilipino.
Sa larangan ng estilo ng pagkakasulat, tila hindi pa handa ang
mga Pilipino sa realistikong uri ng mga aklat na pumapaksa sa
sensitibong usapin gaya ng ASB. Maipapanukala ang gamit ng
pantasya at mga simbolo para hindi maging karima-kimarim ang
paglalahad ng mga maselan at marahas na eksena. Alinsunod din
ito sa paninindigan ni C.K. Chesterton kaugnay sa bisa ng pantasya
kumpara sa realismo, “Higit pa sa totoo ang mga fairy tale; hindi
dahil sa inilalahad nitong mayroong mga dragon kundi ipinapaalala
sa ating maaaring talunin ang mga ito.” [Fairy tales are more than
true; not because they tell us that dragons exist, but because they tell
us that dragons can be beaten.] Marapat lamang na gumamit at
humango ng mga Filipinong konsepto buhat sa ating mitolohiya at
panitikang-bayan. Bukod pa rito, kailangan ding gamitin ang kultura
ng bata at kabataan sa lilikhaing teksto upang mapalapit at
makaugnay ang batang mambabasa sa isang sensitibong paksain.
Kaugnay nito, maaari ring gamitin ang bisa ng ilustrasyon at
mga larawan para sa pagkukuwento ng mga maselang paksa. Sa
bisa ng semiotika ng mga kulay, posisyon, hugis, at mga imahen,
makapagkukuwento ang akda na paraang hindi grapiko at
nakapanggugulat sa mga mambabasa. Matagumpay itong
naipamalas sa akdang Ang Batang Ayaw Gumising.
Sa pagtalakay din ng ASB, kailangang iwasan ang paggamit
ng abstraktong konsepto tulad ng “maselang bahagi ng katawan.”
Mas epektibo kung agad tutukuyin ang termino para maintindihan

33
Evasco

ng bata. Kailangang iwasan ang mga eufemismo at metapora ng


mga seksuwal na bahagi ng katawan. Halimbawa ay ang paggamit
ng bulaklak, bibingka, monay, at ibon sa mga termino sa ari. Maigi
ring gawing kumportable ang mga bata sa pagtukoy ng ngalan ng
bahagi ng katawan. Sa pamamagitan nito, magiging kumportable
rin siyang magkuwento at magbahagi ng kaniyang danas, masama
man o hindi. Marapat ding ipaalala sa bata na ang pagkukuwento at
pagsusumbong ay isang epektibong paraan para mawakasan ang
pang-aabuso. Sa pamamagitan nito, mabilis na matatalakay ang
problema, agarang mahaharap ang usapin, at mayroong tulong na
maibibigay mula sa sinumang nagmamalasakit.
Dapat ding ipagpatuloy ang ipinamalas na katangian ng mga
sinuring aklat—ang hindi lantarang pangangaral o hindi didaktiko.
May mga katangiang impormatibo at interaktibo ang mga aklat na
makatutulong sa higit na kaalaman tungo sa kamulatan ng mga
batang mambabasa. Dapat ding lubusin ang mga peritext bilang
potensiyal na espasyo sa pagbibigay ng impormasyon at higit na
pagpapaliwanag sa paraang magaan at makabuluhan sa bata at sa
kaniyang magulang/tagapag-alaga.9 Mainam din ang paglalahok ng
mga pagsasanay sa pagkilala ng emosyon at ang panghihikayat sa
mga bata na ipahayag ang kanilang sarili. Pinahahalagahan nito ang
malayang pagpapahayag ng bata at ang pagbibigay sa kanila ng
suhestiyon na may tinig silang kailangang gamitin at mapakinggan.
Sa usapin ng representasyon ng biktima at mambibiktima,
kailangang maging maingat ang manunulat sa anumang patibong
ng paglalahat (generalization) at pagkakahon (stereotyping).
Kailangang iwasan ang homophobia sa paglikha ng tauhang
mambibiktima. Hindi rin naman kailangang ipakita na laging lalaki
ang mambibiktima at babae ang biktima. Lilikha lamang ito ng
dagdag pang problema sa kamalayan ng batang mambabasa.
Gayundin, kailangang magkaroon na ng kuwento na may mga
lunang mahirap tulad ng siksikang barumbarong, informal settlers,
mga walang tahanan, o kaya’y nasa rural na pamayanan. Sa lahat ng
kuwentong tinalakay, pamilya mula sa panggitnang uri sa lungsod
ang pokus. Hindi naman ito masama ngunit batay sa mga pag-aaral
na nailahad, higit na maraming naaabuso sa mga pamilya at tahanang
may mababang kondisyon sa kabuhayan dulot ng kawalang-galang
sa pribadong espasyo at sa pribadong bahagi ng katawan.
Dapat ding itampok ang mga aktibo at mulat na batang tauhan
sa mga aklat pambata na tumatalakay sa ASB. May antagonismo at

