Maestre Edrolin Loquias
Maestre Edrolin Loquias
Maestre Edrolin Loquias
N.V.M Gonzales
Mula sa malayo, ang tangi kong natatanaw sa nayon ay ilang punong niyog
at ang kampanaryo ng lumang simbahang bato. Sa gawing kanan ay naroon ang dagat-
dagatan na kinasasalaminan ng araw na papalubog. Ang murang bughaw na kulay ng
tubig ay napalitan ng naningningn na pilak; yaon ay napakarikit sa pangmalas, kayat
biglang bigla aking nadamang ako'y hindi handa upang magmasid sa gayong lalang ng
kalikasan. Ako'y laging nasa lunsod at ang aking paniniwala'y doon lamang may pintig
ang buhay at kaipala'y doon lamang mananatili sa mga panahong ito ng digmaan;
ngunit kakaiba ang nakita ko ngayon sa nayon, namulaklak ang mga punong mangga
sa tabing-daan, matatabang kalabaw na nagsisipanginain sa mga bukiring hindi pa
inaararo, at mga lalaki at babaing nasisigawa sa kanilang mga itikan. Saan man ako
tumingin ay paulit-ulit iyon sa mga batang namimingwit, at laong malapit sa akin, sa
pawisan at payat na kabayong humihila nang walang pagtutol sa aming karitela.
Mandi'y magpapatuloy ang lahat ng bagay sa gayong kaayusan, at ako'y nakaramdam
ng pagkahiya dahil sa paniniwala sa isang uri ng buhay na salat sa katotohanan at
kaipala'y lisya.
"Malayo ka pa'y nakilala na kita, " wika niya na iniabot ang kamay. Pinisil ko ito
nang bahagya, at nang naglalakad na kaming patungo sa bahay nila, ay tinanong ko:
Natawa siya. " Alam ko! Kagabi lamamng ay pinag-uusapan ka namin. Sinabi ni
Tatatang na kapag dumating ka ay walang pagsalang may balita sa kanya."
Samantala, ang ina ni Nena ay nakihalubilona rin sa amin. Nang dumating ako'y
abala siya sa paghahanda ng hapunan sa kusina, at may kung anong bagay sa
kanyang pagkasalubong sa akin na nagpatiwasay sa aking kalooban. Itinanong ko kung
saan naroroon ang ibang mga bata, sina Lilia at Eva. Ang mga ito ay nagsidalo, anya,
sa isang pulong ng samahang Katoliko; gayundin ang dalawang kapatid na lalaki ni
Nena, sina Felipe at Lucas. "Salamat sa Diyos", ang wika ni Gng. Gomez," ang
digmaan ay nagpasok ng relihiyon sa isip ng mga lalaking iyon. Ngunit marahil ay
gutom na gutom ka na sa pagkakapaglakbay mo mula sa lunsod," anya pa; at
pagkasabi nito'y iniwan kami.
Sa loob ng mga isang oras marahil, si Nena, ang kanyang ama at saka ako'y
nalibang sa pag-uusap sa may berenda, palibhasa'y napakaraming ibig na itanong sa
akin ng matanda. Di-karingat-dingat ay tinanong ako ni Nena.
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang gayon."Walang dahilan upang ako'y
matakot," sagot ko. "Maliban sa mga sirangtulay ay hindi ako nakatagpo ng sagwil sa
daan.
"A, anak," at natawa si G. Gomez," iyan ang lihim. Sinasabi ko sa iyo, ang
karamihan sa tinatawag nating mga balakid at mga kahirapan ay namamahay lamang
sa guni-guni. Iyan ay mapatutunayan mo rin, balang araw.
"Sa halimbawa, noong mga unang araw namin dito," patuloy ni G. Gomez sa
kanyang malambot at mala-gong na tinig, "ay sari-saring kahirapan ang naguguniguni
namin. Ngayon ay wala na sa aming isipan ang anuman. Ang totoo ay napamahal sa
amin ang pook na ito. Inakala naming kapag may masasakyan na ay babalik kami sa
siyudad; ngunit binago namin ang lahat ng aming balak."
Nagsimulang ngumiti sa akin si Nena, at inakala kong ang ibig niyang sabihin ay:
"Ganyan talaga ang Tatang! Madalas siyang magbago ng isipan. At lagi naman siyang
hindi namamali!" Ngunit pagkaraan pa ng ilang saglit ay nagsawalang-kibo na siya at
waring nababahala sa anumang sasabihin pa ng kanyang ama.
