Talambuhay
Talambuhay
Talambuhay
Dahil sa ako’y bunso halos lahat ng gusto ko noon ay nakukuha ko. Spoiled aq lalong
lalo na ng aking ama. Natatandaan kopa noon na kahit ako ang may kasalanan ang
pinapagalitan at pinapalo ay ang aking mga kuya.
Marami akong nahiligan noong ako'y nasa murang edad pa lamang. Ngunit ang
paglalaro ng "basketball" ang s'yang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng
kasiyahan sa mga sports o mga hilig sa buhay kahit hindi na ako nakakapaglaro nito,
masaya akong nanonood at minsan pa ay ako ang nagiging announcer o isa sa
management. Mahilig din akong gumawa ng mga gawaing bahay na nagsisilbing
kasanayan ko sa aking pagtanda. Pero sa lahat-lahat, ang pag-aaral ang aking
nananatiling aking hilig sa lahat ng bagay. Mahirap man o nakakatamad sa umpisa,
ngunit ito ay aking nilalabanan sapagkat ito ang pinakamahalagang instrumento upang
ako'y mamuhay ng mabuti at masaya.
Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang magbibigay
sa akin upang makamit ko ang aking mga pangarap para ako'y maging matagumpay,
hindi lang sa aking sarili, kundi rin sa aking kapwa