EsP DLL 8 Module 8 1st Day PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 8

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagiging mapanagutang
Pangnilalaman lider at tagasunod.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging
Pagganap mapanagutang lider at tagasunod.

C. Mga kasanayan sa a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. EsP8P-Ilg-8.1
Pagkatuto. Isulat ang code b. Nailalarawan ang mga katangian ng isang mapanagutang lider at at tagasunod.
ng bawat kasanayan c. Naipahahayag ang natukoy na kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod sa
pamamagitan ng isang tagline.

II. Nilalaman Modyul 8: Ang Mapanagutang Pamumuno At Pagiging Tagasunod


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 98-104


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 195-205


Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

130
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Sagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10 minuto)
aralin at pagsisimula ng (Reflective Approach)
bagong aralin.
Paunang Pagtataya
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
b. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan

2. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.


a. Awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat
b. Impluwensya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin
c. Karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat
d. Posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

3. Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na layon ng kanyang
pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay ng
kahulugan, kapanatagan at kaligayahan sa kanyang buhay. Siya ay may __________________.
a. Kakayahang pamahalaan ang sarili

131
b. Kakayahang makibagay sa sitwasyon
c. Kakayahang makibagay sa personalidad
d. Kakayahang makibagay sa mga tao

4. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na
pinipili ng mga tao?
a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya
b. Nagpapamalas ang lider ng integridad
c. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kanyang tagasunod
d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat

5. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ________________.


a. Paggalang sa awtoridad
b. Pakinabang na tinatanggap
c. Parehong paniniwala at prinsipyo
d. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider

6. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan ng
__________________________.
a. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
b. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
c. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
d. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

7. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsensya na gagabay
sa kanya sa pagtupad ng kanyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan sa trabaho
b. Kakayahang mag-organisa
c. Mga pagpapahalaga

132
d. Pakikipagkapwa

8. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod, maliban


sa:
a. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
b. Pagiging tapat, maunawain at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan ang kapwa
c. Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
d. Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba

Para sa Bilang 9 at 10, basahin at unawain ang isinasaad ng talatang nasa kahon.
Si Cris “Kesz” Valdez ay tumanggap ng International Children’s Peace Prize, isang
pagkilala sa mga kabataang nagpapakita ng bukod-tanging paggawa at ideya upang
makatulong sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng iba pang mga kabataan sa buong
mundo. Sa gulang niyang pito, pinamumunuan ni “Kesz” ang Championing Community
Children na binubuo ng mga batang lansangan. Tinawag nilang Gifts of Hope ang
ipinamimigay nila na naglalaman ng tsinelas, laruan, toothbrush, kendi at iba pa. Tinuruan
din nila ang mga kabataang ito na maging malinis sa katawan, kumain ng masustansyang
pagkain, alamin at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ipinaunawa rin nila ang
kahalagahan ng pagtutulungan at pagtuturo sa isa’t isa upang lumawak ang kanilang
kaalaman at kasanayan.

Sa kanyang tweet isang araw bago ang parangal, lubos ang kanyang pasasalamat sa Diyos
sa kanyang pagiging kinatawan ng mga kabataang Pilipino at ng bansang Pilipinas. Hinangad niya
na sana ay maging inspirasyon siya ng mga taong makakapakinig sa kanya, upang makagawa rin
sila ng mabuti sa mga batang higit na nangangailangan sa iba’t ibang panig ng mundo.

133
9-10. Alin sa sumusunod na katangian ng mapanagutang lider ang ipinakita ni Kesz? Pumili ng
dalawang katangian.

a. Pagbibigay ng inspirasyon sa mga kasama sa pangkat


b. Patuloy na paglilinang ng kaalaman at kasanayan ng mga kasama sa pangkat upang patuloy
na umunlad
c. Pagkakaroon ng tiwala sa kakayahan ng iba upang sila ay maging lider din
d. Pagkakaroon ng positibong pananaw
e. Kakayahang maglingkod at tugunan ang pangangailangan ng kapwa
f. Kakayahang tukuyin ang suliranin at magsagawa ng isang gawaing lulutas dito
g. Kahusayan sa pagplaplano at pagpapasya
h. Kahandaang makipagsapalaran

B. Paghahabi sa layunin ng 1. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak  Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
 Nailalarawan ang mga katangian ng isang mapanagutang lider at at tagasunod.
 Naipahahayag ang natukoy na kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod sa
pamamagitan ng isang tagline.

