FIL 11 Pretest
FIL 11 Pretest
FIL 11 Pretest
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo
PANUTO:
Basahin at unawain ang mga sumunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
5. Ang salitang bulaklak ay pampanitikan ang antas ng wika ayon sa pagkakagamit dahil
a. Ginagamit ito sa buong bansa
b. Ginagamit ito sa partikular na pook o lalawigan
c. Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
d. Masining at malikhain ang kahulugan nito
6. Batay sa tula, ang salitang bulaklak ay tumutukoy sa
a. Babae b. Haponesa c. Nanay d. Sundalo
7. Isinulat ang “Tutubi” sa Panahon ng Hapones, gamit ang mga konseptong pangwikang natutunan, ano
ang kahulugan ng tutubi?
a. Sundalong Hapon c. Babaeng Filipina
b. Magsasakang Nakikipaglaban d. Girelyang Kinatatakutan
8. Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika kapag
a. Ginagamit ito sa pagtuturo ng mga wika sa paaralan
b. Ginagamit ito upang magkaunawaan ang lahat
c. Ginagamit ito sa mga transaksiyon sa gobyerno
d. Ginagamit ito na wikang katutubo sa isang pook
12. Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Habang
lumalaki ang bata ay nagkaroon ito ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring
magmula sa telebisyon o iba pang tao.
Bakit mahalagang matutuhan ng isang bata ang pangalawang wika (L2)?
a. Upang magkaroon pa ng sapat na aksanayan at husay sa pagpapahayag at pakikipag-usap.
b. Upang matotohan ang mga wikang ginagamit sa lipunang ginagalawan.
c. Upang masanay sa pakikipag-ugnayan sa mga banyaga.
d. Upang maging bihasa sa paggamit ng unang wika (L1).
13. Ang lipunan ay binubuo ng mga iba’t ibang uri ng taong naninirahan ng maayos at mapayapa gamit
ang wika. Ano ang posibleng epekto sa isang lipunan na walang wikang ginagamit?
a. Makipag-ugnayan gamit ang mga simbolo.
b. Maninirahan ng maayos at mapayapa.
c. Mahihirapan sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa bawat isa.
d. Maayos na pagsasamahan sa kapila ng kakulangan ng wika.
14. Ayon sa pagpapakahulugan ng wika ni Henry Gleason, nakapaloob sa kahulugan ang kanyang ibinigay
ang tatlong katangian. Isa sa mga ito ay: ang wika ay masistemang balangkas.
Ano ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit?
a. Ang wika ay buhay at dinamiko.
b. Ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin.
c. Ang wika ay binubuo ng makabuluhang tunog o ponema.
d. Ang wika ay ginagamit ng mga grupo ng tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.
15. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal at binubuo ng mahigit 150 wika. Kaya, sa pagpapatupad
ng DepEd ng K to 12 Curriculum kasabay na ipinatupad ang isang probisyon na tinatawag na MTB-
MLE o Mother Tongue Based-Multinggual Education.
Paano inilarawan ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa ilalim ng programang ito?
a. Epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung unang wika (L1) ang gagamitin sa kanilang pg-
aaral.
b. Madaling matuto ang mga mag-aaral gamit ang tatlong uri ng wika.
c. Nauunawaan ng mag-aaral ang mga sumusunod na gawain gamit ang ikalawang wika (L2).
d. Mabilis ang pagkatuto gamit ang iisang wika.
16. Ang wika ay nawawala o namamatay rin. Sa anong sitwasyon masasabi na ang wika ay namamatay?
a. Namamatay ang wika kung ito ay minsan nang ginagamit.
b. Namamatay ang wika kung iisang pangkat lamang ng tao ang gumagamit.
c. Namamatay ang wika kung nawawala na at hindi na ginagamit.
d. Namamatay ang wika kung ang nagsasalita nito ay iba-ibang grupo.
17. Natututong magtanong at sumagot ang tao, mag-eksperimento kung tama o mali, at natututong
tumtuklas ng bagay-bagay sa paligid at kumuha ng luma at bagong kaalaman? Anong gamit ng wika
ang tinutukoy sa pahayag?
a. Imahinatibo b. Regulatoryo c. Representatibo d. Euristiko
18. Sumulat ng liham pangangalakal si John Raymond. Ano ang gamit ng wika sa sitwasyon?
a. Instrumental sapagkat may katangian itong tumutugon sa mga pangangailangan.
2
b. Regulatoryo sapagkat may katangian na gumagabay sa kilos at asal ng iba.
c. Interaksiyonal sapagkat may katangian itong nakapagtatag ng relasyong sosyal
d. Personal sapagkat nagpapahayag ito ng damdamin o opinion
19. Nakasalubong mo ang dati mong kaibigan na matagal na panahong di kayo nagkita at nais mo siyang
yayaing kumain. Paano gagamitin ang interaksiyunal na gamit ng wika?
a. Maaari ka bang imbitahang kumain para naman makapagkuwentuhan tayo?
b. Gusto kong sumama ka sa akin para marmeryenda.
c. Bakit ngayon lang tayo nagkita, kumain kna ba?
d. Kung ikaw kaya, saan mo gusting kumain?
