Pili Pino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pilipino

1. Tukuyin ang sugnayan na makapag-iisa?


Kung magkakasundo tayo, ikaw ang mamumuno at ako naman ang tagasunod.
A. kung magkakasundo tayo C. ang magiging tagasunod
B. ako naman D. ikaw ang mamumuno
2. Ano ang salin ng “Bring home the bacon”?
A. Mag-uwi ng bacon. C. Bumili ng bacon.
B. Mag-uwi ng panalo D. Dalhin ang bacon.
3. Ano ang uri ng pangungusap na ito?
UMUULAN NA.
A. Pormulasyong panlipunan C. Penomenal
C. Panawag D. Sambitla
4. Ano ang kayarian ng pangungusap na ito?
Nakipagkita sa Pangulo ang mga senador at kinatawan ng iba’t ibang samahan.
A. Tambalan C. Hugnayan
C. Langkapan D.Payak
5. Ibigay ang paksa ng pangngusap.
Nabasa ko sa isang aklat ang kasaysayan ng ating bansa.
A. Kasasaysayan C. bansa
B. aklat D. Nabasa
6. Alin ang kahulugan ng sumusunod?
ILISTA MO NA LAMANG SA TUBIG ANG AKING UTANG.
A. Kalimutan na ang utang. C. Tubig ang listahan.
B. Magbabayad din ng utang. D. Nasa tubig ang utang.
7. Alin dito ang mgasalita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng mga salitang binubuo?
A. Tayutay C. Salitang upemistiko
B. Ekspresyong idiomatiko D. Pahayag
8. Ibigay ang kayarian ng paksa ng mga sumusunod na pangungusap.
“Ang para sa iyo ay kunin mo na.”
A. Pang-ukol C. Pantukoy
B. Pangatnig D. Pahayag
9. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito?
Pnasyalan ng magkakaibigan ang Splash Mountain noong isang buwan.
A. Direksiyon C. Tagapagtanggap
B. Tagaganap D. Sanhi
10. “Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib.”. Ito ay isang uri ng ________.
A. tula C. tugmaan
B. salawikain D. bugtong
11. “Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga
lihim na kaligayahan.”
A. Kapangitan ng buhay C. Paghihikahos sa buhay
B. Kalungkutan ang mabuhay D. Kagandahan ng buhay
12. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na may paksa?
A. May pasok ba bukas?
B. Kay ganda ng paglubog ng araw.
C. Nagbabasa sila sa aklatan
D. Mainit ngayon.
13. Sa taas ng mga bilihin ngayon kahit KAHIG KA NANG KAHIG ay wala pa ring maipon.
Ano ang ibig sabihin?
A. Hanap nang hanap C. Gastos nang gastos
B. Tago ng tago D. Trabaho nang trabaho
14. Ang pahayagan ay hidi dapat maglathala ng anumang uri ng pagbibintang na makasisira sa
reputasyon nang di muna nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal na marinig ang kanyang
panig. Ito ay __________.
A. walang kinikilingan C. makatarungan pakikitungo
B. kalayaan ng pagpapahayag D. magandang kaasalan
15. “You can count on me,” Ang pinakamalapit na salin nito ay __________.
A. bilngin mo kami C. ibilang mo ako
B. bilangin mo ako D. maaasahan mo ako
16. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito? “Ang akbutihan mo sa buhay ang magiging
hakbang sa pag-unlad.”
A. pagwawangis C. Pagtutulad
B. Pagpapalit-tawag D. Personipikasyon
17. “Malalim ang bulsa,” ng kanyang Nanay. Ang ibig sabihin nito ay __________.
A. walang pera C. mapagbigay
B. mapera D. kuripot
18. Siya ay may Kutsarang Pilak ng ipinanganak. Ito ay nangangahulgang __________.
A. tahimik C. mayaman
B. masalita D. mahirap
19. “Ang hindi magmaal sa sariling wika, mahigit sa hayop at malansang isda.” Ito ay hango sa
tula ni ____________.
A. Apolinario Mabini C. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal D. Manuel Quezon
20. Tukuyin ang uri ng pangungusap na itong walang paksa. “Walang anuman”
A. panagot C. Eksistensyal
B. Patanong D. pormulasyong panlipunan
21. Ano ang tawag sa awit ng pag=ibig?
A. Ihiman C. Uyayi
B. Kundiman D. Tagumpay
22. Alin ang pinakatamang pahayag?
A. Sa Luneta namasyal ang mag-anak.
B. Namasyal ang mag-anak sa Luneta.
C. Ang mag-anak ay namasyal sa Luneta.
D. Nag-Luneta ang mag-anak.
23. Ang paggamit ng PUTING KALAPATI bilang sagisag ng kapayapaan ay tinatawag na
__________.
A. imahinismo C. Naturalismo