2. Tumawag ng 3 mag-aaral na sasagot sa mga katanungan.


 Bakit mahalagang maunawaan at gampanan ang aking tungkulin bilang lider at tagasunod?
 Ano ang maaari kong maibahagi sa lipunan bilang mapanagutang lider at tagasunod?
(gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Sagutan nang may katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang kakayahang maging
halimbawa sa bagong mapanagutang lider at tagasunod. Lagyan ng tsek ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan
aralin ng iyong kakayahan sa pamumuno at pagsunod. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

134
Mga Palagi Madalas Paminsan-
Pahayag (3) (2) minsan
(1)
1. Sapat ang aking kaalaman at
kasanayan upang mamuno.
2. Patuloy ang pagpapaunlad ko sa aking
sariling kakayahan sa pamumuno.
3. Ako ay isang mabuting halimbawa sa
aking kapwa kabataan.
4. Tinatanggap ko at ginagampanan ko
ang aking tungkulin bilang lider.
5. Kinikilala ko ang mga kasapi ng
pangkat, pinangangalagaan at
ipinaglalaban ko ang kanilang
kapakanan.
6. Inilalahad ko ang layunin ng pangkat at
ang direksyong tatahakin sa
pagkakamit nito.
7. Kinikilala ko at tinutulungang paunlarin
ang potensyal ng bawat kasapi na
maging lider din.
8. Gumagawa ako ng mga pagpapasiyang
makatuwiran at napapanahon.
9. Tinuturuan ko ang mga tagasunod ng
paggawa nang sama-sama at
nagbibigay ako ng pagkakataon
upang subukin ang kanilang
kakayahan.

135
10.Nagbibigay ako ng nararapat na
impormasyon sa mga kasapi ng
pangkat.
11. Gumagawa ako ng aksyong tugma sa
ipinatutupad ng lider.
12.Aktibo akong nagpapasya upang
makatulong sa pagsasakatuparan ng
gawain ng pangkat.
13.Nagpapakita ako ng interes at
katalinuhan sa paggawa.
14. Ako ay maaasahan at may
kakayahang gumawa kasama ang iba
upang makamit ang layunin.
15.Kinikilala ko at iginagalang ang
awtoridad ng lider.
16.Alam ko ang aking pananagutan sa
maaaring ibunga ng aking mga kilos at
gawa.
17.Aktibo akong nakikilahok sa mga
gawain ng pangkat.
18.Kritikal kong sinusuri ang ipinagagawa
ng lider kung ito ay makatutulong upang
makamit ang mabuting layunin ng
pangkat .
19.Malaya kong ipinahahayag nang may
paggalang ang aking opinyon kapag
gumagawa ng pasya ang pangkat.
20.Pumipili ako ng isang mapanagutang
lider

136
Interpretasyon ng Iskor

51 – 60 Wala nang hahanapin pa. Maaari kang makatulong upang maging gabay at
mapagsanggunian ng iba sa kanilang paglinang ng kasanayan sa pamumuno at pagiging
tagasunod. Ang iyong kakayahan sa pamumuno at pagiging tagasunod ay kahanga-
hanga at dapat tularan!
41 – 50 Kinakikitaan ka ng pagsusumikap na maging isang mapanagutang lider at tagasunod.
Maaaring ibahagi ang kasanayan. Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng sarili sa kapwa!
16 – 40 Mayroong pagsusumikap na malinang ang kakayahan sa pamumuno at pagiging
tagasunod. Ipagpatuloy!
15 - Nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan ang maging isang mapanagutang lider at
pababa tagasunod. Magkaroon ng pagsusumikap at sumangguni sa taong maaaring makatulong
sa iyo upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa pamumuno at pagiging tagasunod.