34
Kapag Maselan ang Larong-bata

pagtutol ang mga magulang sa mga aklat na may sensitibong usapin


dahil nagiging biktima ang mga batang tauhan sa loob ng teksto.
Kung gagawing matalino ang mga batang tauhan, magkakaroon ito
ng mga pagkilos upang labanan ang anumang pang-aabuso. Kung
ang batang tauhan ay may kamulatan sa paksa, hindi na siya hahantong
pa sa anumang pangagahasa o pangmomolestiya. Naniniwala ako na
hindi kailangang maging biktima ang batang tauhan upang ipakilala
sa mga batang mambabasa ang mga batayang kaalaman sa ASB.
Sa larangan ng edukasyon at usaping pampamilya, kailangang
itaguyod ang malayang talakayan sa kasarian at seksuwalidad. Hindi
dapat ituring na maselan ang mga usaping ito lalo pa’t nasasangkot
ang isang bata na may karapatang pantao at may pribadong katawan
na dapat pangalagaan. Sa tendensiya na ilihim ang ganitong usapin
sa mga bata, nagiging ignorante ang mga bata at higit na malapit sa
anumang pang-aabuso. Mainam na instrumento sa talakayang ito
ang mga aklat na sakop ng pag-aaral. Maaari itong gamiting lunsaran
sa pagpapamulat sa mga bata. Ngunit kailangang tandaan na sa
paggamit ng mga aklat na ito, nangangailangan ng patnubay at
superbisyon ng magulang o nakatatanda. May mabubuong mga
tanong ang bata sa kaniyang pagbabasa na kailangang matugunan
ng kaniyang magulang o tagapag-alaga. Hindi dapat iasa lamang sa
aklat ang lahat ng pagpapaliwanag sa batang mambabasa.
Mangyari pa, kailangan ng edukasyon ng buong pamilya sa
usaping ito. Ang positibo sa karamihan ng mga sinuring aklat,
naglalahad ito ng impormasyon na magagamit hindi lamang ng
bata kundi ng kaniyang mga magulang. Kung gayon, naghahain ang
mga aklat ng bagong depinisyon ng panitikang pambata—isang
teksto para sa bata na makapagmumulat sa bata at sa kaniyang
pamilya. Hindi lamang eksklusibo sa mga bata ang produksiyon ng
ganitong mga babasahin. Karapat-dapat ito, lalo na sa usapin ng
seksuwal na pang-aabuso, dahil ang karahasan at krimeng seksuwal
ay nagaganap kadalasan sa domestikong espasyo na itinuturing na
maselang bagay ang pagbigkas at pagkilala sa sariling katawan.

