0% found this document useful (0 votes)
268 views

Fil 4

Ang dokumento ay isang pagsusulit sa Filipino na may iba't ibang uri ng tanong tulad ng pagpili ng sagot mula sa ibinigay na opsyon, pagbuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na pangngalan at pang-uri, at pag-sagot sa mga tanong tungkol sa ibinigay na kuwento.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
268 views

Fil 4

Ang dokumento ay isang pagsusulit sa Filipino na may iba't ibang uri ng tanong tulad ng pagpili ng sagot mula sa ibinigay na opsyon, pagbuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na pangngalan at pang-uri, at pag-sagot sa mga tanong tungkol sa ibinigay na kuwento.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 3

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Pangalan:______________________________________________________________________________
Baitang/Antas: ________________ Seksyon:______________________ Petsa: _____________________

Panuto:. Alin sa kanila ang iyong gagamitin upang masagot ang mga sumusunod na tanong? Bilugan
lamang ang titik ng tamang sagot.

________ 1. Ang kahulugan ng kapayapaan.


a. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

________ 2. Kontinenteng katatagpuan ng bansang may pinakamalaking produksiyon ng sigarilyo.


a. pahayagan b. almanac c. diksyunaryo d. magasin

________ 3. Nagwagi sa palarong boxing.


a. Atlas b. pahayagan c. diksyunaryo d. almanac

________ 4. Mga kwentong bayan.


a. Mga aklat b. encyclopedia c. magasin d. atlas

________ 5. Taunang mahalagang nangyayari sa isang bansa.


a. Atlas b. almanac c. mga aklat d. pahayagan

________ 6. Tamang bigkas ng cilia.


a. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

________ 7. Buhay ng idol mong artista


a. Magasin b. encyclopedia c. pahayagan d. atlas

________ 8. Ang direksyon mula Cuba papuntang Estados Unidos.


a. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

________ 9. Balita tungkol sa pagtaas ng halaga ng piso.


a. pahayagan b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

________ 10. Heograpiya at klima ng isang lugar.


a. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

Panuto: Nasa loob ng kahon ang mga pangngalan. Piliin ang angkop na pangngalang bubuo sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. Monggol b. Luneta Park c. ibon d. linggo e. guro

_____ 1. Mabait ang aking __________ na si Gng. Astrera.


_____ 2. Nagsisimba ako tuwing araw ng __________.
_____ 3. Masarap mamasyal sa ___________.
_____ 4. Ang __________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.
_____ 5. Ang gamit kong lapis ay __________ .

Panuto: Piliin pang-uri sa bawat pangungusap. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Mabait na anak si Jordan.


a. mabait b. anak c. Jordan
2. Masarap ang ginawang tinapay ni Nanay.
a. Nanay b. tinapay c. masarap

3. Ang lapis ni Maria ay mapurol.


a. lapis b. Maria c. mapurol

4. Gusto ko uminom ng malamig na tubig.


a. uminom b. malamig c. tubig

5. Ang mga gulay na ito ay sariwa.


a. gulay b. ito c. sariwa

6. Matulis na gunting ang gamitin mo.


a. matulis b. gunting c. gamitin

7. Ang kaibigan ko ay matalino.


a. kaibigan b. ko c. matalino

8. Naglakad kami sa maputik na kalsada.


a. maglalakad b. maputik c. kalsada

9. Masarap ba ang luto ni David?


a. masarap b. luto c. David

10. Mahusay na manunulat ang tito ko.


a. mahusay b. manunulat c. tito

11. Masagana ang ani ng mga magsasaka.


a. ,magsasaka b. masagana c. ani

12. Kumain tayo ng masustansiyang pagkain.


a. kumain b. masustansiyang c. pagkain

13. Malulusog ang mga anak ni Martha.


a. malulusog b. anak c. Martha

14. Tumawid ng daan ang matandang babae.


a. tumawid c. matandang c. babae

15. Maraming tao ang nanood ng programa.


a. Marami b. nanonood c. programa

Panuto: Basahin ang bawat kuwento at sagutin ang bawat tanong na kasunod nito. Bilugan lamang
ang titik ng tamang sagot.