D. Pagtalakay ng bagong 1. Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa salitang LIDER at
konsepto at paglalahad TAGASUNOD. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist
ng bagong kasanayan #1 Approach)

137
2. Sumangguni sa dalawang kamag-aral. Pag-usapan ang mga isinulat na salita o grupo ng salita
tungkol sa lider at tagasunod. Itala ang mga salita o grupo ng mga salita sa angkop na kahon:
kung Lider o Tagasunod. (gawin sa loob ng 5 minuto (Collaborative Approach)

LIDER TAGASUNOD

3. Itala sa iyong notbuk ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang


pagsangguni. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

138
E. Pagtalakay ng bagong Itala ang mga samahan o pangkat, maaaring sa loob ng paaralan (hal. pangkatang gawain sa klase,
konsepto at paglalahad Peace Club) o sa labas ng paaralan (hal. Sangguniang Kabataan, basketball team) na iyong
ng bagong kasanayan #2 kinabilangan. Ilagay kung ano ang iyong naging katungkulan o kasalukuyang katungkulan. Maaari
mong dagdagan ang talaan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Mga Samahan o Pangkat Aking Katungkulan
na Aking Sinalihan
Halimbawa: Lider
1. Group 2 – pangkatang gawain sa EsP
2. Supreme Student Government Kalihim
3. Dance Troupe (elementarya) Kasapi
Ikaw naman:
1.
2.
3.
4.
5.

F. Paglinang sa Sa iyong journal, sumulat ng pagninilay tungkol sa mga tungkuling iyong ginagampanan bilang lider at
Kabihasahan (Tungo sa bilang tagasunod. Gamiting gabay sa pagsulat ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 5
Formative Assessment) minuto) (Reflective Approach)
a. Suriin ang mga tungkuling ginagampanan mo sa mga samahang iyong kinabibilangan. Ano ang mas
marami, ang iyong pagiging lider o ang pagiging tagasunod?
b. Alin sa mga kinabibilangan mong samahan ang labis mong pinahahalagahan? Bakit?
c. Ano ang iyong tungkulin sa nabanggit na samahan? Paano mo tatayahin ang antas ng iyong
pagganap sa iyong tungkulin? (Mula 1 hanggang 10; iskor na 1 kung pinakamababa at 10 kung
pinakamataas). Ipaliwanag ang iskor na ibinigay.
d. Ano sa palagay mo ang dapat mo pang gawin upang mapaunlad ang pagganap mo sa mga
tungkuling kasalukuyang nakaatang sa iyo?

139
G. Paglalapat sa aralin sa Itala ang mga pansariling katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod. (gawin sa loob ng 5
pang-araw-araw na buhay minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

Lider Tagasunod

H. Paglalahat sa aralin Ikaw man ay isang lider o tagasunod mahalagang malinaw sa iyo ang mga tungkulin na
kailangan mong gampanan. Kahit ano pa man ang iyong gampanin, ang tagumpay ng pangkat ay
nakasalalay sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang kasapi nito. Nararapat mong taglayin ang mga
katangiang kinakailangan upang maging isa kang mapanagutang lider o tagasunod.

I. Pagtataya ng Aralin A. Sumulat ng isang Tagline sa inyong notbuk tungkol sa kahalagahan ng pagiging mabuting lider at
tagasunod.
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 40%
c. Orihinalidad 20%

J. Karagdagang gawain para Magsaliksik sa internet, magasin, diyaryo o mga artikulo ng mga kilalang lider. Itala ang kanilang mga
sa takdang aralin at katangian bilang isang mapanagutang lider. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
remediation
IV. MgaTala

V. Pagninilay

140
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punongguro at
superbisor?

141
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

142

You might also like