35
Evasco

MGA TALA

1
Kinikilala ng pag-aaral na ito ang dalawang pangunahing kritika sa
pangunahing pag-aaral ni Bruno Bettelheim na The Uses of Enchantment.
Sa pagsusuma ni Jack Zipes noong 1979, kilalang eksperto sa mga
panitikang-bayan, fairy tales, at panitikang pambata, nailahad niyang
ang naturang aklat ay “gumagamit ng mga di kapani-paniwalang metodo
at eksperimento na nakapinsala sa maraming tao at nagpapalaganap ng
maling paniniwala kaugnay sa pagpapahilom at panitikan” [“using dubious
methods and experiments that have harmed numerous people and by
disseminating ideas about therapy and literature that are misleading”]
(2002, 179-180). Dagdag pa niya, “mali ang pagkakagamit ni Bettelheim
sa teoryang sikoanalitikal ni Freud at sa pampanitikang kalikasan o
katangian ng mga fairy tale” (181). Wala ring siyang dokumentasyon
para patunayan na pinakamainam ang fairy tale sa lahat ng anyong
pampanitikan para mapaunlad ang pagkatao ng mga bata; walang
kaalaman sa panitikang pambata, sa ugali sa pagbabasa ng bata (reading
habit); at walang siyentipikong paliwanag sa halaga ng kuwento sa bata
at kung paano ito makatutulong sa bata kaugnay sa kanilang pag-unlad
(183).
Dalawang pangunahing punto naman ang kritika ni Alan Dundes,
pangunahing folklorista sa U.S. na naggiit sa folklore bilang disiplina sa
akademiya, sa pag-aaral ni Bettelheim—ang “omission” at ang
“commission” (1991, 76). Tinutukoy ni Dundes sa “omission” ang
kawalan/ kakulangan ni Bettelheim ng batayang kaalaman sa kalikasan
ng panitikang-bayan o folklore. Nailahad din niyang “ignorante” sa
mahahalagang pag-aaral ang The Uses of Enchantment, pabaya at hindi
sistematiko ang iskolarsyip kaya mapapansin ang mga pagkakamali sa
interpretasyon ng mga fairy tale na sakop sa pag-aaral (76-77). Samantala,
inilalahad naman sa “commission” ang kawalan ng pagkilala ng
mananaliksik sa mga sinangguning pag-aaral. Nailahad din ni Dundes
ang halos parehong pagkakaayos ng pagtalakay ng mga fairy tale na
nakapadron sa aklat ni Julius E. Heuscher ni A Psychiatric Study of Myths
and Fairy Tales na nalathala noong 1963 (79). Pinakapangunahing atake
ni Dundes kay Bettelheim ay may kinalaman sa akademikong integridad
o ang “wholesale borrowing of key ideas” (80). Sa huli, pinagtibay ni
Dundes ang naunang pahayag ni Zipes, “Si Bettelheim ay lantarang
authoritarian sa paniniwalang batid niya ang di-malay na pagkakaunawa
ng mga bata sa mga kuwento; siya’y labis na moralistiko, at isinasantabi
niya ang mga pagkakaibang panlipunan at pagkakaiba batay sa uri kapag
ipinapalagay niyang nauunawaan ng lahat ng bata ang fairy tale sa
magkakahalintulad na paraan.” [“Bettelheim is overtly authoritarian—
in claiming that he knows how children unconsciously understand the

36
Kapag Maselan ang Larong-bata

tales, he is overly moralistic, and he ignores social and class differences


when he assumes that all children will understand a fairy tale in the
same way”] (81).
Gayong sistematikong nailahad ang kakulangan ni Bettelheim bilang
iskolar, positibong natukoy ni Dundes na nakatulong ang aklat na The
Uses of Enchantment upang higit na maintindihan ng mas marami ang
sikoanaliktikal na pagsusuri sa mga fairy tale (1991, 81). May mahalagang
pahayag at paunawa rin si Jack Zipes—hindi kailangang kondenahin
ang lahat ng naiambag at naisulat ni Bettelheim (2002, 180). Hindi rin
dapat isawalang-bahala ang kabuuan ng kaniyang aklat (181).
Nagkasundo sa ganitong aspekto sina Zipes at Dundes. Sang-ayon kay
Zipes, “Dahil may mahalagang gampanin ang mga katutubo at fairy tale
sa proseso ng sosyalisasyon, mahalaga ang malalimang pag-aaral sa
dalumat ni Bettelheim upang matukoy kung paano higit na
mapapakinabangan ang mga kuwento sa pagtulong sa mga bata at sa
matatanda. Sa huli’y magbubunga ang mapanuring pagsusuri sa kaniyang
teorya ng mga bagong pananaw sa kasalukuyang sikoanalitikal na pananaw
sa internalisasyon at bagong pagdulog sa produksiyon at sa paggamit ng
panitikang-bayan at fairy tale.” [Since folk and fairy tales have played
and continue to play a significant role in the socialization process, a
thorough study of Bettelheim’s position is crucial for grasping whether
the tales can be used more effectively in helping children (and adults)
come into their own. A critical examination of his theory may ultimately
lead to a fresh look at contemporary psychoanalytic views on
internalization and new insights about the production and usage of folk
and fairy tales] (181).
2
Ilan sa mga batas na ito na natukoy ng CPTCSA at ni Daniel O’Donnell
sa aklat na Children are people too: a guide to the Convention on the Rights of
the Child for students and teachers ay ang mga sumusunod:
• United Nations Convention on the Rights of the Child (CRC)
Article 19. The state is obliged to protect and develop social
programs to ensure that the child is free from any form of
physical or mental abuse, neglect or exploitation (including
sexual) by anyone including the parents or anyone who has
the responsibility to look after the child. Thus, even a child’s
own parents may not hurt the child.
Article 34 - The child has the right to be protected from
sexual abuse and exploitation including prostitution and
pornography. This only means that no one may do an act or
say a word to the child, or ask a child to do or say something
that would be tantamount to any form of sexual abuse.

