Ang Kultura at Tradisyon NG Tsina

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG KULTURA AT TRADISYON NG TSINA

 Kilalang pagdiriwang sa Tsina - Spring Festival(Chinese New Year) ang itinuturing na


pinakamahalagang pista sa mga Tsino. Ito ay tradisyon na ipinagdiriwang ng mga Tsino sa
pagpasok ng bagong taon batay sa sinusundan nilang lunar calendar. Ang pagdiriwang ng
nasabing bagong taon ay nagbubukas sa paglitaw ng bagong buwan (new moon) at nagtatapos
labinlimang araw makalipas, sa paglabas ng full moon.
 Kilalang pagdiriwang sa Tsina - Lantern Festival(Yuanxiao Festival) Ito ang ika-15 araw ng
pagdiriwang ng bagong taon,isang magarbo at makulay na selebrasyon na ginaganap sa gabi.Ito
ang unang paglabas ng full moon ng taon.Ang araw na ito ay ang tradisyunal na panahon ng
pagsasalo-salo o pagsama-sama ng isang pamilya.
 Kasuotan - Ang kasuotan para sa mga babae ay tinatawag na Chenogsam at Zhongshan suit ang
para sa mga kalalakihan.
 Pagkain - Chinese dumplings ay isang tradisyonal na pagkain Na sikat sa Hilagang Tsina.
Dumplings ay binubuo ng tinadtad na karne at tinadtad na gulay balot sa isang manipis na piraso
ng kuwarta balat.
 Opera - Ang Peking Opera ay dinudula upang ipakita ang kasaysayan ng kanilang bansa na
ginaganapan naman ng mga lalake upang di mapahiya ang babae .Ito ay nagsimula noong 1790
sa ika-80 na kaarawan ni Haring Chien Lung sa Dinastiyang Qing.

ANG PANITIKAN NG TSINA


Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina. Hindi rinsila
pahuhuli sa larangan ng panitikan.Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asia na may pinakamayamang
panitikan. Sinasabi nga sa mga pag-aaral na kung gaano katanda at kayaman ang sibilisasyon ng mga
Tsino ay ganoon din katanda at kayaman ang kanilang panitikan. Mayaman ang Tsina sa iba’t ibang
klase ng panitikan, maging it man ay tuluyan o patula. Nagsimulang umusbong ang panitikan ng mga
Tsino noong panahon ng Dinastiyang Zhou (770-221 B.C.) at patuloy pa ring yumayabong sa
kasalukuyang panahon. Sino ba namanang hindi nakakikilala kay Confucius, isa sa mga iginagalang na
manunulat at pundasyon ngpanitikang Tsino. Sa kanya nagmula, o siya ang nagsilbing inspirasyon sa
paggawa ng mga Classics, isa sa mga tanyag na akda na nagmula sa bansang ito.

Patuloy ang pag-unlad ng panitikan ng mga Tsino sa paglipas ng panahon. Kabila-kabilaang mga
nagsusulputang manunulat na galing sa Tsina na siyang nagbibigay ng bagong dugoat bagong mukha sa
panitikan ng bansa. Saksi sa pag-usbong ng panitikang Tsino ang iba’t ibang dinastiyang naghari sa Tsina
noon. Minsan, lantarang pinipigilan ang pagkamalikhain ngmga Tsino dahil na rin sa takot ng ilan na
mawawala at tuluyang makalimutan ang mayamangkasaysayan ng bansa.Isa si Lu Xun (na may tunay na
pangalang Zhou Shuren) sa mga manunulat na walang takot na nagsulong ng makabagong tema at
kaisipan sa panitikan ng mga Tsino. Isa siya sa mga kinilalang lider ng The League of Left-Wing
Writersnoong taong 1930 na siyang nagsulongna kaisipang socialist realm sa panitikan ng bansa.

Sa kasalukuyan, kinikilala si Lu Xun na ama ng modernong panitikang Tsino. Ang kanyang


kuwentong A Madman’s Diary ay isa sa mga patunay kung gaano si kagaling sumulat gamit ang
makabagong pamamaraan ng pagsulat. Bukod dito, nakapagsulat na rin siyang iba’t ibang tulay,
sanaysay, kritisismong pampanitikan na kalimitang mabasa sa mga pahayagan na kapag pinagsama-
sama ay siya namang bumubuo sa kanyang mga libro.

You might also like