Isang aso ang nakapulot ng buto habang ito ay naglalakad. Madali niya itong kinagat at itinakbo. Sa
kanyang pag-uwi ay napadaan siya sa isang tulay at sa kanyang pagtawid sa tulay ay nakita niya sa tubig
ang anyo ng isang aso na may kagat-kagat na buto. Sa pag-aakala na ibang aso ang nakita niya sa tubig ay
tinahulan niya ito. Dahil dito nahulog ang buto na kagat-kagat niya at huli na nang malaman niya na ang
aso pala na nakita niya sa tubig ay walang iba kundi ang sarili niya kaya dahil sa nangyari, lulugu-lugong
umuwi ang aso.

1.Ano ang napulot ng aso?


A. bata B. buto C. lata D. pusa
2. Saan niya nakita ang asong may dalang buto?
A. bahay B. dagat C. puno D. tubig

3. Bakit nahulog ang dalang buto sa tubig?Ang aso ay _____


A. nadapa B. nagalit C. nakipaglaro D. nakatulog

4. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. Matamlay B. Masaya C. umiyak D. masigla

5. Anong aral ang napulot sa kuwento? maging _________


A. Matalino B. Mabait C. mapagbigay D. suwail

Naligaw sa gubat sina Ben, Milo at Willie. Humingi sila ng tulong saisang matanda. Subalit sa halip
na bigyan sila ng pagkain, inutusan silang maglinis ng maruruming pako. Hindi sumunod sina Ben at Milo.
Si Willie lamang ang matiyagang naglinis ng maruruming pako. Isang maruming singsing ang nakita
niya sa mga pako. Nang ikuskos niya iyon para luminis, lumitaw ang isang engkantada.
Sinabi nito kay Willie na kanya na ang mahiwagang singsing. Maaari rin siyang humiling dito ng
kahit ano. Iyon ang gantimpala niya sa kanyang pagiging matiyaga.

6. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. bumati B. lumapit C. lumabas D. tumingin

7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa batang si Willie?


A. matiyaga B. mabilis C. mabilis D. malinis

8. Ano ang angkop na pamagat ng kuwento?


A. Ang Regalong Ginto B. Mahiwaang Singsing
C. Ang Batang Matiyaga D. Isang Babaeng Engkantada

Ika-15 ng Mayo ang kaarawan ni Mang Sidro. Naghanda ang mag-iinang aling Delay, Bong, Rona at
Cherry sa ika-35 taong kaarawan ni Mang Sidro. Madaling araw pa lamang ay gising na ang mag- anak.
Inihanda ng mag-iina ang mga pagkaing dadalhin. Samantala, ang mag-amang Sidro at Bong ay naghanda
ng kanilang sasakyan. Tag-init noon kaya sa tabing-ilog sila nagpiknik. Nagsawa sa paglalangoy ang
magkakapatid. Mag-iikaapat ng hapon nang sila’y umahon sa tubig. Masayang- masaya ang mag-anak sa
ika-35 taong kaarawan ni Mang Sidro.

9. Tungkol saan ang kuwento?


A. Pagpipiknik ng buong mag-anak.
B. Pamamasyal sa tabing-ilog ng buong mag-anak.
C. Pagdiriwang sa tabing-ilog ng buong mag-anak.
D. Paghahanda sa nalalapit na kaarawan ni Mang Sidro.

10. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?


A. Malungkot na umuwi ang pamilya ni Mang Sidro.
B. Ginabi na sa pag-uwi ang pamilya ni Mang Sidro.
C. Nagkasakit ang pamilya ni Mang Sidro.
D. Napagod ang mga anak ni Mang Sidro.

You might also like