20. . Nakagawa ka nang kasalanan sa iyong kasintahan. Paano mo siya kakausapin nagamit ay
instrumental na gamit ng wika?
a. Maaari mo ba akong mapatawad sa ginawa kong kasalanan?
b. Hindi mo ba akong mapapatawad?
c. Sabihin mo sa akin kung paano ako makabawi sa kasalanan ko?
d. Nais kong humingi ng tawad sa kasalanang aking nagawa.
21. “Huwag kang umalis ng bahay ngayon,” ang sabi ng nanay. May tungkulin ang wikang upang kontrolin
ang pag-uugali o asal ng ibang tao. Isa sa pangunahing halimbawa nito ay ang pagbibigay ng
direksiyon gaya ng pagtukoy ng tamang lokasyon ng isang particklar na lugar.
a. interaksyunal c. heuristiko
b. regulatoryo d. personal
22. Sumulat si Rise ng sariling tula hinggil sa pagmamahal sa magulang. Ano ang gamit ng wika na
tinutukoy sa sitwasyon?
a. Regulatoryo c. interasksyunal
b. Personal d. heuristiko
23. Sa mall tayo unang nagkita, dito kita unang nakilala. Alin sa mga sumusunod ang cohesive device
ang siyang ginamit sa pahayag?
a. tayo c. nakilala
b. dito d. mall
24. Kapag nakita ko si Gng. Angela Castro ng personal, magpakuha ako ng napakaraming litrato kasama
___________. Anong cohesive device ang pinakaangkop gamitin sa patlang?
a. sila c. siya
b. nila d. niya
25. Sinasabing malaking bahagi ng ginawa ng mga katutubo noon ay hindi na matagpuan sapagkat
sinunog na ng mga dayuhang Espanyol ang mga ito dahil kagagawan daw ito ng mga diyablo. Maliban
sa dahilang iyon, nabuo ang ka ilang sarili na magiging sagabal ang mga iyon sa pagpapalaganap nila
ng pananampalatayang Katoliko. Ang pahayag na ito ay nagpapahayag ng ____________________.
a. Katotohanan, dahil nahirapan ang mga dayuhang Espanyol na sakupin ang Pilipinas kaya
ginawa nila iyon.
b. Hindi totoo, hindi gawain ng mga dayuhan Espanyol na pumatay ng kapwa.
c. Katotohanan, malaking bahagi ng Katutubo ang hindi matagpuan ngunit hindi ito kagagawan ng
mga Espanyol.
d. Hindi totoo, walang naganap na malawakang pagpatay sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol.
26. Alin sa mga pinagdaang pangyayari sa panahon ng Amerikano ang nakatulong sa pagbuo ng wikang
pambansa?
a. Lumaganap ang baybayin bilang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.
b. Nagkaroon ng Probisyong sa Konstitusyon hinggil sa pagkakaroon ng wika.
c. Dumami ang mga sulatin pampanitikan na naisulat sa wikang Tagalog.
d. Naglabas ng kautusan na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edispisyo at tanggapan ng pamahalaan
ay nakasulat sa katutubong wika.
27. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”
Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
a. Ipagmalaki ang wikang Pilipino sa iba pang wika.
b. Gamitin sa lahat na pagkakataon ang wikang Filipino.
c. Huwag kalimutan ang pinagdaanan ang wikang Filipino.
3
d. Gamitin at magiging bukas sa anumang pagbabago sa wikang Filipino.
28. Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang wikng Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan?
a. wika ng sentro ng edukasyon c. wika ng sentro ng bayan
b. wikang sentro ng kabuhayan d. wika ng sentro ng lipunan
29. Anong probisyong pangwika ang nagtakda na Filipino ang Pambansang Wika ng Pilipinas?
a. Proklamasyon Blg. 186 c. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
b. Artikulo XIV Sek. 6 d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
30. Ano ang kauna-unahang tawag sa Wikang Pambansa ng Pilipinas
a. Pilipino c.Tagalog
b. Filipino d.Wikang Pambansa na batay sa Tagalog
31. Naging biktima ng politika ang wikang Tagalog. Nag-uumpisa pa lang sana itong lumago ay napailalim
naman ito sa dayuhang wika. Batay sa pangyayari, mahihinuha na ________________________.
a. ang wikang Tagalog ay buhay
b. marami ang nagkainteres sa wikang Tagalog
c. ang wikang Tagalog ay katulad na rin sa wikang banyaga
d. matayog na ang narating ng wikang Tagalog kaya nagustuhan ito ng mga dayuhan
32. Paano nagsimula ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan?
a. Sa bisa ng Batas Komonwelt blg. 570
b. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap 263
c. Sa bisa ng Artikulo XIV ng Konstitusyon
d. Sa bisa ng Memo Sirkular 96
33. Isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod
sa naturang batas, alin rito ang hindi tungkulin ng surian?
a. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika
b. Magsulong na Tagalog bilang wikang pambansa
c. Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at pantikikang
tinatanggap
d. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika
34. “ Binigyang-diin ko at ipinagsisigawan sa aking istatus na ito sa facebook ang aking opinyon hinggil sa
hindi pantay na pagtingin sa mga babae at lalaki. Nawa’y sa darating na panahon, ating makikita ang
kahalagahan ng papel na ginagampanan ng babae sa lipunan kapantay ng mga lalaki” . Ano gamit ng
wika sa sitwasyong ito?
a. Personal b. heuristiko c. representatibo d. imahinatibo
35-39. Suriin ang pahayag. Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap.
