Pen 2
Pen 2
Dahil sa paghihirap at pagtitiis ng nakataling si Florante, iniisip niya ang napakagandang kasintahang si Laura.
Ibinigay niya ang kanyang karalangan dahil gusto niyang ipagtanggol ang kaharian ng Albanya, at ito'y
pinapamunuan ni Haring Linseo na butihing ama ni Laura. Ibinigay din niya ang karangalan at kayamanan ng
kanyang duking ama. Nakalulungkot, sa kabila ng lahat ng mga ito, nanaig ang kasamaan ni Konde Adolfo.
Maraming beses nanalangin si Florante sa Diyos upang siya ay kaawaan at bigyan ng katarungan na napapaharap
sa kanya. Dahil sa labis na pagdurusa niya nawawalan ng siya ng bait. Pero sa tuwing ibinubukas niya ang mga mata
niya, si Laura ang tanging nakikita niya. Naaalaala niya ang kanilang pangako sa isa't isa bago siya tumungo sa
digmaan. Pinabaunan siya ni Laura ng mga luha at inihanda ang kanyang turbante na pinalamutian ng perlas,
topasyo, maningning na rubi, at pinalibutan ng diyamante ang sagisag na letrant L. halos maasira ang puso ni
Florante sa labis na pagdaramdam kay Laura pero patuloy siyang nagsasabi na tanging si Laura lang ang
makapaghihilom ng kanya at pusong sugatan. Grabe ang pagseselos ang kanyang nararamdaman dahil inagaw sa
kanya si Laura ni Adolfo na isang mangaagaw ang pagibig ni Laura. Kay grabeng kirot nga para sa kanya na halos
mamatay na siya.
Ang aral sa kabanata ng Florante at Laura na ang pamagat ay Laura, Bakit ka Nagtaksil ay una, maging matapang
tayo lalo na sa pagtatanggol sa ating sariling nararamdaman at sa ating mga minamahal. Kung mahal mo ang isang
tao, huwag mong hayaan o payagan ang mga hadlang na maging dahilan para mailayo o mapahamak ang taong
minamahal mo. Kahit na naging bayani si Florante ng Albanya para sa karangalan ng ama ni Laura na si Haring
Linseo, pinayagan parin nitong manaig ang kasamaan ni Adolfo na maagaw ang puso ni Laura. Pangalawa, huwag
mong ibigay ang lahat ng nasa iyo para sa taong mahal mo para hindi ka magsisi sa huli. Ibinigay na ni Florante ang
lahat kay Laura maging ang kayamanan ng kanyang ama, rubi, at iba pa pero sa huli ay naagaw parin siya ni Konde
Adolfo.
Ang Gubat na Mapanglaw ay ang ikatlong kabanata ng mahabang tula na may pamagat ng Florante at Laura. Ang
ilan sa mga mahahalagang salita at maaaring maging bahagi ng iyong talasalitaan ay ang mga sumusunod na mga
kataga:
Sa pagkaka alam ko itoy madilim at nakakatakot na gubat
Sa gubat ding iyon ay dumating ang isang matikas na gerero. May putong na turbante at may kasuotang moro na buhat pa ng Persiya. Sa lugar na iyon siya
itinataboy ng kapalaran. Tumigil sa paglalakad ang moro at naghanap ng punong kahoy na mapagpapahingahan. Umupo siya sa ilalim ng puno at doon nagsimulang
magmuni-muni ng kanyang nakaraan. Lumuha ang moro nang sumagi sa isipan ang kasintahang si Flerida. Labis ang kanyang pagdaramdaman sa nagging kataksilan
ng sukan na ama dahil inagaw ang pinakamamahal niyang babae sa balat ng lupa.
Pahalagahan at matutong ipaglaban ang ating pagmamahalan kung nararamdaman nating ito ay wasto.
TALASALITAAN ito ay isang pangkat at grupo ng mga salita na pamilyar na salita na sa araw araw ginagamit ng mga tao at gamit sa komunikasyon at pangkaalaman.
PAG IBIG isang konsepto na nagbibigay ligaya sa ating puso at buhay at isang matibay na pundasyon sa buhay ng tao. MAKAPANGYARIHAN ibig sabihin ay walang
nakatapat ay nakakapantay sa sukat kung gaano kaimpluwensya at malakas ang isang posisyon ng tao
Nagkataon namang sa gubat ding iyon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na umalis sa sariling bayan dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama sa
pagkakaagaw sa kanyang kasintahan. Sa lilim ng punong kahoy siya'y umupo at lumuluha habang binabanggit ang pangalan ng kanyang mahal na si Flerida.
Sinambit ni Aladin ang laman ng kanyang puso at diwa: O pagsintang labis ng kapangyarihan,sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;'pag ikaw ang nasok sa puso
ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang!" nangangahulugan ang pahayag niyang ito na labis na makapangyarihan ang pag-ibig sapagkat kahit ano ay maaari
mong gawin upang ipaglaban ang iyong nararamdaman para sa iyong pinakamamahal.
Nang marinig ang katakot-takot na tunog sa gubat, pinuntahan ni Aladin ang pinanggalingan nito. Nakita niya ang nakagapos na si Florante at ang dalawang leon.
Naawa siya sa kalagayan ni Florante na nakatali sa isang puno at handa ng laspagin ng mga gutom na leon. Nang akmang dakmain na si Florante ng koko ng leon, ay
siya namang pagtaas ng taga ni Aladin at walang tigil pinagtatataga niya ang dalawa hanggang sa leon hanggang sa mamatay. Kinalagan niya si Florante at ito ay
tiningnan ng mabuti at siya ay naawa sa sitwasyon ng isang tikas bayaning walang malay. Pagkatapos ng ilang sandali, gumising si Florante at napayapa na ang
kanyang kalooban.