Apple FINAL DEMO FILIPINO

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Student Teacher: Apple D.

Rollorata Date: October 1, 2019


Cooperating Teacher: Ms. Edlyn P. Pacanon Time: 1:00-2:00 PM
School: Ubaldo D. Laya Memorial Central School

Banghay sa Aralin sa Filipino


Unang Baitang-Sampaguita

I. Layunin:Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao(ako,ikaw at


siya) F1WG-IIg-i-3
II. Paksang Aralin:Paggamit ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao (Ako,
Ikaw, at Siya).

Paksa:Paggamit ng mga Salitang Pamalit.


Sangunian Gabay Pang Kurikulum:Page 8
Pagpapahalaga:Maging masunurin sa magulang.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Mga bata magsitayo tayong lahat at tayo (Tumayo ang mga mag-aaral)
ay magdasal.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata. Magandang umaga po Bb. Apple


Magandang Umaga po mga kaklase.

Magsiupo na ang lahat.

3. Pagtala ng Liban

Pumasok ba ang lahat ngayon? Hindi po Ma’am.

Bibilangin ko ang mga babae at lalaki


kung ilan kayo ang pumasok ngayon.

Mga bata bigyan natin ng palakpak ang


gating mga sarili dahil tayo ay nandito (Pumalakpak)
ngayon.

Magaling!
4. Pag-Awit

Mga bata tumayo kayong lahat at aawit


tayo ng may aksyon.

“Ako,Ikaw,Tayo” “Ako,Ikaw,Tayo”

Ako, ako, ako isang kumunidad(3x) Ako, ako, ako isang kumunidad(3x)
Sumayaw-sayaw at iindak-indak(2x) Sumayaw-sayaw at iindak-indak(2x)
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat(2x) Sumayaw-sayaw katulad ng dagat(2x)
Ikaw, ikaw, ikaw isang kumunidad(3x) Ikaw, ikaw, ikaw isang kumunidad(3x)
Sumayaw-sayaw at iindak-indak(2x) Sumayaw-sayaw at iindak-indak(2x)
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat(2x) Sumayaw-sayaw katulad ng dagat(2x)
Tayo, tayo, tayo isang kumunidad(3x) Tayo, tayo, tayo isang kumunidad(3x)
Sumayaw-sayaw at iindak-indak(2x) Sumayaw-sayaw at iindak-indak(2x)
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat(2x) Sumayaw-sayaw katulad ng dagat(2x)

Okay, mga bata umupo na kayo.

5. Pagwawasto ng Takdang Aralin

Mga bata bago tayo magsimula sa ating


bagong leksyon ipasa muna ang inyong Opo ma’am.
takdang Aralin.

6. Pagsasanay

Basahin ang mga salitang nakasulat sa


plaskard. (Binasa)

AKO Ako

IKAW Ikaw

SIYA Siya

Magaling!

7. Pagbabalik Aral

Ano ang natandaan ninyo sa ating


leksyon noong nakaraang Huwebes? Ang leksyon natin noong nakaraang
araw ng huwebes ay tungkol sa mga
Tama! Palakpakan natin si Dicy. babala.
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
Sino ang makapagbigay ng halimbawa
ng babala? Okay Renee. Bawal Magtapon
Bawal Manigarilyo.
Magaling! Palakpakan natin si Renee.
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Mga bata, sino sainyo dito ang


masunurin sa mga magulang? Ako po ay masunurin sa king mga
magulang.
Ikaw ba Kristine ay masunurin din?
Opo ma’am.

Mga bata may mga larawan ako didto.

Ano ang iyong masasabi ninyo sa


larawang ito?

Itinuro niya ang kanyang sarili.

Itinuro niya ang kanyang kapatid..


Ang batang lalaki ay tinuro niya ang
babae.

Tama! Palakpakan natin si Mackoy. (Ang mga bata ay pumalakpak.)

2. Paglalahad

Mga bata may babasahin ako, makinig Opo, Ma’aam.


kayong mabuti.

Ang ako, ikaw at siya ay mga salitang


panghalili sa ngalan ng tao. Ang tawag
ditto ay panghalip.

Ang ako ay inihalili sa ngalan ng taong


nagsasalita.

Ang ikaw naman ang panghalili sa


ngalan ng taong kausap ng nagsasalita.

At siya naman ang kapalit ng ngalan ng


taong tinutukoy pero hindi naman kausap
ng nagsasalita o pinag-uusap.

3. Patatalakay

Mga bata may babasahin akong kwento


ang pamagat ay “Si Pilo Patago-tago”.

4. Pag-alis ng Sagabal

Pero bago ko babasahin ang kwento


alamin muna natin ang kahulugan ng
mahihirap na salita mula sa kwento.
1. Poste- Ito ay isang haligi o poste
kung saan kinakabitan ng
kuryente.
2. Sigaw- Tunog o malakas na
tunog na maririnig.

Ngayon alamin muna natin ang


pamantayan sa pakikinig.