35. Halika nga rito Jovito, kunin po ang tingting na iyon at ___________ mo ang mga tuyong dahon sa
bakuran?
a. Walisin b. walisan c. alisin d. alisan
36. Tatlong buwan ______ tinapos ni Rafael ang kubong iyan.
a. Din b. daw c. rin d. raw
37. Binili __________ ang kalupi para kay Lola Socorro.
a. Sila b. nila c. nina d. sina
38. Heto ka na naman. Kumakatok sa aking ___________. Anong angkop sa pahayag?
a. Pintuan b. pinto c. bintana d. bubong
39. Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating nabasa na tumatalakay sa
iba’t ibang paksa o isyu. Alin sa mga parirala o sugnay sa ibaba ang may hindi angkop na salitang
ginamit sa pangungusap?
a. Sa pelikula man o sa telebisyon
b. Iba’t ibang uri ng dokumentaryo
c. Ang ating nabasa na tumatalakay
d. Iba’t ibang paksa o isyu
4
40. Lumiban ang kaklase mong naatasang para manalangin sa flag ceremony. Ikaw ang tagapangalaga at
tagapagdaloy ng nasabing aktibidad. Nakita mo si Leah at nilapitan mo para hilingin na siya ang
mamuno sa pagdarasal. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Tulungan mo naman ako!
b. Ayos lang bang ikaw ang mamuno sa panalangin?
c. Gusto kong ikaw ang mamuno sa panalangin.
d. Ikaw ang inaatasan kong mamuno sa panalangin!
41. Kapag napansin mong hindi nababagay ang damit ng iyong kaibigan sa okasyong pupuntahan subalit
hindi mo direktang mabanggit sa kaniya dahil baka masaktan ang kaniyang damdamin, ano ang maaari
mong sabihin?
a. Bilis, palitan mo iyan kasi hindi nababagay sa okasyon ating pupuntahan.
b. Napakaganda naman ng damit mong iyan, tayo na at umalis!
c. Maganda sana ang damit na napili mo, subalit hindi ito nababagay sa okasyong pupuntahan natin.
d. Huwag kang magsusuot ng ganyan, hindi bagay sa okasyon.
42. Sumusulat ka sa iyong boss upang bigyan ka ng pabor sa iyong hinihiling. Alin sa mga pahayag ang
nagtataglay ng angkop na mga salita na maaari mong gamitin sa iyong sulat?
a. Sana postibo ang iyong magiging tugon sa aking kahilingan.
b. Ito ay aking karapatan kung kaya pagbigyan mo ako.
c. Okay lang ba na mapagbigyan mo ako?
d. Sige na! Pagbigyan mo na ako, minsan lang naman ito.
43. Ano ang pinakaunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng pananaliksik?
a. Papapahayag ng layunin ng pananaliksik
b. Pagpili ng paksa
c. Paglalahad ng mga kaugnay na pag-aaral
d. Pagtukoy ng suliranin ng pag-aaral
44. Sa pagtalakay ng resulta ng pananaliksik , ano ang dapat pinakaisasaalang-alang?
a. Ipakita ang lohikal na presentasyon ng datos at resulta batay sa mga tanong na sinagot
b. Isaad ang buod ng pag-aaral
c. Ipakita ang pangunahing sangguinan na gagamitin sa pananaliksik
d. Isulat ang tentatibong kasagutan sa tanong ng mananaliksik o mga pala-palagay
45. Alin ang hindi ka huling ginagawa sa pananaliksik
a. Pagpili ng paksa c. pagkalap ng datos
b. Paglalahad ng suliranin d. kongklusyon
a. Gunning, T.G. (2000). Creating literacy instruction for all children. Boston: Allyn and Bacon.
b. Gunning, Tonny Grace. (2000). Creating literacy instruction for all children. Boston: Allyn and
Bacon
c. Tonny Grace Gunning. (2000). Creating literacy instruction for all children,Allyn and Bacon : Boston
d. Gunning, Tonny Grace. (2000). Creating literacy instruction for all children. Boston: Allyn and
Bacon.
Inihanda ni :
6
51. Batay sa nasabing suliranin, sa anong kategorya ng pananaliksik ito mabibilang?
a. Palarawan c. Kwalitatibo
b. Ekspiremental d. kwantatibo
52.
7
8
9