Adyenda

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

National Capital Region


Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 12
I. TUNGUHIN
A. PAMANTAYANG Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong
PANGNILALAMAN sulatin
B. PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
PAGGANAP sulatin
C. KASANAYANG Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
PAMPAGKATUTO sulatin - CS_FA11/12PU-0d-f-93
D. DETALYADONG Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
KASANAYANG sumusunod:
PAMPAGKATUTO A. Naipaliliwanag ang halaga ng adyenda sa pagsasagawa ng
pulong
B. Nabibigyang halaga ang gamit ng iba’t ibang bahagi ng
adyenda ng pulong
C. Nakasusulat ng adyenda ng pulong batay sa isang memorandum
II. NILALAMAN
A. PAKSA Adyenda
•Mga Bahagi ng Adyenda
III. MGA KAGAMITAN
A. KAGAMITAN AT laptop, projector, manila paper
SANGGUNIAN
Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
 Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc
B. IBA PANG
SANGGUNIAN
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Magbabalik-aral ang klase hinggil sa tinalakay na paksa sa nakalipas na
nakaraang aralin at/o aralin – ang Kahalagahan ng Adyenda. Tatawag ang guro ng mga piling
pagsisimula ng mag-aaral upang tukuyin at ipaliwanag ang gamit ng adyenda sa isang
bagong aralin pulong.

Mga Pagpipilian:
a. Nagsasaad ng mahahalagang impormasyon ukol sa pulong
b. Nagtatakda ng balangkas ng daloy ng pulong
c. Naglalahad ng mga napagdesisyunan sa pulong
d. Nagsisilbing talaan o tseklist ng pulong
e. Nakatutulong sa paghahanda ng mga kasapi ng pulong
f. Nagpapanatili sa pokus ang usapin ng pulong
g. Naghahayag ng kautusan mula sa taong nakatataas sa
kompanya

B. Paghahabi ng Ilalahad ng klase ang kaugnayan ng adyenda sa memorandum at


layunin katitikan ng pulong sa tulong ng pigura sa ibaba.

Memorandum

Adyenda

Katitikan ng
Pulong

Tanong ng Guro:
1. Ano ang ugnayan ng memorandum, adyenda at katitikan ng pulong sa
bawat isa?

C. Pag-uugnay ng Magpapabasa ng halimbawang memorandum at adyenda ang guro sa


mga halimbawa sa mga mag-aaral; pagkaraan ay ipasusuri ng guro sa klase ang ugnayan ng
bagong aralin layunin ng memorandum sa halimbawang adyenda na ipinabasa.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc
Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc

Tanong ng Guro:
1. Mula sa halimbawang memorandum, suriin ang adyenda batay sa
nilalaman nito, masasabi bang ito ay may kaugnayan sa isa’t isa?
Patunayan.

D. Pagtalakay ng ADYENDA
bagong konsepto at
paglalahad ng  Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), ang adyenda ang
bagong kasanayan #1 nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pulong.
 Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa
mga susi ng matagumpay na pulong.
 Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa
mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

E. Pagtalakay ng Muling babalikan ng klase ang halimbawang adyenda. Tatakalakayin ng


bagong konsepto at klase ang iba’t ibang bahagi ng adyenda at ang gamit o layunin nito sa
paglalahad ng bgong sulatin.
kasanayan #2
Tanong ng Guro:
1. Ano-ano ang iba’t ibang bahagi ng adyenda? Ibigay ang
pangunahing layunin ng bawat bahagi nito.

F. Paglinang sa Pangkatang Gawain


Kabisaan (Tungo sa Magbibigay ang guro ng mga halimbawang memorandum hinggil sa
Formative Assessment) isasagawang pulong na nagmula sa iba’t ibang larangan. Mula sa
binasang memorandum, bubuo ang bawat pangkat ng halimbawang
adyenda na naaayon sa wastong pormat nito.

PAMANTAYAN sa PAGMAMARKA ng GAWAIN PUNTOS


1. Kawastuhan ng nilalaman ng bawat bahagi. 60
 Bantas
 Baybay
2. Kaayusan ng pormat ng sulatin. 30
3. Kalinisan sa paggawa ng sulatin. 10
Kabuuan 100

a. Presentasyon ng bawat pangkat


b. Pag-aanalisa sa nabuong gawain ng bawat grupo

G. Paglalapat ng aralin Tanong ng Guro:


sa pang-araw-araw na  Anong katangian bilang empleyado ang maaaring mahubog sa
buhay iyo sa pagkaalam sa pagsulat ng adyenda ng isang pulong?