Ang mga pamantayan sa pakikinig ay;


1. Umupo ng matuwid.
2. Iligay ang kamay sa lamesa,
3. At huwag mag-ingay at mag salita
sa katabi.
4. Makinig ng mabuti sa kwento.

Pabasa ng Kwento:

Mga bata ,handa na ba kayong makinig? Opo maam

“Si Pilo na Patago-tago”


Nakatayo ako nang tuwid sa likod ng
poste!”.

Ang sigaw ni Pilo sa kanyang nanay.

“Ikaw talagang bata,”ang sabi ng nanay


kay Pilo.

“Hindi ko makita si Pilo. Siya na lang


ang wala upang makaalis na tayo,” ang
sabi ni ate Bebeng kay kuya Rey.

Katanungan:
1. Ano ang sigaw ni Pilo sa Kanyang
Nanay?
2. Ano naman ang sabi ng Nanay 1. Nakatayo ako nang matuwid sa
kay Pilo? likod ng poste.
3. Ano ang sabi ni Ate Bebeng kay 2. Ikaw talagang bata”.
kuya Rey? 3. Siya nalang ang wala upang
makaalis na sila.
Magaling! Palakpakan natin si Fevy. Pumalakpak ang mga mag-aaral
5. Paglalapat

Laro
Mga bata meron akong plaskard at
bubunot kayo ng isa . Pagkatapos
gawan mo ng pangungusap ang salita na
nabunot ninyo.

Punta kayo sa harap Sirach..

AKO
Ako ay maganda.
Magaling!

IKAW
.
Ikaw ay mabait at matalino.
Magaling!

SIYA
Siya ay naglalaro.
Magaling!

Magaling! Palakpakan natin si Sirach.


Ang mga mag-aaral ay pumalakpak.
1. Pangkatang Gawain

Mga bata, papangkitin ko kayo sa limang


grupo. Ito ay ang pangkat 1,pangkat
2,3,4 at 5.

2. Pagbibigay sa mga
pamantayan sa pangkatang
Gawain

Bago tayo magsimula babasahin muna


natin ang mga pamantayan sa
pangkatang gawain.
1. Pumunta sa inyong ka grupo.
2. Pumili ng lider at taga ulat.
3. Bawat miyembro ay magbigay ng
mga ideya.
4. Gawin ang trabaho na walang
ingay.
Naintindihan mga bata?
Pangkat 1. Opo ma’am.
Magbigay ng tag-iisang pangungusap
gamit ang salitang ako, ikaw at siya.

Pangkat 2.
Punan ng panghalip na ako,ikaw, siya sa
patlang upang mabuo ang pangungusap

1. ______ ay maganda.

2. ______ay mabait at matalino.

3. ______ay ang aking kaibigan.

Pangkat 3.
Salungguhitan ang mga panghalip sa
ginagamit na pangungusap.

1. Siya ay aking mabuting kaibigan.

2. Kumain muna ako bago umalis ng


bahay.
3. Ikaw ba ang kasama ng kuya ko
sa paglalaro kahapon?

Pangkat 4.
Magbigay ng tatlong pangungusap gamit
ang panghalip na ako , ikaw at siya.

Pangkat 5.
Sumulat ng tag-iisang pangungusap
gamit ang salitang ako, ikaw at siya.

4. Paglalahat

Dicy, ano ang natutunan mo sa ating


aralin ngayon?

Magaling! Palakpakan natin si Dicy. Ang natutunan ko sa aralin natin ngayon


ay tungkol sa mga salitang pamalit sa
ngalan ng tao gamit ang ako, ikaw at
siya.
Para saan ba natin gagamitin ang
salitang ako? Ang mga mag-aaral ay pumalakpak.
Magaling! Palakpakan natin si Fevy. Gagamitin ito para a ating sarili o
Kailan naman gagamitin ang salitang sa taong nagsasalita.
ikaw?
Para saan naman gagamitin ang salitang
siya? Gagamitin ito para panghalili sa taong
Magaling! kausap mo.

Sino naman makapagbigay ng Ang salitang siya ay kapalit ng ngalan ng


pangungusap gamit ang panghalip na taong tinutukoy pero hindi mo kausap.
ikaw.
Ang mga bata ay pumalakpak.
Magaling! Palakpakan natin si ethan.

Sinong naman makapagbigay ng Ikaw ay mabait at matalino.


pangungusap gamit ang panghalip na
siya
Ang mga bata ay pumalakpak.
Magaling! Palakpakan natin si beneth.

Siya ay naliligo araw-araw.

Ngayon, mga bata kunin ninyo ang


inyong mga lapis. Ang mga bata ay pumalakpak.

IV. Pagtataya

1. Ito ang aking ginuhit na larawan. ______ ang gumawa nito.


2. Ito naman ay gawa ng aking kapatid. Mas matanda_____ kaysa sa akin.
3. Halika rito sa tabi ko; gusto kong _____ ang kasabay kong kumain.
4. Mas matangkad pa_____ kay sa akin.

V. Kasunduan
Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang ako, ikaw at siya.

You might also like