DT Epp 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DANHILL ACADEMY

NIA Road Brgy. Salawag, Dasmarinas City, Cavite


S.Y. 2019-2020
DIAGNOSTIC TEST IN EPP V
PANGALAN:________________________________________________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
napiling sagot.

AGRIKULTURA

1. Ang halaga o presyo ng halamang gulay ay ibinabatay sa mga ito maliban sa isa. Alin
ito?
a. Uri at klase ng halamang gulay
b. Laki ng halamang gulay
c. Itsura ng nagtitinda
d. Haba at tagal ng pag-aalaga
2. Napagkaisahan ng mga bata sa ikalimang baiting na magtanim ng bungangkahoy na
mayaman sa bitamina A at C sa looban ng paaralan. Alin sa mga ito ang kanilang
pipiliin?
a. Kamote at gabi
b. Kadyos at bataw
c. Mansanas at ubas
d. Guyabano at bayabas
3. Ang mga gulay tulad ng kamote, gabi, saba at mais ay mayaman sa
a. Bitamina
b. karbohaydrato
c. protina
d. fats
4. Ang compost ay isang organikong abono.Alin sa mga ito ang hindi maaaring gawing
compost?
a. Dumi ng hayop
b. plastic at papel
c. mga balat ng prutas at gulay
d. tuyong damo o dahoon
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting dulot ng kaalaman ng palatandaan ng pag-
ani?
a. Malalaman kung kalian aanihin ang mga pananim
b. Magaganda at hinog na produkto ang maaani
c. Maiiwasan ang pagkasira at pagkabulok ng produkto
d. Makakapagbigay ka ng ani sa kapitbahay
6. Alin sa mga ito ang ang pinakamagandang dulot ng paggawa ng talaan ng puhunan at
gastos?
a. Makikita kung sino ang mga pinagbentahan
b. Malalaman kung ang negosyo ay kumikita o nalulugi
c. Malalaman kung kanino ka may utang
d. Malalaman kung saan napunta ang pera
7. Alin sa sumusunod ang hindi lahi o uri ng poltri?
a. Maraming mangitlog o Egg type breed
b. Mabilis lumaki o meat type breed
c. Maraming mgitlog at mabilis lumaki o Dual type breed
d. Panabong o fighting breed
8. Alin sa mga manok na ito ang mainam na alagaan para itlog?
a. Sekalb
b. Cobb
c. White leghorn
d. Hubbard
9. Alin sa sumusunod ang hindi paraan ng pag-aalaga ng isda?
a. Paggawa ng palaisdaan
b. Paggamit ng drum
c. Paggamit ng malalking gulong
d. Paggamit ng artipisyal na sapa
10. Ang tilapia ay maari ng anihin pagkalipas ng _______.
a. Isang buwan
b. Dalawang buwan
c. Tatlong lingo
d. Apat na lingo
11. Sa paggawa ng talaan ng pagsubaybay at pag-aalaga ng hayop/isda ay
a. Isang tao lang ang gagawa
b. Ayos lang na may ilang hindi masunod
c. Maaring gawin ng kahit sinong miyembro ng pamilya na may libreng oras
d. Ang gumawa lang ang nakakaalam
12. Alin sa mga hayop na aalagan mo ang mainam na pagkunan ng gatas?
a. Bibe
b. Kalabaw
c. Baboy
d. Itik