H. Paglalahat ng aralin Tanong ng Guro:


 Bakit mahalaga ang kaalaman sa pagsulat o pagbuo ng adyenda
sa isasagawang pulong?
 Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng adyenda?

I. Pagtataya ng aralin Maikling Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang impormasyong inilalarawan sa bawat bilang.

1. Sa bahaging ito, nililista ang mga pangalan ng taong inaasahang


dadalo sa isang pulong. Mga Dadalo
2. Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang layunin ng isasagawang
pulong. Sa paksa iikot ang daloy ng magaganap na pulong.
Paksa/Layunin ng Pulong
3. Sa bahaging ito, ipinakikilala ang tiyak na taong magtatalakay sa isa sa
mga paksa ng pulong. Taong Tatalakay ng Paksa
4. Ang pagtukoy sa tiyak na oras ang magsisilbing gabay sa mga dadalo
ng pulong kung gaano ang haba ng panahong magugugol sa pulong.
Oras ng Pulong
5. Ang bahaging ito ng adyenda ang nagsasaad ng pook na
pagdadausan ng pulong. Lugar/Pook ng Pulong
6. Tinutukoy sa bahaging ito ang araw ng pagsasagawa ng pulong. Petsa
ng Pulong
7. Ang bahaging ito ng adyenda ang magsisilbing gabay sa
tagapanayam o tagapagsalita kung gaano kahaba ang panahon ng
kanyang pagtalakay sa paksang iniatang sa kanya sa sa pagsasagawa
ng pulong. Oras ng Pagtalakay
8. Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang paksang tatalakayin ng isang
tagapanayam o tagapagsalita sa isang pulong. Paksang Tatalakayin
9. Layunin ng kasulatang ito ang pagtatakda ng mga paksang tatalakayin
sa isang pulong. Adyenda
10. Ito ang kasulatang pinaghahanguan ng mga tala sa bubuoing
adyenda. Memorandum
J. Karagdagang Takdang Aralin
gawain para sa 1. Magdala ng 2 piraso ng bond paper.
takdang aralin at 2. Magbalik-aral sa iba’t ibang bahagi ng adyenda at humanda sa
remediation pagsulat ng ikatlong awtput sa Ikalawang Markahan.

Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)  Christian George C. Francisco at


Mary Grace
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _____
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation _____
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin _____
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng
aking punungguro?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda:

MARVIN A. VALIENTE
Master Teacher I

Binigyang-puna:

CLARISSA P. TIBAR
ABIS LR Coordinator

Pinagtibay:

HENRY A. SABIDONG
Principal III
Republic of the Philippines
National Capital Region
Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong

Mga Halimbawa ng Adyenda

BABAE AKO MOVEMENT


M.H. Del Pilar, Palatiw, Pasig City
______________________________________________________________________________

MEMORANDUM

Para sa: Mga Opisyales ng Babae Ako Movement


Mga Miyembro ng Babae Ako Movement

Mula kay: Maligaya Capulong


Pangulo ng Samahang BABAE AKO Movement
Petsa: Setyembre 25, 2018
Paksa: Pagpupulong Hinggil sa Kalagayan ng Maternity Leave Bill

1. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang nakatakdang pulong ng Babae Ako Movement sa


darating na Setyembre 28, 2018, mula ika-1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, sa
Artemio Hall ng ABM Hotel, sa Sta. Cruz, Maynila.
2. Pag-uusapan sa nasabing pulong ang kalagayan sa Mababang Kapulungan ng Maternity
Leave Bill na sinusuportahan ng samahan.
3. Kaugnay nito, magbibigay ng impormasyon sa nabanggit na panukala ang sumusunod na
tagapanayam upang talakayin ang iba’t ibang paksa hinggil rito:

Paksa Tagapanayam
Kalagayan ng panukala sa Kongreso Arlyn Brosas,
Kinatawan ng Gabriela
Benepisyo ng panukala sa mga Maligaya Capulong,
kababaihang manggagawa Pangulo ng Babae Ako Movement
Karapatan ng mga Kababaihang Atty. Norma Salazar,
Manggagawa Miyembro ng Babae Ako Movement

4. Inaasahan ang inyong pagdalo sa nabanggit na gawain.


ABM Corporation
Dr. Pilapil St., San Miguel, Pasig City
______________________________________________________________________________

