CO 2 Fil

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional process by using
principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)
Detailed Lesson Plan (DLP) Format

School Pitalo Elementary School Grade Level 6


Teacher Yvonne A. Cabrera Learning Area Filipino
Time & Dates Quarter 3rd Quarter
Code F6WG-IIId-f-9

I.Mga Layunin:
Kaalaman Nakakapagbibigay ng halimbawa ng mga salita gamit ang pang-uri
Kasanayan Nakikilala ang mga salitang pang-uri
Kaasalan Nagagamit ang mga salitang pang-uri sa pagbibigay ng sariling ideya
sa paksa
Kahalagahan Naibabahagi sa mga tao ang kahalagahan sa wastong gamit ng pang-
uri at sa sariling ideya o kaisipan
II. Nilalaman Pang-Uri
III. Mga Kagamitang Projector, laptop, manila paper, marker at worksheets
Pampagtuturo
IV. Pamaraan
Panimulang Gawain Ano Ang Pang-uri?
-Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay
deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito
upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.
Halimbawa ng mga Pang-uri
Maganda, mataas, pulang-pula, balat-sibuyas at mapagbigay

Gamitin ang mga halimbawa sa pagbuo ng pangungusap:


 Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na
ito.

 Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.


 Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa
kaarawan niya.
 Huwag ka nang magtaka, talagang balat-sibuyas siya.
 Mapagbigay talaga ang pamilya nina Josue at Roxanne
kaya maraming biyaya ang dumarating sa kanila.

Gawain Itanong:
Sino sa inyo ang makapagbibigay pa ng ibang halimbawa ng
salitang pang-uri?

Pagsusuri Ipakita ang sumusunod na larawan. Magbigay ng pangungusap


tungkol sa mga larawan na ipinakita gamit ang pang-uri.

Paglalapat Pangkatang Gawain: ihati ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat.


Gamitin ang mga salitang pang-uri sa pagbuo ng pangungusap. Isulat
sa manila paper at ilahad ang mga nabuong pangungusap sa harap
ng klase.

Unang pangkat:
1. Seryoso
2. Matalino
3. Malapad
4. Hugis-bilog
5. Masayahin

Ikalawang pangkat:

1. Kulay-asul
2. Matamis
3. Isang-kilo
4. Masipag
5. Makinis

Pagtataya Sagutin:

Salungguhitan ang salitang pang-uri na nasa pangungusap.

1. Napakamatulungin na bata itong si Andren.


2. Ang rosas ay kulay-pula.
3. Masisiglang naglalaro ang mga bata sa parke.
4. Ang ginawa niyang saranggola ay hugis-tatsulok.
5. Bumili si nanay ng dalawang-kilong bigas sa tindahan.

Assignment Pag-aralan muli ang pang-uri at ang mga halimbawa nito para sa
pagsusulit bukas.
V. REMARKS Carried-out

VI. REFLECTION

You might also like