37
Evasco

• Konstitusyon ng Pilipinas
Section 3 (2): The State shall defend the rights of the child
to assistance, proper care and nutrition, and special protection
from all forms of neglect, abuse, cruelty, exploitation, and
other condition that may be prejudicial to their development.
• Family Code (Executive Order 209, Article 149)
The family, being the foundation of the nation, is a basic
social institution which public policy cherishes and protects.
Consequently, family relations are governed by law and no
custom, practice or agreement destructive of the family shall
be recognized or given effect.
• PD 603 (Children and Youth Welfare Code of the Philippines)
Mga karapatan ng bata na kaugnay sa pag-aaral
# 5: To be brought up in an atmosphere of morality and
rectitude
#8: To protection against exploitation, improper influences,
hazards and other conditions or circumstances prejudicial
to his physical, mental, emotional, social and moral
development
• RA 7610 - Special Protection of Filipino Children Against
Child Abuse, Exploitation and Discrimination
This law is the Anti-child Abuse Law of the Philippines. It
defines certain acts of child abuse (neglect and abandon-
ment, and physical, emotional and sexual abuse) and other
forms of acts that would deter the development of the child.
• RA 8353 - The Anti-Rape Law of 1997
The law makes the crime of rape a crime against person.
Before this, the crime of rape was a crime against chastity
where a complaint* was necessary to file a charge of rape.
The said requirement contributes to the non prosecution of
rape offenders and curtails the view on the ill effects of rape.
The law expands the definition of rape to include rape by
sexual assault and marital rape. Also, the law provides that
strong resistance is not necessary in order to show absence of
consent by the victim. A mere indication of “no” is enough.
*Complaint is a sworn written statement subscribed by the
victim or another person as may be allowed by the rules of
Court charging another person with a crime.

38
Kapag Maselan ang Larong-bata

• RA 8505 (Rape Victim Assistance and Prevention Act of


1998)
The law mandates ways to provide assistance to rape victims
including the establishment of Rape Crisis Centers that will
be supervised by the Crisis Intervention Unit of the DSWD.
Children and Women’s Desk shall be institutionalized in every
PNP headquarters and properly trained women officers shall
be assigned to it.
• Proclamation No. 731
The law provides that the “National Awareness Week for
the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation” shall
be celebrated every second week of February.
• RA 8369 Family Courts Act of 1997
The law provides that a family court shall be designated in
every city/ province in the country to hear and decide, among
others, cases wherein the child is directly involved whether
or not as a victim/offender.
• RA 7877 - Anti-Sexual Harassment Law
The law does not define sexual harassment but enumerates
the acts that constitute sexual harassment and possible
offenders in an employment and education environment.
When the victim is a child, the offender may be prosecuted
for violating this law.
• Executive Order 56 (1986)
This Executive mandates DSWD to take protective custody
of sexually exploited children including prostituted children.
3
Nais kong igiit na ang mga aklat na sakop ng aking pag-aaral ay
maituturing na aklat pambata. Ang mga ito’y nasasaklaw sa batayang
depinisyon ng panitikang pambata na isinulat para sa kapakanan at interes
ng mga bata at sa batayan nitong katangian na audience-oriented at age
category ng panitikan. Bagamat hindi karaniwang interes ng mga bata
ang paksain ng abusong seksuwal, ang mga aklat sa pag-aaral ay
tumutugon sa kapakanan ng bata sa isang ligtas na kapaligirang malaya
sa anumang abuso at sa kanilang kamulatan upang pangalagaan ang
kanilang mga sarili. Dagdag pa, ang produksiyon ng mga aklat ay halatang
sinadya para sa bata. Mapapansin ito sa gamit ng payak na wika, gamit
ng mapaglaro at musikal na wika, gamit ng mga reperensiya at danas na
malapit sa bata, gamit ng mga ilustrasyon, pisikal na anyo ng mga aklat,
at ang interaktibong kalikasan ng aklat na direktang kumakausap sa
batang mambabasa. Isang indikasyon din ay ang pagkakatagpo ng

