Pagkilala Sa Opinyon at Katotohanan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PAGKILALA SA MGA

OPINYON O
KATOTOHANAN
-Ang KATOTOHANAN ay
isang pahayag na
nagsasaad ng ideya o
pangyayaring
napatunayan at tanggap
ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian kahit sa
ibang lugar. Hindi ito
nagbabago at maaring
i-verify ang
pagkamakatotohanan nito
sa ibang sanggunian tulad
ng mga babasahin at mga
taong nakasaksi nito.
-Ang OPINYON naman ay
isang pananaw ng isang
tao o pangkat na
maaaring totoo pero
pwedeng pasubalian ng
iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas
malakas pa sa impresyon,
mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa
obserbasyon at
eksperimento.
-Sa pagpapahayag ng
katotohanan at opinion,
maaaring gumamit ng
mga sumusunod na
pananda:
-KATOTOHANAN-batay sa
resulta, pinatutunayan ni,
mula kay, sang-ayon sa,
tinutukoy ng, mababasa
sa.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng
Department of
Education, unti-unti ng
nababawasan ang mga
out of school youth.
2. Mababasa sa naging
resulta ng pananaliksik
ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad
ang turismo ng ating
bansa.
-OPINYON-sa aking
palagay, sa tingin ko, sa
nakikita ko, sa pakikiwari
ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin,
sa ganang akin.
Halimbawa:
1. Kung ako ang
tatanungin, mahalaga
sa magkaibigan ang
pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas
payapa ang buhay ng
isang taong may takot
sa Diyos.
PAGTUKOY SA LAYUNIN,
PANANAW, AT
DAMDAMIN NG TEKSTO
PANANAW-Pagtukoy
kung ano ang
preperensiya ng
manunulat sa teksto. Ibig
sabihin, natutukoy rito
kung ano ang distansya
niya sa tiyak na paksang
tinatalakay. Nasa unang
panauhan ba ito na
maaaring magpakita na
personal na perpektibo
nya sa paglalahad, o kaya
naman ay nasa ikatlong
panauhan na nagbibigay
ng obhetibong pananaw
at paglalahad sa paksa.
LAYUNIN-tumutukoy sa
nais iparating at motibo
ng manunulat sa teksto.
Mahihinuha ito sa
pamamagitan ng uri ng
diskursong ginamit sa
pagpapahayag.
Halimbawa:
Naglalarawan ba ito o
kaya ay nagkukwento
lang ng isang tiyak na
karanasan o sitwasyon?
-Maaari ding
nangangatuwiran ito o
kaya naman ay
hinihikayat ang
mambabasa na pumanig
sa opinion o paninindigan
niya. Sa layunin,
tinutukoy rin ang
suliranin o pangunahing
tanong ng akda na nais
ng solusyon ng may akda.
DAMDAMIN-
Ipinapahiwatig na
pakiramdam ng
manunulat sa teksto.
Maaaring nagpapahayag
ito ng kaligayahan, tuwa,
galit, tampo o kaya
naman ay matibay na
paniniwala o
paninindigan tungkol sa
isang pangyayari o paksa.
-Dahil sa damdamin ng
ipinahahayag ng teksto,
hindi naiiwasan na ito rin
ang nagiging pakiramdam
ng mambabasa sa
pagbabasa nito. Sa
katapusan ng pagbasa,
maari ding tasahin ng
isang mambabasa kung
nagtagumpay ba ang
manunulat na
iparamdam ang layunin
ng teksto.

You might also like