Fil 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Third (3rd) Periodical Test

Filipino 5

Name:____________________________________________ Grade & Section : ______________________


Date: ________________________________________ Teacher: Ms. Ma. Lalaine Paula P. Zapata

Panuto: Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.

1. ___________ Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.


___________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
2. ___________ Minahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.
___________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay wagas.
3. ___________ Mahigpit na yinakap ng ina ang kanyang mga anak.
___________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.
4. ___________ Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.
___________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.
5. ___________ Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.
___________ Naalala ko ang nakatutuwang bakasyon natin noong isang taon.
6. ___________ Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.
___________ Siya ay magalang na nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.
7. ___________ Husto ang pag-aaral ni Roberto para sa mahabang pagsusulit.
___________ Nag-aral nang husto si Roberto para sa mahabang pagsusulit.
8. ___________ Si Nora Aunor ay sunud-sunod na pinarangalan ng iba’t-ibang organisasyon.
___________ Sunud-sunod ang mga parangal na ibinigay ng iba’tibang organisasyon kay Nora
Aunor.
9. _____________ Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.
_____________ Matulin tumakbo ang kabayong itim.
10. _____________ Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
_____________ Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.

Panuto: Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na
pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.

Panuto: Ikahon ang pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay panang-ayon, pananggi,
o pang-agam. Salungguhitan ang salita na binibigyan ng turing ng pang-abay.

___________ 1. Opo, napakaganda ng mga tanawin dito sa Palawan!


___________ 2. Tila naiinis na ang guro sa maiingay na mag-aaral.
___________ 3. Walang maidudulot na kabutihan ang panunukso.
___________ 4. Talagang laging malikot ang batang iyan!
___________ 5. Hindi nakatatawa ang mga biro mo.
___________ 6. Marahil uuwi kami sa probinsiya bago mag-Pasko.
___________ 7. Sige, tutulong ako sa paggawa ng malaking parol.
___________ 8. Tila masyadong mabagal ang takbo ng trapiko ngayon.
___________ 9. Tiyak na mas mahusay sa pagtugtog ang pangkat natin!
___________ 10. Hindi natukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Panuto: Pagmasdan at suriin ang poster. Ano sa palagay moa ng mensaheng ipinahihiwatig nito? Isulat ang
iyong sa got sa loob ng kahon.
Panuto: Tamang pagbaybay ng salita. Makinig mabuti sa mga salitang bibigkasin ng guro. Isulat ito sa
inihandang patlang.

1. ______________________________ 6. ______________________________
2. ______________________________ 7. ______________________________
3. ______________________________ 8. ______________________________
4. ______________________________ 9. ______________________________
5. ______________________________ 10. ______________________________

Panuto: Basahin ang maikling pabula.


Ang Aso at ang kanyang Anino
Isang aso ang naghuhukay sa lupa. Tuwang-tuwa siya nang makakita siya ng isang malaking buto na
nakabaon kung saan siya naghuhukay. Dali-daling kinagat ng aso ang buto upang dalhin sa kanyang tirahan.
Ngunit nang siya ay malapit na sa kaniyang bahay ay may nadaanan siyang isang malalim na ilog.
Pinagmasdan niya ang tubig sa ilog at doo’y nakita niya ang kanyang anino. Akala ng aso ay mayroon pang
isang asong may kagat na buto sa ilalim ng tubig. Naisip ng aso na agawin ang buto na kagat-kagat ng aso sa
tubig. Tinahulan niya ito. Dahil dito, nahulog sa sapa ang butong kagat-kagat ng aso. Sa lalim ng tubig ay
hindi na niya nakuha pa ang buto. Umuwing gutom at malungkot ang aso. Dahil sa kanyang kasakiman ay
nawala ang pagkain na hawak na niya.
Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang nahukay ng aso?


a. Karne b. Ginto c. Buto

2. Saan dapat dadalhin ng aso ang nahukay na buto?


a. Sa palengke b. Sa parke c. Sa kanyang bahay

3. Ano ang nakita ng aso sa tubig?


a. Isa pang aso b. Kanyang anino c. Malaking isda

4. Ano ang ginawa ng aso sa kanyang anino?


a. Kinausap niya ito. b. Kinamusta niya ito. c. Kinahulan niya ito.

5. Ano ang nangyari sa butong kagat-kagat ng aso?


a. Nahulog ito sa ilog.
b. Nanakaw ito ng ibang aso.
c. Ibinigay niya ito sa ibang aso.

6. Ano ang aral na makukuha natin sa pabula?


a. Huwag makipag-usap sa hindi kakilala.
b. Huwag maging sakim.
c. Angkinin ang mga bagay na hindi sa atin.

You might also like