Mga Tala Sa Tekstong Naratibo

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga tala sa Tekstong Naratibo

Ikaw ba ay nakaranas nang basahan ng kwento ng iyong mga magulang, guro, iyong kaibigan, o ng ibang tao? Alam mo
ba na ang kanilang sinasalaysay sa iyo ay nabibilang sa tekstong naratibo? Halina’t ating alamin ang kahulugan ng
tekstong ito at kung anu-ano ang elemento nito!

Ano ang Kahulugan ng Tekstong Naratibo?

Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong naglalayong magsalaysay ng kwento o pangyayari. Ang pagsulat nito ay
maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang
karanasan. Ito ay maaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip
ng manunulat (piksyon).

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa akdang piksyon ay nobela, maikling kwento, at
tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa naman ng hindi piksyon ay talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng
halimbawang nabanggit ay nagtataglay ng masining na pagsasalaysay, nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa,
at nagpapakita ng iba’t-ibang imahen, metapora at mga simbolo.

Elemento ng Tekstong Naratibo:

1. Paksa - Ang paksa ang siyang iniikutan ng kwento sa tekstong naratibo. Sa pagpili ng paksa, mahalagang isaalang-
alang ang magiging papel nito sa lipunan.

2. Estruktura - Ang estruktura ay ang pagkakaayos ng daloy ng mga pangyayari sa kwento. Ang kabuuang estruktura
ng kwento ay kinakailangang maging malinaw at lohikal.

3. Oryentasyon - Ang oryentasyon ay ang malinaw na pagbibigay ng deskripsyon ng may akda sa mga tauhan, tagpuan
at mga pangyayari sa kwento. Ang manunulat ay dapat makapagbigay ng tiyak na detalye upang maipadama sa mga
mambabasa ang realidad ng kaniyang akda.

4. Pamamaraan ng Narasyon:

Ito ay estilo kung paano isinalaysay ng manunulat ang kabuuan ng kwento. Ang ilan sa mga paraan ng pagsasalaysay ay
makikita mo sa ibaba:

 Diyalogo – Ito ay estilo ng narasyon kung saan ang pagsasalaysay ng kwento ay naipapahayag sa pamamagitan ng
pag-uusap ng mga tauhan.
 Foreshadowing – Ito ay ang pagbibigay ng pahiwatig ng may akda sa kung ano ang maaring maganap sa istorya
 Plot twist– Sa mga tekstong naratibo, ang plot twist ay ang hindi inaasahang kaganapan sa daloy ng kwento.
 Ellipsis (Iceberg Theory of Hemingway) – Ang ellipsis ay ang pagtatanggal ng manunulat ng ilang yugto ng
kwento upang mabigyan ng pagkakataon ang mambabasa na magbigay ng sarili nilang salaysay.
 Comic Book Death – Ito ay isang estilo ng pagsasalaysay kung saan pinapatay ng manunulat ang mga
mahahalagang tauhan ngunit sa pahuling bahagi ng kwento, ito ay bigla na lamang magpapakita para bigyan ng
linaw ang mga nangyari.
 Reverse Chronology – Isang paraan ng pagsasalaysay kung saan ang kwento ay nagsisimula sa dulong bahagi
hanggang sa makapunta sa simula.
 In medias res – Ang narasyon ay nagsisimula sa gitnang bahagi ng kwento.
 Deus ex machina (god from the machine) – Sa estilong ito, nabibigyan ng solusyon ang matinding suliranin sa
pamamagitan ng hindi inaasahang mga tauhan, bagay o pangyayari. Ang mga susi sa suliranin ay hindi ipinakita o
ipinakilala sa bandang unahan ng kwento, sa halip, sila ay bigla na lamang sumulpot sa istorya.
 Anachrony – pasalaysay ng hindi maayos ang pagkakasunod-sunod
 Analepsis – flashback
 Prolepsis – flash-forward
 Ellipsis – may puwang sa pagsasalaysay

