DROGA
DROGA
DROGA
II PANIMULA
Maliban sa kung ano ang droga, dapat mo ring malaman kung ano ang
epekto nito saiyo kung gagamit ka nito. Ang totoo, ang epekto ng
droga ay iba-iba depende sa mga katangian at ugali ng tao. Ang laki ng
pangangatawan, kasarian, pakiramdam, mga kinakain, edad at
kalusugan ay ilan lamang sa mga salik ng epekto ng droga sa isang
tao. Kasama rin dito ang dami at uro ng drogang ginamit, paano ito
ginamit at ang kapaligiran ng isang tao habang ito ay kanyang
ginagamit.Ang ilan sa mga gumagamit nito ay nagiging depress,
agrisibo, inaantok, tinatamad, paranoid, hindi mapakali at madaldal.
Ang paggamit ng droga ay maaaring mauwi sa emosyonal at sosyal na
mga problema. Mas malala, may epekto ito sa relasyon mo sa mga
mahal mo sa buhay tulad ng mga kaibigan at kapamilya. Dito sa
Pilipinas, bawal ang pagtatago, paggawa, pagbenta o paggamit ng
iligal na droga. Ang kaparusahan ay maaaring pagkakakulong ng
habambuhay kasama na ang mabibigat na multa dahil sa paglabag sa
mga batas ng Pilipinas laban sa ipinagbabawal na gamot. Kung
sakaling makalaya ka man, ikaw ay may criminal na record na
magiging dahilan ng kahirapan sa paghahanap ng marangal na
trabaho.
III MGA ARGUMENTO SA ISYU
A. Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak
sa resulta.Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo).
Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka). Ang mas
marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.Ito ay totoo sa
kahit anumang droga. Tanging ang daming kinakailangan para
makamit ang epekto ang naiiba.Ngunit maraming droga ang may ibang
panganib: ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring
pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa
kanyang paligid. Bilang resulta, ang mga kilos ng taong iyon ay
maaaring maging kakaiba, hindi makatwiran, hindi naaangkop at
maaari pang mapanira.Hinaharangan ng mga droga ang lahat ng mga
pandama, ang mga kanais-nais ay pinapalitan ng mga hindi kanais-
nais. Kaya, habang nagdudulot ng panandaliang tulong sa
pagpapaginhawa ng sakit, tinatanggal din ng mga ito ang kakayahan
at kalistuhan at pinalalabo ang pag-iisip.Ang mga medisina ay mga
drogang inilayon para mapabilis, mapabagal o mabago ang isang
bagay tungkol sa paano gumagana ang iyong katawan, para subukang
mapahusay ang paggana nito. Minsan ay kinakailangan ang mga ito.
Ngunit ang mga ito ay mga droga pa rin: kumikilos ang mga ito bilang
mga pampasigla o mga sedatibo, at ang sobra ay makamamatay sa
iyo. Kaya’t kapag hindi mo gagamitin ang mga medisina tulad ng kung
papaano dapat gamitin ang mga ito, maaaring maging kasing-panganib
ng ilegal na mga droga angmga ito.Ang tunay na kasagutan ay ang
alamin ang mga katotohanan at hindi gumamit ng mga droga sa simula
pa lamang. Akala nila na ang mga droga ay solusyon. Ngunit kalaunan,
ang mga droga ang nagiging problema.Mahirap mang harapin ang mga
problema, ang mga kalalabasan ng paggamit ng droga ay palaging mas
malala kaysa sa problemang sinusubukang lutasin sa paggamit ng mga
ito. Ang tunay na kasagutan ay ang alamin ang mga katotohanan at
hindi gumamit ng mga droga sa simula pa lamang.
B.