39
Evasco

karamihan sa mga aklat sa Children’s Book Section ng komersiyal na


establisamento gaya ng National Bookstore. Nagkataong sensitibo at
pangahas ang paksa ng mga aklat pambata na ito kaya nagdududa ang
ilan kung pambata nga ba ito o hindi. Taliwas ito sa komersiyal,
mainstream, at de-pormulang mga aklat pambata na karaniwang
masusumpungan sa mga listahan ng bestseller. Tandaang hindi
popularidad sa bata ang pangunahing batayan para tukuying pambata
ang aklat pambata.
4
Limitado ang kopya nito at kakaunti ang nagmamay-ari nito dahil hindi
ipinagbibili ang aklat. Para maangkupan ang ganitong suliranin, isinalaysay
sa programang Batibot ang kuwento bilang isang uri ng malawakang
diseminasyon. Nailahok din ang kuwento sa The Rene O. Villanueva
Children’s Reader noong 2005 para muling ipakilala sa mga bata ng
kasalukuyang panahon ang akda at magsilbing reperensiya sa mga iskolar
ng panitikang pambata.
5
Maikukumpara ang ritmo at repetisyon sa kuwentong ito sa akdang
Green Eggs and Ham (1960) ni Dr. Seuss. Kilalang estilo at ambag ni Dr.
Seuss (Theodor Seuss Geisel) sa larangan ng panitikang pambata ang
paglalaro, pag-uulit, at pag-imbento ng mga salita. Isang estratehiya sa
pagsulat ng kathang pambata ang nabanggit. Mahalaga ang “ear appeal”
ng prosa para makuha ang interes ng mga batang mambabasa. Pansinin
ang sipi sa naturang aklat bilang gabay sa pagkukumpara:
... Do you like
green eggs and ham?

I do not like them,


Sam-I-am.
I do not like
green eggs and ham.

Would you like them


here or there?

I would not like them


here or there.
I would not like them
anywhere.
I do not like
green eggs and ham.
I do not like them,
Sam-I-am.