HOME ECONOMICS

13. Alin ang nagpapatunay na si Alden ay binata na?


a. Lumalaki ang baywang
b. Pumipiyok at may tumutubong buhok sa kilikili
c. Lumiliit ang braso
d. Lumalapad ang balakang
14. Masakit ang puson ni Mae dahil siya ay may regla. Alina ng mabuti niyang gawin?
a. Maligo
b. Maglaro
c. Magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson
d. Maglinis ng bahay
15. Bakit tinuli ang isang lalaki?
a. Upang maging macho
b. Upang manatiling malinis ang dulo ng tunod
c. Upang mabago ang kilos
d. Upang maging matangkad
16. Alin sa sumusunod ang walang katotohanan kapag may regla?
a. Ang pagkaloka ay sanhi ng paliligo kung may regla.
b. Ang maagang ehersisyo ay nakabubuti sa katawan
c. Balutin ng dyaryo o plastic ang napking ginamit bago itapon sa basurahan
d. Kumunsulta sa manggagamot kung parating nanakit ang puson.
17. Ano ang gagawin mo upang maalis ang tsiklet sa iyong damit?
a. Ibabad sa maligamgam na tubig, sabunin, ikula at banlawan
b. Paghaluin ang kalamansi, asin, gawgaw at sabon, ipahid sa mantsa, ibilad at
labhan
c. Kuskusin ng yelo hanggang tumigas. Kayurin kutsilyo. Lagyan ng langis at
kayurin hanggang maalis
d. Pahiran ng turpentina ang may mantsa, sabunin sa mainit na tubig at banlawan.
18. Ano ang iyong gaawin kung nais mong maalis ang pintura sa iyong damit?
a. Ibabad sa maligamgam na tubig, sabunin, ikula at banlawan
b. Paghaluin ang kalamansi, asin, gawgaw at sabon, ipahid sa mantsa, ibilad at
labhan
c. Kuskusin ng yelo hanggang tumigas. Kayurin kutsilyo. Lagyan ng langis at
kayurin hanggang maalis
d. Pahiran ng turpentina ang may mantsa, sabunin sa mainit na tubig at banlawan.
19. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng isang ina?
a. Gawin ang mabibigat na Gawain katulong ang panganay na anak
b. Gumawa ng badyet para sa pangangailangan ng mag-anak
c. Haligi ng tahanan
d. Maghanapbuhay upang magkaroon ng ligtas na tirahan, sapat na pagkain,
maayos na pananamit at masayang pagsasama.
20. Ano ang pinakamahalagang silid ng isang bahay at dapat na panatilihing maayos at
malinis dahil dito hinahanda ang pagkain ng mag-anak?
a. Silid-kainan
b. Silid-lutuan
c. Silid tulugan
d. Silid tanggapan
21. Anong klaseng flower arrangement ang pabilog na ayos ng halu-halong mga bulaklak sa
plorera?
a. Line arrangement
b. Ikebana
c. Mass Flower arrangement
d. Bouquet arrangement
22. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng tamang pag-aalaga ng makina?
a. Lagyan ng langis ang makina
b. Ilagay ang makina sa lugar na napaglalaruan ng mga bata
c. Palagiang punasan ang makina bago at pagkatapos gamitin
d. Iwasan ang palagiang paglilipat ng makina
23. Ano ang tawag sa talaan ng mga panindang napamilia t mga panindang lagging binibili?
a. Talaan ng pagbili
b. Talaaan ng mga biniling paninda
c. Talaan ng mga panindang hindi nabibili
d. Talaan ng mga panindang inutang
24. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagpaplano ng pagkain?
a. Bilang ng miyembro ng mag-anak
b. Lagay ng panahon
c. Kaalaman sa pagluluto
d. Lakas kumain ng bawat kasapi ng mag-anak
25. Alina ng hindi bunga ng matalinong pagpaplano sa paggawa ng proyekto?
a. Makakatipid ka sa panahon
b. Magiging madali ang paggawa
c. Makatitipid sa materyal at pera
d. Makakahanap ng taong gagawa