B. simbolismo D. realismo
24. “Tinaga ko sa gubat
Sa bayan nag-iiyak.”
Ito ay halimbawa ng isang _____________.
A. kawikaan C. bugtong
B. kasabihan D. salawikain
25. “Ang panalangin ay mabisang sandata sa buhay.”
Ito ay isang _____________.
A. onomatopiya C. pagwawangis
B. pagtutulad D. personipikasyon
26. alin ang pinakamalapit na salin ng “You are the apple of my eye.”
A. Ikaw ay kasing ganda ng mansanas.
B. Ikaw ay maganda sa paningin.
C. Ibibili kita ng mansanas.
D. Ikaw ang paborito ko.
27. Ang salitang nagtataglay ng KAMBAL-KATINIG ay ____________.
A. mag-aaral C. silid
B. klase D. guro
28. DAMHIN mo ang init ng pagmamahal ng iyong magulang. Ang salitang nasa malaking titik
ang nasa iyong pandiwabg di karaniwan na ___________.
A. may pungos C. may kaltas
B. may katulad D. may palit
29. Ibigay ang pokus ng pandiwa ng mga sumusunod na pangungusap. “Bumili ang Ate ng
ulam.”
A. Pokus sa aktor C. Pokus sa layon
B. Pokus sa sanhi D. Pokus sa benepaktibo
30. Ibigay ang kayarian ng paksa ng sumusunod na pangungusap. “Ang para sa iyo ay kunin mo
na.”
A. Pang-ukol C. Pantukoy
B. Pangatnig D. Pang-uri
31. “Pare-pareho kayo. Wala akong mapagpilian,” wika ng isang gurong puno ng galit sa mga
lalaking mg-aaral.
A. Walang gana sa pagtuturo.
B. Nawalan ng tiwala sa mga lalaki.
C. Walang pagtingin sa mga lalaki.
D. Hindi pare-pareho ang mga lalaki.
32. Ang pagtama sa lotto ay parang isang “suntok sa buwan.” Ano ang kahulugan nito?
A. Maaari C. Imposible
B. Pangarap D. Maaabot
33. Ito ay kuro-kuro ng patnugot hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu sa araw na iyon. Ano
ito?
A. Pitak C. Balita
B. Lathalin D. Editoryal
34. “Panahon na upang magdilat ng mata at makisangkot sa mga usapin.” Ito’y nagpapahiwatig
na ______________.
A. kalimutan ang usapin
B. magising sa koatotohanan
C. idilat ang mga mata
D. umiwas sa usapin
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na pangungusap?
A. Mayroon bang dadalo? C. Maraming salamat.
B. Umaaraw ngayon. D. Kung aalis ka.
36. “Ang lumalakad ng mabilis, kung matinik ay malalim.”
Ano ang ibig sabihin ng paalalang ito?
A. Mag-isip na mabuti sa paglalakad.
B. Mag-isip ng malalim kung naglalakad.
C. Maaaksidente ang mabilis lumakad.
D. Huwag mag-isip kung naglalakad.
37. Mahusay “maglubid ng buhangin” ang taong gipit. Ano ang ibig sabihin?
A. Magyabang C. Magpaikot-ikot
B. Magsinungaling D. Magtali
38. Huwag “pagbuhatan ng kamay” ang batang walang kalaban-laban. Ano ang ibig sabihin?
A. Itali ang kamay C. Pagbuhatin ng mabigat
B. Pagtrabahuin D. Saktan
39. “Mayroon bang pag-asa na umunlad pa?” Ano ang uri ng pangungusap na ito na walang
paksa?
A. Eksistensyal C. Pamanahon
B. Pormulasyong panlipunan D. Sambitla
40. “Inaawitan ako ng mga alon sa dalampasigan.” Ito ay halimbawa ng ___________.
A. paglilipat-wika C. pagtutulad
B. pagwawangis D. personipikasyon
41. Sino ang nagsabi ng sumusunod, “ Ang hindi magmahal sa sariling wik ay higit pa ang amoy
sa malansang isda?”
A. Jose Rizal C. Apoloinario Mabini
B. Gregorio del Pilar D. Marcelo H. Del Pilar
42. “Sa isang saglit ay naihahambing ko ang aking sarili sa isang paru-parong palipat-lipat sa
mga bulaklak.” Anong uri ng pananalita ito?
A. Patulad C. Padiwantao
B. Pawangis D.Metonomiya
43. Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng lihim na
kaligayahan. Ang mga pahayag na ito ay nagsasaad ng ____________.
A. paghihikahos sa buhay C. kapangitan ng buhay
B. kalungkutan ng buhay D. kagandahan ng buhay
44. Siya ay kauna-unahang itinanghal na hari ng balagtasan. Sino siya?
A. Idelfonso Santos C. Florentino Collantes
B. Lope K. Santos D. Jose Corazon de Jesus
45. Siya ay kauna-unahang nagsalin ng tagalog sa Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal:
A. Jose Gatmaitan C.Apolinario Mabini
B.Andres Bonifacio D. Jose Corazon de Jesus