40
Kapag Maselan ang Larong-bata

6
Mahalagang bukal ng panitikang pambata ang kultura ng bata at kultura
ng kabataan. Halaw ito kay Feny delos Angeles, na tinalakay ni Rene O.
Villanueva sa kaniyang sanaysay na “Pagsulat ng Kuwentong Pambata.”
Sang-ayon dito, “Ang kultura ng bata ay tumutukoy sa lahat ng maraming
konteksto ng mga batang Filipino; sa kanilang kinalalagyang komunindad,
sa kinabibilangan nilang kasaysayan, tradisyon at uri ng pamumuhay.
Bawat batang Filipino ay napaliligiran ng kasaysayan, tradisyon, grupong-
panlipunan, uri ng pamumuhay at paniniwala at marami pa. Lahat nang
ito ay maaaring maging balon ng mga kuwento na mapaghahanguan ng
kuwento ng sinomang nagnanais makasulat ng kuwentong-pambata.
Samantala, tumutukoy naman ang kultura ng kabataan sa lahat ng tao,
lugar, damdamin, at karanasan ng bawat batang Filipino kaugnay ng
kanyang pagiging bata, ng kanyang paglaki at pagkakagulang.”
7
Tugon ito sa pahayag ni Roland Tolentino sa kaniyang binasang papel
na “Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata: Folklore, Media
at Diskurso ng Bata” sa Unang Pambansang Kumperensiya sa Panitikang
Pambata sa UP Diliman, 25 Hulyo 2007. Ayon sa kaniyang mapanuring
pagsisiyasat, “Bakit di tulad ng nakakatandang panitikan—at hindi lamang
dahil mas nauna itong umunlad—na maaring maging palaban ang laman
at porma ng sektoral at rehiyonal na panitikan, ang panitikang pambata
ay masyadong “wholesome” o ang komentaryong panlipunan at historikal
ay limitado sa personal na antas?” Sa aking palagay, humantong sa
paglalahat ang naturang pahayag ni Tolentino. Natuon lamang ang
kaniyang pagsisiyasat sa industriya ng aklat pambata sa mga komersiyal
na uri. Hindi niya nakita ang iba pang produksiyon ng aklat pambata na
taguyod ng mga NGO at mga organisasyong may malasakit sa kapakanan
at karapatan ng mga bata. May produksiyon din ng mga kathang pambata
ang kilusang lihim na malayo ang paksain sa mga mainstream na akda.
Dagdag pa, may subersiyon sa mga komersiyal na aklat pambata, lalo
na sa mga muling pagsasalaysay ng mga tradisyonal at kuwentong-bayan
gaya ng Pilandok. Hindi ko masisisi ang nasabing kritiko dahil hindi rin
naman visible ang mga aklat na sakop ng aking pag-aaral. Kulang sa
marketing, distribusyon, at pagpapaabot sa mga bata ang mga aklat na
aking sinuri.
8
Mataas ang presyo ng mga aklat sa saliksik na ito kumpara sa ibang
lokal na aklat pambata. PHP 175 ang presyo ng Hoy bata! Mahalaga ka!,
PHP 160 ang manwal na Ang Aking Aklat para sa Pansariling Kaligtasan,
at PHP 221 ang Erika and Jay Learn the Touching Rules noong nabili ko
ito sa National Bookstore.
Sa kasalukuyan, pinakamurang aklat pambata sa Pilipinas ay PHP 10.
Ito ang mga piniratang bersiyon ng mga Aklat Adarna at aklat ng Disney
na lantarang itinitinda sa mga talipapa at lansangan. Mahinang uri ng

41
Evasco

papel ang ginagamit; simplistiko at kinopya lamang ang mga ilustrasyon


nito sa anyong mimeograph. Kalaban pa sa paglalathala ang murang halaga
ng mga segunda manong aklat pambata mula sa Estados Unidos. Sa
komersiyal at mainstream na paglalathala, PHP 65 ang presyo ng Aklat
Adarna at Lampara Books; PHP 100 naman ang mga Golden Salakot
Books ng LG & M ng Vibal Publishing. Sa kasalukuyan, itinigil na ang
paglalatahala ng mga bersiyong newsprint dahil hindi nito naitatampok
ang kasiningan ng mga ilustrasyon (e.g., matapat sa kulay at nakikitang
mga detalye). Mas mura nang bahagya ng mga aklat pambata ng SGE
Publishing dahil walang kulay ang mga ilustrasyon nito (may pretensiyon
na coloring book ang mga ito para hindi mahalata ang pagtitipid sa
produksiyon).
9
Tinutukoy ng peritext ang teksto sa labas ng teksto ng naratibo. Isang
katangian ng mga aklat pambata ang paggamit ng peritext sa
pagkukuwento, lalo na sa postmodernong mga aklat pambata. Sa Pilipinas,
ginagamit ang peritext upang magbigay ng elementong non-fiction sa
mga akdang pampanitikan. Nagdaragdag ito ng kabuluhan sa mga
mambabasa na nahirati sa katangian at kumbensiyon ng mga textbook.
Sa depinisyon ni Elwyn Jenkins, ang peritext sa mga aklat pambata ay
“isang ginagamit at inaangking espasyo sa labas ng espasyo ng mismong
teksto na binubuo ng pamagat at subtitle, manunulat at tala sa manunulat,
paunang salita, introduksiyon, pasasalamat, pag-aalay, komentaryo ng
kritiko, pagkilala at endorso, sipi mula sa pagsusuri, mga liham ng
mambabasa, dateline, talaan ng nilalaman, epigraph, talasalitaan, tala,
epilogo, at mga ilustrasyon” [“space outside the space occupied by the
text itself that is taken up with additional features comprising, among
others, titles and subtitles, authors’ names and pen portraits, prefaces,
forewords, introductions, acknowledgements, dedications, cover blurbs,
endorsements, quotations from reviews, letters from readers, datelines,
tables of contents, epigraphs, glossaries, notes, epilogues, and
illustrations.”] (2001, 115).