MEMORANDUM

Para sa: Mga Pangalawang Pangulo


Mga Superbisor
Mga Puno ng Kagawaran

Mula kay: Mariano Ponce


Pangulo ng ABM Corporation
Petsa: Setyembre 21, 2018
Paksa: Pagpupulong sa Pagsasapinal ng mga Aktibidades Kaugnay sa Pagdiriwang ng Ika-
50 Taong Anibersaryo ng ABM Corporation

1. Ipinababatid sa lahat ang isasagawang pulong ng mga opisyales/puno ng kompanya sa


darating na Setyembre 25, 2018, mula ika-9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa
Silid Pulungan ng Abados Building.
2. Bibigyang-tuon sa pulong ang pagsasapinal sa mga programa at aktibidades na
isasagawa ng kompanya sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo nito.
3. Magbibigay ng mga ulat ang sumusunod na kawani hinggil sa nabanggit na gawain.

Paksa Tagapagsalita
Pagpaparangal sa mga Tapat na Lilibeth Monleon,
Manggagawa ng ABM Corporation Puno ng HR Department
Pag-uulat sa daloy at pisikal na ayos ng Sally Niño,
programa sa araw ng anibersaryo Puno ng Layout and Design Department
Pagtalakay sa mga gastusin sa Hilario Tambol,
pagdiriwang Puno ng Accounting Department

4. Ang pagdalo ng lahat ay inaasahan.


Saint Anthony Academy
San Joaquin, Pasig City
______________________________________________________________________________

MEMORANDUM

Para sa: Pangalawang Punong Guro


Mga Puno ng Kagawaran
Mga Guro

Mula kay: Mariano Ponce


Punong Guro ng SAA
Petsa: Setyembre 21, 2018
Paksa: Pagpupulong Kaugnay sa Pakikiisa ng Paaralan sa Pagsasagawa ng National
Earthquake Drill

1. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang pulong na isasagawa ng paaralan sa darating na


Pebrero 2, 2017, mula ika-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa Silid Pulungan ng
CBJ Building.
2. Ang isasagawang pulong ay nauukol sa pakikibahagi ng paaalan sa isasagawang
Nationwide Earthquake Drill sa darating na Pebrero 15, 2017.
3. Nakatakdang talakayin ng sumusunod na pinuno ng paaralan ang mga paksang kaugnay
rito:

Paksa Tagapagsalita
Layunin ng National Earthquake Drill Oscar Pamintuan
Pangalawang Punong Guro
Plano ng Paaralan sa Pakikiisa sa Thomas Aguilar
National Earhquake Drill Puno ng School Risk Reduction
Committee
Pagtalakay sa mga Dapat at Hindi Joseph Santos
Dapat Gawin Habang at Pagkatapos Miyembro ng School Risk Reduction
ng Lindol Committee

4. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.


MARIANO HOLDINGS CORP.
San Jose, Mandaluyong City
______________________________________________________________________________

MEMORANDUM

Para sa: Mga Pangalawang Pangulo


Mga Superbisor
Mga Puno ng Kagawaran

Mula kay: Nicanor Buenaventura


Pangulo ng Mariano Holding Corp.
Petsa: Setyembre 25, 2018
Paksa: Pagpupulong Kaugnay Kalagayang Pinansyal ng Mariano Holdings Corp. sa
Ikatlong Kwarter ng 2018

1. Isinasangguni sa lahat isasagawang pulong ng kompanya ngayong Setyembre 28, 2018,


mula alas-8:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga, sa Silid Pulungan ng Buenaventura
Building.
2. Pag-uusapan sa pulong ang kalagayang pinansyal ng kompanya sa pagtatapos ng
ikatlong kwarter ng taong 2018.
3. Tatalakayin ng sumusunod na pinuno ng kompanya ang sumusunod na paksa:

Paksa Tagapagsalita
Kita ng Kompanya sa Huling Dalawang Joselito Magbanua
Kwarter ng Taon Puno ng Kagawaran ng Pananalapi
Mga Suliranin Kinaharap at Solusyong Thomas Aguilar
Isinagawa ng Kompanya Puno ng Kalakalan ng MH Corp.
Plano ng Kompanya sa Pagpasok ng Lynette Cruz
Ikaapat na Kwarter ng 2018 Pangalawang Pangulo ng MH Corp.

4. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.

You might also like