MGA KONSEPTO NG PANGWIKA Cabinatan Alajid Rivera
MGA KONSEPTO NG PANGWIKA Cabinatan Alajid Rivera
MGA KONSEPTO NG PANGWIKA Cabinatan Alajid Rivera
Ang tinatawan na “mga wika ng Pilipinas” ay ang iba’t-ibang wikang katutubo o diyalekto na
sinasalita sa buong kapuluan ngunit hindi tiyak ang bilang ng mga ito, may nagsasabi na 170.
Wikang katutubo ang tawag sa wika nakinamulatan ng isang indibidwal mula sa kanyang
kapanganakan hanggang sa paglaki, ito rin ay tinatawag na unang wika o inang dila.
Republic Act No. 7104 ang lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Republic Act No. 7104 Sec. 3 Nakasaad ditto na ang mga wika sa Pilipinas ay tumutukoy sa
wikang katutubo at ang pambansang wika.
Nakasaad dito na ang wikang opisyal ay ang wikang ginagamit sa loob at labas ng sangay at
ahensiya ng gobyerno sa pakikipagtalastasan o pakikipagtalakayan.
1899 Konstitusyon (Republika ng Malolos) - Espanyol at opisyonal ang mga wikang sinasalita sa
kapuluan.
1935 Konstitusyon- Ingles at Espanyol
Hunyo 7, 1940 Komonwelt Blg. 570- ang wikang opisyal ay ang wikang Pambansa mula Hulyo 4,
1946
1959- Pilipino ang opisyal na pangalan ng wika ng gobyerno at pagtuturo
1987 Konstitusyon- Filipino ang wikang opisyal at Ingles hanggang pinahihintulutan ng batas.
Executive Order No. 335- iniutos ng batas na ito ang pagsasalin ng “Panunumpa sa
Katungkulan”, pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula sa wikang Filipino.