42
Kapag Maselan ang Larong-bata

BIBLIOGRAPIYA

Aguirre, Alwin C. 2006. Hoy bata! Mahalaga ka! Sina Biboy at Nina para
sa patakaran sa ligtas na paghawak. Illus. Aldy C. Aguirre. Quezon
City: Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual
Abuse.
Aguirre, Alwin C. (tagasalin) 2003. Ang aking aklat para sa pansariling
kaligtasan. Illus. Jim Marpa. Quezon City: Center for the
Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse.
Almario, Virgilio S. 2007. “Mga gampanin para sa kaunlaran ng
panitikang pambata” talumpating binigkas sa Unang Pambansang
Kumperensiya sa Panitikang Pambata, 25 Hulyo, Pulungang
Claro M. Recto, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Berger, Arthur Asa. 1996. Manufacturing desire: Media, popular culture, and
everyday life. New Jersey: Transaction Publishers.
Bettelheim, Bruno. 1989. The uses of enchantment: The meaning and importance
of fairy tales. New York: Vintage Books.
Cayaban, Ma. Agnes. 2005. Erika and Jay learn the touching rules. Illus.
Jim Marpa. Quezon City: Center for the Prevention and
Treatment of Child Sexual Abuse.
Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse. 2004.
“Child sexual abuse in the Philippines” http://www.cptcsa.org/
home.php?go=about. Accessed 12 February 2008.
Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse. 2004.
“What is child sexual abuse?” http://www.cptcsa.org/
home.php?go=about. Accessed 12 February 2008.
Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse. 2004.
“Child sexual abuse and the law” http://www.cptcsa.org/
home.php?go=about. Accessed 12 February 2008.
Child Protection in the Philippines. 2003. “Child abuse: A silent epidemic”
http://www.childprotection.org.ph/factsfigures/index.html.
Accessed 12 February 2008.
Chua, Apolonio B. et.al. 1999. Linangan: Mga babasahin sa Humanidades
I. Quezon City: Office of the Vice-Chancellor for Research
and Development, Office of the Vice-Chancellor for Academic
Affairs, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,
University of the Philippines, Diliman.

43
Evasco

Cruz, Isagani R. (pat.) 2000. The best Philippine short stories of the twentieth
century: An anthology of fiction in English. Manila: Tahanan Books.
Delvigny-Jean, Thierry. 2005. “Freed from sex trade, girls get a new
start”http://www.unicef.org/infobycountry/philippines
28082.html. Accessed 12 February 2008.
Dundes, Alan. 1991. “Bruno Bettelheim’s uses of enchantment and
abuses of scholarship” nasa The Journal of American Folklore Vol.
104, No. 411 (Winter), pp. 74-83 http://www.jstor.org/stable/
541135. Accessed 9 October 2008.
Engelbrecht, Lois J. 2003. “Every child needs to learn personal safety”
h t t p : / / w w w. h i n d u o n n e t . c o m / f l i n e / f l 2 0 2 1 / s t o r i e s /
20031024002009200.htm. Accessed 12 February 2008.
Flores-Oebanda, Ma. Cecilia. 2005. “Child domestic work in the
Philippines” http://www.antislavery.org/homepage/antislavery/
award/cdwphilippines2005.htm. Accessed 12 February 2008.
Henson, Maria Rosa L. 1996. Comfort women: Slave of destiny. Pasig City
: Philippine Center for Investigative Journalism.
Jenkins, Elwyn. 2001. “Reading outside the lines: Peritext and authenticity
in South African children’s books” nasa The Lion and the Unicorn
Vol. 5, No. 1, pp. 115-127.
Jimeno, Jaileen F. 2007. “RP market for children’s books defies growth”
http://www.gmanews.tv/story/48840/PCIJ-RP-market-for-
childrens-books-defies- growth. Accessed 16 October 2007.
Kintanar, Thelma B. (pat.) 2001. Women’s bodies, women’s lives: An anthology
of Philippine fiction and poetry on women’s health issues. Quezon City:
Center for Women’s Studies, University of the Philippines.
Lucero, Rosario Cruz. 1990. Herstory. Manila: Babaylan Women’s Pub.
Collective.
Lurie, Alison. 1990. “Folktale liberation” nasa Don’t tell the grown-ups:
The subversive power of children’s literature. Boston: Little, Brown
and Company.
Lurie, Alison. 2003. “What fairy tales tell us” nasa Boys and girls forever:
Children’s classics from Cinderella to Harry Potter. New York: Penguin
Books.
Lurie, Alison. 2003. “Enchanted forests and secret gardens” nasa Boys
and girls forever: Children’s classics from Cinderella to Harry Potter.
New York: Penguin Books.

