Pretest Fil10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Lipa City
Lipa City
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinagtongulan, Lipa City

PANIMULANG PAGTATAYA
FILIPINO 10

Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.


a. dagli c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
2. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
a. mito c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
a. pastoral c. soneto
b. elehiya d. dalit
4. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. dagli c. pabula
b. nobela d. parabola
5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula c. sanaysay
b. tula d. maikling kuwento
6. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng
isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng kababalaghan
7. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
a. mitolohiya c. alamat
b. epiko d. korido
8. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. Ibalon c. Gilgamesh
b. Illiad at Odyssey d. Beowulf
9. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong
_____________.
a. layunin at resulta c. paraan at resulta
b. paraan at layunin d. sanhi at bunga
10. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa aknilang lugar. ___________, karapat dapat lamang siya na mahalal
bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang
pangungusap.
a. tiyak c. dahil sa
b. tuloy d. kung gayon

Para sa bilang 11 at 12

Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap:

11. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche.
a. aksiyon c. pangyayari
b. karanasan d. proseso
12. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. aksiyon c. pangyayari
b. karanasan d. proseso
13. “Hindi matatalo ng sinuman ang taong iyan”. Anong konstruksiyong gramatikal ang gamit sa pangungusap upang
maipahayag ang emosyon?
a. pariralang nominal c. negatibong ekspresiyon
b. tanong retorikal d. ekspresiyong digri ng kasukdulan
14. Ang PAngulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo. Maliban sa paaralan at palaruan, ___________
rin ang nagtayo ng ating simbahan. Kaya naman, ang parangal na Pilantropo ng Taon ay karapat-dapat lamang para sa
kaniya. Anong mga panghalip panao ang maaaring isulat sa patlang?
a. ito c. ikaw
b. kami d. siya
15. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong itakwil. Palibhasa’y
ama, ___________ napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
a. sa wakas c. sa dakong huli’y
b. pagkaraa’y d. pagdating ng panaho’y
16. Lubhang nalibang si Marko sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikaapat na ng madaling-araw nang silang mag-asawa’y
umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay isang _______________.
a. maliit na Bangka c. pampasaherong dyip
b. lumang kotse d. kalesa
17. ___________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang tamang salita na ekspresiyon na
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. sa kabilang dako c. sa ganang akin
b. sa aking palagay d. sa paniniwala
18. Ang tauhang si Frollo sa nobeleng “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang paring nag alaga sa kubang si Quasimodo.
Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. stereotypical c. tauhang bilog
b. hindi stereotypical d. tauhang lapad
19. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng
pangungusap?
a. nagtataglay ng talinghaga c. maraming taglay na kahulugan
b. taglay ang literal na kahulugan d. lahat ng nabanggit
20. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
____________.
a. ama c. Diyos
b. bathala d. siga
21. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
a. Malupit ang amo sa kanyang alipin
b. Mausisa ang amo sa kaniyang alipin
c. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
d. Mapanglait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
1.) Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palsyo sa pamamagitan ng paglatigo
sa kaniyang katawan. 2.) Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na umuukit sa kaniyang katawan. 3.) Iniisip niya
ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. 4.) Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa akutusan ni Frollo na kailanman
ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. 5.) Kasabay ng sakit na nadarama ng kaniyang katawan ay
ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.

Para sa bilang 22 at 23

22. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod?


a. pangungusap 1 c. pangungusap 3
b. pangungusap 2 d. pangungusap 4
23. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?
a. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.
b. Lantad na matindi ang parusang ipinapataw sa mga nagkasala.
c. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.
d. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala.
24. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.
a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Tibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
25. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
26. Bakit masasabing higit na pinahahalagahan ng mga taga-Egypt ang buhay kaysa kamatayan?
a. Naniniwala silang ang kamatayan ay karugtong lang ng buhay.
b. Nagpapatayo sila ng mga piramide para sa mga namatay na paraon.
c. Makikita sa mga sinauna nilang tula ang pagpapahalaga nila sa kagandahan ng buhay.
d. Naniniwala silang ang kamatayan ay simula pa lamang nang walang hanggang kaligayahan.
27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamataysa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.

Para sa bilang 28

“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi
ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya
ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya nag pagkamatay.”

28. Ano ang damdaming nagingibabaw sa binasang pahayag na ito?


a. nagsisisi c. nalulungkot
b. nahihiya d. natatakot
29. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang
karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang _________________.
a. kakinisan c. kagandahan
b. kayamanan d. pinag-aralan

Para sa bilang 30

Labis na pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maiduduloy ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi
nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan,
ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.

30. Kung ikw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga pangarap sa buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay sa akin ng masagang
buhay.
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano ang kayang ibigay sa akin ng
aking asawa.
c. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang aming buhay.
d. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay upang lalo
siyang magsumikap.
31. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap na kasunod?____________ isa sa magaganda’t mapanghalinang
babae na sa pagkakamli ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
a. Siya’y c. Ako’y
b. Ika’y d. Kami’y
32. Malimit na sa pagmamasid _________ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay
nakadarama si Marissa ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso. Anong panghalip ang angkop
sa patlang ng pangungusap?
a. niya c. nito
b. nila d. sila
33. Aling pangyayari o bahagi sa nobela ang hindi angkop na ilapat ang teoryang humanism?
a. Ang kaniyang buhay ay umiikot lang sa pagiging asawa at ina.
b. Ang pagnanais na pagbabago para sa kalayaan ng bansa.
c. Ang pagsisikap sa hanapbuhay upang makamtan ang kaginhawahan.
d. Ang pakikialam ng mamamayan sa katiwaliang naganap sa pamahalaan.

“May Isang Pangarap”


Ni Teodoro Gener

May isang pangarap akong ninanais,


Sana sa buhay ko’y mangyaring sumapit;
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
sa palad na ito huwag ipagkait.

Panaho’y nagdaan at sa aking palad,


Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod, napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit….umalpas.

34. Ano ang positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?


a. Hindi pagsuko sa mga pagsubok.
b. Pagiging determinado sap ag-abot ng pangarap.
c. Paggawa ng ano man makamit lamang ang hangarin sa buhay.
d. lahat ng nabanggit.
35. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng tula?
a. Mapagbiro ang tadhana.
b. Kung hindi ukol ay hindi bubukol.
c. Ang sumusuko sa buhay ay lagging talo.
d. Kung may nais marating, amgsumikap sa buhay.

Piliin sa loob ng kahon ang hinihingi sa bawat bilang. (Elemento ng Maikling Kuwento)

Paksang diwa Suliranin


Himig Pagtutunggali
Galaw Salitaan
Banghay Paningin
Kakalasan Kasukdulan

36. Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


37. Tumutukoy sa kulay ng damdamin.
38. Ito ang pang-isipang iniikutan ng mga pangyayari sa akda.
39. Kailgangang ito ay magawa ng natural at hindi artipisyal.
40. Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa katapusan ng akda.
41. Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ang kanyang mga kasalungat.
42. Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring
makikita at maririnig niya.
43. Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang
suliraning ito sa wakas ng katha.
44. Pinakamataas na uri ng pananabik.
45. Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

Inihanda Nina:

MYRA LYN D. DIOKNO


Guro sa Filipino

Binigyang Pansin Ni:

MAY G. FABUL
Officer-in-Charge

You might also like