2nd Quarter Filipino 8 V.zip

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Quezon
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
Buenavista, Quezon

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8

I. PANUTO: Basahin nang mabuti ang tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.


a. Pangsang-ayon b. Pangsalungat c. Katotohanan d. Opinyon
2. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na karaniwang may
Lakandiwa na namamagitan.
a. balagtasan b. duplo c. karagatan d. karilyo
3. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.
a. Jose Rizal at Andres Bonifacio c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz
b. Juan Luna at Antonio Luna d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
4. Ito ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng isang kawil
ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.
a. Dula b. Maikling Kwento c. Sarswela d. Balagtasan
5. Ito ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.
Tinatawag din itong maikling katha.
a. Dula b. Maikling Kwento c. Sarswela d. Balagtasan
6. Sino ang tinaguriang ama ng maikling kuwento?
a. Deogracias A. Rosario c. Narciso G. Reyes
b. Rogelio R. Sicat d. Liwayway Arceo
7. Ito ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan; na ang unang taludtod ay may
limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito’y
nagtataglay ng talinghaga.
a. dalit b. tanaga c. haiku d. dula
8. Ano ang lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal ng dula?
a. tanghalan b. iskrip c. aktor d. director
9. Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at
nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at
kontemporaryong isyu. Ito rin ay impluwensiya ng mga Kastila.
a. Dula b. Maikling Kwento c. Sarswela d. Balagtasan
10. Ang pandiwang may salungguhit sa pangungusap na “Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung
sino ang napagibik na ‘yon.” ay nasa aspektong _____________
a. perpektibo b. kontemplatibo c. imperpektibo d. perpektibong katatapos
11. Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan?
a. antagonista b. ekstra c. kontrabida d. protagonista
12. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong
isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
13. Ano ang dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar?
a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan.
14. Bakit bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt?
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan.
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.
15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa
kasalukuyan?
a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan
b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa
c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in
d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad

II. KAANTASAN NG PANG-URI: Ibigay kung anong antas ng pang-uri ang ginamit sa
pangungusap.
a. LANTAY b. PAHAMBING c. PASUKDOL

16. Ang suliranin ni Ben ay lubhang masalimuot kaysa suliranin ni Mario.


17. Natutuhan namin ang wastong pagbigkas ng mga salita
18. Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.
19. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay makasaysayan.
20. Gaholen ang batong itinanggal ng duktor mula sa kidney ni Romy.
21. Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang.

III. KATOTOHANAN AT OPINYON: Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon


a. KATOTOHANAN b. OPINYON

22. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang
na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita.
23. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino.
24. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay
nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin.
25. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring
maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas.
26. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy
hanggang sa susunod na henerasyon.
27. Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt at
Panahon ng Kasarinlan ang kulturang Pilipino.
28. Kung ako ang tatanungin, hindi nakatutulong ang programang K to 12 sa edukasyon

IV. ASPEKTO NG PANDIWA: Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga
titik:
A (aspektong perpektibo), D (aspektong kontemplatibo), o
B (aspektong perpektibong katatapos), E (aspektong pawatas)
C (aspektong imnperpektibo),

29. Binubuhat ni Mang Tonio ang mabigat na sako ng bigas.


30. Halina sa kusina dahil kaluluto lang ni Inay ng meryenda.
31. Ang sanggol ay binabantayan ni Ate Carla sa sala.
32. Ang lalaki ay sumaklolo sa matandang babae na nahimatay.
33. Patutunayan ko na kaya kong pangasiwaan ang proyektong ito.
34. Sino ang mag-aalaga sa mga bata habang nagtatrabaho ka sa Dubai?

V. PANGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang A kung
itoy nagpapahayag ng pagsang-ayon at B naman kung pagsalungat.

35. Lubos akong nananalig na may plano ang Diyos sa ating lahat.
36. Iyan ay nararapat ilagay sa basurahan dahil punit-punit na ang papel mo at ang dumi-dumi pa!
37. Tunay na kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
38. Hindi ako sang-ayon dito dahil ang Pilipinas ay isang bansang sagana sa likas na yaman.
39. Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi, alam kong mahal niya ako!
40. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon sa noon.

You might also like