Modyul 16

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ESP-8

MODYUL-16
(Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino)

GUILLER N. HERRADURA ELEONOR P. GARCIA


Isinumite ni Isinumite kay

MA. AUREA NONITA E. ORIGINES


Binigyang pansin ni
I. LAYUNIN
(EsP8IP-IVg-16.1 )
Natutukoy ang mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.

(EsP8IP-IVg-16.2 )
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
(EsP8IP-IVh-16.3)
Nahihinuha na ang banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay mapagtatagumpayan sa tulong ng
pagpapatatag ng pagmamahalan sa pamilya at paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro nito.

II. PAKSA

Panitikan: Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino


Kagamitan: Powerpoint Presentation
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Modyul Para sa Mag-aaral
https://www.youtube.com/watch?v=prtrFyYJijs

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Balik- Aral

AKTIBITI

Motibasyon

Videoclip tungkol sa mga OFW.

-Sino-sino ang miyembro ng pamilya ang ipinakita sa komersyal?


-Ano ang karaniwang dahilan ng pagpunta sa ibang bansa ng mga Pilipino ang naipakita
sa komersyal?
-Ano ang tanging nag-uugnay sa mga miyembro ng pamilya na nagkalayo at ano ang
nagpapatatag sa kanilang ugnayan?
-Ano ang mga sakripisyo ng bawat miyembro ang naipakita sa komersyal?
-Kung ikaw tatanungin nanaisin mo din bang mangibang bansa?

ANALISIS

1. Videoclip mula sa pelikulang “Anak” ni Vilma Santos.


-Ano ang ipinakita ng video?
-Ano ang dahilan kung bakit naging ganoon ang asal ng anak sa kanyang ina?
-Makatuwiran ang ba ang inasal ng anak?
-Paano maiiwasan ang ganitong pangyayari sa pamilyang may miyembro na
nangingimbang bansa o OFW?
.

2. Pagtalakay sa Paksa

 Ano ang migrasyon? Paano ito nagsimula?


 Mga dahilan ng migrasyon
 Positibo at negatibong epekto ng pangingimbang bansa ng magulang
 Mga paraan sa pagharap sa hamon ng migrasyon

ABSTRAKSYON

Ang banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay mapagtatagumpayan sa


tulong ng pagpapatatag ng pagmamahalan sa pamilya at paghubog ng pagkatao
ng bawat miyembro nito.

APLIKASYON

Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na nagpapahayag ng antas ng iyong pananaw.


Lubos ang Sang-ayon Hindi gaanong Hindi sang-
Mga Pahayag pagsang-ayon sang-ayon ayon

1. Ang pangingibang bansa ay


karaniwan na sa mga Pilipino
2. May positibong epekto sa katatagan
ng pamilya ang migrasyon
3. Nakakaangat sa katayuan
ng pamilya ang migrasyon
4. Matatag ang komunikasyon
ng pamilya dahil sa migrasyon
5. Gumagaya ang anak sa
magulang na mangibang-bansa
6. Responsable ang anak na
ang magulang ay nasa abroad
7. Nararapat na makapagtrabaho
ang Pilipino sa ibang bansa
8. Lubos ang pagkakahubog ng anak
na nasa abroad ang magulang
9. Naipagmamalaki ang kultura
ng Pilipino sa ibang bansa
10. Ang migrasyon ang tumutugon
sa pag-asenso sa Pilipino
PAGTATAYA

Magbigay ng mga positibo at negatibong epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino.

Positibo Negatibo
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________

IV. KASUNDUAN

Sumulat ng isang repleksyon batay sa nasa larawan.

You might also like