September 23

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Macasandig, Lungsod ng Cagayan De Oro

Kagawaran ng Filipino
Ikalawang Markahan
Taong-Panuruan 2019-2020

IKA-23 ng SETYEMBRE, 2019

MGA ARALIN NG PAGKATUTO


ASIGNATURA: Filipino 8
NILALAMAN: Ang Pag-ibig kay Flerida
MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:
 Natutukoy ang tamang salita na angkop upang mabuo ang diwa ng pangungusap (F8PB-Ivc-d-34)
 Naipapaliwanag kung ano ang tunay na pag-ibig at kailan nagpaparaya (F8PN-Ivc-d-34)
 Nakapaglalahad ng iba’t ibang opinyon sa paksang “Ano ang ibinubunga ng pagpaparaya?” (F8PD-
Ivc-d-34)
MGA KAGAMITAN:
Aklat – (Ikalawang Edisyon) Pinagyamang Pluma, pahina 489-491
Pantulong Biswal – Mga Manila Paper at Pentel Pen

MGA GAWAIN

A. PAGTUKLAS

 Pangganyak (Istratehiyang 8-clock Buddy)


Panuto:
1. Magpapakita ng larawan ang guro nakaraniwang hinahangad ng mga mag-aaral
o ang mga bagay na labis nilang iniingatan.
2. Itatanong ng guro.
 Paano mo iingatan ang iyong gamit? Ano ang gagawin mo kung
gustong-gusto mongingatan ang isang bagay?
3. Bibigyan ng pagkakataon na pagnilayan muna ng mga mag-aaral ang tanong.
Pagkatapos ay paharapin sila sa kanilang 8 o’clock buddy.

 Paglalahad (Istratehiyang Think-Pair-Share)


Panuto:
THINK: isusulat ng guro ang salawikaing “Kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng
tinapay.
PAIR: Para sa paharapin sila sa kanilang 8-o’clock Buddy.
SHARE: Ipabahagi ang kanilang kasagutan sa parareha.

Pagkatapos ng talakayan ay tatawag ang guro ng ilang kapareha upang magbahagi


ng kanilang mga isinagot sa bawat katanungan. Pagtibayin ang mga nakukuhang
ideya o mga sagot.

B. PAGLINANG

 Paghahawan ng mga sagabal (Istratehiyang Mix and Match)

Bago tuluyang tatalakayin ng guro ang akda ay magkakaroon muna ng paghahawan ng mga sagabal
upang lubusang na maunawaan ang mga mensahe at salitang nakapaloob sa akda sa pamamagitan ng
istratehiyang “Mix and Match”.
Panuto:
1. Ibibigay ng guro sa ilang mga mag-aaral ang mga salitang inihanda.
2. Sa loob ng isang (1) minuto hahanapin ng mga mag-aaral ang pares ng salitang kanilang
hawak-hawak. Sabay na ipapaskil ng pares na mag-aaral ang magkapares na salita.
3. Gagamitin ng pares na mag-aaral ang isa sa mga salitang kanilang napaskil sa pagbuo
ng pangungusap.

 Pormal na Pagtatalakay (Istratehiyang Sabayang Pagbigkas)


Panuto: Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral.

1. Uumpisahang babasahin ng guro ang tula.


2. Sasabihin sa mga bata, na kapag itinuro mo ang kanilang pangkat ay sila naman ang
babasa sa susunod na talutod. Kailangan maging handa ang pangkat na ituturo at
mabasa ito nang masining.
3. maaring bigyanng rekomendasyon o papuri ang pangkat na mahusay sa pagbigkas.
4. Pagkatapos babasahin ang walong saknong ay magsisimula ng magtatanong ang
guro:

Mga Katanungan:

1. Anong suliranin o problema ang dala-dala ni Aladin sa kanyang paglalagalag sa gubat?


2. Bakit kaya niya hinayaang maagaw ng kanyang ama ang kasintahang si Flerida?
3. Kung ikaw si Aladin, ano ang iyong gagawin kapag inagaw ang iyong minamahal?
4. Gagantihan mob a ang taong gumawa nito sa iyo, lalo pa’t siya’y ang iyong ama?
5. Kung babalikan mo ang kasaysayan ng ating bayan, sino o ano ang sinasagisag ng
pagdating ni Aladin sa gubat habang nakagapos at tila wala nang pag-asa ang kaawa-awang
si Florante? Ipaliwanag.
6. Nasubukan mo na rin bang makatulong sa isang taong nangangailangan? Sa paanong
paraan?

C. PAGPAPALALIM

 Pangkatang-gawain (Istratehiyang Inside-Outside Circle)


Panuto:

1. Itatanong sa mag-aaral: Ano ang tunay na pag-ibig? At kailan ba dapat magpaparaya?


2. Magpaisip sa mga mag-aaral ng dalawang pagsubok na kanilang naranasan at
nalampasan. Ipasulat ang mga ito sa isang buong papel. Ipasulat din kung paano
ito nagkaroon ng positibong epekt sa kanilang buhay.
3. Ibabahagi ang kanilang mga kasagutan sa pamamagitan ng Inside-outside-Circle.

D. PALILIPAT/PAGLALAPAT

 Pangkatang-gawain (Istratehiyang Question and Answer)

Sa pamamagitan ng tanong-sagot sa klase, itatanong ng guro:


1. Bakit dapat maging huwaran ang isang ama sa kanyang anak/mga anak?

E. PAGLALAHAT

 Paglalagom ng aralin (Istratehiyang Ticket to Leave)


Panuto:
1. Ipapasulat ang mga mag-aaral sa isang buong papel at ipapasagot ang katanungan na.
- Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang taong iyong minamahal?
- Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Aladin, sino ang pipiliin mo ang ama mo
ang babaeng iyong iniibig?
2. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang isang buong papel bilang ticket ng kanilang
pagtatapos sa pag-aaral ng mga saknong ng Florante at Laura na “Ang Pag-ibig Kay
Flerida”

F. EBALWASYON

 Pagtataya sa natalakay na aralin (Istratehiyang Pagsulat ng sanaysay)

 Bakit dapat maging huwaran ang isang ama sa kanyang anak/mga


anak?

IKA-24 ng SETYEMBRE, 2019

Lingguhang Pagsusulit #2

IKA-24 ng SETYEMBRE, 2019

MATH-SCI CELEBRATION

You might also like