5. Komplikasyon o Tunggalian - Ang tunggalian ay ang nagbibigay ng “thrill” o pagkasabik sa kwento. Ito ay
karaniwang nagpapakita ng pagsubok na kinakaharap ng pangunahing tauhan.
6. Resolusyon - Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Ang resolusyon ay maaring maging masaya o
malungkot. Maari din namang magtapos ito sa hindi tiyak na kalalabasan kung saan ang mambabasa ang siyang mag-iisip
sa kung ano ang kinahantungan ng kwento.
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-naratibo/

Iba Pang Teknik o Pamamaraang Maaring Gamitin sa Pagbuo ng Kwento

Pagbibigay-Pahiwatig (foreshadowing) - Ang pagbibigay ng pahiwatig ay isang paraan upang ihanda ang mga
mambabasa sa kung ano ang mga susunod na pangyayari sa kwento. Ang manunulat at maaring maging mahusay sa
pagbibigay ng pahiwatig tulad ng mga paparating na bagyo na magmumungkahi ng panganib na darating. Maaari ring
direktang sasabihin ng tauhan ang tungkol sa kabutihan ng kamatayan kaysa mawalay sa isa’t isa. Minsan ang may-akda
ay gumagamit ng huwad na mga pahiwatig upang iligaw ang mambabasa. Tinatawag itong "red herrings," sa Ingles at
madalas itong ginagamit sa pagsulat ng misteryo.

Layunin ng Pagbibigay-Pahiwatig

1. Maragdagan ang dramatikong pag-igting ng kwento sa pamamagitan ng pagbuo ng pag-asa tungkol sa mangyayari sa
kwento.

2. Lumilikha ng kapanabikan upang ihatid ang impormasyon na tutulong sa mga mambabasa na maunawaan kung ano
susunod na mangyayari.

Pamamaraan ng Pagpapahiwatig: Maglagay ng mga pahiwatig, parehong mahiwaga at direkta sa teksto.

1. Bigyan ang mga mambabasa na direktang impormasyon sa pamamagitan ng pagsasabi ng isang nalalapit na
kaganapan o nagpapaliwanag ng mga plano ng mga tauhan.

2. Ilagay ang mga pahiwatig sa unang ilang mga pangungusap ng isang kuwento o kabanata upang ipahiwatig ang mga
tema na magiging mahalaga sa kwento.

3. larawan ang reksyon ng tauhan sa mga bagay sa kanilang kapaligiran upang ipakitang magiging mahalaga ito sa takbo
ng pangyayari.

4. Gamitin ang mga pagbabago sa panahon o kondisyon upang iparamdam kung mabuti o masamang kapalaran ang
susunod na pangyayari.

Pagbabalik-tanaw (flashback)- Ang paglipat ng isang kuwento sa isang mas maagang kaganapan na pumipigil sa
normal na daloy o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.

Frame Story - Ito ay isang pampanitikang pamamaraan na minsan na nagsisilbi bilang isang bahagi o kasamahan ng
isang kuwento sa loob ng isang kuwento. Kung minsan ay mayroon itong pambungad o panimulang pagsasalaysay upang
ihanda ang mga mambabasa sa ikalawang kuwento. Dadalhin nito ang mambabasa ng unang kwento sa ibang mumunti o
bagong kwentong napapaloob dito.

Deus Ex Machina - Isang uri ng paglalahad ng banghay kung saan ang isang problemang tila wala nang kalutasan ay
malulutas sa isang kamangha-mangha at hindi inaasahang pamamaraan tulad ng pagdating ng bagong tauhan, o bagong
kaganapan, kakayahan o bagay.

Daloy ng Kamalayan (stream of consciousness) - Ito ay isang pamamaraan sa literatura kung saan Itinatala ang
sari-saring saloobin at damdamin ng isang tauhan na walang malinaw o lohikal na argumento o pagkakaayos ng
pagsasalaysay. Ginagamit ito ng manunulat upang sumubok ipakita ang mga pwersang panlabas man o panloob na
nakaiimpluwensya sa ugali ng isang tauhan sa isang kaganapan o pagkakataon.

You might also like