46. Ito ay isang tulang pasalaysayna kinapapalooban ng pakikipagsapalaran, pamumuhay at
kabayanihan ng isang tauhang may pambihirang katagian at kasamang kababalaghan. Piliin sa
mga sumusunod.
A. Epiko C. Bugtong
B. Alamat D. Awit
47. Saan inaawit ang awiting-bayan na “Atin Cu Pong Singsing”?
A. Bikol C. Pampanga
B. Ilocos D. Leyte
48. Mahusay magtago ng lihim ang mga taong “mabigat ang bibig.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Hindi madaldal C. Malaki ang bibig
B. Mahiyain D. Tahimik
49. Sino ang unang bumuo ng titik ng ating pambansang awit na may pamagat na Himno
Filipino?
A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio
B. Jose Palma D. Marcelo H. Del Pilar
50. Alin ang pahayagang itinatag ni Marcelo H. Del Pilar upang ilathala ang pagbatikos sa
maling pamamahala ng mga kastila?
A. El Porvenir C. La Solidaridad
B. Diaryong Tagalog D. El Resumen
51. “Kung sa langit nabubuhay ang sa lupa ay namamatay ano’t kinatatakutan ang oras ng
kamatayan.” Anong damdamin ang ipiapahayag nito?
A. Maging matapang C. Mapagbigay
B. Maging mapagpasensiya D. Matatag sa buhay
52. Kailan ginagamit ang isang pananalitang patulad?
A. Sa paghahambing ng dalawang kaisipan
B. Sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
C. Sa paghahambing ng magkatulad na bagay
D. Sa paghahalintulad ng dalawang diwa
53. “Yumanig ang gusali sa kanyang mga yabag.” Ito’y isang ___________.
A. sinekdoke C. hyperbole
B. metafor D. personification
54. Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng mga matatanda at kinapapalooban ng
mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian. Ito ay isang _________________.
A. salawikain C. kurido
B. bugtong D. awit
55. Ito ay nagbibigay din ng opinion tungkol sa isang napapanahong isyu sa pamamagitan ng
larawan. Alin ang tinutukoy?
A. Kartong pangeditoryal C. Larawan ng huling pahina
B. Ilustrasyon D. Larawanng harap
56. Piliin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang kilusang binuo ng pangkat ng mga intelektuwal
na humingi ng reporma o pagbabago.
A. Katipunero C. Manggagawa
B. Estudyante D. Propaganda
57. Ito ay mga opisyal na wika mula sa panahon ng Republika hanggang sa kasalukuyan. Piliin
ito.
A. Filipino at Kastila C. Ingles at kastila
B. Ingles at Tagalog D. Ingles at Pilipino
58. Kailan natin ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika?
A. Marso 13-19 C. Agosto 13-19
B. Agosto 1-31 D. Hunyo 13-19
59. May pulong na gaganapin at isinulat na ang lugar, petsa at oras. Isinulat din ang “agenda”.
Ano ang maaaring salin nito?
A. Pagtatalunan C. Paghahandaan
B. Paguusapan D. Pagkakaisahan
60. Anong uri ng parirala ang mga sumusunod.
Ang matalinong mga bata ay nakakuha ng mataas na marka.
A. Pangalawang-diwa C. Pang-ukol
B. Panuring D. Pawatas
61. Pagtutulungan at pagsasama-sama ang dapat gawin ng mga mamamayan? Ano ang ayos ng
pangungusap na ito?
A. Tambalan C. Karaniwan
B. Hindi karaniwan D. Payak
62. Ano ang karaniwang iisahang pantig lamang at walang katuturang mabibigay kung nag-iisa?
A. Kataga C. Karaniwan
B. Hindi karaniwan D. Payak
63. Alin sa mga pangungusap ang walang paksa?
A. Agosto na talaga.
B.Nag-aawitan ang mga nasa loob ng simbahan.
C. Dumating ka sana sa oras.
D. Ibinigay ko na ang pera sa iyo.
64. Ilan ang kasalukuyang bilang ng ating alpabeto?
A. 30 C. 20
B. 28 D. 31
65. Alin ang angkang pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas?
A. Malay C. Indones Polinesyo
C. Indones D. Malayo Polines
ANSWER KEY

FILIPINO

1. D 34. B
2. B 35. D
3. C 36. C
4. D 37. B
5. A 38. D
6. A 39. A
7. B 40. D
8. A 41. A
9. A 42. B
10. B 43. D
11. B 44. C
12. C 45. A
13. B 46. C
14. B 47. B
15. D 48. A
16. A 49. C
17. D 50. D
18. C 51. A
19. B 52. C
20. D 53. A
21. B 54. B
22. C 55. C
23. B 56. A
24. A 57. A
25. C 58. D
26. D 59. D
27. B 60. C
28. C 61. B
29. A 62. B
30. A 63. C
31. B 64. B
32. B 65. A
33. D

You might also like