44
Kapag Maselan ang Larong-bata

McDaniel, Cynthia. 2001. “Children’s literature as prevention of child


sexual abuse” nasa Children’s Literature in Education. Vol. 32, No.
3; September.
Miles, Glenn at Paul Stephenson. “Children and sexual abuse and
exploitation” http://tilz.tearfund.org/webdocs/Tilz/Topics/
SexENG_full%20doc(1).pdf. Accessed 12 February 2008.
Norton, Donna E. at Saundra E. Norton. 1995. Through the eyes of a
child: An introduction to children’s literature. Fourth edition. New
Jersey: Merrill.
O’Donnell, Daniel. 1996. Children are people too: A guide to the Convention
on the Rights of the Child for students and teachers. Pasig City: Anvil
Publishing, Inc. at Freidrich-Naumann-Stiftung.
Pacis, Carla M. 2005. “Where have all our monsters gone?: Using
Philippine lower mythology in children’s literature” nasa Diliman
Review Vol. 52, Nos. 1-4.
Quitoriano, Eddie Ll. at Rachael O. Morala. 2004. Ang bata sa gitna ng
marahas na kapaligiran: Praymer sa karapatan ng mga bata. Quezon
City: Save the Children UK.
Renvoize, Jean. 1993. Innocence destroyed: A study of child sexual abuse.
London at New York: Routledge.
Rodriguez, Nice. 1993. Throw it to the river. Toronto: Women’s Press.
Sanderson, Christiane. 2004. The seduction of children: Empowering parents
and teachers to protect children form child sexual abuse. London at
New York: Jessica Kingsley Publishers.
Smith, Mark K. 2007. “Howard Gardner: Multiple intelligences and
education” http://www.infed.org/thinkers/gardner.htm.
Accessed 13 February 2008.
Villanueva, Rene O. 1997. Ang batang ayaw gumising. Illus. John D.
Crisostomo. Manila: UNICEF at Philippine Children’s Television
Foundation, Inc.
Villanueva, Rene O. 2006. (Im)personal: Gabay sa panulat at pagkamanunulat.
Pasig: Anvil Publishing, Inc.
w.a. 2005. Erika and Jay learn the touching rules (Guide in using the story
book). Quezon City: Center for the Prevention and Treatment
of Child Sexual Abuse.

45
Evasco

World Emergency Relief. 2007. “WER’s mobile puppet theater program”


http://www.wer-us.org/alisto.htm. Accessed 12 February 2008.
Zinsser, William. 1998. Worlds of childhood: The art and craft of writing for
children. New York: Houghton Mifflin.
Zipes, Jack. 2002. “On the use and abuse of folk and fairy tales with
children: Bruno Bettelheim’s moralistic magic wand” nasa Breaking
the magic spell: Radical theories of folk and fairy tales (Revised and
expanded edition). Kentucky: The University Press of Kentucky.

Eugene Y. Evasco is an Assistant Professor of Creative Writing and Children's Literature at


the Department of Filipino and Philippine Literature, U.P. Diliman. He is the author of more than
twenty books for children including the retelling of Philippine ethnoepics. He has published textbooks
for high school and college like "Palihan: Linangan sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat" (2008)
and co-edited "Bagets: An Anthology of Filipino Young Adult Fiction." He received nine Palanca
Awards for poetry, essay, and children's story, and was awarded the Makata ng Taon (Poet of the
Year) 2000, 1997 PBBY-Salanga Grand Prize, Pilar Perez Medallion, 2008 Gintong Aklat
Award citation, NCCA Writer's Prize for Essay, and the National Book Award from the Manila
Critics' Circle for his young adult novel, "Anina ng mga Alon." In 2005, he was the National
Fellow for Children's Fiction by the LIKHAAN: U.P. Institute of Creative Writing.

46

You might also like