SINING PANG-INDUSTRIYA

26. Malaki ang naitutulong sa mag-anak na may kaalaman sa gawaing kawayan sa kanilang
a. Pangungutang
b. Pag-unlad
c. Pag-iisip
d. Pag-aaliw
27. Ano ang karaniwang tumutubo sa lahat ng pook ng Pilipinas?
a. Metal
b. Kawad
c. Kawayan
d. Kahoy
28. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin?
a. Makipag-usap habang gumagamit ng maselang kagamitan.
b. Ilagay ang mga kasangkapan sa paggawa sa bulsa ng pantalon
c. Iwasan ang paggamit ng mga kasangkapang kinakalawang
d. Maglagay ng panakip sa bibig at mata habang gumagamit ng welding machine
29. Anong halaman ang nahahawig sa puno ng saging na ginagamit sa paggawa ng lubid at
basket?
a. Kawayan
b. Abaka
c. Damo
d. Niyog
30. Aling uri ng damo ang ginagamit sa paggawa ng mesa at upuan?. Ginagamit din ito sa
paggawang bahay kubo.
a. kawayan
b. abaka
c. damo
d. niyog
31. Kilala sa tawag na “puno ng buhay” dahil sa lahat ng bahagi nito ay may gamit at
mahalaga.
a. Kawayan
b. Abaka
c. Damo
d. Niyog
32. Kapag umuuga ang sandalan o paa ng mesa o silya, dapat itong lagyan ng ______
a. Pako
b. Turnilyo
c. Bisagra
d. Brace
33. Aling ang ginagamit na pang-ikot o panghigpit ng turnilyo?
a. Plais
b. Disturnilyador
c. Lyabe de tubo
d. Martilyo
34. Alin sa sumusunod ang ginagamit na kagamitang dekuryente na malayo sa saksakan?
a. Tester
b. Fuse
c. Insulator
d. Extension cord
35. Ano ang kasangkapang ginagamit sa pagsubok kung ang isang bagay ay dinadaluyan
ng kuryente o hindi?
a. Lapis
b. Tester
c. Lanseta
d. Gwantes
36. Alin sa sumusunod ang maiiwasan sa paggamit ng angkop na switch?
a. Brownout
b. Mataas na singil ng kuryente
c. Short circuit
d. Pagbaba ng supply ng kuryente
37. Alin sa sumusunod ang magaspang na papel na ginagamit sa pagpapakinis ng kahoy?
a. Papel de hapon
b. Papel de liha
c. Katam
d. Masilya

ICT AT INTERPRENEURSHIP

38. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaring pagkakitaan?


a. Pananahi
b. Pagbebenta ng kalakal
c. Pagsira ng gamit
d. Pag-aalaga ng hayop
39. May pabrika na malapit sa bahay niyo at tuwing tanghali ay lumalabas ang mga
manggagawa rito. Anong negosyo ang maari mong itayo?
a. School supplies store
b. Paggawa ng potholder at doormat
c. Lumber
d. Karinderya
40. Ano ang tawag sa mga bagay na hindi kailangan pero pinapangarap ng mamimili upang
mapaganda ang buhay?
a. Wants
b. Needs
c. Leisure
d. Business
41. Alin sa mga ito ang hindi nakakaimpluwensya sa pagbili ng isang tao?
a. Pagsunod sa uso
b. Presyo
c. Kulay
d. Kita o sahod
42. Alin sa sumusunod ang hindi maaring gamitin sa pagsha-share ng files?
a. ShareIt
b. Bluetooth
c. Gmail
d. Clash of Clans
43. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng responsableng pamamaraan sa
pagsalisa discussion foru at chat?
a. Gumagamit ng tamang pananalita sa pakikipagchat.
b. Gumagamit ng kilalang chat application
c. Hindi pag-log-out ng account pagkatapos makipagchat
d. Pinag-iisipang mabuti bago rumehistro sa mga kahina-hinalang website
44. Aling search engine ang kilala bilang email provider site at dating yellow page directory?
a. Google
b. Bing
c. Yahoo Search
d. Ask
45. Ito ay isang impormal na pagtitipon online ng mga indibidwal upang magpalitan ng
impormasyon hinggil sa maraming bagay.
a. Discussion Board
b. Discussion Class
c. Discussion Group
d. Online Chat
46. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring gamitin sa paggawa ng discussion thread
o discussion group?
a. Facebook
b. Google
c. Internet
d. Yahoo
47. Ano ang maaaring pag-usapan sa mga discussion thread o sa discussion group?
a. Buhay ng kapitbahay
b. Makabuluhang bagay
c. Mga problema sa buhay
d. Mga tsismis sa artista
48. Ito sy isang makabagong paraan ng mahusay na komunikasyon kung saan
nakapagbibigay ng mas mahusay at mas malinaw na impormasyon sa isang bagay.
a. Postcard
b. FlipBoard
c. Slide Presentation
d. Tables and Charts
49. Ito ay isang paraan upang mapabilis ang pagbubukas o pag-access sa isang paborito o
lagi mong ginagamit na websites.
a. Paggawa ng shortcuts
b. Pagta-Tag
c. Pag-bookmark
d. PagSave For Offline Reading
50. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa
pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file system.
a. Computer-Aided Design
b. Word Processing Application
c. Portable Document Editor
d. File Converter

You might also like