Ang pasong nasa gitna ng mesitang nasa nakapagitan sa amin ay inilagay ng
matanda sa isang tabi, at nakita ko ang kanyang mga mata ay maalab. "Bakit kami,
aalis sa pook na ito ngayon?" tanong niya. "Sagana kami rito sa lahat ng bagay. Hindi
kami kakapusin sa pagkain. Sa isda? Masagana sa isda ang dagat-dagatan. Bigas?
maari kaming kumuha na ilang kaban at hindi namin kailangang magbayad ng kahit
isang sentimong higit sa dapat naming ibayad. At hindi ko pa nasasabi sa aking
pamilya," ang tuwirang wika niya sa akin, "ngunit mayroon akong kakilalang malapit dito
na dating naglilingkod sa pamahalaan' sinabi niya sa akin na maaari kong bilhin ang
ilang ektarya ng kanyang lupa. Naiisip kong mag-itikan at magtanim ng mga gulay. Ano
ang palagay mo riyan, Antonio?"
"Iyan po'y kapaki-pakinabang gawin sa mga araw na ito," ang tugon ko, sapagkat
wala na akong masabi pang iba.
"Noong una'y para kaming nahihintakutan dito," patuloy niya. "Kami 'y
nababahala nang gayon na lamang sa magiging buhay namin. Ngunit kung may
ipinagkaloob na anuman ang digmaan sa amin, iya'y ang lakas ng loob" Nagniningning
ang kanyang paningin at di-sinasadya ay napatingin siya sa malayo na parang may
itinatago. Nagpukol siya ng tingin sa mga alitaptap na nagkuti-kutitap sa may mga
punong papaya sa bakuran. "Noong una, akala nami'y mauuwi na sa wala ang lahat
dahil sa digmaan. Ngayon ay iba na ang palagay namin. Walang anumang nawawala.
Lagi nang ang buhay ay muling natatagpuan."
Pinaraan ko ang ilang sandali. Hindi ko maaaring masabi sa kanya kung bakit
ipinasiya kong pumaroon.
"Sa lunsod," masigasig niyang tanong, "ang lahat ba roon ay nasa mabuting
kalagayan? Nagtatrab aho ka pa rin ba?"
"Ninanais mo bang mamalagi na rito?" ang ganti kong tanong, nang hindi muna
sinasagot ang kanyang tanong.
Ako'y natawa. "Hindi kailanman, Nena," wika ko. "Ang ibig kong sabihin ay
hindi ako nakahanda. Hindi ko matiyak ang aking damdamin. Pinakikinggan mo ba
ako?"
Hindi ako nakatulog sahil sa malalim na pag-iisip. Alam kong iniibig ako ni Nena at ako'y
nagtungo roon upang magtapat na sa kanyang mga magulang. Sa aking ispan ay alam
ko ang lahat ng dahilan kung bakit hindi napapanahon ngayon ang pag-aasawa, ngunit
may isang bagay na nagsasabi sa aking kailangang gawin ko ito ngayon o kailanman
ay huwag na. Ito'y lulutas sa suliranin kung may pagtitiwala ako sa buhay o wala, kung
natutumpak ang katandaan o ang kabataan.
Noong mga huling araw ng Disyembre, 1941, ang mga anak na Gomez, katulad
ng maraming taga-Maynila, ay nagsilikas. Ang mag-aanak ay nagtungo sa nayong ito at
iniwan nila ng kanilang bahay sa lungsod. Katulad ng sinabi ni G. Gomez, "hindi mo
maaaring malimot ang pook na nilakhan ng iyong mga anak ," ngunit ang kataka-taka
ay nakalimot siya't ni hindi na siya nag-iisip pang bumalik. Naiisip ko kong baka
ipinalalagay niyang may kalupitan sa buhay na nakikilala ng tao sa lungsod. Ngunit
alam man niya ito o hindi, ay natagpuan niya ang isang karanasang pansarili na
kasinghalaga na rin ng isang katotohanan , at mandi'y nahahanda siyang subukin ang
natuklasan niyang kaalaman. Kung dapat o hindi na makibahagi ako sa kanyang
pagsubok na ito ay isang bagay na kailangang lutasin.
Matagal akong nakaupo sa may beranda. Hindi ko natitiyak kung sino iyon,
ngunit naulinigan kong may nanaog sa may halamanan. Noon din ay nagunita ko ang
dagat-dagatan, at ang gunitang ito'y biglang naging isang bagay na walang katuturan
kung ihahambing sa halimbawang itinatanghal ngh kung sino, upang makita ng aking
sariling mga mata sa halaman sa ibaba. Ngunit madilim-dilim pa noon at ang tanawin ay
natatakpan ng mga punong papaya.
" Nasa may halamanan, nagtatanim ng ilang bitsuwelas. Hindi niya nasabi sa iyo
kagabi ang ukol sa kanyang kinahuhumalingan ngayon ang paghahalaman - ano?"
"Hindi, ngunit tunay nga kayang siya iyon?" ang wika ko. "Mabuti pa'y magtungo
ako sa halamanan. Pagkatapos ng kanyang sinabi kagabi, sa palagay ko'y mabuti pang
iliban muna natin sandali ang pagtungo sa may dagat-dagatan. Huwag mong
kalilimutan, Nena, na ako'y may mahalagang bagay na sasabihin sa kanya".