Ibong Adarna Tauhan at Mga Katangian NG Bawat Isa
Ibong Adarna Tauhan at Mga Katangian NG Bawat Isa
Ibong Adarna Tauhan at Mga Katangian NG Bawat Isa
Tauhan at mga
Katangian ng
Bawat Isa
deviantart.com/princess-phoenix
noypi.com.ph/ibong-adarna-tauhan
Ang Ibong Adarna ay isang korido na sinasabing isinulat ni José de la Cruz na kilala rin sa
bansag na Huseng Sisiw. Ito ay patungkol sa isang mahiwagang ibon na may kakayahang
magpagaling ng sakit.
Bukod sa ibon at kay Don Juan, marami pang ibang mga tauhan ang kasama sa koridong
Ibong Adarna. Kabilang na nga d’yan ang mga kapatid at mga babaeng inibig ni Don Juan.
Para kilalanin ang iba pang mga tauhan, narito ang aming ginawang post na pinamagatang
“Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa”.
1. Ibong Adarna
Isang engkantada; ibon na may magandang tinig na nakakapagpagaling ng may sakit
2. Don Juan
Bunsong prinsipe na may mabuting pag-uugali; nakahuli sa Ibong Adarna; napangasawa ni
Prinsesa Maria Blanca
3. Don Fernando
Hari ng Berbanya na may makatarungang pamumuno; asawa ni Donya Valeriana; ama nina
Don Pedro, Don Diego at Don Juan
4. Don Pedro
Panganay sa tatlong prinsipe; mainggitin; mahilig magtaksil at maghiganti; napangasawa ni
Prinsesa Leonora
5. Don Diego
Pangalawang prinsipe na madaling napapasunod ni Don Pedro; napangasawa ni Prinsesa
Juana na kapatid ni Prinsesa Leonora
6. Prinsesa Juana
Prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higante; kapatid ni Donya Leonara; unang inibig ni
Don Juan
7. Prinsesa Leonora
Muntik nang mapangasawa ni Don Juan; kapatid ni Donya Juana; ikalawang inibig ni Don
Juan; napangasawa ni Don Pedro at naging reyna sa Berbanya
2
noypi.com.ph/ibong-adarna-tauhan
8. Maria Blanca
Prinsesa ng Reyno delos Cristales; may taglay na mahika blanka na tumulong kay Don Juan
para mapagtagumpayan ang mga pagsubok ni Haring Salermo; siya ang pinakamaganda sa
tatlong anak ni Haring Salermo; ikatlo at huling inibig ni Don Juan; siya rin ang nakatuluyan ni
Don Juan sa dulo ng kwento
9. Haring Salermo
Hari ng Reyno delos Cristales; tusong ama ni Maria Blanca; may taglay na itim na mahika na
kanyang ginagamit upang subukin ang mga nagtatangkang manligaw sa kanyang anak
11. Manggagamot
Ang gumagamot sa sakit ni Haring Fernando; siya rin ang nagsabi na ang tanging lunas sa
sakit ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna
17. Higante
Pinaslang nio Don Juan upang mailigtas si Prinsesa Juana na kapatid ni Prinsesa Leonora
3
noypi.com.ph/ibong-adarna-tauhan
19. Lobo
Alaga ni Prinsesa Leonora na initusan niya upang hanapin at iligtas si Don Juan ng siya ay
makalawang ulit na pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego
22. Arsobispo
Ang nagsabi na dapat piliin ni Don Juan si Prinsesa Leonora dahil ito ang mas nauna kaysa
kay Prinsesa Maria Blanca
4
You May Also Like